You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
DIVISION OF ORIENTAL MINDORO

IKALALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT


KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO

1. Itinuturing na pinakamakapangyarihang media sa Pilipinas dahil sa dami ng naaabot nito


A. Telebisyon B. Radyo C. Facebook D. Cellphone
2. Ang halos lahat ng mga palabas sa local na channel ay gumagamit ng wikang _ at ng iba’t ibang barayti nito
A. Ingles B. Tagalog C. Filipino D. Bisaya
3. Sa diyaryo, wikang ____ ang ginagamit sa mga broadsheet at wikang Filipino sa mga tabloid
B. Ingles B. Tagalog C. Filipino D. Bisaya
4. Tukuyin kung anong gamit ng wika sa internet at social media ang tinutukoy sa sitwasyon. Pagkakaroon ng
mga “meme” o mga litratong may caption na naglalarawan ng senaryo para sa taong nasa litrato.
A. Nakapagdudulot ng mga bagong paraan ng pagpapahayag
B. Bumubuo o nagpapanatili ng mga ugnayan
C. Nagtuturo ng mga bagong bagay
D. Nakapagdodokumento ng mga alaala

5. Tukuyin kung anong gamit ng wika sa internet at social media ang tinutukoy sa sitwasyon. Ginagamit ng
mga internet users ang mga forum upang makakilala ng mga magkakatulad ng interes at doon ay makapag-
usap.
A. Nakapagdodokumento ng mga alaala
B. Nakapagdudulot ng mga bagong paraan ng pagpapahayag
C. Nakalilikha ng mga bagong content na maibabahagi sa mga mambabasa at tagapakinig
D. Bumubuo at nagpapanatili ng ugnayan

6. Tukuyin kung alin ang pinakaakmang halimbawang senaryo para sa gamit ng wika sa internet at social
media na nakapagdodokumento ng mga alaala.
A. Nanonood sa Youtube ang iyong ama ng kung paano linisin ang makina ng kotse
B. Nais ipagmalaki ng iyong kapatid ang kanyang pagkapasa sa bar exam
C. Hinahanap ng iyong ina sa facebook ang kanyang kaklaseng matagal nang hindi nakakausap
D. Nakikipag-usap ang iyong kapatid gamit ang messenger na pawang mga emoticons ang kanyang
ipinapadala sa kausap

7. Tukuyin kung anong salik ng pelikula at dula ang ipinapakita ng sitwasyon. Mahalaga para sa mga
manonood ng dula na makita ang buong entablado sa kanilang panonood kung kaya’t pinipili nilang umupo sa
tamang layo mula sa entablado.
A. Presentasyon B. Lugar C. Pinagmulan D. Proseso ng Paglikha

8. Alin sa mga sumusunod ang hindi salik sa paghahambing ng dula at pelikula?


A. Presentasyon B. Pag-iilaw C. Proseso ng Paglikha D. Pinagmulan

9. Tukuyin kung anong salik ng pelikula at dula ang ipinapakita ng sitwasyon. Noong umpisa, itim at puti
lamang ang makikitang kulay sa mga unang pelikula. Nagkaroon ng iba’t ibang kulay ang pelikula nang
magkaroon ng teknolohiya para rito at dala na rin ng paghahangad na mgaing makatotohanan ang mga
larawang kanilang maipapanood.
A. Pinagmulan B. Lugar C. Presentasyon D. Proseso ng Paglikha

10. Alin sa mga sumusunod na pahayag tungkol sa mass media ang mali?
A. Kapuwa ginagamit ang pormal at impormal na wika sa mass media
B. Ang mga pangkaraniwang tao ang madalas na naaabot ng mass media
C. Layunin ng mass media na gamitin ang wikang Filipino upang ito ay payabungin
D. Ibinabatay rin ang wika at konsepto ng mga patalastas batay sa kung sino ang target audience

11. Ang mga sumusunod ay kategorya ng mass media maliban sa isa? Alin ito?
A. Soft Media B. Online C. Broadcast Media D. Print Media

12. Sa mass media, kung ang pormal na wika ay karaniwang ginagamit sa pagbabalita, saan naman mas
madalas ginagamit ang impormal na wika?
A. karatula at alituntunin B. talk show C. Blog D. kolum

NAUJAN MUNICIPAL HIGH SCHOOL


Andres Ylagan, Naujan, Oriental Mindoro 5204
Mobile No: 0926 702 8895 Tel. No: 043 738 4426 Email Address: 301645@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
DIVISION OF ORIENTAL MINDORO

