You are on page 1of 71

ISTRUKTURA AT KALIKASAN

NG WIKANG FILIPINO
Ponolohiya - makaagham na pag-aaral
ng ponema
Morpolohiya - ang pag-aaral kung paano
binubuo ang mga salita
Sintaksis - pag-aaral ng istruktura ng
mga pangungusap
Semantika - ang pag-aaral ng mga
pagpapakahulugan ng isang wika
PONEMA
- makabuluhang yunit ng tunog na
“nakapagpapabago ng kahulugan”
kapag ang mga tunog ay pinagsama-
sama upang makabuo ng mga salita.

Halimbawa:
maestro- maestra
abogado – abogada
tindero – tindera
Angelito – Angelita
Ang wikang Filipino ay binubuo ng :
2 uri ng Ponema

1. Ponemang Segmental

2. Ponemang Suprasegmental
Ang Filipino ay may…

21 Ponemang Segmental
15 katinig
- /p, b, m, t, d, n, s, l, r, y, k, g, ŋ, w, ˀ /

/ ˀ / -pasara/impit na tunog o saglit


na pagpigil sa hangin
/ ŋ / - kumakatawan sa titik na /ng /

5 patinig - / a, e, i, o, u/
2. Ponemang Suprasegmental
3 Uri
1. TONO
- ito ay ang pagtaas at pagbaba
ng tinig sa pagbigkas ng pantig ng
isang salita.
Halimbawa:

Ikaw. – (may katiyakan)


Ikaw? –(hindi sigurado/nagtatanong)
2. DIIN. Ito ang haba ng bigkas
na iniukol sa pantig ng
isang salita.
Halimbawa:
BUkas - buKAS
PIto - piTO
SAya - saYA
Upo - uPO
3. ANTALA
- ito ay ang saglit na pagtigil sa
pagsasalita upang lalong maging
malinaw at mabisa ang kaisipang
ipinahahayag.
Halimbawa:
Bigkasin at huminto kapag nakita ang / .


Si Mark Anthony / at ako //

Si Mark / Anthony / at ako //.
Halimbawa:

Hindi siya si Jomar //


Hindi / siya si Jomar //
Hindi siya / si Jomar //

Hindi ako ang gumawa. //


Hindi / Ako ang gumawa. //
DIPTONGGO
- alinmang patinig na
sinusundan ng malapatinig na
/y/ o /w/ sa loob ng isang
pantig.
- ang mga diptonggo sa Filipino ay

/y / - ay , ey , oy, uy
/ w/ - aw, ew , iw, ow, uw
Halimbawa:
/aw /
agaw dalaw ibabaw lugaw
ginaw kalabaw nakaw sabaw
takaw dilaw halimaw palayaw
anahaw hikaw sabaw tanaw
apaw galaw hilaw sitaw
araw bughaw langaw ayaw
ihaw sigaw tunaw ikaw
ligaw uhaw ginaw ilaw
litawhataw kalabaw
Halimbawa:

/iw /

aliw sisiw baliw

giliw paksiw
Halimbawa:
/ay /
bahay buhay tulay
sabay palay tunay
gulay kulay away
bagay itay/inay panday
alay akbay patnubay
paypay hukay lagay
saklay pilay tangay
tibay pantay lakbay
husay sampay patay
Halimbawa:
/ oy /

kahoy tuloy langoy


daloy abuloy baboy
kasoy palaboy taboy
apoy simoy tukoy
amoy langoy unggoy
biloy
Halimbawa:

/ey / / uy /
reyna aruy
keyk baduy
beyk bey
sbol

Mga Tulang may Diptonggo
Ibig kong marating ang abot ng tanaw,
Ibig kong maabot ang langit na bughaw
Lupang malalawak sana ay malakbay,
Dagat na malalim ay mapaglanguyan.
Kaluluwa nati’t buhay
Sa Diyos natin iaalay
Nang tayo ay makinabang
Nang lubos na katuwaan
Doon sa langit na bayan.
Paalam na sintang lupang tinubuan
Bayang masagana sa init ng araw
Edeng maligayang sa ami’y pumanaw
At perlas ng dagat sa dakong Silangan.
Kambal-Katinig / KLASTER

