You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region VII, Central Visayas
DIVISION OF CARCAR CITY
P. Nellas St., Carcar City, Cebu
Telephone No. 4878495

INSTRUCTIONAL PLAN IN FILIPINO GRADE 7

Classroom Asignatura: Filipino Baitang: 7 Kwarter: 3 Duration: 60


Observation # 2 mins.

Mga Kasanayang Koda:


Pampagkatuto: Naihahambing ang mga katangian ng tula/awiting panudyo, F7PB-IIIa-c-14
(Hango mula sa MELC)
tugmang de- gulong, bugtong at palaisipan
Susing Konsepto /
Tulang panudyo – akdang patula na kadalasan ang layunin ay manlibak, manukso o
Pag-unawa na Dapat
Malinang
mang-uyam.
Tugmang de-gulong – mga paalala o babala na kalimitang makikita sa mga
pampublikong sasakyan.
Bugtong- isang pahulaan na sa pamamagitan ng paglalarawan.
Palaisipan – nasa anyong tuluyan na may layunin nito ang pukawin at pasiglahin ang
kaisipan ng mga taong nagkakatipon-tipon sa isang lugar.
I. Mga Layunin
Kaalaman Nakikilala ang mga Kaalamang-Bayan;

Kasanayan Naisusulat ang pagkakaiba ng Tula/Awiting Panudyo, Tugmang de-Gulong, Bugtong


at Palaisipan;

Kaasalan Napapahalagahan ang mga Kaalamang-Bayan sa kasalukuyan; at

Kahalagahan Naisasabuhay ang panitikang Pilipino sa pamamagitan ng pagbuo ng sariling


kaalamang bayan
II. Nilalaman/Paksa Mga Kaalamang- Bayan: Tulang/Awiting Panudyo, Tugmang de-Gulong,
Bugtong at Palaisipan
III. Kagamitang Aklat: Filipino 7- Panitikang Rehiyunal Kagamitan ng Mag-aaral pahina 192-199
Pampagkatuto
Iba pang kagamitan
LED TV, Meta Cards, Grapiko, Pentel Pen , Bondpaper
IV. Pamamaraan
1. Panimulang Gawain - Panalangin at Pagbati
- Pagtatala ng liban
- Balik-aral (Ponemang Suprasegmental)

2. Gawain/Estratehiya  - Pakakantahin ang mga mag-aaral ng awiting bayan na Sitsiritsit


Pangganyak na Tanong:
Paano daw gumiri ang matanda ayon sa kanta?
Ano ang gagawin sa bata pagdating sa Maynila?
Ano ang ipinahihiwatig ng mga linya ng kanta?
Maiinis nga kaya ang makaririnig ng tulang ito?
 Ipapangkat ang klase sa dalawa ,ang dalawang pangkat ay magpaparamihan ng
puntos sa bawat tanong na ibibigay. Isang minuto lamang sa bawat pagsagot.
Iguguhit nila sa bondpaper ang sagot.

Unang Laro: Magbugtungan Tayo!


1. Manok kong pula, inutusan ko ng umaga, nang umuwi’y gabi na.
Sagot: Araw
2. Umiikot ang ulo ni lolo, ngunit ‘di pa nahihilo.
Sagot: Trumpo
3. May dila nga ngunit ayaw naming magsalita, kambal sila’t laging kasama
ang isa’t isa, itali o igapos kahit higpitan mo pa, tiyak silang sa iyo ay
sasama.
Sagot: Tsinelas
4. Ang utusan kong si Pedrito, palaging mainit ang ulo.
Sagot: Plantsa
5. Hindi man ako kasing sikat ni pilosopong kapangalan ko, pero mahal din
ako ng tao dahil kinakainan ako.
Sagot: Plato
6. Kailangan mo siya sagutin bago tanungin
Sagot: Selpon/telepono

Ikalawang Laro: Isip-isip!