13. May mga estudyanteng iniwan sa klase ng kanilang guro. Nagkwentuhan sila tungkol sa naganap noong
nakaraang linggo. Pinaghalong Ingles at Tagalog ang kanilang gamit na wika. Pagpasok ng kanilang guro ay
biglang nagbago ang ginamit nilang wika, naging pormal na wikang Filipino. Sa aling barayti ng wika
nabibilang ang sitwasyong ito?
A. Dayalekto B. Sosyolek C. Idyolek D. Pidgin

14. Dalawang Waray ang nag-uusap- isa galing sa Samar habang ang isa naman ay nagmula pa sa Leyte. Sa
aling barayti ng wika nabibilang ang sitwasyong ito?
A. Idyolek B. Dayalekto C. Sosyolek D. Creole

15. Ipinapamemorya sa buong klase ang isang piyesa para sa sabayang pagbigkas. Nang ipinabigkas na ito
ng kanilang guro ay kapansin-pansing naiiba ang tinis ng boses ng isang mag-aaral. Sa aling barayti ng wika
nabibilang ang sitwasyong ito?
A. Sosyolek B. Creole C. Pidgin D. Idyolek

16. Nang dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas, tinuruan ang kabataan ng mga dasal ng relihiyong
Katoliko. Nasa wikang katutubo ang mga ito ngunit nasa baybay ng wikang Espanyol. Ano ang pinakaangkop
na halimbawa para sa kalagayang pangwikang ito?
A. Kalagayang nagpapayabong sa larangan ng panitikan
B. Kalagayang dala ng pangangailangan sa iba’t ibang larangan
C. Kalagayang hinubog ng kasaysayan
D. Kalagayan ng bilingguwalismo

17. Malago ang industriya ng call center sa Pilipinas. Maraming Pilipino ang kuwalipikadong makipag-usap sa
mga kliyenteng mula sa iba’t ibang bansa dahil sinasabing mahusay sila sa wikang Ingles. Sa anong
kalagayang pangwika nabibilang ang sitwasyong ito?
A. Kalagayan ng bilingguwalismo
B. Kalagayang nagpapayabong sa larangan ng panitikan
C. Kalagayang dala ng pangangailangan sa iba’t ibang larangan
D. Kalagayang hinubog ng kasaysayan

18. Bago magpakasal, kumuha ng seminar ang magpartner. Tinitiyak na nauunawaan ng mga ikakasal ang
mga responsibilidad ng tatahakin nilang bagong buhay. Ginagamit ang wikang Filipino upang maisalaysay ang
kanilang aasahan sa buhay mag-asawa. Sa anong kalagayang pangwika nabibilang ang sitwasyong ito?
A. Kalagayang dala ng pangangailangan sa iba’t ibang larangan
B. Kalagayang hinubog ng kasaysayan
C. Kalagayang nagpapayabong sa larangan ng panitikan
D. Kalagayan ng bilingguwalismo

19. Kalagayang hinubog ng kasaysayan.Ano ang pinakaangkop na halimbawa para sa kalagayang pangwika
na ito?
A. Sa paaralan,tinitiyak na marunong mag-Ingles ang mga estudyante bilang paghahanda sa mga ugnayang
panlabas ng bansa sa hinaharap
B. Sa pagdating ng mga Amerikano, napakilala sa mga Pilipino ang alpabetong Ingles na ginagamit sa
pagtuturo sa mga bata hanggang ngayon
C. Sa mga panayam upang makapasok sa kolehiyo, inaasahang makapagsalita sa tuwid na Ingles ang mga
naghahangad makapasok sa mga pestihiyosong paaralan
D. Nakikipag-usap sa wikang katutubo ang mga nais bumili ng bagong huli mula sa mga mangingisda

20. Tukuyin kung anong pagpapahalaga o kultura ang sinasalamin ng pangyayari sa social media. Madalas
gumagamit ng hindi magagandang salita at pahayag tulad ng pagmumura at pang-iinsulto ang karamihan sa
mga naglalaro ng online games.
A. May pagkamarahas ang karamihan sa online games
B. Tahimik lamang kung maglaro ng online games ang mga Pilipino
C. Likas na matapang ang kabataang Pilipino
D. Maraming hindi magagandang salita ang wikang Pilipino

