You are on page 1of 7

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 7 PARA SA IKATLONG MARKAHAN

(Pinagsanib na Kompetensi Mula sa Disaster Risk Reduction)

I. Paksa
Pamagat: Kalamidad: Dapat paghandaan
Baitang: Baitang 7
Asignatura: Filipino
DRR na Kompetensi: Naipaliliwanag ang mga batayang katawagan at
konseptong pang DRR tulad ng hazard,
emergency, disaster at iba pa.
Takdang Panahon: Dalawang (2) araw
Markahan: Unang Markahan

II. Mga Layunin


Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita sa pamamagitan ng pagpapangkat
(F7PT-IIIa-c-13)

III. Yugto ng Pagkakatuto

UNANG ARAW
A. Pagganyak
Pagpapakita ng mga sumusunod na larawan sa mag-aaral at hayaang
pangkatin ang mga ito sa taglay na katangian at kahulugan. Ipaliwanag ang nabuong
gawain.

Larawan 1 Larawan 2 Larawan 3

Larawan 4 Larawan 5 Larawan 6


Kalamidad na Likha ng Tao (Man-Made) Kalamidad na Dulot ng Kalikasan
(Natural)

1. Ano-ano ang mga halimbawa ng mga kalamidad na karaniwang tumatama sa


Pilipinas?
2. Bakit nakararanas ang Pilipinas ng iba’t ibang kalamidad?
3. Ano-ano ang mga halimbawa ng kalamidad na gawa ng tao (man-made)?
4. Ano-ano ang mga halimbawa kalamidad na karaniwang dulot ng kalikasan
(natural)?
5. Magkatulad ba ang mga katangian ng bawat isa? Patunayan

B. Paghawan ng Sagabal
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit sa
pangungusap.

a. Panahon na naman ng tag-ulan at bagyo na kadalasang nagdudulot ng pagbaha


at landslide lalo sa mga bulnerableng lugar sa ating bansa.
b. Dahil sa pangyayaring ito kinakailangan ang masusing paghahanda sa mga
panahong maituturing na panahon ng emergency.
c. Ang emergency ay tumutukoy sa biglaang hindi inaasahang krisis na
nangangailangan ng agaranang aksyon.
d. Natural disaster ang tawag sa natural na proseso o phenomenon na kung saan
nagdudulot ng kasawian, kapinsalaan at pagkasira ng mga ari-arian ng tao, sa
kapaligiran at sa kabuuan sa isang bansa.
e. ang hazard o panganib ay mga pangyayaring likas o gawa ng tao na maaring
magdulot ng pinsala sa buhay, ari-arian, kabuhayan o pagkatigil ng panlipunan
(social) at pang-ekonomiyang gawain ng isang komunidad.

C. Pagbasa ng Akda
 Gumawa ng isang Power Point Presentation ang guro tungkol tekstong
babasahin.
 Maghanda na rin ng isang video presentation tungkol mga iba’t ibang uri
habang binabasa ang akda upang maging epektibo ang pagtuturo.

Basahin ang teksto “KALAMIDAD: Dapat Paghandaan”


KALAMIDAD: Dapat Paghandaan

Panahon na naman ng tag-ulan at bagyo na kadalasang nagdudulot ng pagbaha


at landslide lalo sa mga bulnerableng lugar sa ating bansa. At taon-taon ay dumadaan
sa bansa ang malalakas na bagyo na nagdudulot ng malaking pinsala sa mga
komunidad, siyudad at probinsya. Bilang isang bansang napalilibutan ng malawak na
karagtan, inaasahang makararanas ito ng iba’t ibang uri ng disaster lalong-lao na ng
malalakas na bagyo sa loob ng isang taon. Ang disaster ay tumutukoy sa resulta ng
isang likas o gawa ng tao na karaniwang na nagiging sanhi ng pagkawala ng buhay,
pinsala, at pinsala ng ari-arian ngunit hindi limitado sa natural na sakuna tulad ng
bagyo, baha at iba pang mga panahon kaugnay ng mga kaganapan at gawa ng tao na
kalamidad. Dahil sa pangyayaring ito kinakailangan ang masusing paghahanda sa mga
panahong maituturing na panahon ng emergency.

