You are on page 1of 13

Ang pananaliksik, ginawa man ito ng

mag-aaral o ng isang dalubhasa ay may


maiaambag ito sa lipunan. Mailalahad ng
mananaliksik ang kabuluhan ng kaniyang
pag-aaral sa bahaging gamit ng paksa.

Ang gamit ng paksa ay paglalarawan sa


kontribusyon ng pananaliksik sa lipunang
kaniyang ginagalawan at maging sa partikular
na mga mambabasa.
Sa pagsulat ng gamit ng paksa ay kailangang
sumangguni sa mismong paksa at tukuyin ang
larangang kinabibilangan ng pananaliksik saka
ilahad kung paanong makababahagi ito sa iba
pang mga pag-aaral.

Sinasagot nito ang mga sumusunod na tanong:

• Sino-sino ang mga makikinabang sa paksa?


• Paano sila makikinabang sa paksa?
Sinasagot din ang alinman sa mga sumusunod
na tanong sa kung paanong tiyak na makababahagi
ang paksa:

• Ano ang bagong pananaw na maibibigay ng


pag-aaral sa paksa?
• Ano ang gamit nito sa publiko?
• Paano malulutas ng pananaliksik ang
kasalukuyang problema inilalahad ng paksa?
• Paano ito makaiimpluwensiya ng pagbabago sa
polisiya?
• Paano ito makapagpapasulong sa pag-aaral ng
paksa?
Ayusin ang mga gamit ng paksa mula sa
pangkalahatan tungo sa mga tiyak na
kontribusyon ng pag-aaral.

Narito ang ilang halimbawa:

Paksa: Paggamit ng kabataan sa social


media at ang epekto nito sa kaugalian at pag-
aasal ng mga mag-aaral sa mataas na
paaralan
• Para ito sa publiko, upang maipaunawa sa
mga kabataan ang epekto ng social media sa
kanilang pag-aaral

• Para ito sa larangan ng edukasyon, upang


makabahagi sa iba pang pag-aaral sa pag-
unawa sa impluwensiya ng teknolohiya sa
pag-aaral ng kabataan

• Para ito sa mga guro at iba pang nasa


larangang akademiko, upang makatulong sa
paghubog sa tamang pag-aasal ng mga mag-
aaral sa kanilang pag-aaral sa gitna ng mga
hamon ng makabagong teknolohiya
• Para ito sa iba pang kinauukulang nasa larangan
ng akademiya, upang makapagsulong ng mga
kongkretong hakbang tungo sa pagsusulong ng
mga polisiyang makapagbibigay regulasyon sa
paggamit ng mga gadget ng mga mag-aaral

• Para ito sa mga magulang, upang maunawaan


ang sitwasyon ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan

• Para ito sa mga katulad kong mga mag-aaral,


upang maliwanagan kami sa kung paanong
naaapektuhan ng aming mga kinagawian ang
aming pag-aaral
Bagaman maikli, ang bahaging gamit ng
paksa ang makapagbibigay ng inspirasyon sa
mananaliksik upang pagbutihan ang kaniyang
pananaliksik.

Maaaring magsimula sa personal na dahilan


ang pagpili ng paksa at mula roon, tumungo sa
mas malawak o mas maliit na sakop ng
mambabasa.
Sa tulong ng gamit ng paksa, nagkakaroon
ng direksyon ang mananaliksik upang mahusay
niyang matapos ang isinasagawang
pananaliksik.

Kailangang tukuyin ang paglalaanan ng pag-


aaral mula sa pinakamalapit na mambabasa,
tungo sa mga paglalaanan ng pagbabago sa
kalakhang lipunan.

You might also like