You are on page 1of 36

FILIPINO GRADE 7

PLANO NG PAGKAKATUTO – YUNIT


Ikatlong Markahan
November – December
Inihanda ni: Bb. Maricho B. Barrit

Buod ng Aralin

Ang buong kabanatang ito ay tatalakay sa iba’t ibang akdang pampanitikan gaya ng
tula, kuwentong-bayan, alamat, sanaysay, maikling kuwento at talambuhay mula sa Luzon
na nagpapakita ng pagkakakilanlang Pilipino. Bilang karagdagang aralin ay tatalakayin din
sa kabanatang ito ang mga kaalamang-bayan, katangian at element ng mito, alamat,
kuwentong- bayan, sanaysay at ang mga uri ng tauhan sa maikling kuwento.
Sa paraang pasulat man o pasalita ang pag-aaral ng tungkol sa ponemang
suprasegmental, hudyat sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari at iba pang
panandang pantalakayan, angkop na pahayag sa panimula, gitna at wakas, mga pahayag
sa paghihinuha ng mga pangyayari at anaporik at kataporik ay matututuhan din ng mga
mag-aaral para sa mas mabisang pakikipagtalastasan o pakikipag-usap sa kapwa.
Bilang paghahanda sa pagsasagawa ng inaasahang pagganap na pagsulat at
pagsasagawa ng komprehensibong pagbabalita gamit ang makabagong teknolohiya ang
mga mag-aaral ay makararanas munang sumulat at magsalaysay ng buod ng isang mito o
kuwentong-bayan sumulat ng talatang naghihinuha, at gumawa ng mimicry.

Stage 1: Inaasahang Bunga


Pamantayang Pangnilalaman: Pamantayang Pagganap:

Naipamamalas ng mag-aaral Naisasagawa ng mag-aaral ang komprehensibong


ang pag-unawa sa mga akdang pagbabalita (news casting) tungkol sa kanilang sariling
pampanitikan ng Luzon. lugar.

Mga Kasanayan / Competencies:

Paksa / Topic Competencies Code


 Naipapaliwanang ang kahalagahan ng F7PN-IIIa-c 13
Mga Tulang paggamit ng suprasegmental (tono, diin,
Panudyo, antaala), at mga di-berbal na palatandaan
(kumpas, galaw ng mata/katawan, at iba
Tugmang De
pa) sa tekstong napakinggan
Gulong,  Nailalahad ang pangunahing ideya ng
Palaisipan/ F7PB-IIIa-c-13
tekstong nagbabahagi ng bisang
Bugtong pandamdamin ng akda F7PB-IIIa-c-14
 Naihahambing ang mga katangian ng
tula/awiting panudyo, tugmang de gulong at
palaisipan F7PT-IIIa-c-13
 Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita sa
pamamagitan ng pagpapangkat F7PD-IIIa-c-13
 Nasusuri ang nilalaman ng napanood na
dokumentaryo kaugnay ng tinalakay na
mga tula/awiting panudyo, tugmang de
gulong at palaisipan
F7PS-IIa-c-13
 Nabibigkas nang may wastong ritmo ang
ilang haalimbawa ng tula/awiting panudyo,
tugmang de gulong at palaisipan F7PU-IIIa-c-13
 Naisusulat ang sariling tula/awiting
panudyo, tugmang de gulong at palaisipan
batay sa itinakdang mga pamantayan F7WG-IIIa-c-13
 Naiaangkop ang wastong tono o intonasyon
sa pagbigkas ng mga tula/awiting panudyo,
tulang de gulong at palaisipan F7EP-IIIa-c-7
 Nagagamit nang wasto ang mga primary at
sekundaryang pinagkukunan ng mga
impormasyon
 Natutukoy ang magkakasunod at F7PN-IIId-e-14
Mito/Alamat magkakaaugnay na mga pangyayari sa
/Kuwentong - tekstong napakinggan
Bayan  Napaghahambing ang mga katangian ng
F7PB-IIId-e-15
mito/alamat/kuwentong-bayan batay sa
paksa, mga tauhan, tagpuan, kaisipan at
mga aspetong pangkultura.
 Nasusuri ang mga katangian at element ng F7PB-IIId-e-16
mito, alamat at kuwentong-bayan
 Naibibigyang kahulugan ang mga salita sa F7PT-IIId-e-14
tindi ng pagpapakahulugan
 Naipapaliliwanag ang tema at iba pang F7PD-IIId-e-14
element ng mito/alamat/kuwentong-bayan
batay sa napanood na mga halimbawa nito
 Naisasalaysay nang maayos at F7PS-IIId-e-14
magkakaugnay ang mga pangyayari sa
nabasa o napanood na
mito/alamat/kuwentong-bayan F7Pu-IIId-e-14
 Naisusulat ang buod ng isang
mito/alamat/kuwentong-bayan nang may
maayos na pagkakaugnay-ugany ng mga
pangyayari F7WG-IIId-e-14
 Nagagamit nang wasto ang angkop na mga
pahayag sa panimula, gitna at wakas ng
isang akda
 Nahihinuha ang kaalaman at motibo/pakay F7PN-IIIf-g-15
ng nagsasalita batay sa napakinggan
Sanaysay  Naibubuod ang tekstong binasa sa tulong
ng pangunahin at mga pantulong na F7PB-IIIf-g-17
kaisipan
F7PT-IIIf-g-15
 Naipaliliwanag ang kahulugan nng salitang
nagbibigay ng hinuha F7PD-IIIf-g-15
 Nasusuri ang mga element at sosyo-
historikal na konteksto ng napanood na
dulang pantelebisyon F7PS-IIIf-g-15
 Naibabahagi ang ilang piling diyalogo ng
tauhan na hindi tuwirang ibinibigay ang F7PU-IIIf-g-15
kahulugan
F7WG-IIIf-g-15
 Naisusulat ang isang talatanng naghihinuha
ng ilang pangyayari sa teksto
 Nasusuri ang mga pahayag na ginamit sa
paghihinuha ng pangyayari
 Napaghahambing ang mga katangian ng F7PN-IIIh-i-16
mga tauhan sa napakinggang maikling
kuwento
Maikling Kuwento  Nahihinuha ang kahihinatnan ng mga F7PB-IIIh-i-18
/ Dula pangyayari sa kuwento
F7PT-IIIh-i-16
 Nabibigyang kahulugan ang mga salita
batay sa konteksto ng pangungusap F7PD-IIIh-i-15
 Naiaangkop sa sariling katauhan ang kilos,
damdamin at saloobin ng tauhan sa
napanood na dula gamit ang mimicry F7PS-IIIh-i-16
 Naisasagawa ang mimicry ng tauhang pinili
sa nabasa o napanood na dula F7PU-IIIh-i-16
 Naisusulat ang buod ng piling tagpo gamit
ang kompyuter F7WG-IIIh-i-16
 Nagagamit ang wastong mga panandang
anaporik at kataporik ng pangngalan
F7EP-IIIa-c-8
 Nagagamit sa pananaliksik ang kasanayan
sa paggamit ng bagong teknolohiya tulad
ng kompyuter
 Nasusuri ang mga salitang ginamit sa F7PN-IIIj-17
Pangkawas Na pagsulat ng balita ayon sa napakinggang
Gawain halimbawa
 Natutukoy ang datos na kailangan sa F7PB-IIIj-19
paglikha ng sariling ulat-balita batay sa
materyal na binasa F7PT-IIIj-17
 Nabibigyang kahulugan ang mga salitang
ginamit sa ulat-balita F7PD-IIIj-16
 Naimumungkahi ang karagdagang
impormasyon tungkol sa mga hakbang sa
pagsulat ng balita batay sa balitang
napanood sa telebisyon F7PS-IIIj-17
 Naisasagawa ang komprehensibong
pagbabalita (newscasting) tungkol sa
sariling lugar/ bayan F7PU-IIIj-17
 Nagagamit ang angkop na mga salita sa
F7WG-IIIj-17
paguulat tungkol sa sariling lugar/ bayan
 Nagagamit nang wasto ang mga pahayag F7EP-IIIh-i-8
na pantugon sa anumang mensahe
 Nagagamit sa pagbabalita ang kasanayan
sa paggamit ng makabagong teknolohiya
gaya ng kompyuter, at iba pa
Transfer Goal:

Malayang magagamit ng mga mag-aaral ang mga natutuhan sa pag-aaral ng mga


akdang nagmula sa Luzon na naglalarawan ng komprehensibong pagbabalita ang
makabagong teknolohiya.