NAUJAN MUNICIPAL HIGH SCHOOL


Andres Ylagan, Naujan, Oriental Mindoro 5204
Mobile No: 0926 702 8895 Tel. No: 043 738 4426 Email Address: 301645@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
DIVISION OF ORIENTAL MINDORO

21. Tukuyin kung anong pagpapahalaga o kultura ang sinasalamin ng pangyayaring ito sa social media. Mas
nagiging maingat ang mga kabataan sa pagpapaskil sa social media account na nakikita ng kanilang mga
magulang.
A. Hindi malapit ang mga Pilipino sa kanilang pamilya lalo na sa kanilang mga magulang.
B. Mahiyain ang mga Pilipino lalo na sa kanilang mga magulang.
C. Malaki ang pagpapahalaga ng kulturang Pilipino sa nararamdaman at sasabihin ng mga magulang.
D. Sadyang malihim ang mga Pilipino.

22. Nadadala ng mga kabataan ang hindi magandang kultura sa social media. Batay sa inilahad, alin sa mga
sumusunod na sitwasyon ang nagpapatunay sa mga palagay tungkol sa epekto ng wika ng social media sa
pagsulong o pagkasira ng wikang Filipino?
A. Nagiging masyadong malaya sa pagpapahayag ng nararamdaman ang mga kabataan
B. Walang maaaring magpatunay na nagbabago ang ugali ng mga kabataan dahil sa social media
C. Madalas gumamit ng Taglish ang mga kabataan na siya ring wikang ginagamit nila sa social media
D. Nagiging balbal magsalita ang mga kabataang gumagamit ng social media

23. Tukuyin kung ano ang angkop na salita para sa salitang may salungguhit sa pangungusap. Drug pusher,
niyari ng pulis!
A. hinuli B. inayos C. pinatay D. binuo

24. Tukuyin kung ano ang angkop na salita para sa salitang may salungguhit sa pangungusap. Binatilyong
nahuli dahil sa curfew, tinamaan kay Tatay!
A. nahagip B. pinalo C. bumangga D. nagkagusto

25. Tukuyin kung ano ang angkop na salita para sa salitang may salungguhit sa pangungusap. Mga batang
hamog, nagpatintero sa express way.
A. naglaro B. naglakad C. nagsayawan D. nagtakbuhan

26. Kung nagtatala pa lamang ang mananaliksik ng mga datos buhat sa kaniyang mga panayam, pagbasa ng
mga aklat, at pag-survey, siya ay nasa hakbang na ______.
A. Pagsulat ng unang burador C. Pagbasa ng kaugnay na literatura
B. Presentasyon ng datos D. Pangangalap ng datos

27. Ang _____ ay naglalaman ng pagsusuri ng impormasyon na maaaring sa paraang patalata, patabular, o
pagrapikal.
A. Pagsulat ng konseptuwal o teoretikal na balangkas C. Pangangalap ng datos
B. Pag-i-edit at pagrerebisa ng pananaliksik D. Presentasyon ng datos

28. Ang ____ ay pag-aayos sa unang pagkakataon ng mga kompletong tala sa tamang pormat at
pagkakasunod-sunod.
A. Pagsulat ng unang burador
B. Pag-i-edit at pagrerebisa ng pananaliksik
C. Pagtakda ng layunin gamit ang metodo at pananaliksik
D. Malawakang pagbabasa ng mga kaugnay na literatura

29. Tukuyin kung aling hakbang ng pananaliksik ang ipinapakita ng sitwasyon. Nagbasa ang mananaliksik ng
mga tesis tungkol sa climate change dahil ito ang napili niyang paksa ng pananaliksik.
A. Malawakang pagbabasa ng mga kaugnay na literatura
B. Presentasyon ng datos
C. Pag-iedit at pagrerebisa ng papel
D. Pagpili ng paksa

30. Unawain ang diyalogo sa ibaba. Ano ang kahulugan ng salitang loading batay sa konteksto ng pag-uusap?
Reinz: Naintindihan mo ba ang ipinaliwanag ko?
Jaz: Hindi, pakiulit nga para maunawaan ko.
Reinz: Loading ka na naman!
A. Mabagal makaunawa C. Hindi makaunawa
B. Naghihintay na bumilis ang Internet D. Mabagal ang internet

