You are on page 1of 3

DATU LIPUS MAKAPANDONG NATIONAL HIGH SCHOOL

D.O. Plaza Avenue, Poblacion, Rosario, Agusan Del Sur

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT


FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
S.Y. 2019-2020
Piliin ang angkop na sagot sa bawat bilang.Itiman ang titik ng napiling sagot.

1. Ito ay artikulasyon ng mga ideya, konsepto, paniniwala, at nararamdaman sa paraang nakalimbag.


A. Pakikinig B. Pagbabasa C. Pagsasalita D. Pagsusulat
2. Anyo ng Pagsulat na nagbibigay-linaw sa mga pangyayari, sanhi at bunga, at pagbibigay ng mga halimbawa.
A. Paglalahad B. Paglalarawan C. Pagsasalaysay D. Pangangatwiran
3. Anyo ng Pagsulat na nakapokus sa pagkakasunod-sunod ng daloy ng mga pangyayaring aktwal na naganap.
A. Paglalahad B. Paglalarawan C. Pagsasalaysay D. Pangangatwiran
4. Anyo ng Pagsulat na nagpapahayag ng katwiran o opinyon o argumentong pumapanig o sumasalungat sa isang isyung
nakahain sa manunulat.
A. Paglalahad B. Paglalarawan C. Pagsasalaysay D. Pangangatwiran
5. Anyo ng Pagsulat na na nagsasaad ng obserbasyon, uri, kondisyon, palagay, damdamin ng isang manunulat hinggil sa isang
bagay, tao, lugar, o pangyayari.
A. Paglalahad B. Paglalarawan C. Pagsasalaysay D. Pangangatwiran
6. Paraan ng pagpapahayag na nagbibigay ng posibleng sagot sa pamamagitan ng paliwanag at ebalwasyon.
a. mag-analisa b. mag-organisa c. manghikayat d. magbigay ng impormasyon
7. Ayon sa kanya,“ang pagsulat ay isang komprehensibong kakayahan na naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan, pagbubuo
ng kaisipan, retorika at iba pang elemento
a. Badayos b. Keller c. Xing at JIn d. Donald Murray
8. Ayonsakanya,“ang pagsulat ay isang eksplorasyon- pagtuklas sa kahulugan, pagtuklas sa porma at ang manunulat ay gumagwa
nang pabalik- balik.
a. Badayos b. Keller c. Xing at JIn d. Donald Murray
9. Ito ay naglalayong makumbinsi ang mga mambabasa tungkol sa isang katwiran, opinyon o paniniwala.
a. mapanghikayat na pagsulat b. malikhaing pagsulat c. impormatib na pagsulat d. malayang pagsulat
10. Ito ay ginagawa ng mga manunulat ng mga akdang pampanitikan na ang layunin ng awtor ay magpahayag ng kathang-isip,
imahinasyon, ideya, damdamin o kumbinasyon ng mga ito.
a. mapanghikayat na pagsulat b. malikhaing pagsulat c. impormatib na pagsulat d. malayang pagsulat
11. Ayon kay Karen Gocsik (2014), isa sa mahahalagang konsepto ng akademikong pagsulat ay _____.
a. nakatuon sa disiplina o kurso na kukunin sa unibersidad b. nagpapahayag ng pananaliksik bilang bahagi
ng proseso
c. nararapat maglahad ng importanteng argumento d. nagpapakilala sa paksa at layunin ng isusulat
12. Alin sa sumusunod ang maituturing na hindi katangian ng pagbabalangkas?
a. maiiwasan mong mawala sa pokus habang nagsusulat ng sanaysay dahil para itong mindmap
b. mas magiging madali sa iyong ayusin ang mga ideya sa iyong sanaysay
c. mas mapag-iisipan mong mabuti kung paano mo sisimulan o tatapusin ang iyong sanaysay
d. magagawang ulit-ulitin ang mga ideyang isasama sa pagsulat
13. Maaaring gamitin sa pagbabalangkas ang ______.
a. pasaklaw na pag-aayos ng mga ideya b. parirala o pangungusap lamang ang gagamiting paksa
c. pangunahing paksa ang isusulat sa bawat aytem d. pagbuod sa kabuuang teksto
14. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing ideya?
a. katutubong tradisyon ng paggamot b.luma at bagong tradisyon ng paggamot
c. Hudeo-kristiyanong tradisyon ng paggamot d. siyentipikong tradisyon ng paggamot