Mahahalagang Pang-unawa: Mahahalagang Tanong:


( Essential Understanding): (Essential Question)

Maunawaan ng mga mag-aaral na Paano mapananatili at mabibigyang-


mapanatili at mabibigyang-halaga ang halaga ang magagandang panitikang
magagandang panitikang nagmula sa Luzon nagmula sa Luzon?
sa pamamagitan ng patuloy na pagbasa,
pag-aaral, at pagpapalaganap sa mga itolalo
na sa kabataan.
STAGE 2 : ASSESSMENT EVIDENCE

Transfer Task:

Competency: Naisasagawa ang komprehensibong pagbabalita (newscasting) tungkol sa


sariling lugar/ bayan (F7PS-IIIj-17)

Ang nagdaang anim na aralin ay inaasahang nakapagpamalas sa iyo ang panitikang


Luzon ay tunay na larawan ng pagkakakilanlan n gating bansa. Ang mga akdang
pampanitikang mula rito na iyong nabasa ay nakatulong nawa sa iyo upang higit mong
maipagmalaki at maunawaan ang natatanging katangian ng Luzon na siyang sentro at
pinakamalaking pulo ng bansa.
Ngayon ay bibigyan natin ng pansin ang mahahalagang pangyayaring nagaganap sa
kasalukuyan sa Luzon particular sa lalawigan o lungsod na iyong kinabibilangan. Ikaw ay
kabilang sa bagong local tv station sa iyong lugar. Isa sa mga bagong programa ng inyong
estasyon ang “Magandang Balita Ngayon”. Ito ay isang news program na pawing
magagandang balita lamang ang ipinapahayag. Ikaw ay isa sa mga mamamahayag na
kabilang sa programang ito. Magsasagawa ka ng isang komprehensibong pagbabalita
tungkol sa magagandang pangyayaring nagaganap sa inyong lugar/bayan. Gagawin mo ito
upang makapaghatid ka ng magandang balitang makapagbibigay karangalang sa inyong
lugar upang lalo itong mahalin ng mga kababayan mo at makahikayat kayo ng mga
turistang pumunta sa inyong lugar.

Pre-Assessment Formative Summative Assessment


 Pagbuo sa Talahanayan Assessments  Magbibigay ng mahabang
 Pagsusulit at pagsusulit
takdang-aralin
 Pananaliksik
 Maikling
pagsusulit
 Story Frame
 Ven Diagram
 Malikhaing
Pagbasa
 Paghahambing
 Dugtungan Tayo
 Paghambingin
 Story Ladder

STAGE 3: LEARNING PLAN


Petsa: Nobyembre 05, 2018 (Lunes)

Pagbibigay ng gawain (Pahina 257-259) Isaisip Natin.

(Dadalo sa gagawing training ng Red Cross)


Petsa: Nobyembre 06, 2018 (Martes)

Gawain
Panuto: Isulat sa isang buong papel ang sagot sa mahalagang tanong na ito.

1. Paano ba makatutulong sa iyo at sa kapwa mo kabataan ang pag-aaral ng tula


at iba pang mga akdang patula tulad ng tulang panudyo, tulang de-gulong,
bugtong at palaisipan?
2. Bakit hindi mabuting maghangad nang labis lalo na sa kayamanan? Paano
maiiwasan ang bagay na ito?
3. Bakit higit na mahalaga ang may malinis na puso kaysa kagandahang
panlabas?
4. Bakit mahalagang mamuhay ang tao sa liwanag o katotohanan at hindi lamang
sa ningning na bunga ng kasikatan at kapangyarihan?
5. Paano mo maipakikita ang iyong pagmamahal at –pag-aaruga sa iyong
magulang? Bakit mahalagang arugain natin sila hanggang sa kanilang
pagtanda?

