You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

DEPARMENT OF EDUCATION
Region VII, Central Visayas
DIVISION OF CEBU PROVINCE

TUNGKIL NATIONAL HIGH SCHOOL


Tungkil, Minglanilla, Cebu

SUMMATIVE EXAM
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
S.Y. 2021-2022
I. Multiple Choice. Basahin ng mabuti ang mga tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa iyong sagutang
papel.

1. Ito ang katutubong wika na ginagamit sa buong bansang Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga
etnikong grupo.
a. Filipino b. Pilipino c. Tagalog d. Ingles/Tagalog
2. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa pagbuo ng wika.
a. Morpema b. Simbolo c. sintaks d. ponema
3. Pinagtibay na batayan ng ating wikang pambansa ang tagalog dahil
a. Ito ang salitang ginagamit sa Maynila, ang punong-lungsod
b. Ito ay mas mabuti kaysa Ingles at Espanyol na mga dayuhang salita
c. Karamihan sa mga hukom na nasa assembliyang nagpatibay sa ating wikang pambansa ay mga
Tagalog
d. Ito ang salitang ginagamit ni Pangulong Quezon
4. Mahalagang magkaroon ng wikang pambansa dahil ito ay:
a. Nagpapaunlad ng pagkatuto sa pamamagitan ng interaksyon ng guro at mag-aaral
b. Nagbibigay-daan sa epektibong pagpapalitan ng mga kaisipan at impormasyon
c. Nagbibigay- daan upang magkaroon ng interaksyon ang mga ito
d. Lahat ng ito
5. Anong konseptong pangwika ang nakapaloob sa pahayag sa isang karatulang “Mas mabuti pang mahulog sa
kanal kaysa sa mahulog sa taong hindi ka naman mahal?”
a. Barayti ng wika b. Kultura ng wika c. Wikang opisyal d. Unang wika
6. Ito ay tumutukoy sa pagkakaiba-iba ng wikang ginagamit ng mga pangkat ng tao sa isang lugar.
a. Heterogenous na wika b. Homogenous na wika c. Dayalek d. Pidgin
7. Nagpunta sa David Salon si Coleen matapos makatanggap ng kaniyang unang suweldo sa pabrikang kanyang
pinagtatrabahuhan. Marami sa mga tao sa loob ang gumagamit ng wika ng mga bakla o beki. Pamilyar na
siya sa ganitong salita dahil ito’y gamitin na saan mang panig ng bansa. Anong barayti ng wika ang kanyang
narinig?
a. Sosyolek b. Dayalek c. Etnolek d. Idyolek
8. Ang wikang Filipino ay binubuo ng maraming kasalong wika, nananatili pa rin ang barayti at baryasyon nito
kahit pa sabihing mayroong pambansang wika.
a. Multilingguwalismo b. Bilingguwalismo c. Heterogeneous d. Homogeneous
9. Lumaganap ang paggamit ng unang wika sa social media dahil ____________.
a. Maraming Pilipino ang mahilig mag-post
b. Maraming Pilipino ang gumagamit ng sariling wika sa social media
c. Maraming Pilipino ang hindi gumagamit ng ikalawang wika
d. Naipapahayag ang damdamin dito.
10. Masasabing mahalaga ang pagkatuto sa unang wika _________________.
a. Upang maging daluyan ng higit na pagkatuto at pagkaunawa sa ikalawang wika
b. Upang may maipagmalaki sa kaniyang kapuwa
c. Upang mabuo ang kanyang kumpiyansa sa sarili
d. Upang maging instrumento sa mahusay na pakikipag-ugnayan
11. Nasa makabagong panahon na tayo, kasabay nito ang paglabas ng mga makabagong teknolohiya. Ano ang
cohesive device ginamit sa pangungusap?
a. kasabay nito b. teknolohiya c. makabago d. panahon
12. Mabagal kumilos si Oscar ngunit hindi ito nahuhuli sa mga nagiging lakad niya.
a. kumilos b. nahuhuli c. nagiging d. ngunit
13. Ano ang angkop na gamit ng wika sa pangangalap ng impormasyon mula sa pakikipanayam?
a. interaksyonal b. regulatoryo c. heuristiko d. personal
14. Sa Proklamasyon Blg.na ito, inalabas ni Pangulong Ramon Magsaysay ang pagkakaroon ng pagdiriwang ng
Linggo ng Wika mula Marso 29-Abril 4.
a. Proklamasyon Blg. 1041
b. Proklamasyon Blg. 186
c. Proklamasyon Blg 570
d. Proklamasyon Blg. 12
15. Ayon sa Saligang Batas 1987, Artikulo XIV, anong seksyon ang nagsasabing ang Filipino ang Wikang
Pambansa ng Pilipinas?
a. Seksyon 2 b. Seksyon 6 c. Seksyon 11 d. Seksyon 12
16. Nagsimula ang paggamit ng wikang Tagalog ng mga Propagandista sa pagsulat ng pahayagan.
a. panahon ng Republika
b. panahon ng Komonwelt
c. panahon ng Amerikano
d. panahon ng Espanyol
17. Wikang pinagtibay ng pamahalaan na ginagamit sa pamamahala at pakikipag-ugnayan sa mamamayang
kaniyang nasasakop.
a. Wikang Pambansa c. Wikang Opisyal
b. Wikang Panturo d. Wika
18. Ito ang barayting bunga ng sitwasyon at disiplina o larangang pinaggagamitan ng wika.
a. a. Creole b. Register c. Jargon d. Dayalek
19. Salik na nakakaapekto sa lingguwistikong komunidad.
a. Hanapbuhay at edukasyon c. Pakikitungo
b. Pakikipag-ugnayan d. Rasyonal
20. Gumagawa ka ng proyekto sa Filipino. Ito ay isang spoken word poetry. Nais mong ihandog sa iyong ina ang
tulang ito sa kaniyang kaarawan. Anong gamit ng wika isinaad sa sitwasyon?
a. Imahinatibo c. Personal
b. Interaksiyunal d. Representatibo
II. Performance Task (20 points)
Sagutan ang mga sumusunod:
a. Ipaliwanag ang ibig sabihin ng pahayag na “pagkakaisa sa gitna ng pagkakaiba”.
b. Paano mo maiuugnay ang naunang pahayag sa kasalukyang sitwasyon sa Pilipinas?

You might also like