Ang emergency ay tumutukoy sa biglaang hindi inaasahang krisis na


nangangailangan ng agaranang aksyon. Kung kaya, minabuting maglabas ng ilang
impormasyon ukol sa kahalagahan ng pagiging handa sa anumang sakuna dulot ng mga
sumusunod na kalamidad na karaniwang gawa ng tao ( man-made disasters) at
kalamidad na dulot ng kalikasan (natural disasters).

Natural disaster ang tawag sa natural na proseso o phenomenon na kung saan


nagdudulot ng kasawian, kapinsalaan at pagkasira ng mga ari-arian ng tao, sa
kapaligiran at sa kabuuan sa isang bansa. Samantala, ang man-made disaster naman ay
mga pangyayari na ang karaniwang sanhi ay hindi pag-ingat ng mga tao.

Samantala, ang hazard o panganib ay mga pangyayaring likas o gawa ng tao na


maaring magdulot ng pinsala sa buhay, ari-arian, kabuhayan o pagkatigil ng panlipunan
(social) at pang-ekonomiyang gawain ng isang komunidad. Ito ay maaaring magresulta
sa isang disaster. Ang halimbawa ng mga hazard na madalas maranasan sa Pilipinas ay
bagyo, lindol, baha, flashflood, landslide, pagputok ng bulkan, storm surge, tsunami,
sunog, giyera at iba pa. Ang hazard ay maaring: nag-iisa - gaya ng sunog, magkasunod
o dulot ng isa pang hazard - gaya ng lindol at tsunami, at landslide.

Mga Halimbawa ng Kalamidad (Disaster)

1. BAGYO
Ang bagyo o typhoon/storm ay malakas na hanging kumikilos ng paikot na
madalas ay may kasamang malakas at matagal na pag-ulan. Ito ay ay isang higanteng
buhawi. Sa mata ng bagyo ay walang hangin subalit malakas naman ang hangin sa
eyewall nito.

Narito ang mga sumusunod na mapinsalang bagyo na tumama sa Pililpinas:

BAGYONG URING noong Nobyembre 15, 1991 na sumalanta sa Ormoc, Leyte


kung saan mahigit 5,100 ang mga nasawi. 

a. TYPHOON PABLO noong Disyembre 3, 2012 na sumalanta sa Compostela Valley


at Davao Oriental. Hindi bababa sa 1,900 ang mga nasawi at hindi na
natagpuan. 
b. TYPHOON NITANG noong Agosto 31, 1984 na kumitil ng 1,363. 
c. BAGYONG SENDONG noong Disyembre 16, 2011 kung saan 1,080 ang nasawi. 
d. TYPHOON TRIX noong Oktubre 16, 1952 na sumalanta sa Bicol Region at
ikinasawi ng 995. 
e. TYPHOON YOLANDA na itinuring na pinakamalakas na bagyo sa buong mundo
na kumitil ng maraming buhay ay sumira ng napakaraming ari-arian.

1. LINDOL
Ang lindol o earthquake ay isang biglaan, at mabilis na pagnganga ng lupa na
dulot ng pagbibiyak ng mga batong nasa ilalim kapag pinakawalan nito ang puwersang
naipon sa mahabang panahon.

2. BAHA
Nangyayari ang baha o floodings sa pagtaas ng tubig nang higit sa kapasidad ng
ilog at ibang daluyan na ang resulta ay pag-apaw nito sa kapatagan. Ito ay dulot ng
labis na pag-ulan, biglaang pagbuhos ng ulan o thunderstorm, pagka-ipon ng tubig dahil
sa pagbabara ng mga daluyan ng tubig, at tuloy-tuloy na pag-ulan sa loob ng ilang
araw.

