You are on page 1of 3

STO.

DOMINGO NATIONAL TRADE SCHOOL


Baloc, Sto. Domingo, Nueva Ecija

JUNIOR HIGH SCHOOL FILIPINO


Filipino 7
MALA-DETALYADONG BANGHAY ARALIN:
Kaalamang Bayan

Pamantayang Pangnilalaman:
Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng
Luzon tulad ng mga Kaalamang Bayan.

Pamantayan sa Pagganap:
Ang mga mag-aaral ay naisasagawa ang komprehensibong pagbabalita (news casting)
tungkol sa kanilang sariling lugar.

I. LAYUNIN

Pagkatapos ng talakayan at aktibidad, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


1. nauunawaan ang mga Kaalamang Bayan sa Luzon
2. nasusuri ang mensaheng nakapaloob sa mga tugmang de gulong; at
3. naisasagawa ang isang pagbabalita.

PAKSANG ARALIN
A. Paksa : Kaalamang Bayan
B. Pamamaraan : Integrative Learning, Differentiated Learning, Group Activity Game
(Quiz Bee)
C. Kagamitan : Powerpoint presentation, LCD projector, yeso at pisara.
D. Sanggunian : Modyul sa Filipino 7

II. PAMAMARAAN NG PAGTUTURO

A. Pang-araw-araw na Gawain
1. Pagbati
2. Paglilinis ng silid-aralan
3. Paglista sa mga mag-aaral na lumiban Ang guro ay gumamit ng
4. Pagtingin sa mga mag-aaral na hindi nakasuot ng tamang uniporme. Powerpoint presentation upang
mas maunawaan ng mga mag-
B. Pagbabalik Aral aaral ang tatalakaying paksa. Sa
pamamagitan nito ay magiging
Ang guro ay magtatanong sa mga paboritong kasabihan na natutunan ng mga bata.
maayos ang daloy ng paksang
Pagkatapos na makapagbigay ng halimbawa ng ilang mag-aaral, ito naman ay
tatalakayin.
susundan ng mga sumusunod na katanungan.
1. Magbigay ng ilang Palaispian na maari niyong ipasagot sa klase?
2. Ano ang inyong napagnilayan sa mga palaisipang pinasagot sa inyo ng inyong
mga kamag-aral?

C. Pagganyak

BASAHIN ANG BABALA BAGO TAYO BUMABA


(Partner Activity),

Mechanics:
Sa bahaging ito ng banghay
Ang mga mag-aaral ay ipapangkat sa lima, ipagpapalagay na ang bawat pangkat
ay nakasakay sa isang pampasaherong dyip at mayroon ding isang gaganap na driver o aralin ay mahahasa ang kaisipan
nagmamaneho. Upang hindi tuluyang tumirik and dyip at mahuli sa byahe, kinakailangang ng mga mag-aaral sa
maunawaan at matuklasan ng mga mag-aaral ang mga kahulugan ng mga kasabihang malalimang pang-unawa, hindi
inihanda ng guro. Ang unang pangkat na makasasagot sa mga kasabihan ay tatanghaling lamang sa mga bagay na
naunang nakarating sa patutunguhan. May tigalawang kasabihan na kinakailangang itinuturo sa paaralan gayundin
maunawaan ng pangkat sa loob lamang ng (3) tatlong minuto. sa pang-araw-araw nilang
pamumuhay.
D. Paglinang ng Aralin

KAALAMANG BAYAN
KAALAMANG BAYAN – maituturing na isa sa pinakamatandang sining ang tula sa
kulturang Pilipino. Batay sa kasaysayan, ang mga unang Pilipino ay may likas na
kakayahang magpahayag ng kanilang kaisipan sa pamamagitan ng mga salitang
naiayos sa isang maanyong paraan. Ito ang ipinalalagay na pangunahing dahilan kung
bakit nabuo ang iba pang akdang patula tulad ng tulang panudyo, tugmang de-gulong,
bugtong at palaisipan, at iba pang kaalamang bayan.

1. Tulang/Awiting Panudyo
Ito ay isang uri ng akdang patula na, kadalasan, ang layunin ay manlibak, manukso, o
mang-uyam.
Hal.
Ako ay isang lalaking matapang
Huni ng tuko ay kinatatakutan.
Nang ayaw maligo, kinuskos ng gugo.
Pedro Panduko, matakaw sa tuyo.

