You are on page 1of 6

COLON NATIONAL HIGH SCHOOL

Colon, Maasim, Sarangani Province

Integrated Senior High School


Ikatlong Markahang Pagsusulit (Pagbasa at Pagsuri ng Teksto Tungo sa Pananaliksik)
Pangalan Taon at Pangkat
Guro Mariel G. Villanueva Iskor
PANUTO: Ilagay sa patlang ang titik ng tamang sagot.
_______1. Ito ang gustong ipaalam o ipaunawa ng sumulat o may akda tungkol sa teksto
A. detalye B. paksa C. pangunahing ideya D. pamagat

_______2. Ang ___________ ay maaaring isang salita o parirala na nagsasaad kung tungkol saan ang teksto.
A. detalye B. kaisipan C. mensahe D. paksa

_______3. Isang teknik na makatutulong sa pagtukoy ng paksa ay ang pagkilala sa _____________ng teksto.
A. detalye B. mensahe C. paksa D. pamagat

_______4. Ito ang pinakamahalagang kaisipan tngkol sa paksa ng isang teksto.


A. paksa B. pangunahing ideya C. pansuportang detalye D. pamagat

_______5. Ang mga _____________ ang nagbibigay-linaw sa pangunahing ideya upang maunawaan ito ng lubos.
A. paksa B. pangunahing ideya C. pansuportang detalye D. pamagat

Tukuyin ang paksa ng mga sumusunod na teksto.

_______6. “Pag may isinuksok, may madudukot “ sa panahon ngayon na kung saan ay nakararanas tayo ng
kahirapan, itaga natin sa bato na ang bawat sentimong ating ginagastos ay napakalaking bagay upang tayo’y
mabuhay. Huwag nating hayaang mabutas ang ating bulsa nang dahil lamang sa walang kabuluhang paggastos ng
sa gayo’y mabawasan na ang mga taong naghihirap sa ating bansa.
A. Matutong magtipid upang hindi makaranas ng paghihirap.
B. Hanggat may panggastos dapat lang na bilhin anuman ang naisin.
C. Marami ng taong naghihirap dahil sa labis na paggastos.

_______7. Likas na sa ating mga Pilipino lalung-lalo na sa mga kabataan ang magsunog ng kilay para sa
kinabukasan. Sa ganitong pagkakataon, pinatutunayan lamang na ang bawat isa sa atin ay may pagpapahalaga sa
edukasyon. Edukasyon na siyang magagamit upang maging maayos ang pamamalakad ng ating bansa.
A. Ang mga Pilipino ay may likas na pagpapahalaga sa edukasyon.
B. Dapat magsunog ng kilay sa pag-aaral.
C. Ang edukasyon ay mahalaga.

_______8. Sa bawat pagtahak natin sa buhay, dumarating ang pagkakataon na nangangailangan tayo ng tulong sa
ating kapwa. Tulong na ang kapalit ay ang simpleng “pagtanaw ng utang na loob.” Hindi ba’t isa rin ito sa mga
pinahahalagahan nating kaugalian? Sinasabi ngang “ ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating
sa paroroonan.”

A. Ang pagtanaw ng utang na loob ay isa sa mga kaugaliang pinahahalagahan natin.


B. Tumulong sa nangangailangan upang ikaw din ay tulungan kung mangailangan.
C. Ang buhay ay puno ng pagsubok kaya dapat na magpakatatag.

_______9. Po at Opo. Mga katagang tila isang magandang musika sa pandinig ng mga nakatatanda sa atin.Musikang
sinasaliwan ng isang magandang hakbang tulad ng pagmamano. Ang mga ito’y ilan lamang sa mga gawaing
nagpapakita ng paggalang hindi lamang sa mga matatanda kundi pati na rin sa ating sarili.

A. Maraming kabataan sa ngayon ang di gumagamit ng po at opo.


B. Ang po at opo tulad ng pagmamano ay mga ugaling nagpapakita ng paggalang.
C. Ang musikang Pilipino ay magandang pandinig sa mga matatanda.

_______10. “Anumang gawain ay gumagaan sa tuluy – tuloy na pamamaraan.” Ito ang lagi nating isaisip sa tuwing
ipinagpapaliban natin ang gawaing kaya namang gawin ngayon. Talagang nakatatak na sa ating isipan ang
kaugaliang mañana habit.