1. Anong meron sa aso na meron din sa pusa, na wala sa ibon, ngunit
meron sa manok na dalawa sa buwaya at kabayo na tatlo naman sa
palaka? Sagot: Letrang A
2. May isang bola sa mesa. Tinakpan ito ng sombrero. Paano nakukuha
ang bola nang ‘di man lang nagagalaw ang sombrero?
Sagot: Butas ang tuktok ng sombrero.
3. Anong isda ang lumalaki pa?
Sagot: Yung bata pa
4. Mayroong tandang sa ibabaw ng bubong na piramido ang hugis.
Nagtatalo-talo ang mga kapitbahay kung saan babagsak ang itlog
ng tandang. Saan babagsak ang itlog ng tandang?
Sagot: Wala. Dahil hindi naman nangingitlog ang tandang
5. . Mayroong limang magkakapatid sa silid. Si Ria ay nagbabasa. Si
Mara ay nagluluto. Si KC ay naglalaro ng chess. Habang si Maria
naman ay nagsusulat. Ano ang ginagawa ng ikalimang anak?
Sagot: Naglalaro ng chess kasama ni KC

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang naramdaman ninyo habang naglalaro?
2. Sa bawat tanong, ano ang dapat gamitin o patalasin?
3. Naranasan niyo bang laruin ito? Saan at kailan?
Ikatlong Gawain: Paalala Lang Po
Hindi lamang mga traffic signs o mga simbolo ang nakikita kapag tayo ay
sumakay sa iba’t ibang uri ng transportasyon. Nakababasa rin tayo ng mga
paalala o pahayag. Magtala ng mga paalalang madalas makikita o mababasa
sa loob ng sasakyang pampasahero. (1 minuto)
3. Pagsusuri Pamprosesong Tanong:
1. Nakatutulong ba sa mga pasahero ang nababasang paalala o pahayag na
nakapaskil sa sasakyan?
2. Paano binubuo ang mga paalalang nakikita sa loob ng mga sasakyan?
3. Mula sa mga sinagutang bugtong at palaisipan sa itaas. Nakapag-isip ka ba
nang husto sa pagsagot nito?
4. Maituturing bang tula ang Bugtong, Palaisipan at Tugmang de gulong?

4. Pagtatalakay
Ipagpatuloy natin ang ating paglalakbay. Ngayon ay mauunawaan nating mabuti
kung ano ang mga kaalamang bayan at ang iba pang halimbawa ng tulang panudyo,
tugmang de-gulong, bugtong at palaisipan.

Pamprosesong Tanong:
1. Tungkol saan ang mga tulang panudyo sa itaas? Maiinis nga kaya ang makaririnig
o pagsasabihan ng mga nasabing tula?
2. Ano ang kahulugan ng mga tulang de-gulong na iyong nabasa? Bigyan ng
pagpapaliwanag ang bawat isa.
3. Paano nakatutulong sa iyo ang mga bugtong at palaisipan? Ipaliwang ang sagot.
4. Ano-ano kaya ang mga posibleng mangyari kung matututuhan ng kabataang
katulad mo ang mga akdang patulang tulad ng tula/awiting panudyo, tulang de-
gulong, bugtong at palaisipan?

(Integration to other subject- A.P & ESP) Paano nakatutulong ang tulang
panudyo at tugmang de gulong sa pagkakaroon ng kamalayang panlipunan (social
awareness) para sa kabutihan ng lahat ng mga mamamayan sa bansa?

(Sa isinagawang gawain natitiyak ko nang alam mo na kung papaanong ang tulang
panudyo o pambata, tugmang de gulong, palaisipan at bugtong ay
nakapagpapahalaga sa iyong damdamin, kaisipan at higit sa lahat ang kagandahang
asal bilang kabataan sa kasalukuyang panahon gayundin nakatutulong ito sa
pagkakaroon ng kamalayang panlipunan (social awareness) para sa kabutihan ng
lahat.