(Dadalo sa gagawing training ng Red Cross)


Petsa: Nobyembre 07, 2018 (Miyerkules)

 Muling pagwawasto ng papel sa IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT.


 Pagbabalik-turo para sa gagawing REMOVAL.

Petsa: Nobyembre 08, 2018 (Huwebes)

 Pagbibigay REMOVAL sa mag-aaral na hindi pumasa sa mahabang pagsusulit.

Petsa: Nobyembre 09, 2018 (Biyernes)

Pagbabalik-tanaw sa nakaraang talakayan hinggil sa Kabanata II: Panitikang Bisaya.

KABANATA III: Panitikang Luzon: Larawan ng Pagkakakilanlan

Mahalagang Tanong

 Paano mapanatili at mabibigyang-halaga ang pagagandang panitikang


nagmula sa Luzon?
 Bakit mahalagang mabasa o mabigyang-halaga ang mga akdang nagmula sa
Luzon?

Gawain 1: Picture Prompt


Panuto: Suriin kung saan makikita ang magagandang tanawing ito at ipaliwanag
kung anong bagay na gusto mo sa lugar na ito.

https://www.google.com/search?biw=1366&bih=657&tbm=isch&sa=1&ei=BWvhW4PEAcTg-
AaU9IugDA&q=magagandang+tanawin+sa+luzon&oq=magagandang+tanawin+sa+luzon&gs_l=img.3..0l6j0i7i30k1l2j0i5i30k1l2.38745.40177.0.41200.12.7.0.0.0.0.691.691.5-
1.1.0....0...1c.1.64.img..11.1.687....0.Tq0WB8DZcow#imgdii=afMbitcqzk5qHM:&imgrc=gpg74SPoAW2a_M:

Pagpoproseso ng mga sagot.

Talakayin ang “Luzon:Larawan ng Pagkakakilanlan” sa pahina 262-263.

Muling pagpapakilala sa araling tatalakayin o mga Panitikang Pilipino.

Petsa: Nobyembre 12, 2018 (Lunes)

Aralin 1: Panitikan: Ang Sariling Wika (Tulang Kapampangan)


Pluma 7, pahina 267-289
Gramatika at Retorika : Ponemang Suprasegmental

Mahalagang Tanong

Bilang kabataan, paano mo maipakikita ang iyong pagpapahalaga at pagmamalaki sa


wikang Filipino at katutubong wikang ginagamit sa lugar na iyong kinalakihan?

Mahalagang-Aral

Pagmamahal at pagmamalaki sa Sariling Wika

A. PAGTUKLAS O EXPLORE

Gawain 1: “Word Cloud Guessing”

Panuto: Maglista ng mga wikang sinasalita o binibigkas ng mga Pilipino.

Pamprosesong Gawain:
Isulat sa pisara ang mga pangunahing wikang inyong naitala.
Talakayin ang kanilang naisulat.

Talakayin ang “Alam Mo Ba?” pahina 269


Bigyang-diin kung alin sa mga teorya o paniniwala ang higit na pinagmulan ng wika.

Gawain 2: Picture Prompt

Panuto: Suriin ang larawan kung saang bansa at kung anong salita ang kanilang
binibigkas.

Stratos Jet Charters


Soompi The American Values Series

Traveller.com.au YouTube

Pagpoproseso ng mga sagot.


Malayang talakayan hinggil sa mga teorya ng pinagmulan ng mga salita o “Alam mo ba?”
pahina 269.

Muling balikan ang Mahalagang Tanong

Bilang kabataan, paano mo maipakikita ang iyong pagpapahalaga at pagmamalaki sa


wikang Filipino at katutubong wikang ginagamit sa lugar na iyong kinalakihan?

