You are on page 1of 3

Group 4 – Replektibong Sanaysay

12- Einstein
Ismael, Nadine Janica
Aquino, Samuelle
De Villar, Patrick

I. Pangganyak: Magkakaroon ng isang palaro na pinoy henyo na gumagamit ng mga salitang may
kaugnay sa Replektibong Sanaysay.

II. Pagtatalakay (Nilalaman)

a.) Ano ang Replektibong Sanaysay?


“Repleksyon” (reflection) – ito ay nangangahulugang pag-uulit o pagbabalik tanaw.
 Ano ang Replektibong Sanaysay
- Isa itong uri ng panitikan na nakapasailalim sa isang anyong tuluyan o prosa.
- Ito ay nangangailangan ng sariling perspektibo, opinion, at pananaliksik sa paksa.
- Isang masining na pagsulat na may kaugnayan sa pansariling pananaw at damdamin
sa isang particular na pangyayari.
- Iparating ang pansariling karanasan at natutuklasan sa pananaliksik
- Naglalayon din ito na maipabatid ang mga nakalap na mga impormasyon at mailahad
ang mga pilosopiya at karanasan ukol ditto at kung maaari ay ilalagay ang mga
barayan o talasanggunian

b.) Mga konsiderasyon sa pagsulat ng Replektibong Sanaysay


1.) Naglalahad ng interpretasyon
2.) Ikonsidera ang pagkalap ng mga datos at mga bagay na kailangan gamitin
3.) Pagandahin ang panimulang bahagi
4.) Nagtatalakay ng iba’t-ibang aspekto ng karanasan
5.) Ang konklusyon ay dapat magkaroon ng repleksyon sa tinalakay
6.) Kinakailangan na malinaw na nilahad ang kanyang punto upang maintindihan ng mga
mambabasa
7.) Rebyuhin nang ilang ulit ang Repleksyon

c.) Paraan ng Pagsulat ayon sa Nabasa


a.) Gumawa ng balangkas ukol sa mahalagang punto.
b.) Tukuyin ang mga konsepto at teorya na may kaugnay sa paksa
c.) Ipaliwanag kung paanong ang iyong pansariling karanasan at pilosopiya ay nakakaapekto
sa pagunawa ng paksa.
d.) Talakayin sa konkulsyon ang kahihinatnan ng repleksyon

d.) Mga halimbawa ng Replektibong Sanaysay


a.) Proposal
b.) Konseptong Papel
c.) Editoryal
d.) Sanaysay
e.) Talumpati

III. Buod: Magtawag ng isa o dalawang estudyante upang magbuod.


IV. Pagsasanay:
1. Alin sa sumsunod ang HINDI halimbawa ng Replektibong Sanaysay?
a. Editoryal
b. Tula
c. Sanaysay
d. Proposal
2. Alin sa mga halimbawa ang hindi kasama sa mga paraan ng pagsulat ng Replektibong
Sanaysay?
a. Gumawa ng balangkas ukol sa mahalagang punto.
b. Tukuyin ang mga konsepto at teorya na may kaugnay sa paksa
c. Huwag maglagay ng pansariling karanasan sa sinusulat na sanaysay.
d. Talakayin sa konkulsyon ang kahihinatnan ng repleksyon
3. Ano ang HINDI katangian ng isang replektibong Sanaysay?
a. Repleksyon
b. Masining na pagsulat
c. Maiksi
d. Pansariling Karanasan
4. Isa itong uri ng panitikan na nakapasailalim sa isang anyong tuluyan o prosa.
a. Replektibong Sanaysay
b. Akademikong Pagsulat
c. Katitikan ng Pagpupulong
d. Panukalang Proyekto
5. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng isang Replektibong Sanaysay?
a. Konseptong Papel
b. Diksyunaryo
c. Encyclopedia
d. Dyaryo
6. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng isang Replektibong Sanaysay?
a. Dula
b. Almanac
c. Editoryal
d. Liham
7. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng isang Replektibong Sanaysay?
a. Sarswela
b. Talumpati
c. Balagtasan
d. Pelikula
8. Ito ay nangangahulugang pag-uulit o pagbabalik tanaw.
a. Pamagat
b. Konklusyon
c. Imahinasyon
d. Repleksyon
9-10. Dalawa sa pagpipilian ay isa sa mga katangian ng Replektibong Sanaysay. Piliin ang
tamang sagot.
a. Ginagawa para makapasa sa gawain ng guro.
b. Iparating ang pansariling karanasan at natutuklasan sa pananaliksik.
c. Magbigay aliw sa manonood.
d. Isa itong uri ng panitikan na nakapasailalim sa isang anyong tuluyan o prosa.

V. Repleksyon

Ang pag uulat na ito ay inaasahan na makapagbigay ng panibagong impormasyon tungkol sa paksa
tatalakayin. Maliban pa ito, ay magsisilbi rin itong oportunidad upang makapagbigay ng mga ideya
ang mga estudyante.

VI. Problemang maaring kaharapan at posibleng solusyon

Sa pag uulat na ito, maaaring magkaroon na hindi sapat na komunikasyon sa mga miyembro ng
grupo. Nararapat na mag talaga ng mga Gawain sa bawat miyembro upang masigurado na lahat ay
tutulong.

You might also like