B. Pangkatang Gawain: Sumulat ng paghahambing ng mga katangian ng akdang


patulang tinalakay sa araing ito. Gamitin ang graphic organizer sa ibaba sa
paglalahad ng inyong sagot. Ipapaskil ng mga mag-aaral ang sagot sa pisara.
Mga Katangian ng Akdang Patula

Tulang Tulang de- Palaisipan


Bugtong
Panudyo gulong

5. Paglalapat Isahang Gawain: Tukuyin kung ang mga sumusunod ay bugtong, palaisipan,
tugmang de gulong at awiting panudyo Ihanay sa tamang hanay ang mga strips of
words.
TULANG TULANG DE- BUGTONG PALAISIPAN
PANUDYO GULONG

 Isang pinggan, abot bayan


 God know’s Hudas not pay
 Kotseng kakalog-kalog
Sindihan ng pospora
Sa ilog
 Ako’y bumili ng 3 prutas, ang pangalan ng 3 prutas ay nagsisimula sa letrang
O? Anong mga prutas ang binili ko?
 Batang makulit
Palaging sumisitsit
Sa kamay mapipitpit
 Hayan na si kaka, bukaka ng bukaka
 Huwag dume-kuwatro sapagkat dyip ko’y di mo kuwarto
 Ano ang nasa gitna ng dagat?

Pangkatang Gawain:
 Bumuo ng tig-iisang halimbawa ng mga kaalamang bayan. Ang nabuong
kaalamang bayan, ay itatanghal sa klase sa isang malikhaing paraan.

Pamantayan:
a. Nilalaman
1. Malinaw ang mensahe-------- 15 puntos
2. May orihinalidad --------------- 10 puntos
b. Pagiging Masining
1. Malikhain ang presentasyon----- 10 puntos
2. May hikayat sa madla ------------ 7 puntos
3. Angkop ang mga salitang ginamit --- 8 puntos
Kabuuan: 50 puntos
6. Pagtataya Sa isang kalahating papel, sasagutin ng mga mag-aaral ang sumusunod:
1. Layunin nito ang pukawin at pasiglahin ang kaisipan ng mga taong nagkakatipon-
tipon sa isang lugar.
a. bugtong c. tugmang de-gulong
b. awiting panudyo d. palaisipan
2. “Isang pinggan, abot bayan”, ay halimbawa ng __________.
a. bugtong c. tugmang de-gulong
b. awiting panudyo d. palaisipan
3. Ito ay isang uri ng akdang patula na kadalasan ang layunin ay manlibak, manukso,
o mang-uyam.
a. bugtong c. tugmang de-gulong
b. awiting panudyo d. palaisipan
4. Ito ay mga paalala o babala na kalimitang makikita sa mga pampublikong
sasakyan.
a. bugtong c. tugmang de-gulong
b. awiting panudyo d. palaisipan
5. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang ng mga kaalamang-bayan?
a. bugtong c. tugmang de-gulong
b. awiting panudyo d. epiko
6. Ito ay isang pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan.
a. bugtong c. tugmang de-gulong
b. awiting panudyo d. palaisipan
7. Ako ay bumili ng 3 prutas, ang pangalan ng 3 prutas ay nagsimula sa letrang O.
Anong mga prutas ang binili ko? Anong uri ng Kalaamang-Bayan ito?
a. bugtong c. tugmang de-gulong
b. awiting panudyo d. palaisipan
8. Ano ang itinuturing na pinakamatandang sining sa Kulturang Pilipino?
a. tula c. salawikain
b. awit d. dula
9. “Sa pagtaas ng gasolina, kaming mga drayber ay naghabol ng hininga”, ay
halimbawa ng ______________.
a. bugtong c. tugmang de-gulong
b. awiting panudyo d. palaisipan
10. Kotseng kakalog-kalog
Sindihan ng posporo
Sa ilog ilubog.
Ang nasa itaas ay halimbawa ng anong Kaalamang-Bayan?
a. bugtong c. tugmang de-gulong
b. awiting panudyo d. palaisipan
V. Mga Tala

Prepared by: Checked by:

KAREN THERESE G. REMOCALDO DANELYN P. GERALDIZO


Subject Teacher School Head

You might also like