You are on page 1of 3

Lesson Plan in Filipino Grade 11

I. Layunin:

Pagkatapos ng araling ito ang mga mag-aaral ay inaasahang:

A. natutukoy ang kahulugan ng mahahalagang salitang ginagamit sa tekstong binasa.


B. naibabahagi ang katangian at aklikasan ng tekstong naratibo.
C. nakasusulat ng halimbawa ng tekstong naratibo

II. Nilalaman

A. Paksa: Tekstong Naratibo


B. Sangunian: Pinagyamang Pluma (Pagbasa’t Pagsusulat ng Iba’t ibang Teksto, pp. 25-41
C. Mga kagamitan: Laptop, Slides, projector, chalk at black board

III. Pamamaraan

A. Panimula
a. Panalangin
b. Pagbati
c. Pagpuna ng silid
d. Pagtala ng lumiban

B. Paglinang ng gawain
a. Pagganyak
 Pagpapakita ng mga larawan na may kaugnayan sa ‘’Pagbasa’’.
b. Aktibiti
 Bawat mag-aaral ay susulat ng pangalan ng isang bagay, tao, lugar o
hayop, pantangi man o karaniwan, sa isang maliit na papel. Pagkatapos,
isulat, tupiin ang papel at ibulsa.
 Pagkatapos gawin ito, pumunta sa grupo.
 Mag-iisip ang grupo ng isang maikling kwento na binubuo lamang ng
sampunf pangungusap. Dapat ay kasama sa pagkukwento ang lahat ng
salita na binuo nga bawat miyembro.
 Bawat grupo ay magbabahagi ng kanilang kwento sa pamamagitan ng
isang kinatawan na pipiliin ng mga miyembro na napasama sa salaysay na
ginawa.

c. Analisis
 Tumawag ng ilang mag-aaral/grupo ibahagi ang kanilang kaalaman
iproseso ang sagot ng mga ma-aaral.
d. Abstraksyon/Talakayan
(Ilalahad ng grupo ang paksang tatalakayin)

 Ang tekstong naratibo o pasalaysay ay tumutukoy sa pagsasalaysay sa


mga pangyayaring naganap; Ito ay naglalahad ng katotohanan o datus sa
isang pangyayari na naganap na o magaganap pa. Ang karaniwang
halimbawa nito ay ang mga ulat, balita, pagpresenta nga mga datus o
impormasyon sa isang negosyo o kompanya, imbestigasyon, testimonya
ng saksi sa isang sunog o krimen, at iba pa. Ang mga ito ay maaaring
galing sa sariling karanasan, napakinggan, nasaksihan, nabasa, at maari
ring piksyonal.

Iba’t ibang Pananaw o Punto De Visita

 Unang panauhan
 Ikalawan Panauhan
 Ikatlong Panauhan
 Kombinasyong Pananaw o Paningin
Elemento ng Tekstong Naratibo
 Tauhan
 Tagpuan at Panahon
 Banghay
 Paksa o Tema

e. Aplikasyon
 Basahin ang isang maikling kwento na may pamagat na ‘’ Mabangai na
Lungsod ni: Efren R. Abueg
 Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
Bakit pinamagatang ‘’ Mabangis na lungsod ‘’ ng akda? Batay sa
mga nabasa mong pangyayari, akma ba ang pamagat nito?
Sa inyong palagay, bakit kaya siya nasadlak sa ganitong buhay?
Ano ang ibinunga ng pagtatangka niyang tumakas?
Ano ang dapat gawin ng pamahalaan upang matulungan mabago
ang buhay ng mga batang katulad ni adong?
 Ipaliwanag kung ano ang tekstong naratibo?

IV. Ebalwasyon

 Panuto: Punan ang mga kahon sa ibaba ng mga pangyayaring bubuo sa


banghay ng akdang ‘’ mabangis na Lungsod”
Simula

Saglit na Kasiglahan

Kasukdulan

Kakalasan

Wakas

V. Kasunduan

 Pumili ng isang kwentong pambata na naaayon sa edad ng batang


pupuntahan. Kwentuhan ang mga bata sa malikhaing paraan at I vedio ang
pagkutkwento. Ipakita ang vedio sa kalse sa susunod na pagkikita.
Tatayahin ang pag kukwento batay sa Rubrik.

You might also like