Petsa: Nobyembre 13, 2018 (Martes)

B. PAGLINANG ( FIRM-UP )

Gawain 3
Competency: Naipapaliwanag ang kahulugan ng salita sa pamamagitan ng Pagpapangkat.
(F7PT-IIIa-c-13)

Panuto: Pangkatin ang mga salitang nakasulat sa kahon batay sa kung saang kaisipang
nakatala sa ibaba maaaring iugnay ang mga ito. Pagkatapos ay ipaliwanag kung bakit ito
ang iyong ginawang pagpapaangkat.

Buhay hiyas halaga


Diwa kagandahan panghalina
Ginto katangian sigla

Kayamanan Kaluluwa Kariktan

Paliwanag: Paliwanag: Paliwanag:

Gawain 4: Sabayang Pagbigkas

Pagtatalakay sa Tulang Kapampangan na pinamagatang “Ang Sariling Wika” pahina


271-272

Pamprosesong Tanong:

1. Bakit itinuturing na ang isang wika ng lahi ay mas mahalaga pa sa material na


kayamanan?
2. Bakit sinasabing ito ang nagsisilbing kaluluwa ng isang bansa?
3. Naniniwala ka bang ang wika ay pamanang yaman ng ating mga ninuno na hindi
dapat pabayaan? Bakit?
4. Sa iyong palagay, bakit mahalagang pahalagahan natin ang iba pang wika ng bansa
bukod sa Filipino?
5. Bilang kabataan, paano mo maipapakita ang iyong pagpapahalaga at pagmamalaki
sa wikang Filipino at katutubong wikang ginagamit sa lugar na iyong kinalakihan?
(Muling talakayin ang mahalagang tanong)

Mahalagang Tanong
Bilang kabataan, paano mo maipakikita ang iyong pagpapahalaga at pagmamalaki sa
wikang Filipino at katutubong wikang ginagamit sa lugar na iyong kinalakihan?

Petsa: Nobyembre 14, 2018 (Miyerkules)

C. PAGPAPALALIM ( DEEPEN )

Gawain 5: Make it Personal


Competency : Nailalahad ang pangunahing Ideya ng teksto at nakagpagbabahagi ng
Bisang Pandamdamin ng Akda (F7PB-IIIa-c-13)

Panuto: Basahin at suriin ang mga piling taludtod o saknong na hinango sa tulang “Ang
Sariling Wika,” Isulat sa patlang ang pangunahing ideya o damdaming isinasaad
ng mga ito. Sa muli ay iyong ibahagi ang pangkalahatang bisang pandamdaming
nabasa sa akda.

1. Ang sariling wika ng isang lahi


Ay mas mahalaga sa kayamanan
Sapagkat ito’y kaluluwang lumilipat
Mula sa henerasyon patungo sa iba

Pangunahing Ideya o Damdamin:

2. Nais mo bang mabatid layunin ng kanyang puso,


Ang kanyang mga pangarapin…
Pakinggan ang makahulugang gintong salita
Na sa kanyang bibig ay nagmumula

Pangunahing Ideya o Damdamin:

3. Minanang wikang itinanim sa isipan


Iniwan ng ninuno, tula ng iniingatang yaman
Pamanang yamang di dapat pabayaan
Para sa kaunlaran di dapat masayang

Pangunahing Ideya o Damdamin:


Pagpapakita ng isang video hinggil sa wikang Filipino.
https://www.youtube.com/watch?v=Cy19L31XCfk
https://www.youtube.com/watch?v=RsseRQBd-fg

Gawain 6: Real World


Competency: Nakapaglalahad ng Opinyon o Pananaw (FIL7-IIIac-ACD)

Bawat tao ay may kani-kaniyang wikang ginagamit. Sa katunayan, isa sa kampanya ng


Kagawaran ng Edukasyon sa ilalim ng K-12 Curriculum ay ang paggamit ng mother tongue
o wikang ginagamit ng nakararaming mamamayan sa isnag particular na lugar. Ito ang
gagamiting panturo sa mga mag-aaral sa baitang 1 hanggang 3 upang lubos na
maunawaan ng mga mag-aaral ang aralin. Bilang karagdagang Gawain, ilahad sap hic
organizer sa ibaba ang wikang katutubo sa inyong lugar gayundin ang mga katangian nito
at kung paano ito naiiba sa ibang wika.