15. Alin sa sumusunod ang maaaring gamiting matibay na ebidensya para sa argumento?
a. sariling karanasan b. balitang napanuod c. narinig na kuwento d. likhang kuwento
16. Isang mataas at istandardisadong pasulat katulad ng kasulutan o kasunduan sa negosyo o bisnes at iba pang transyong legal,
politikal, at pang-ekonomiya
a. Impormatib b. Ekspresib c. Formulari d. Imaginativ
17. Proseso ng pagsulat na binubuo ito ng pagpili ng paksa, paglikha ng mga ideya at pagbuo ng mga ideya
a. Pagsulat b. Burador c. Bago sumulat d. Paglalathala
18. Alin sa sumusunod na pangungusap ang naglalahad?
a. Pulang-pula ang labi ng babae. b. Matangos ang ilong ng babae
.c. May dugong Hapones ang babae. d. Nagsikap ang babae para sa bayan.
19 Uri ng pagsulat na naiuugnay sa pagsulat ng mga manwal at gabay sa pag-aayos halimbawa, ng kompyuter
a. Journalistic b. Akademik c. Teknikal d. Referensyal
20. Alin sa sumusunod ang hindi nararapat na ilagay sa unang pahina ng katitikan ng pulong?
a. lugar ng pulong b. pangalan ng organisasyon
c. oras ng pagtatapos ng pulong d. tagapagsalita at mga dumalo
21. Alin sa mga sumusunod ang kadalasang makikita sa katawang bahagi ng katitikan ng pulong?
a. Ikatlong agenda b. Oras ng pagsisimula ng pulong
c. Mga dumalo d. Oras ng pagtatapos ng pulong
22. Alin sa mga pangungusap ang TAMA ayon sa mga akademikong sulatin?
a. Mas epektibo ang posisyong papel kung mabulaklak ang pananalita upang maitago ang tunay na kahulugan ng
mga pahayag.
b. Ang talumpati ay isang akademikong teksto na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.
c. Ang tekstong naglalarawan ay nagkukwento ng isang pangyayari o mga pangyayari magkakaugnay at may
karakterisasyon o pag-unlad ng tauhan.
d. Agenda ang tawag sa mga paksa o aksyong gagawin na makikita sa katitikan ng pulong.
23.Uri ng pagsulat na maihahanay din dito ang paggawa ng bibliyografi, indeks at notecards.
a. Journalistic b. Akademik c. Teknikal d. Referensyal
24. Buod ng papel-pananaliksik na naglalaman ng kaligiran, layunin, metodolohiya, resulta at konklusyon ng pag-aaral.
a. konklusyon b. nakalap na datos c. abstrak d.saklaw at dilimitasyon
25. Nagpapahayag ito ng mga katangian batay sa limang pandama.
a. pagsasalaysay b. paglalahad c. paglalarawan d. pangangatwiran
26. Isang tekstong binibigkas kaya dapat madulas bigkasin ang mga salita at angkop ang haba ng mga pangungusap.
a. tula b. dula c. talumpati d. debate
27. Bahagi ng talumpati na naglalagom ng pangunahing punto.
a. konklusyon b. gitnang bahagi c. panghuling bahagi d. introduksyon
28 Alin sa sumusunod ang maaaring gamiting matibay na ebidensya para sa argumento?
A. narinig na kwento B. balitang napanood C. sariling karanasan d. OPinyon ng iba
29. Ano ang pagkakaiba ng talumpati at posisyong papel?
A. Ang talumpati ay isinulat upang bigkasin samantalang ang posisyong papel ay isinulat upang basahin lamang.
B. Ang talumpati ay gumagamit ng pagsasalaysay habang ang posisyong papel ay gumagamit naman ng
pangangatwiran.
C. Ang talumpati ay dapat makahikayat, pero ang posisyong papel ay dapat maglarawan ng isang partikular na isyu.
30. Ano ang pagkakatulad ng paglalarawan at pagsasalaysay?
A. Hindi maaaring gamitin sa posisyong papel.
B. Gamitin bilang mga ebidensya sa argumento.
C. Ginagamit sa pagkukwento ng mga pangyayari
31.
32.
33.
34
35.
36.
37
38.
39.
.
40.
41.
42.
43.
44.
45.

46-50.Sagutin

“Ano ang maitutulong ng pananaliksik at Akademikong Pagsulat sa disipilina/kurso na inyong kukunin sa


unibersidad? Sa paanong paraan?

You might also like