2. Tugmang de-Gulong
Ito ay mga paalala o babalang kalimitang makikita sa mga pampublikong sasakyan. Sa
pamamagitan nito ay malayang naipararating ang mensaheng may kinalaman sa
pagbibiyahe o paglalakbay ng mga pasahero.
Hal.
a. Ang di magbayad mula sa kanyang pinanggalingan ay di akabababa sa
paroroonan.
b. Aanhin ang gasolina kung jeep ko ay sira na.

3. Bugtong
Ito ay isang pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan. Binibigkas ito ng patula
atkalimitang maiksi lamang.
Hal.
a. Gumagapang pa ang ina,
b. Umuupo na ang anak. (Sagot: kalabasa)

4. Palaisipan
Ang palaisipan ay nasa anyong tuluyan. Layunin nito ang pukawin at pasiglahin ang
kaisipan ng mga taong nagkakatipon-tipon sa isang lugar.
Hal.
a. Sa isang kulungan ay may limang baboy si Mang Juan. Lumundag ang isa. Ilan
ang natira?

E. Paglalahat
Ang guro ay magtatanong ng mga sumusunod na katanungan: Ang mga sumusunod na
: katanungan ay naglalaman ng
1. Sa paanong paraan nakatutulong ang kwentong bayan sa mga mambabasa lalo kalawakan ng isipan upang
na sa mga kabataan? mapunan ng mahusay ang
2. Sang-ayon ka ba sa pahayag na “Mayaman na ang panitikang Pilipino bago pa kasagutan sa bawat tanong.
man dumating ang mananakop sa bansa”? Pangatwiranan ang iyong sagot. Inaasahang ang kanilang sagot
ay kapanipaniwala at bukas
3. Bakit mahalagang pag-aralan ang mga panitikang katulad ng kuwentong bayan?
pusong mga pahayag.
F. Paglalapat

Ang mga mag-aaral ay ipapangkat sa (4) apat grupo ayon sa hilera ng kanilang
upuan. Ang bawat pangkat ay may naitalagang mga kaalamang bayan: A. Tulang/Awiting Ang pangkatang gawain na ito
Panudyo, B. Tugmang de-Gulong, C. Bugtong, D. Palaisipan. ay makatutulong sa mga mag-
Ang lahat ng pangkat ay bibigyan ng (5) limang minuto upang makipanayam sa aaral na masanay na humarap
mga guro o mag-aaral ayon sa naitakdang kaalamang bayan sa kanilang pangkat. sa maraming tao lalo’t ang
Ang mga sumusunod ay ang kanilang kailangang malaman: pagpapahayag ng kanilang mga
damdamin sa paraang
A. Saan nagmula ang mga kaalamang bayan na nakilala sa ating bansa? mauunawaan na makatutulong
B. Ano ang karaniwang paksa ng mga kaalamang bayan? upang kapulutan ng
C. Sang-ayon ka bang matutunan ng mga mag-aaral ang mga kaalamang bayang impormasyon.
nakilala noon sa ating bansa?

Matapos ang kanilang pakikipanayam. Bawat pangkat ay bibigyan din ng 5 minuto


upang ibalita ang kanilang mga nakuhang impormasyon sa mga taong nakapanayam.
III. PAGTATAYA
Puntos: (1/4 na papel) Alamin ang mga kasagutan sa bawat palaisipan at bugtong
sa bawat bilang.
1. Isang pinggan, abot bayan. ____________
2. Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat. ___________
3. Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas. ____________
4. Ako’y bumili ng 3 prutas, ang pangalan ng 3 prutas ay nagsisimula sa letrang
O? Anong prutas ang binili ko? _____________
5. Ano ang nasa gitna ng dagat? __________

IV. TAKDANG ARALIN


Direction: (1/2 na papel) Sagutan ang sumusunod na katanungan.
1. Paano mo ihahambing ang katangian ng bawat akdang patula.

Tulang
Panudyo
Tugmang
Bugtong de Gulong

Palaisipan

Inihanda ni:

MARIA CAMILLE L. VILLANUEVA


Teacher I
Date of Demonstration: November 20, 2018

Sinuri ni:

REDELYN M. SANTOS
Head, Filipino-English Departement

Pinagtibay ni:

CECILLE M. OCSAN Ed. D.


Vocational School Administrator I

You might also like