- ay ang magkasunod na
ponemang katinig sa isang
pantig.
- ito ay maaaring makikita sa
unahan, sa gitna o sa
hulihang pantig ng salita.
Hal : (Kambal-Katinig / Klaster
Unahan Gitna
Hulihan
drama iskwater rekord
blusa eskwela tayp
klerk biskwit nars
krema kongklusyon kart
gripo sumbrero beys
dyaryo klima kard
plano pilantropo relaks
Pares - Minimal
- pares ng salitang magkatulad
ang bigkas maliban sa isang
ponema na siyang pinagkaiba ng
kanilang kahulugan.
- ginagamit ito upang maipakita ang
pagkakaiba ng mga tunog na
magkakahawig ngunit magkaiba
ang ponem at kahulugan.
Halimbawa:
Pares-Minimal

misa – mesa tila – tela


oso – uso titik – titig
Selya – silya Pepe – pipi
ilog – irog iwan- ewan
Ponemang Malayang Nagpapalitan

- ito ang mga ponemang


e, i, o, u na maaaring
magkapalit ng gamit ngunit
walang nagbabago sa
kahulugan.
Halimbawa:
Ponemang Malayang Nagpapalitan

e–i o-u
babae – babai uso - usu
lalake – lalaki guro – guru
bibe – bibi baso –
basu
bobo – bobu
pito – pitu
sampo –
sampu
Halimbawa:
Ponemang Malayang Nagpapalitan

d–r
madami – marami
doon – roon
madamut – maramot
dito – rito
madungis - marungis
l r w y
mb blusa
d
f
g
h
k krus
l
p prutas
r
s
t
n
MORPOLOHIYA
- pagsusuri sa mga paraan ng
pagbuo ng mga salita sa isang
wika.

- pag-aaral ng morpema /morfim


MORPEMA /Morfim
- ang pinakamaliit na yunit ng
salita na nagtataglay ng
kahulugan
Halimbawa:
makahoy– (2 morpema)
ma(ang pagkakaroon) at kahoy
Mga Anyong Morpema /
Morfim
1. Binubuo ng isang ponema . Ang
ponemang a ay nauukol sa babae.
Gayundin, ang ponemang o ay
nauukol sa lalaki. Ang morpema ay
maaaring isang ponema.
Halimbawa nito ay ang /o/ at /a/ na
sa ating wika ay maaaring
mangahulugan ng kasarian.
Halimbawa:
doktor–doktora senador- senadora
dekano- dekana
senyorito – senyorita

Taliwas: ang mga ito ay para sa


babae o lalaki:
artista bata
manggagawa
manghuhula
2. Binubuo ng salitang-ugat.
-ito ay mga salitang payak gaya
ng ganda, buhay, isa. Ito ay
tinatawag ding malayang
morpema sapagkat may
sariling kahulugan at
makatatayong mag- isa.
-mga payak itong salita dahil
walang panlapi.
3. Binubuo ng panlapi .
-maaaring unlapi, gitlapi o hulapi.

-ang mga panlapi ay may


sariling kahulugan kayat bawat
isa ay isang morfim /morpema.
Tukuyin ang mga uri ng panlaping
ginagamit sa mga sumusunod na
halimbawa:
minata, matahin, mapangmata
nagpayong, nagpayungan,

