Pagtukoy ng Kahulugan at
Katangian ng Mahahalagang
Salitang Ginamit ng Iba’t
Ibang Uri ng Tekstong Binasa
1. BIGKASIN
2. ESTRUKTURA
3. KONTEKSTO
Pagpapakahulugan ng Salita
1.Pagbibigay-kahulugan — ito ang pagbibigay ng kahulugan na mula sa
taong may sapat na kabatiran tungkol sa salita/pangungusap na nais
bigyang kahulugan o kaya'y maaaring mula sa mga diksyunaryo, aklat,
ensayklopedya, magasin o pahayagan.
Halimbawa : pambihira - katangi-tangi
2.Pagbibigay ng iba pang kahulugan o barayti ng salita — ito ang
pagbibigay ng magkatulad na kahulugan.
Halimbawa : Paghanga- pagmamahal
3.Pagbibigay ng mga halimbawa — ito ang pagbibigay ng kahulugan ng
isang salita sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga halimbawa.
Halimbawa : Ang buhay ng tao ay parang isang gulong. Minsan nasa
ibabaw, minsan nasa ilalim. Minsan ay nakararanas tayo ng hirap at
minsan naman ay nakakaranas ng ginhawa.
4.Paglalapi at pagsasama ng salita sa pangungusap — ito ang
pagkakaroon ng iba't ibang pagpapakahulugan sa salita kapag
nilalapian.
Mga halimbawa :
●Mata lamang ang walang latay. (sobra ang natanggap na pananakit)
●Lagi na lamang akong minamata ni Nene. (nang-aapi o mababa ang
pagtingin sa kapwa)
●Matalas ang mata ni Totoy. (bahagi ng katawan)
5.Paggamit ng mga idyomatikong pahayag at pagtatayutay — ito ang
pagbibigay ng kahulugan sa mga salitang matalinhaga sa pamamagitan
ng pagsusuri sa mga salitang ginamit.
Halimbawa :
• Di-maliparang uwak – malawak
• balat-sibuyas -- maramdamin
• basang sisiw -- kaawa-awa;api
• buto’t balat -- payat na payat
• huling hantungan -- libingan
• ikapitong langit -- malaking katuwaan
•laylay ang balikat -- bigo
• magbilang ng poste -- walang trabaho
• magdildil ng asin -- maghirap
• mahaba ang pisi -- pasensyoso
• pabalat-bunga -- hindi totoo
6.Konotasyon at Denotasyon - Ito ang dalawang dimensiyon sa
pagpapakahulugan ng mga salita.
Ang denotasyon ay karaniwang kahulugang mula sa diksiyonaryo o
salitang ginagamit sa pinakakaraniwan
at simpleng pahayag.
Halimbawa:
a. Ang ganda ng bulaklak sa kanyang
halamanan.(bahagi ng isang halaman na karaniwang
makulay)
b. Lumalaki na ang punong itinanim ko sa aming likodbahay. (halamang
lumalaki nang mataas)
Samantalang ang konotasyon ay may dalang ibang kahulugan
o maaaring pansariling kahulugan ng isang tao o pangkat na
iba kaysa karaniwang kahulugan.
halimbawa:
a. Maraming magagandang bulaklak na anak si
Bulan.(babae)
b. Ang kanyang anak ay mababait. Nanggaling kasi sa
mabuting puno.(magulang/angkan)
Kaantasan ng Wika
Ang wika ay nahahati sa iba’t ibang kategorya sa antas na
ginagamit ng tao batay sa kaniyang pagkatao, sa lipunang
kanyang ginagalawan, lugar na tinitirhan, panahon, katayuan,
at okasyong dinadaluhan. Kaya mahalagang kilalanin ang mga
salita upang maging pamilyar sa katangiang tinataglay nito.
A.Pormal na Wika - Ito ay antas ng wika na istandard at kinikilala o
ginagamit ng nakararami.
1.Pambansa- Ito ay ginagamit ng karaniwang manunulat sa aklat at
pambalarila para sa paaralan at pamahalaan.
Halimbawa: asawa, anak, tahanan
2.Pampanitikan o Panretorika- Ito ay ginagamit ng mga malikhaing
manunulat. Ang mga salita ay karaniwang malalalim, makulay, at
masining.
Mga halimbawa:
●kabiyak ng puso
●bunga ng pag-ibig
●pusod ng pagmamahalan
B.Impormal na Wika - Ito ay antas ng wika na karaniwan, palasak, at
pangaraw-araw. Madalas itong gamitin sa pakikipag-usap at
pakikipagtalastasan.
1. Lalawigan- Ito ay gamitin ng mga tao sa partikular na pook o
lalawigan, makikilala ito sa kakaibang tono o punto.
Mga halimbawa:
●Papanaw ka na? (Aalis ka na?)
●Nakain ka na? (Kumain ka na?)
●Buang! (Baliw!)
2. Kolokyal- Pang-araw-araw na salita, maaring may kagaspangan nang
kaunti, maaari rin itong refinado ayon sa kung sino ang nagsasalita. Ang
pagpapaikli ng isa, dalawa, o higit pang titik sa salita.
Mga halimbawa:
●meron - mayroon
●nasan - nasaan
●sakin - sa akin
3. Balbal- Sa Ingles ito ay slang. Nagkaroon ng sariling codes, mababa
ang antas na ito, ikalawa sa antas bulgar.
Mga halimbawa:
●chicks (dalagang bata pa)
●orange (bente pesos)
●Pinoy (Pilipino)
Karaniwang paraan ng pagbubuo ng
salitang balbal:
1. Paghango sa mga salitang katutubo
Mga halimbawa:
●gurang (matanda)
●bayot (bakla)
●barat (kuripot)
2. Panghihiram sa mga wikang banyaga
Mga halimbawa:
●Epek (effect)
●Tong (wheels)
3. Pagbibigay ng kahulugan ng salitang tagalog
Mga halimbawa:
●buwaya (crocodile)
●bata (child/girlfriend)
●durog (powdered/high in addiction)
●papa (father/lover)
4. Pagpapaikli
Mga halimbawa:
●pakialam - paki
●malay ko at pakialam ko -ma at pa
●anong sinabi -ansabe
●anong nangyari -anyare
5. Pagbabaliktad
Mga halimbawa:
●etneb- bente
●kita- atik
●ngetpa- panget
●dehin- hindi
6. Paggamit ng Akronim
Mga halimbawa:
●PUI -Pasyenteng Uusisain at Ipapa-confine
●PUM-Pasyenteng Uuwi at Mamalagi sa bahay
●AWIT- AW ang sakIT
7. Pagpapalit ng Pantig
Mga halimbawa:
●lagpak / palpak -bigo
●torpe / tyope /torpe -duwag
8. Paghahalo ng Salita
Mga halimbawa:
●bow na lang ng bow
●mag-MU
●mag-jr (joy riding)
9. Paggamit ng Bilang
Mga halimbawa:
●45-baril
●143- I love you
●50/50- naghihingalo
10. Pagdaragdag
Mga halimbawa:
puti - isputing
kulang -kulongbisi
11. Kumbinasyon (Pagbabaligtad at Pagdaragdag)
Halimbawa: Hiya-yahi-Dyahi
12. Pagpapaikli at pag-Pilipino
Mga halimbawa:
●pino -pinoy
●mestiso-tiso-tisoy