You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VI – Kanlurang Bisayas
Dibisyon ng Iloilo
BUGA NATIONAL HIGH SCHOOL
Buga, Leon, Iloilo

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino


Unang Semestre- Unang Markahang Pagsusulit

Pangalan:__________________________________________ Baitang ____________

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang bawat tanong. Piliin ang
pinakaangkop na sagot at isulat ang titik sa iyong sagutang papel.

_____1. Sa patakarang ito binibigyan ng katuturang maghiwalay ang paggamit ng Pilipino at English
bilang mga panturo sa mga tiyak na asignatura.
a. Edukasyong Mutilingguwal c. Multilingguwalismo
b. Implementasyon Edukasyong Bilinguwal d. Wikang Opisyal
_____2. Alin sa sumusunod ang pinakalayunin ng edukasyong multilingguwal?
a. Gamitin ang wikang Pilipino at wikang banyaga.
b. Paggamit ng wikang Pilipino sa lahat na asignatura.
c. Pakinisin o gamitin ang wikang katutubo o diyalekto.
d. Paggamit ng wikang Ingles sa lahat na asignatura.
_____3. Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga walong (8) pangunahing wika upang gawing
panturo at ituturo bilang hiwalay na asigantura maliban sa:
a. Bikol b. Batangas c. Hiligaynon d. Waray
_____4. Ito ay tumutukoy sa wikang karaniwang ginagamit at nauunawaan sa isang bansa.
a. Salita b. Lingua franca c. Linguwistika d. Linguwista
_____5. Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga katangian ng wika, maliban sa:
a. Ang wika ay binubuo ng mga tunog
b. Ang wika ay hindi nagbabago pagkaraan ng maraming taon.
c. Ang wika ay arbitraryo
d. Ang wika ay pakikipagtalastasan
______6. Sa puntong ito itinuring na ang Filipino bilang Wikang Pambansa ng Pilipinas.
a. MEC Order No. 22, s. 1978 c. Kautusang Pangkkagawaran Blg. 50 s. 1975
b. Batas KOmonwelt 184 d. 1987 Konstitusyon, Artikulo XIV, Sek. 6
_____7. Naging sagisag ng pagkakaroon ng modernisasyon ng wikang pambansa ang pagpatibay ng
1987 ang Bagong Alpabetong Filipino na may _____ letra.
a. 30 b. 29 c. 31 d. 28
_____8. Ito ang tawag sa patakarang pangwika kung saan nakasalig ito sa paggamit ng wikang
pambansa (Filipino) at katutubong wika wika o unang wika (mother tongue).
a. Edukasyong Bilinguwal c. Edukasyong Multilinguwal
b. Wikang Opisyal d. Wikang Pambansa
_____9. Ito ay nagmula sa salitang Latin na “lengua” na ang kahulugan ay dila. Ito ay masistemang
gamit sa pakikipagtalastasan na binubuo ng mga simbolo at panuntunan.
a. Wika b. Tunog c. Dalubwika d. Linguwistika
_____10. Nang dumating ang mga Kastila, may sarili nang palatinikan angating mga ninuno na
tinatawag na:
a. Makabagong Alpabeto c. Makabagong ponema
b. Alibata d. Speech
_____11. Ang Pilipinas ay isang kapuluang binubuo ng iba’t ibang pangkat ng mga Pilipinong
gumagamit ng iba’t ibang pangkat ng mga Pilipinong gumagamit ng ___________ wika at
diyaleko.
a. 120 b . 150 c. 100 d. 110
_____12. Ang mga sumusunod ay mga tungkulin ng wika maliban sa:
a. Pagbabahagi ng damdamin c. Pagbibigay o pagkuha ng impormasyon
b. Pagkontrol sa kilos at gawi ng iba d. wala sa mga nabanggit
_____13. Dahil sa pagkakahiwa-hiwalay ng ating bansa sa iba’t ibang pulo at sa dami ng wikang umiiral
dito, naging isang paksang mainit na pinagtatalunan, pinag-isipan at tinalakay sa Kumbensiyong
Konstitusyunal ay ang pagpili ng wika at ito’y nagganap noong:
a. 1933 b. 1934 c. 1935 d. 1936
_____14. Sa kumbensiyong ito nagganap, at iminungkahi ng grupo nito na ang wikang pambansa ay
dapat ibatay sa isa sa mga umiiral na wika sa Pilipinas:
a. Manuel L. Quezon c. Jose E. Romero
b. Norberto Romualdez d. Lope K. Santos
_____15. Ang mga sumusunod ay ilang lamang sa anim na tiyak na katangian ng wika, maliban sa:
a. Ito’y kasangkapang panlipunan c.Ito’y kabuuuan ng mga sagisag na sinasalita
b. Ito’y walang pagbabago sa katangian d. Ito’y kabuuan ng mga sagisag o simbolo
_____16. Ayon sa isinasaad ng Artikulo XIV, Seksiyon 3 ng Saligang Batas ng 1935:
“ Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang
