You are on page 1of 1

TEMPLATE SA PANUNURING TEKSTWAL

I. Pangkalahatang Konsepto: Inilalahad sa bahaging ito ang kabuuang konseptong may


kaugnayan sa Panunuring Pampanitikan.
II. Layunin: Sumasagot sa tanong na “Bakit?”
III. Pamagat: Anong pamagat ng akdang sinusuri? Gumawa ng maikling deskripsyon tungkol
sa pamagat na angkop sa nilalaman ng akda. (Halimbawa: Ang pamagat ng akda ay
“Magparayang Puso”, nabuong deskripsyon ay “Isang babaeng nagmahal, nasaktan, at
nagparaya para sa kanyang minamahal.”
IV. Bayograpikal ng May-akda: Ipinapakita at ipinamalas ditto ang karanasan at kasaysayan
ng buhay ng may-akda.
V. Nilalaman: Ipinapakita ang mga elemento ng maikling kuwento.
a. Tauhan: ilarawan ang bawat karakter
b. Tagpuan: pinapakita kung saan ang mga pangyayaring naganap at
inilalarawan din ang tiyak na kaligiran ng mga pangyayari sa kuwento
(taon, buwan, araw, oras, panahon, atbp)
c. Banghay- ipinapakita ang pagkasunod-sunod na mga pangyayari
 Panimula
 Pasidhi o pataas na pangyayari
 Karurukan o kasukdulan
 Kakalasan o pababang aksyon
 Wakas/Resolusyon
d. Tunggalian: may apat na uri.
e. Magandang kaisipan o pahayag- mga aral na nakuha sa binasang akda.
f. Simula at wakas: ilarawan kung paano nagsimula at nagwakas ang
kuwento.
VI. Taglay na Bisa: Matapos mabasa ang kuwento, anong kabisaang maaaring maidudulot o
maiambag nito?
a. Bisa sa Pandamdamin
b. Bisa sa Pangkaisipan
c. Bisa sa Pangkaasalan
d. Bisa sa Panlipunan
VII. Kaugnay sa Kamalayang Panlipunan: ambag ng binasang kuwento sa kamalayang
panlipunan. (Hal. Anong kamalayang panlipunang ipinapakita sa maagang pagbubuntis?)
VIII. Teorya: tukuyin kung anong angkop na teoryang pangwika mula sa akdang sinuri.
Maglahad ng mga pangyayari makapagpatunay sa piniling teorya.
IX. Positibong Ambag: Ilatag ang mga nakitang positibong impak ng panunuring
pampanitikan o tekstwal bilang isang mag-aaral na kumukuha ng kursong edukasyon.
X. Kongklusyon: Magbigay ng sariling pananaw sa proseso nang pagsusuring tekstwal.

Mga Sanggunian:

“Ang mga pagsubok na iyong kinakaharap ngayon ay maghuhubog sa iyong kamalayan at katatagan upan ilabas ang iyong
natatanging kakayahan.” – AL 

Inihanda ni: G. Ansel A. Lanawan – Guro sa Filipino

You might also like