pinayungan
pagurin, ikinapagod, napagod
tumaas, taasan
batuhin, nagbatuhan, binato
Ang morpema ay maaari
ring:
1. May Kahulugang Leksikal – kung
ang salita ay pang nilalaman
Halimbawa:
Pangngalan: aso, tao, sabon, paaralan,
kompyuter, telebisyon, vugi (itlog ng
isda, Ibanag); (mosque, Tausug)
Panghalip: ako, ikaw, siya, kayo,
tayo, kami, sila
Pandiwa: mag-aral, kumakanta,
naglinis, umawit, linisin,
aakyatin, umalis
Pang-uri: banal, maligaya,
palaaway, balat-sibuyas, marami,
makapal, masipag, mapagmahal
Pang- abay: kahapon, kanina,
doon, diyan, madalas, araw – araw,
bukas, madaling araw, takipsilim
2. Pangkayarian - walang
kahulugan sa ganang sarili at
kailangang makita sa isang kayarian
o konteksto upang maging
makahulugan.
Halimbawa:
Pang-angkop : na, ng
Pangatnig : at, o saka, at iba pa
Pang-ukol : tungkol sa/kay, ayon
sa Pananda : ang, sa, si/sina,
ni/nina,
kay / kina
Wastong Gamit
ng mga Salita
1. may / mayroon
may- ginagamit kapag ang
sinusundang salita ay nasa
pangngalan
Hal. May kompyuter sa kanilang bahay.
*ginagamit din sa pandiwa
Hal. May naglilinis sa labas.
*ginagamit din sa panghalip na
paari (akin, kanila)
Hal. May lalaking naghihintay sa akin
sa labas.
mayroon
- kapag ang sinusundang salita
ay panghalip na palagyo
Hal. Mayroon kaming palaisdaan
sa Bulacan.
Mayroon siyang kotse.
* kung sinusundan ng kataga
o ingklitik
Hal. Mayroon ba siyang pasalubong?
2. Ng / Nang
ng (of) – gamit bilang pang-
ukol ng layon ng pandiwa

Halimbawa:
Ang dahon ng kahoy ay malago.
Nagsipilyo siya ng ngipin bago
matulog.

Ginagamit na pang-ukol na
tagaganap ng pandiwa
Halimbawa: Hinuli ng pulis ang
mga nanloob sa kanilang bahay.

Ginagamit na pananda sa
tuwirang layon na pandiwang
panlipat
Halimbawa: Nag-aral siya ng
leksyon para sa nalalapit na
pagsusulit.
nang- “when”
Hal: Kumakain kami ng hapunan nang
dumating ang mga panauhin.

Katumbas na so that o in order to
sa Ingles
Hal: Mag-aral kayo nang mabuti
nang kayo ay makapasa
Magsikap ka nang ang buhay mo
ay guminhawa.
3. Na + ng / nang
Hal: Kumain na ng lugaw
ang batang maysakit.

Kapag napapagitnaan ng
dalawang magkatulad na pandiwa

Hal: takbo nang takbo ; sulat


nang sulat, kain nang kain
4. daw/din at raw/rin
daw/din – kapag ang
sinusundang salita ay
nagtatapos sa katinig maliban
sa malapatinig ma (y at w).
Hal: May pangarap daw siyang
makapagtrabaho sa Canada.
raw/rin
-kapag ang sinusundang salita ay
nagtatapos sa patinig at (y at w).

Hal: Sasakay raw sila sa eroplano.


Buhay raw ng asawa niya ang
nakasalalay dito.
5. Kung/ Kong
Kung – ginagamit sa pangatnig na
pasubali at karaniwang ginagamit
sa hugnayan na pangungusap.

Hal: Kung aalis ka sasama ako.


Matutulog ako kung
papatayin mo ang ilaw.
kong
– panghalip na panao

Hal : Gusto kong manood ng sine.


Pangarap kong makapagtapos
ng pag-aaral.
6. Pahiran/Pahirin
Pahiran – lagyan
Hal:
Pahiran mo ng langis ang kanyang
paa.

Pahirin - alisin o tanggalin (wipe off)


Hal:
Pahirin mo ang mga luha sa iyong
mata.
7. Operahan / Operahin
Operahan – tumutukoy sa
tao hindi sa bahagi ng katawan
Hal:
Siya ay ooperahan sa paggamutan.
Operahin - tumutukoy sa tiyak na
bahagi ng katawan
Hal:
Ang bukol sa kanyang dibdib ay
ooperahin.
8. Subukan/ Subukin
Subukan- malihim na pag-
oobserba (to see secretly)
Hal: Subukan nating tikman ang
kanilang pagkain.