3. FLASHFLOODS
Ang flashfloods ay rumaragasang agos ng tubig na may kasamang banlik, putik,
bato, kahoy, at iba pa. Mabilis ang pagdating nito at mabilis din ang paghupa. Maaaring
sanhi ito ng pagkakalbo ng bundok (kagaya ng dahilan kung bakit naging mapaminsala
ang bagyong Sendong sa lalawigan ng Cagayan De Oro) at pagmimina (kagaya ng
dahilan kung bakit naging mapaminsala ang bagyong Ondoy sa lalawigan ng Rizal).

4. LANDSLIDE
Nagaganap ang landslide sa pagbagsak ng lupa, putik, o mga malalaking bato
dahil sa pagiging mabuway ng burol o bundok. Karaniwan itong idinudulot ng malakas o
tuluy-tuloy na pag-ulan o ‘di kaya naman ay paglindol. Nagiging dahilan din o
nakapagpapalala ng landslide ang pagmimina, paggawa ng kalsada, di-akmang
paggamit ng lupa, at pagputol ng mga puno sa kagubatan.

5. EPIDEMYA
Ang epidemya ay mabilis na pagtaas ng bilang ng mga kaso ng nakahahawang
sakit ng mas mabilis kaysa normal nitong pagkalat sa isang partikular na lugar.
Halimbawa ng mga nakahahawang sakit: tigdas, dengue, malaria, diarrhea at cholera.

6. POLUSYON
Ang polusyon o pollution ay tumutukoy sa pagiging marumi ng kapaligiran dulot
ng pagsulpot ng mga industriya, pataas ng populasyon, pagdami ng mga sasakyan na
nagbubuga ng maruming usok at pag-abuso ng mga tao sa kalikasan. Kabilang dito ang
polusyon ng hangin, tubig at noise pollution.
7. POLUSYON
Ang polusyon o pollution ay tumutukoy sa pagiging marumi ng kapaligiran dulot ng
pagsulpot ng mga industriya, pagdami ng populasyon, pagdami ng mga sasakyang
nagbubuga ng maruming usok at pag-abuso ng mga tao sa kalikasan. Kabilang dito
ang polusyon sa hangin, tubig at noise pollution.

8. VOLCANIC ERUPTION
Ang pagputok ng bulkan o volcanic eruption ay tumutukoy sa malakas na
pagpsabog ng isang bulkan na karaniwang nag-iiwan ng matinding pinsala sa tao at
mga ari-arian nito. Nangyayari ang ganitong sitwasyon kapag napakalakas na ang
presyon mula sa mga gas ng mga tunaw na bato sa loob ng bulkan. Bulkan ang tawag
sa isang bundok na may bukana na paibaba na karaniwang nag-iimabak ng tunaw na
bato sa ilalim nito.

9. OIL SPILL
Ang oil spill ay tumutukoy sa pagkalat ng langis sa ating kapaligiran lalo na sa
ating karagatan dahil sa reulta ng kapabayaan ng mga tao. Isa sa mga naging sanhi nito
ang tinatawag na hull fatigue ng mga tangke.Ito ay ang pagkagiba ng parte ng mga
barko na maaaring masira ang daanan ng langis na pangunahing sanhi ng oil spill sa
karagatan.

10. BUHAWI
Ang buhawi ay isang biyolente, mapanganib na hanging umiikot na dumarapo at
sumasayad kapwa sa kalatagan ng lupa ng daigdig at ng isang ulap na komulonimbus o
sa hindi kadalasang pagkakataon sa paanan ng isang ulap ng kumulos.

