You are on page 1of 6

DIREKTANG SIPI

• Ginagamit ito kung isang bahagi lamang ng akda ang nais sipiin.
• Kinokopya nang direkta, salita-sa-salita, mula sa sanggunian
• Sa direktang siping ito, kinakailangan lagyan ng panipi (“ “) ang bawat nakuhang
tala. Kung ang bahagi lamang ng sipi ang gagamitin, gumamit ellipsis (…).
• Ginagamit ito ng mananaliksik kapag nais niyang:
 Idagdag ang kapangyarihan ng salita ng awtor upang suportahan ang argumento
 Nais pabulaanan o hindi sang-ayunan ang argumento ng awtor
 Bigyang-diin partikular ang isang malinaw o makapangyarihang pahayag o sipi
 Naghahambing ng mga ispesipikong punto de vista
• Sang-ayon kay R. Recto, “Makikita rin sa lehislatibong sangay
ng pamahalaan ang kahalagahan ng wikang pambansa. Lahat ng
mamamayan ay nakapaloob at dapat sumunod sa sistema ng
batas ng Pilipinas.”

• Ani P.B.P. Pineda, “Ang pananaw kong ito’y bunsod ng ating


matamang pagmamasid sa galaw ng Filipino sa sentro ng
umiiral na kalagayan. Habang panahon na lamang ba tayong
iikot sa sining ng komunikasyon, retorika at semantika; sa
pagsasalin ng mga alamat at kwentong-bayang nasusulat sa
ating iba’t ibang etnikong wika?... binibigyan ko lamang ng
karapatang kapamigatan ang kahingian ng mga hakbangin
tungo sa intelekwalisasyon ng Wikang Pambansa.”
Buod ng Tala (SYNOPSIS)
• Ginagamit kung ang nais lamang gamitin ay ang pinakamahalagang ideya ng tala.
• Tinatawag din na synopsis
• Layunin na mabigyan ng pangkalahatang ideya ang mambabasa
• Pinakamaikling bersyon ng tala
• Gumagawa ng sinopsis kapag:
a. Nais magbigay ng bakgrawnd at pananaw hinggil sa isang paksa
b. Nais maglarawan ng pangkalahatang kaalaman mula sa maraming sanggunian tungkol sa paksa
c. Nais na determina ang pangunahing ideya ng pinagbatayang teksto - isang maikling pagbubuod
o paglalagom ng mahalagang ideya ng isang mahabang teksto.
PRESI
• Mula ito sa salitang Prances na precis na ang ibig sabihin ay pruned or cut down.
Presi ang tawag kung ang gagamitin ay ang buod ng isang tala. Pinapanatili nito
ang orihinal na ayos ng ideya at ang punto de bista ng may akda.
• Maaring gamitin ng mananaliksik ang mga susing salita o key words ng orihinal
na manunulat.
• Humigit-kumulang na sangkatlo ng orihinal na tala ang haba ng presi.
• Gumagamit ng presi kapag:
Magpapaikli ng orihinal na sulatin nang may kaunting pagbabago - ito ay ang muling pag-
uulit ng talata sa sariling pangungusap na hindi gaanong teknikal subalit kasing haba rin ng
orihinal na talata.

You might also like