A. Laging isipin ang kaugaliang mañana habit.


B. Ang pag-unlad ng bansa ay nasa ating mga kamay.
C. Huwag ipagpaliban pa ang magagawa mo ngayon.
_______11. “Colonial Mentality” -ito’y isa pang kaugaliang hindi maiwasan ng mga Pilipino. Ika nga “imported eh,
kaya matibay, sikat!” Minsan nakakalimutan na nating tangkilikin ang sariling atin. Ang mga mata nati’y
nakatuon na lamang sa mga produktong dayuhan at kung magkakagayon, mas mauunahan pa nila tayong
umunlad. Pero bago mangyari yon, “Tangkilikin ang sariling atin.”

A. Tangkilikin ang sariling atin upang tayo ay umunlad.


B. Basta’t imported matibay.
C. Ang mga produktong Pinoy ay mas maunlad na.

Basahin at unawaing mabuti ang teksto.

Wikang Ingles: Bilang Midyum ng Pagtuturo?

Naging isang mainit na usapin ang iniutos ng pangulo na pagpapagamit ng Ingles bilang midyum ng
pagtuturo sa paaralan. Hangad ng pangulo na maibalik ang wikang Ingles dahil sa rekognisyon at
pakikipagkumperensiya ng mga Pilipino sa daigdig. Ayon sa pangulo, tama lang na pag-ukulan nang pansin
ang bumababang antas ng literasi sa Ingles ng mga Pilipino. Subalit, para sa akin ang paggamit ng Filipino
bilang midyum ng pagtuturo ay hindi naman sagabal sa pagpapataas ng literasi sa Ingles ng mga Pilipino. Sa
halip na gawing Ingles ang midyum ng pagtuturo ay paghusayan na lamang ang pagtuturo ng Ingles sa
elementarya patungo sa mataas na lebel. Patuloy na humubog ng mga magagaling na gurong magtuturo ng
sabjek na ito.

Ang panukalang ito ng pangulo ay hindi sinang-ayunan ng guro sa Filipino. Marami sa kanila ang nagsabi
na ang isang mag-aaral ay matututo sa sarili niyang wika o wikang kinagisnan. Natututo siya ng dayuhang
wika kapag alam na niya ang sariling wika. Ayaw nilang tanggapin ang pananaw na ang paggamit ng Wikang
Filipino bilang midyum ng pagtuturo sa paaralan ang dahilan ng pagbaba ng kaalaman sa Ingles. Tunay na
maganda ang layunin ng pangulo na isulong ang Wikang Ingles upang madali ang pakikipagtalastasan sa iba’t
ibang panig ng mundo sa pag-asang ito ang magiging susi ng pag-unlad ng ating bansa. Subalit dapat nating
isipin na higit nating kailangan ang isang pambansang wika na magsisilbing pwersa na magbubuklod sa atin
bilang isang lahi at isang bansa.

Huwag nating hayaang mapabayaan ang wikang nagbibigkis sa puso at diwa ng sambayanang Pilipino
para sa pinakamimithing pagkakaisa at pagkakaunawaan. Paunlarin at palaganapin ang paggamit ng Wikang
Filipino.

_______12. Anong uri ng teksto ang iyong binasa?


A. Narativ B. Argumentativ C. Informativ D. Prosijural

_______13. Anong isyu ang inilahad sa teksto?


A. Pagpapagamit ng Ingles bilang midyum sa pagtuturo sa paaralan.
B. Pagpapagamit ng Filipino bilang midyum sa pagtuturo sa paaralan.
C. Pagpapaunlad ng Wikang Filipino.
D. Pagbaba ng literasi sa Ingles ng mga Pilipino.

_______14. Ano ang paninindigan ng awtor tungkol sa isyu?


A. Ang paggamit ng Ingles bilang midyum sa pagtuturo ang kanyang pinaniniwalaan.
B. Ang paggamit ng Filipino sa pagtuturo ay nakapagpababa sa kaalaman sa Ingles ng mga Pilipino.
C. Ang paggamit ng Filipino bilang midyum sa pagtuturo ang kanyang pinaniniwalaan.
D. Ang paggamit ng Ingles ay makatutulong sa pag-unlad ng mga Pilipino.

_______15. Saang bahagi makikita ang tungkol dito?


A. Sa ikalawang talata B. Sa unang talata
C. Sa ikatlong talata D. Sa una at huling talata.
Yakap, Sandigan ng Pagkakaisa at Pagmamahalan

Napakagandang kaugalian ito ng lahat ng bansa. Tunay na ipinadarama nila ang kanilang emosyon...
malungkot o hindi sa mahigpit na yakap.

Sa mga paalam at salubungan ang mahigpit na yakap ay talo ang isang libong salita. Para sa mga
sanggol at matanda ang yakap ay pahiwatig ng pagmamahal subalit sa magkalaguyo ay hindi pagmamahal
kundi nakaw na pag-ibig.