11. DEFORESTATION

Ang pagkalbo ng kagubatan o deforestation ay tumutukoy sa paglilinis ng


kagubatan sa pamamagitan ng pagtotroso o pagsunog ng mga puno na karaniwang
ginagawang uling at iba pa upang pagkakitaan. Maaaring magdulot sa kasiraan ng
tahanan ng mga nilalang ang walang habas na pagputol ng punong kahoy sa gubat na
karaniwang hindi na nila pinapalitan o tinataniman ng bago.

12. TSUNAMI
Ang tsunami na kilala rin bilang seismic sea wave ay serye ng malalaking alon na
nilikha ng mga pangyayari sa ilalim ng dagat tulad lindol, paguho ng lupa, pagsabog ng
bulkan o pagbagsak ng maliit ng bululakaw. Ang tsunami ay maaaring kumilos nang
daan-daang milya kada oras sa malawak na karagatan at humahampas sa lupa dala ng
alon na umaabot ng 100 talampakan o higit pa.

Sanggunian: Praymer ng Disaster Risk Reduction Management Act

D. Antas ng Pag-unawa
a. Ano ang ibig sabihin ng disaster?
b. Bakit kailangan ang masusing paghahanda sa mga sumusunod na
kalamidad?
c. Bakit mahalagang malaman ang mga sumusunod na panganib na
pwedeng mangyari sa ating paligid?
E. Pagtataya

Mga Gabay na Tanong:

a. Ano ang ibig sabihin ng disaster?


b. Ano ang pagkakaiba ng natural disaster sa man-made disaster?
c. Ano-ano ang mga karaniwang panganib ang mararanasan sa Pilipinas?
d. Ano-ano ang mga halimbawa ng bagyo na tumama sa Pilipinas ayon sa
teksto?

IKALAWANG ARAW

Panimulang Gawain

A. Balik-aral
a. Bakit mahalagang paghandaan ang iba’t ibang kalamidad?
b. Ano-ano ang mga karaniwang kalamidad ang tumatama sa ating bansa?
c. Ano ang pagkakaiba ng natural disaster sa man-made disaster batay sa
teksto?

B. Pagpapalalim
a. Balikan ang tekstong Kalamidad: Dapat Paghandaan
b. Malalimang talakayin ang mga sumusunod na kalamidad na pwedeng
mangyari sa bansa.
c. Bakit mahalagang mapaghandaan ang mga panganib (hazard) na pwedeng
mangyari sa ating paligid?
d. Bakit mahalagang mapag-aralan ang mga batayang katawagan at
konseptong DRR tulad ng hazard, emergency, disaster at iba pa?

C. Pagbuo ng Sentesis
1. Ipaliwanag ang kahulugan at mga katangian ng mga kalamidad na gawa ng
tao (man-made) at kalamidad na dulot ng kalikasan (natural) at kung bakit
kailangang paghandaan ang mga ito.
2. Ano-ano ang mga halimbawa ng mga kalamidad na gawa ng tao (man-
made) at dulot ng kalikasan (natural)?
.
IV. Pagtataya

Panuto: Pangkatin ang mga sumusunod na kalamidad batay sa kahulugan


at sa mga katangiang tintaglay ng mga ito. Ipaliwanag ang sagot.

Sanggunian: disaster images.com


 Maaari pang dagdagan ang mga sumusunod na larawan upang
maging makabuluhan at epektibo ang pagtuturo.

Kalamidad na Paliwanag Kalamidad na Paliwanag


Gawa ng Tao Dulot ng
(Man Made) Kalikasan
(Natural)

V. Kasunduan

Pangkatang Gawain.
Panuto: Pangkatin ang mag-aaral sa apat (4) na pangkat. Maghanda ng
isang Power Point Presentation tungkol sa ilang “Safety Tips” kung paano
paghandaan at labanan ang mga sumusunod na kalamidad. Iulat ang nagawang
output sa klase.

Pangkat I – Sunog Pangkat III - Bagyo

Pangkat II- Baha Pangkat IV – Lindol

Inihanda ni:

JOSEPH P. CAGCON
MT-1
Buga National High School
Division of Iloilo

You might also like