NAUJAN MUNICIPAL HIGH SCHOOL


Andres Ylagan, Naujan, Oriental Mindoro 5204
Mobile No: 0926 702 8895 Tel. No: 043 738 4426 Email Address: 301645@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
DIVISION OF ORIENTAL MINDORO

31. “Naku, kailangang maiayos na natin ang lahat ng invitations para sa anniversary nina Mommy at Daddy,
dahil kung hindi beastmode na naman sa atin si Ate dahil kailangan na raw niya itong ipamigay bukas.” Paano
ginamit sa pangungusap ang salitang beastmode?
A. Natuwa B. masaya C. galit D. halimaw

32. Hindi mahilig gumamit ng social networking sites si Gng. Reyes, kaya hindi niya maunawaan ang tinutukoy
ng kanyang anak na account sa Facebook. Inakala niyang ito ay account sa bangko. Ano ang naging hadlang
sa hindi pagkaunawa ni Gng. Reyes sa salitang account.
A. Kinaiinisan ni Gng. Reyes ang mga salitang ginagamit sa social networking sites
B. Ayaw na ayaw ni Gng. Reyes ng pagbabago sa paraan ng komunikasyon.
C. Naging limitado ang bokabularyo ni Gng. Reyes sa mga salita sa mga social networking sites.
D. Hindi sumbay si Gng. Reyes sa pag-unlad ng teknolohiya.

33. Bakit sa teoryang nabuo nakikita ang kagandahan ng isang panimulang pananaliksik?
A. Ito ang gabay sa kabuuang pag-aaral
B. Ito ang pinakakritikal na bahagi ng pananaliksik
C. Ito ang kabuuang kaisipan ng isinasagawang pag-aaral
D. Ito ang puso ng panimulang pananaliksik

34. Bakit magandang mapagkunan ng paksa para sa panimulang pananaliksik ang isang penomenang
kultural?
A. Maraming mga kaganapan sa lipunan ang dapat bigyang-pansin
B. Nabibigyang-solusyon ang mga kaganapang naghatid ng suliranin sa pamahalaan
C. Araw-araw ay maraming mga kaganapang hindi agad nabibigyang-solusyon ng pamahalaan
D. Nauugat ang mga kadahilanan sa likod ng mga pangyayaring pinag-uusapan ng lipunan

35. Bakit maituturing na isang penomenang kultural ang pagsikat ng “Aldub” at pagkakaroon ng “Aldub
Nation”?
A. Isa sa mga personalidad sa telebisyon at pelikula ang isa sa mga artista ng Aldub
B. Naging mabilis ang pagsikat ng Aldub at napakarami ng miyembro ng Aldub Nation
C. Sinuportahan ng ibang artista ang pagsikat ng Aldub
D. Ang labis na pagtangkilik ng maraming tao sa Aldub ay nagpapakita ng kulturang Pilipino

36. Tukuyin kung ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa pahayag. “Nakita mo na ba ‘yung mga
bagong memes na ginawa ng bestfriend mo? Naku, matatawa ka talaga!”
A. Larawang may caption C. Ibinahaging may video
B. Comment sa isang post D. Magagandang larawan

37. Tukuyin kung ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa pahayag. “Friend, paki-tag mo na lang sa
akin ‘yung mga pictures para maidownload ko ha. Thanks.
A. Nahawakan B. Etiketa C. Pananda D. Sundan

38. Tukuyin kung ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa pahayag. “Pm kita mamaya.”
A. Personal Message B. Personal Model C. Paradigm Modz D. Paramount

39. Alin ang pinakaangkop na mensahe ng pagbati para sa iyong kapatid na lalaki na guro din sa paaralang
iyong pinapasukan at nasalubong mo sa paaralan isang umaga?
A. Magandang umaga p’re! C. ‘Musta Sir?
B. Magandang umaga Sir! D. Kumusta ‘tol?
40. Pahayag: Okey lang ‘yan kapatid. Ipagpasalamat mo na lamang na nagkaroon ka ng panahong makasama
siya. Saka sigurado naman ako na nasasaktan ka rin tuwing nakikita mo siyang nahihirapan. Saka ‘te, pwede
mo naman siyang palitan kahit anong oras.
Sitwasyon: Gusto mong paluwagin ang kalooban ng kaibigan mong namatayan ng alagang aso dahil sa sakit.
Alam mong mahal na mahal niya ang kaniyang alaga dahil halos ituring niya itong kapatid. Aling bahagi ng
pahayag ang hindi angkop sa sitwasyon?
A. Okey lang ‘yan kapatid.
B. Ipagpasalamat mo na lamang na nagkaroon ka ng panahong makasama siya.
C. Saka sigurado naman ako na nasasaktan ka rin tuwing nakikita mo siyang nahihirapan.