Sa matagal na pagkakalayo at pangungulila ng nagmamahalang mga puso ay nadarama ang higpit


ng yakap.

Sa pakikiramay, ang yakap ay nagbibigay ng kasiyahan sa puso. Naroon ang matinding yakap na
nakaaalis ng sugat ng puso. Ang yakap ay nangangahulugan ng pagpapatawad. Iyong dibdib sa dibdib na
yakap ay nakaaalis ng sama ng loob, ng galit, ng inggit,ng hinanakit at marami pang iba.

Sa isang ama na nawala nang maraming taon at naroon sa hapag-kainan makikita ang amang puno
ng luha. Naroon ang kanyang mag-ina na hindi umaasa na darating ang isang araw na makapiling nila ang
kanilang ama. Sa isang ina na nagbalik pagkatapos iwan ang kanyang mag-aama nang mahabang panahon
ay mainit na yakap ang naghihintay hudyat ang matinding pagkagiliw sa kanyang mga mahal sa buhay.

Ang yakap ay simbulo ng pagmamahal, pagkakaisa, pakikiramay, pagpapatawad at pagsisisi. Ito ay


pahatid ng Poong Maykapal sa mga pusong nagmamahalan.

_______16. Ang paksa ng teksto ay ______________.


A. init B. pagkakaisa C. pagmamahal D. yakap

_______17. Ang mainit na yakap ng nawalay na ina ay hudyat ng matinding pagkagiliw sa kanyang mahal sa
buhay. Ang salitang may salungguhit ay nagpapahayag ng _______.
A. kalungkutan B. pagkaawa C. kaligayahan D. kasawian

_______18. Ang pangunahing kaisipan ng tekstong binasa ay matatagpuan sa _____ talata.


A. una B. huli C. ikatlo D. ikaapat

_______19. Ang luha sa mata ng ama na matagal na nawalay sa mahal sa buhay ay nagpapahayag ng
A. kaligayahan B. kalungkutan C. kasawian D. katapatan

_______20. Nais ipabatid ng teksto sa mambabasa na ang yakap ay nangangahulugan ng ______.


A. pakikiramay B. pagmamahal C. pagpapatawad D. lahat ng mga ito

Ahon Bata sa Lansangan Program

Dahil sa kritikal na kondisyon at kapahamakang kinakaharap ng mga batang-lansangan, inilunsad kamakailan


ng pamahalaan ang “Ahon Bata sa Lansangan Program” bilang pagkilala ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo
sa pangunahing karapatan ng mga batang Pilipino.
Layunin ng proyekto na patuloy na mapalakas ang pagsisikap ng pamahalaan na matugunan ang mga
pangunahing pangangailangan ng mga batang-lansangan o street children. Sa pamamagitan ng programa, umaasa
ang pamahalaan na tutulong sa mga batang lansangan ang iba't ibang sektor ng lipunan.
Kabilang sa mga ipagkakaloob na tulong sa mga batang-lasangan ang sumusunod: pagkakaloob ng tahanan,
pagbibigay ng payo, serbisyong pangkalusugan, edukasyon, at mga gawain o trabaho na kanilang
mapagkakakitaan at iba pang serbisyo para sa kanilang pamilya, upang kahit papaano ay matulungan silang
makaalis sa kanilang kinasasadlakang kahirapan.
Kabilang sa mga ahensya ng pamahalaan na inatasang magpatupad ng programa ang Department of Social
Welfare and Development (DSWD), Philippine National Police (PNP), Department of Interior and Local
Government (DILG), at Department of Health (DOH).
(Pinagkunan: http://www.piA.gov.ph/infobits/ib031727.htm)

_______21. Ano ang paksa ng balita?


A. mga batang lansangan
B. pagtulong sa mga batang lansangan
C. paglulunsad ng isang proyekto para sa mga batang lansangan
D. mga ahensya ng pamahalaan na magpapatupad ng programa
_______22. Alin sa mga sumusunod na keyword ang hindi ganap na nagpakilala sa paksa ng balita?
A. inilunsad B. karapatan ng mga batang Pilipino
C. pagkilala D. pamahalaan

_______23. Alin sa mga sumusunod ang hindi positivong pahayag?


A. mapalakas ang pagsisikap ng pamahalaan
B. matugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng mga batang-lansangan
C. umaasa ang pamahalaan na tutulong ang iba't ibang sektor ng lipunan
D. kapahamakang kinakaharap ng mga batang-lansangan,

_______24. Ano ang denotasyong kahulugan ng “Ahon-Bata sa Lansangan Program”?


A. programa B. pagliligtas C. pagtulong D. pagsagip

_______25. Ano ang konotasyong kahulugan ng “Ahon-Bata sa Lansangan Program”?


A. programa B. pagliligtas C. pagtulong D. pagsagip

Narito ang isang tanyag na tulang “Ang Guryon” na isinulat ng isang mahusay na makata na si Ildefonso Santos.