pambansang ibabatay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. Hangga’t hindi itinatakda ng
batas, ang wikang _________ at ___________ ang siyang mananatiling opisyal na wika.”
a. Tagalog at Kastila b. Kastila at Arabic c. Arabic at Tagalog d. Ingles at Kastila
_____17. Ito ay isang paraan na kung saan nagkakahalo ang mga barayti ng wika.
a. Panghihiram c. Speech community
b. Code switching d. Pagsasaling wika
_____18. Base sa pag-aaral na sisnagawa ng Surian, napili nila ang Tagalog bilang batayan ng wikang
pambansa dahil ang naturang wika ay tutugma sa pamantayan na kanilang nabuo.
Alin sa mga sumusunod ang hindi napabilang sa pangkat?
a. wika ng sentro ng bansa c. wika na sentro ng kalakalan
b. wika ng sentro ng edukasyon d. wika ng pinakaraming nasusulat na panitikan
_____19. Base sa rekomendasyon ng Surian at sa bisa ng Kautusang Tagapagpapaganap Blg. 134
iprinoklama ni Pangulong Manuel L. Quezon ang wikang _________ upang maging batayan ng
Wikang Pambansa.
a. Filipino b. Kastila c. Pilipino d. Tagalog
_____20. Muling nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa Kumbensiyong Konstitusyunal noong 1972
kaugnay sa usaping pangwika. Sa huli, ito ang nanging probisyong pangwika sa Saligang Batas
ng 1973, Atikulo XV, Seksiyon 3, Blg. 2:
“ Ang Batasang Pambansa ay dapat magsagawa ng mga hakbang na magpapaunlad at
pormal na magpapatibay sa isang panlahat sa wikang pambansang kilalaning __________.”
a. Tagalog b. Filipino c. Ingles d. Pilipino
_____21. Sa Saligang Batas ng _______ ay ipinagtibay ng Komisyong Konstitusyunal na binuo ni
dating Pangulong Cory Aquino ang implementasyon sa paggamit ng Wikang Filipino.
a. 1935 b. 1972 c. 1987 d. 1973
_____22. Ito ay wikang opisyal na ginagamit sa pormal na edukasyon. Ito rin ang wikang ginagamit sa
pagtuturo at pag-aaral sa mga eskuwelahan at ang wika sa pagsulat ng mga aklat at kagamitang
panturo sa mga silid-aralan.
a. wikang opisyal c. wikang panturo
b. wikang pambansa d. wikang panlahat
_____23. Sa pagpasok ng K to 12 Curriculum, ang ___________________ ng mga mag-aaral ay naging
opisyal na wikang panturo mula Kindergarten hanggang Grade 3 sa mga paaralang pampubliko
at pribado.
a. Multi-Lingual c. Bilingual-Based
b. Mother Tongue d. Balanced Bilingual
_____24. “Magandang umaga sa inyong lahat.” Ang pahayag ng ito ay nagpapakita ng:
a. Pangarap at paglikha c. Pagkontrol sa kilos at gawi ng iba
b. Pagpapanatili at pakikipagkapwa d. Pagbigay o pagkuha ng impormasyon
_____25. Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mahalagang tungkulin ng wika, maliban sa:
a. Instrumento upang pag-aralan ang nakalipas at ang kasalukuyan at malaman ang hinaharap
b. Lumilinang sa malikhaing pag-iisip sa pamamagitan ng imahinasyon, pagpapakita ng
emosyon at leybel ng wika.
c. Intrumento ng komunikasyon.
d. Nagbubuklod ng bansa.
_____26. Ayon kay M.A.K. Halliday, ang wika ay may pitong tungkulin. Alin sa mga sumusunod ang
halimbawa nito?
a. Conotativ b. Phatic c. Referential d. Heuristic
_____27. Ayon kay Jacobson, may anim na tungkulin o gamit ang wika. Alin sa mga sumusunod ang
halimbawa nito?
a. Phatic b. Personal c. Heuristic d. Regulatory
_____28. Ginagamit ang wika sa pagpapahayag ng mensaheng kaugnay sa damdamin. Madalas, ang
wika ay nagtataas o nagbubuklod sa nagsasalita.
a. Conotativ b. Phatic c. Emotiv d. Peotic
_____29. Ginagamit ang mga ganitong pahayag sa masining na paraan ng pagpapahayag. Karaniwan
itong ginagamit sa mga sulating pampanitikan.
a. Metalingguwal b. Conotativ c. Phatic d. Peotic
_____30. Ginagamit ang wika ng tagapagsalita para mangyari/maganap ang mga bagay-bagay.
a. Informative b. Personal c. Heuristic d. Instrumental
_____31. Nalulubos ang gamit ng wika kapag nailapat sa pagsulat o pagbigkas ng mga akdang
pampanitikan.
a. Personal b. Regulatory c. Informative d. Imaginative
_____32. Ginagamit ang mga ganitong pahayag kapag ang pinapaksa ay ang pag-aaral sa wika.
a. Peotic b. Metalingguwal c. Conotativ d. Phatic