NAUJAN MUNICIPAL HIGH SCHOOL


Andres Ylagan, Naujan, Oriental Mindoro 5204
Mobile No: 0926 702 8895 Tel. No: 043 738 4426 Email Address: 301645@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
DIVISION OF ORIENTAL MINDORO

D. Saka ‘te, pwede mo naman siyang palitan kahit anong oras.

41. Pahayag: Ako si Rafael Romero. Sumali ako sa samahang ito dahil gusto kong ipakita sa inyo ang galing
ko sa pagkanta.
Sitwasyon: Unang pagtitipon ninyo sa bagong samahan na iyong sinalihan. Inatasan ang mga bagong
miyembro na magpakilala at sabihin ang dahilan kung bakit sumali sa samahan. Narito ang pagpapakilala mo.
Aling bahagi ng pahayag ang hindi angkop sa sitwasyon?
A. Ako si Rafael Romero C. dahil gusto kong ipakita sa inyo
B. Sumali ako sa samahang ito D. ang galing ko sa pagkanta.

42. Ano ang maaaring maging kahulugan ng salitang state batay sa larangan ng Politika?
A. Teritoryo B. Bansa C. Pamahalaan D. Politiko

43. Ano ang maaaring maging kahulugan ng salitang state batay sa larangan ng Agham/Siyensiya?
A. Panahon B. Uri ng Matter C. Sitwasyon D. Kakayahan

44. Ano ang maaaring maging kahulugan ng salitang state batay sa larangan ng Psychology?
A. Ayos ng pangangatawan C. Kondisyon ng pag-iisip
B. Paglalahad ng panig D. Pormal na seremonya

45. Alin sa mga sumusunod ang maaaring paksain ng mga manunulat ng sanaysay?
A. Puna sa mga isyu o kaganapan sa lipunan
B. Obserbasyon sa mga pangyayari sa komunidad
C. Wala sa mga nabanggit
D. A at B

46. Tukuyin sa mga sumusunod na pagpipilian ang pinakamainam na halimbawa ng isang pormal na
sanaysay.
A. Ang kalagayan ng mga naging biktima ng bagyong Ondoy
B. Pagbabalik-tanaw sa malagim na sinapit sa bagyong Ondoy
C. Saloobin tungkol sa dapat tugunan ng pamahalaan bilang paghahanda sa mga sakuna
D. Ang karanasan sa panahon ng Ondoy

47. Tinatanggal ang isa o ilang patinig sa salita. Anong konteksto ng social media ang ipinapakita ng sitwasyon
na naging dahilan ng pagbabago sa wika?
A. Hindi binibigyang-pansin ang estruktura ng wika
B. Mabilis na takbo ng usapan
C. Limitado ang espasyo
D. Kanluranin ang kultura

48. “Sige, pumunta ka sa bahay namin para magkita tayo. Para makita mo kung ano ang hinahanap mo at
nang matahimik ka na.” Ano ang layuning masasalamin sa pahayag?
A. Nagbabanta B. Nagpapabatid C. Nanunuyo D. Nanunumbat

49. ”Noong una akong kumatok sa inyong mga puso, ang sabi ko: Gusto kong ipagpatuloy ang mga simulain ni
FPJ.” Ano ang layuning masasalamin sa pahayag?
A. Nanghihikayat B. Nanunumbat C. Nang-aaliw D. Nagpapabatid

50. “Malabo na talaga ang mata ko. Pwede ba akong makahingi sa iyo kahit konting pagtingin?” Ano ang
layuning masasalamin sa pahayag?
A. Nagpapatawa B. Nanunumbat C. Nanghihikayat D. Nagpapabatid

“Matalino ka mang ituring, sa maling paraan naman galing, mas mabuti pang hindi gaanong magaling kung
tapat naman at hindi sinungaling.”

Inihanda ni:

IRENE P. BANUELOS
Guro II

NAUJAN MUNICIPAL HIGH SCHOOL


Andres Ylagan, Naujan, Oriental Mindoro 5204
Mobile No: 0926 702 8895 Tel. No: 043 738 4426 Email Address: 301645@deped.gov.ph

You might also like