Ang Guryon
ni Ildefonso Santos
Tanggapin mo, anak, itong munting guryon
Na yari sa patpat at “Papel de Hapon”
Magandang laruang pula, puti’t asul,
Na may pangalan mong sa gitna naroon.

Ang hiling ko lamang bago paliparin


Ang guryon mong itong ay pakatimbangin;
Ang dulo’t palo’y sukating magaling
Nang hindi mag-ikit o kaya’y magkiling.

Saka, pag humihip ang hangin, ilabas


At sa papawiri’y bayaang lumipad;
Datapwat ang pisi’y tibayan mo, anak,
At baka lagutin ng hanging malakas

Ibigin ma’t hindi, balang araw, ikaw


Ay mapapabuyong makipagdagitan;
Makipaglaban ka, subalit tandaan
Na ang nagwawagi’y ang pusong marangal.

At kung ang guryon mo’y sakaling madaig,


Matangay ng iba o kaya’y mapatid;
Kung saka-sakaling di na mapabalik
Maawaing kamay nawa ang magkamit!

Ang buhay ay guryon; marupok, malikot,


Dagiti’t dumagit saan man sumuot…
O, paliparin mo’t ihalik sa Diyos,
Bago patuluyang sa lupa’y sumubsoB.

Ano ang isinisimbolo ng mga sumusunod ?


A B
_______26. munting guryon A. matulungin/mapakalinga
_______27. papawirin B. pagkakaroon ng pasensya/pagiging matiyaga
_______28. pisi C. pag-ibig
_______29. hanging malakas D. mga gintong aral
_______30. maawaing kamay E. pagiging mapagkumbaba
_______31. lupa F. buhay
G. suliranin sa buhay/pagsubok
Ano naman ang ipinahihiwatig ng mga sumusunod na linya mula sa tulang “Ang Guryon”?

_______32 . Tanggapin mo, anak, itong munting guryon


Na yari sa patpat at “Papel de Hapon”
A. pamanang materyal na bagay B. regalong saranggola
C. gintong aral na magagamit sa buhay D. sermon o pangaral

_______33. Magandang laruang pula, puti’t asul


Na may pangalan mong sa gitna naroon
A. ibinibigay ng ama ang lahat ng naisin ng anak
B. espesyal ang guryon na bigay ng ama
C. hindi kailanman mangyayaring malilimutan ng ama ang sariling anak
D. maraming kulay ang guryon

_______34. Saka pagsumimo’y ang hangin, ilabas


Na sa papawiri’t bayaang lumipad
A. tumuklas pa ng mabubuting bagay o kaalaman B. mangarap at makipagsapalaran
C. samantalahin ang hangin upang makalipad D. iwasan ang pagiging mahangin o mayabang

_______35. Ibigin ma’t hindi, balang araw, ikaw


Ay mapapabuyong makipagdagitan
A. mahalagang maing matapang sa labanan
B. darating ang panahong kailangang makipaglaban sa hamon ng buhay
C. hindi dapar isipin ang pagkatalo
D. ang buhay ay puno ng suliranin at kailangan itong lutasin

_______36. Makipaglaban ka, subalit tandaan


Na ang nagwawagi’y ang pusong marangal
A. hindi masama kung minsan ay maging masama B. hindi nagwawagi ang gumagawa ng masama
C. ang makipaglaban ay gawain lamang ng masasama D. ang tapat at mabuti ang laging nagtatagumpay

_______36. At kung ang guryon mo’y sakaling madaig,


Matangay ng iba o kaya’y mapatid;
A. maligaw ng landas
B. makalimot sa mga pangaral ng magulang
C. kung sakaling maging bigo sa buhay o sa pakikipagsapalaran
D. mahina ang pagkakagawa ng saranggola

_______37. Kung saka-sakaling di na mapabalik


Maawaing kamay nawa ang magkamit!
A. kunin ng ibang masamang kamay
B. pagkuha ng mga bagay na pag-aari ng iba
C. saan man mapadpad, isang may mabuting loob sana ang mag-alaga
D. sa mabubuting tao napupunta ang mabuti ring tao