Wikang katutubo sa inyong lugar

Pangunahing katangian Kaibahan sa ibang Wika

Paraan ng pagpapakita ng Paggalang sa Ibang Wika


Petsa: Nobyembre 15, 2018 (Huwebes)

Gawain 7: “Real World”


Competency: Nasusuri kung anong uri ng kaalamamg-bayan ang nasa pisara (FIL7PB-
IIIac-ACD)

Panuto: Suriin ang bawat pangkat ang mga pahayag at talakayin kung anong uri ng
kaalamang-bayan ang mga ito.

 Basta driver sweet lover.


 Ayan na si Kaka, bubuka-bukaka.
 Isda ko sa Mariveles nasa loo bang kaliskis.
 Isang prinsesa nakaupo sa tasa.

Talakayin ang sagot.

Competency Code: F7PS-IIIa-c-13


(Nabibigkas nang may wastong ritmo ang ilang halimbawa ng tula/awiting panudyo,
tugmang de-gulong, at palaisipan)

Gawain 8: Make Them Guess


Panuto: Bigkasin nang malakas ang mga tulang sinuri sa lunsarang pangwika. Gamitan
ito ng wastong tono, intonasyon, antala, pagkumpas ng kamay at galaw ng mata
at katawan sa pagbigkas.

TULA/AWITING PANUDYO
Koteseng kakalog-kalog Batang makulit
Sindihan ng posporo Palaging sumisitsit
Sa ilog ilubog. Sa kamay mapipitpit.

TULANG DE-GULONG
1. Sitsit ay sa aso, katok ay sa pinto, sambitin ang “para” sa tabi, tayo’y hihinto.
2. Huwag dumi-kuwatro sapagkat dyip ko’y di mo kuwatro.
3. Sa pagtaas ng gasoline, kaming mga drayber ay naghahabol ng hininga.

BUGTONG/PALAISIPAN
1. Isang pinggan, abot bayan.
2. Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat.
3. Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas.
4. Ano ang nasa gitna ng dagat?

Muling talakayin ang sagot ng mag-aaral sa mahalagang tanong.

Pagsagot sa Sanayang-aklat sa Filipino, Gawain 1,2 at 3.


Petsa: Nobyembre 16, 2018 (Biyernes)

Aralin 2: Panitikan: Isang Matandang Kuba sa Gabi ng Canao


(Mito/ Alamat/ Kuwentong-bayan)
Pluma 7, pahina 290-310
Gramatika at Retorika : Hudyat sa Pagkakasunod-sunod ng mga Pangyayari at Iba pang
Panandang Pantalakayan

Mahalagang Tanong

“Bakit hindi mabuting manghangad nang labis lalo na sa kayamanan? Paano maiiwasan
ang bagay na ito?”

“ Bakit mahalagang pag-aralan ang mga panitikang katulad ng mito, alamat, at


kuwentong-bayan?”

Mahalagang-aral

Pagtatanim ng kabutihan at kalinisan sa puso

Read Aloud

“ Ang paghahangad nang labis


sa anumang kayamanan ay
nagbubunga ng pagkagahaman sa kawalan”

A. PAGTUKLAS O EXPLORE

Gawain 1: Pass the Chalk


Panuto: Gamit ang chalk o malabot na bagay na siyang ipapasa sa mag-aaral na maaring
dudugtong sa salaysay. Ibigay ang pinakamabisang diyalogo bilang wakas ng salaysay.