_____33. Ginagamit ang wika para alalayan ang mga pangyayaring nagaganap.
a. Instrumental b. Informative c. Regulatory d. Interaksyonal
_____34. Ginagamit ang wika upang mapanatili ang pakikipagkapwa-tao.
a. Regulatory b. Instrumental c. Personal d. Interaksyonal
_____35. Ginagamit ang wika para ipahayag ang katauhan ng isang tao.
a. Heuristic b. Personal c. Regulatory d. Instrumental
_____36. Ginagamit ang wika sa pagpaparating ng kaalaman tungkol sa daigdig, pag-uulat ng mga
pangyayari, paglalahad at paghahatid ng mensahe.
a. Regulatory b. Instrumental c. Informativ d. Personal
_____37. Ang barayti ng wika ay pagkakaiba-iba ng anyo ng wika. Maraming dahilan o salik kung bakit
nagkakaroon ng barayti ang isang wika. Ito ay maaaring dahil sa:
a. Sinasalitang tunog c. Relasyong Pantao
b. Nakabatay sa kultura d. Pinipili at isinasaayos
_____38. Ito ay patakaran kung saan dalawang opisyal na wika ang gagamitin sa pagtuturo ng mga
asignatura sa paaralan.
a. Monolingguwal b. Multilingguwal c. Bilingguwal d. Mother tongue
_____39. Ginagamit ang wika bilang kagamitan sa pagkatuto ng mga kaalaman at pag-unawa.
a. Imaginative b. Heuristic c. Interaksyonal d. Regulatory
_____40. Ginagamit ang mga ganitong pahayag sa pagtukoy sa mga aklat na sanggunian sa agham,
siyensiya, teknolohiya, sining at iba pang disiplina.
a. Conotativ b. Emotiv c. Referensyal d. Metalingguwal
_____41. Siya ang lingguwistika at propesor na nagbigay ng pagpapakahulugan sa wika bilang
masistemang balangkas ng mga tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbritaryo upang
magamit ng mga taong nabibilang sa isang kultura.
a. Manuel L. Quezon c. Henry Allan Gleason
b. Lope K. Santos d. M.A.K Halliday
_____42. Ito ang tawag sa wikang nakagisnan maula sa pagsilang.
a. unang wika c. pangatlong wika
b. pangalawang wika d. wikang pambansa
_____43. Ito ang wikang may simbolong L3 na natutuhan ng isang tao habang lumalawak ang kanyang
ginagalawang mundo dahil ito’y isa ring wikang nagagamit sa maraming pagkakataon sa
lipunan.
a. wikang pambansa c. ikatlong wika
b. unang wika d. pangalawang wika
44. Ito ang wikang naututhanan kasunod ng unang wika. Ito kasi ang karaniwang wikang nagagamit sa
kapaligiran ng sariling tahanan.
a. unang wika c. ikatlong wika
b. pangalawang wika d. pang-apat ng wika
45. Kilalalang kilala ng madlang tagapanood ang paraan ng pagsasalita ni Noli De Castro lalo na kapag
sinasabi niya ang pamoso niyang “Magandang Gabi Bayan!”. Nasa anong barayti ng wika
napabilang ang pahayag na ito?
a. sosyolek c. etnolek
b. idyolek d. register
46. Marmi ang gumagaya sa paraan ng pagsasalita ni Kris Aquino lalo na ang malutong niyang “Ang ha!
Ha! Okey! Darla! Halika!” Nasa ano barayti ng wika napabilang ang pahayag na ito?
a. idyolek c. register
b. dayalek d. sosyolek
47. Maririnig sa usapan nina “Lauro” at kaibigan niya si Danilo a.ka.a. “Dana” ang mga salitang charot,
chaka, bigalou at iba. Ang mga salitang ito ay ilan lamang sa ‘hablimbawa ng:
a. register c. sosyolek
b. etnolek d. dayalek
48. Habang nakasakay sa bus si Norie ay naririnig niyang nag-uusap ang dalawang babae saunahan.
Narinig niya sa usapan ang salitang lesson plan, quiz, essay, at grading sheets. Mula rito’y alam
niyang mga guro ang mga nakaupo sa harap niya. Ang mga salita na siyang ginamit sa usapan ay
isang halimbawa ng:
a. dayalek c. pidgin at creole
b. sosyolek d. register
49. “Handana ba kayo?” ito ang pamosong linyang binibigkas ni Korina Sanchez sa kanyang
programang Rated K. Ang pahayag na ito ay isang halimbawa ng:
a. etnolek c. idyolek
b. register d. dayalek
50. Natutuhan ni Joven ang salitang vakkul mula sa mga Ivatan nang namasyal siya sa Batanes. Saan
man siya mapunta, kapag narinig niya ang salitang ito ay alam niyang salitang Ivatan ito na
tumutukoy sa gamit nilang panggalang sa ulan. Ang salitang vakkul sa pahayag na ito ay isang
halimbawa ng:
a. dayalek c. sosyolek
b. etnolek d. idyolek

You might also like