Subukin- pagsisiyasat sa lakas


(to test or try)
Hal: Subukin mong gamitin ang
kutsilyong iyan kung matalas.
9. Walisan/Walisin
Walisan- lugar
Hal: Walisan natin ang
ating silid-aralan.
Walisin - tumutukoy sa
bagay na aalisin
Hal: Walisin mo ang alikabok.
10. Binasag/ Nabasag
Binasag - sinadya
Hal: Binasag niya ang baso sa
sobrang galit.
Nabasag - di sinasadya
Hal:Nabasag ang salamin
dahil sa away nila.
11. Pinto/ Pintuan
Pinto – “ door”
Hal: May kumakatok sa pinto.

Pintuan – “ doorway”
Hal: Huwag kayong
magsisiksikan sa pintuan.
Sintaksis / Sintaks / Palaugnayan

-pagsasama- sama o pag-uugnay ng


mga salita upang bumuo ng
pangungusap.
-pag-aaral ng palatanungan, palabuuan
at talasalitaan;
-mga pagsasanay tungkol sa pagpili ng
maayos na pangungusap, na may isa
lamang maliwanag na kahulugan.
Pangungusap Ayon saTungkulin

1. Paturol o Pasalaysay /
Declarative

- pangungusap na nagsasabi o
nagpapahayag ng isang bagay na
paturol o pasalaysay. Ito ay maaaring
nasa karaniwang ayos na gaya ng
mga pangungusap na sumusunod.
Ang bantas na ginagamit sa
pangungusap na pasalaysay ay tuldok
(.).
Paturol o Pasalaysay /
Declarative
Hal:

a. Siya ay tanghaling dumating.

b. Maraming magagandang pook sa


Pilipinas.
2. Patanong/ Interrogative
– pangungusap na nagtatanong
ng isang bagay o mga bagay.
Gumagamit ng tandang
pananong (?).
Hal:
Kailan ang kaarawan mo?
Saan nagtungo si Kaye?
Dadalaw ka ba sa ospital?
3. Pautos / Imperative

- pangungusap na nag-uutos upang


gawin ang isang bagay. Ito ay may
dalawang uri.

Hal:
Pedro, tawagin mo si Nene.
Samahan mo si Lea, Pat.
Ang ikalawang uri ng pangungusap na
pautos ay yaong nakikiusap na gawin
ang isang bagay. Ang uri ng pauos na
ito’y karaniwang gumagamit ng panlaping
ipaki at ng salitang maaari.
Hal:

Pakibigay mo nga ang litratong ito kay


Kathy.
Maaari bang buksan mo ang pinto,
Nelia?
4. Padamdam / Exclamatory
-pangungusap na nagpapahayag ng di-
karaniwang damdamin. Ang
pangungusap na ito ay maaaring
magpahayag ng malaking galak, takot, o
galit, kaakit-akit. Ginagamitan ng
tandang padamdam (!).
Hal:
Mayaman na ako ngayon!
Nakamit ko na ang tagumpay!
Mga
Pangungusap
na
Walang Paksa
1.Pangungusap na Eksistensyal

- nagpapahayag ng pagkakaroon ng
isa o higit pang tao, bagay, at iba
pa.Pinangungunahan ito ng may o
mayroon.

Hal:
May mga turista ngayon sa Baguio.
2. Pangungusap na
Pahanga

-nagpapahayag ng damdamin
ng paghanga.
Hal:
Kay gara ng bago mong damit.
Ang bait mo pala.
3. Mga Maikling Sambitla
- tumutukoy sa mga iisahin o
dadalawahing pantig na
nagpapahayag ng matinding
damdamin.
Hal:
Aray!
Aruy!
Ay!
4. Mga Pangungusap na Pamanahon

- nagsasaad ng oras o uri ng panahon.

Hal:

alas-tres
malamig ngayon
umaaraw
tanghali na
5. Formulasyong Panlipunan

-mga pagbati, pagbibigay-galang, at


iba pa na nakagawian na sa lipunang
Pilipino.
Hal:
Magandang gabi po.
Tao po.
Mano po.
Makikiraan po.

You might also like