1. Isang lalaki ang mabilis na naglalakad, pinaluwag ang kurbata at nakangiting


tumungo sa dakong silangan.
2. Dali-dali naming kinuha ng babae ang make-up kit, nagsuklay ito at kumaway sa
papalapit na lalaki
3. Kinuha ng lalaki ang pitaka sa kanyang bulsa at naglabas ng pera mula ditto.
4. Ngumiti ang babaeng may hawak pang bulaklak at sinabing:
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________

Pamprosesong Tanong
 Paano mo nabuo ang wakas ng salaysay?
 Ano ang naging batayan mo upang mabuo ang wakas ng salaysay?
 Masasabi mo bang malinaw ang kuwento ng salaysay matapos mong
mabigkas ang wakas? Bakit?
 Ano ba ang dapat taglayin ng isang salaysay o kuwento?
 Ano-ano ang mahalagang elementong dapat taglayin ng isang salaysay o
kuwento?
Gawain 2: Picture Prompt
Panuto: Suriin ang larawan inyong makikita sa pisara at tukuyin kung anong panitikan ito.

Isang Matandang Kuba sa Gabi ng Canao


Iproseso ang sagot ng mag-aaral.

Pagpapakita ng isang Video tungkol sa ritwal o seremonya na ginagawa sa isang


pagtitipon.

https://www.youtube.com/watch?v=BjM7CPPa9NA

Pagtatalakay sa video nakita.

Malayang Talakayan sa “Alam Mo Ba? pahina 292.

Pagpapapakilala sa Paksang tatalakayin sa susunod na araw na pinamagatang


“Isang Matandang Kuba sa Gabi ng Canao”.

Petsa: Nobyembre 19, 2018 (Lunes)

B. PAGLINANG ( FIRM-UP)

Gawain 3: Board Work (Clining)


TALASALITAAN
Panuto: Iayos ang mga salita ayon sa intensidad ng kahulugan nito. Lagyan ng bilang 1
para sa pinakamababaw na kahulugan hanggang bilang 3 para sa pinakamasidhing
kahulugan.

Tandaan: Ang pakiklining ay ang pagbabago ng kahulugan ng salita ayon sa tindi o


intensidad nito .
anas
bulong nabigla
sigaw nagulantang
nagulat

kinakabahan
nangangamba
natatakot

Muling balikan ang mahalagang tanong.

Mahalagang Tanong

“Bakit hindi mabuting manghangad nang labis lalo na sa kayamanan? Paano maiiwasan
ang bagay na ito?”

Gawain 4: Make it a Story (Pangkatang Gawain)

Talakayin ang isang Kuwento na pinamagatang “Isang Matandang Kuba sa Gabi ng


Canao” at gawan ito ng isang comics o story online. (stripcreator, storyjumper)
http://www.stripcreator.com/
https://www.storyjumper.com/

Pamprosesong Tanong

1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento? Ilarawan ang kanilang katangian.


2. Paano nila pinaghandaan ang nasabing pagduriwang?
3. Isalaysay kung paano ipinagdiwang ng pamilya ni Lifu-o ang Canao?
4. Anong pangunahing aral ang naging hatid ng kuwentong-bayan sa iyong buhay?

Muling talakayin at iproseso ang sagot ng mag-aaral sa mahalagang tanong.

Mahalagang Tanong

“Bakit hindi mabuting manghangad nang labis lalo na sa kayamanan? Paano maiiwasan
ang bagay na ito?”

Petsa: Nobyembre 20, 2018 (Martes)

SCAFFOLD 1
Competency: Natutukoy ang datos na kailangan sa paglikha ng sariling ulat-balita batay sa
materyal na binasa (F7PB-IIIj-19)

Sa pagtatapos ng kabanatang ito ay naatasan kayong magsasagawa ng komprehensibong


pagbabalita gamit ang makabagong teknolohiya
SCAFFOLD 2
Competency: Naimumungkahi ang karagdagang impormasyon tungkol sa mga hakbang sa
pagsulat ng balita (F7PD-IIIj-16)

Natutukoy ang datos na kailangan sa paglikha ng sariling ulat o balita. (F7PB-IIIj-19)

Ngayon naman ay tukuyin mo ang mga datos na iyong kailanganin para sa susulating
balita. Gawing gabay ang mga tanong sa ibaba para sa paghahanap ng datos.
Makatutulong ito upang mabilis mong mabuo ang mga balitang gagawin

 Ano ang balitang ilalahad?