_______38. Ang buhay ay guryon; marupok, malikot,


Dagiti’t dumagit saan man sumuot…
A. mahirap ang mabuhay B. ang buhay ay puno ng pasakit o suliranin
C. kailangang pag-ingatan ang buhay D. bahagi ng buhay ang tagumpay at kasawian

_______39. O, paliparin mo’t ihalik sa Diyos,


Bago patuluyang sa lupa’y sumubsob.
A. lahat ng tao ay mamamatay
B. lagi’t lagi may bagong simula
C. maging mapagkumbaba marating man ang tagumpay
D. huwag kalilimutan ang Diyos, ang tagumpay man o kabiguan

_______40. Ano ang isinisimbolo ng mga salitang may salungguhit?

Ang buhay ay guryon: marupok, malikot,


Dagiti’t dumagit saan man sumuot…

A. pagsubok sa buhay B. problema C. isang laruan D. pangarap


Tukuyin ang mga sumusunod na teksto kung ito ba ay deskriptiv, narativ, ekspositori, informativ o argumentativ.

___________________41. Labing walong taon na siyang may ispiritung nagbibigay-sakit. Nagkakandakuba na siya at di
makatingala.

___________________42. May mga taong mas abala pa sa pag-aalaga sa mga hayop kaysa mga tao, at mas iniisip pa ang
batas at ang kaayusan kaysa ang kalagayan ng mga mahihirap.

___________________43. Nagtuturo si Hesus sa isang sinagoga sa Araw ng Pahinga at may isang babaeng dumating.

___________________44. Nagalit ang pangulo ng sinagoga dahil nagpagaling si Jesus sa Araw ng Pahinga kaya sinabi
niya sa mga tao; “May anim na araw para magtrabaho kaya sa mga araw na iyon kayo
pumarito para magpagaling hindi sa Araw ng Pahinga.

___________________45. Hindi ba kinakailangan ng bawat isa sa inyo ang kanyang baka o asno mula sa sabsaban nito
sa Araw ng Pahinga at inilalabas para painumin. At isang babae naman ang narito na
labing walong taon nang iginapos ni Satanas. Di ba siya dapat kalagan sa Araw ng Pahinga?

___________________46. Sa personalidad ay talo si Ding ng kaisa-isang anak na lalaki ng mga Monte. Spoiled brat ang
binatilyong ito. Matalino ngunit makasarili.

___________________47. Ginang Adelaida Ogdog ng Southern Leyte ay gumaling sa sakit na Leukemia, nagbalik sa
normal ang kaniyang dugo. Dati-rati, sinasalinan siya tuwing ikalawang linggo ngunit sa
paggamit niya ng gamot na ito, hindi na kailangan.

___________________48.Kapwa kandidato sina Ding at Gil sa idaraos na halalan sa Student Council sa kanilang haiskul.
Isang araw nagtagpo ang kanilang landas. Nagkatinginan sila…

___________________49. Habang ang Pilipinas ay patuloy na nakikiisa sa pandaigdigang programa na may kinalaman
sa pagbabago ng kalidad ng kapaligiran, ang kakulangan ng pondo ang isang
napakalaking balakid para lubos nating maisakatuparan ang nasabing programa.

___________________50. Naniniwala ako na ang buhay natin sa mundong ito ay isang regalo. Buhay itong bigay sa atin
ng diyos, kung kaya’t wala tayong karapatang kumitil ng isang buhay na hindi naman
natin pag- aari. Kung ganito walang karapatan ang isang dalagang nagdadalantao na magpa-
abort. Isipin mo sarili mong anak ay mamamatay sa sarili mong mga kamay? Nasaan ang
hustisya para sa batang walang kamuwang-muwang sa mga pangyayari?

Punan ang patlang ng wastong cohesive device. Tukuyin kung ito ay isang anapora o katapora.

___________________51.Hindi __________ masisisi na umalis ng bansa. Nahihirapan ang mga doktor at nars na
kumita nang malaki.

___________________52. Kapag tumaas na ang suweldo ng mga doktors at nars hindi na __________ iisipin pang
umalis.

___________________53. Nagwika __________ na baka ang pasuweldo sa paalis na mga doktor ay idadagdag sa mga
maiiwan. Patuloy na nagpapaliwanag si Sec. Sto. Tomas.

___________________54. Matutuwa __________ dahil makakakuha na ng mataas na suweldo ang mga maiiwang doktor
at narses.

___________________55. Kapag nagpatuloy ang pag-alis ng mga doktor at narses, magiging advantageous __________
sa mga maiiwan.

- Wakas -

“ To be so proud of learning is the greatest ignorance”

Inihanda ni:

MARIEL G. VILLANUEVA
Guro

You might also like