 Sino ang kailangan kong kapanayamin o hingan ng tulong?
 Saan koi to makukuha?
 Kalian koi to gagawin?
 Ano ang iba pang datos o bagay na aking kakailanganin?

Gawain 5: Make Them Guess


Competency: Natutukoy ang magkakasunod at magkakaugnay na mga pangyayari sa
akda (F7PN-IIId-e-14)

Panuto: Lagyan ng bilang 1 hanggang 5 ang kahon upang mapagsunod-sunod ang mga
pangyayaring naganap sa akda.

______1. Nagpasyang magdaos ng canao si Lifu-o sa kanyang tahanan matapos makakita


ng isang uwak sa gitna ng daan.

______2. Nagpahanda ng tap-yes at fayas si Lifu-o sa kanyang dalagang anak na si


Sabsafung para sa pagdiriwang.

______3. Nag-alay ng karne ng baboy, mga awit, sayaw, malalakas na tugtog, at


panalangin ang mga katutubo para sa kanilang anito.

______4. Nagsalita ang matandang kuba at nagsabing dinining ni Kabunian at bibiyayaan


ng mga anito ang pagdiriwang ng canao ng mga katutubo.

______5. Nagpalagay ng taklob na kawa ang matandang huba at nagbilin ito sa mga
katutubo hinggil sa mangyayari pagkalipas ng tatlong araw.

Gawain 6: Real World


Competency: Nakapaglalahad ng mga Solusyong lulutas sa kasakiman
Ang habilin ng matandang kuba na ang bunga lamang ang puno ang kanilang maaaring
pitasin at huwag na huwag gagalawin ang puno ay hindi nasunod ng mga katutubo. Nang
makita nilang ito ay isang puno ng ginto ay dinumog nila ito. Hawak ang matalim na bakal
ay tinaga, tinapyas, binali-bali, at pinagtutuklap ang puno. Ang mga tao’y nag-agawan,
nagtulakan, nagkasakitan, nagsipaan, at nagkabalian ang buto.. Naghari ang kasakiman sa
puso ng mga tao.

Panuto. Iugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa akda sa mga isyung nangyayari sa ating
lipunan sa pamamagitan ng pagkompleto ng PECS Chart. Magbigay ka ng mga dahilan,
epekto, at mga posibleng solusyon kung paano malulutas ang mga suliraning ito.
Suliranin Sanhi Bunga Solusyon
(Problem) (Cause) (effect) (Solution)
1. Pagiging ganid sa
kayamanan ng mga tiwaling
lingcod-bayan
2. Paghahangad na mabilis na
umunlad sa pamamagitan ng
maling paraan.
3. Pagkahumaling ng kabataan
sa kinang na inaalok sa
kinang na inaalok ng
sanlibutan gayan ng bisyo at
labis na pagpapahalaga sa
material na bagay.

Takdang Aralin
Panuto: Paggamit ng Venn Diagram. Punan ng angkop na impormasyon ang venn
diagram.

ALAMAT
MITOLOHIYA

KUWENTONG-BAYAN

Petsa: Nobyembre 21, 2018 (Miyerkules)

C. PAGPAPALALIM ( DEEPEN )

Mahalagang Tanong
“ Bakit mahalagang pag-aralan ang mga panitikang katulad ng mito, alamat, at kuwentong-
bayan?”
Talakayin ang takdang-aralin gamit ang gabay na tanong.

Gabay na tanong.

1. Ano ang nabago mong kaisipan sa pagkakatulad ng tatlong uri ng akda?


2. Sa pangkalahatan, bakit mahalagang pag-aralan ang mga akdang pampanitikan ng
bawat rehiyon?
3. Paano mo mapatutunayang ang mga kaugalian o kultura at identidad ng mga
totoong masasalamin sa mga salaysay na iyong nabasa?

Malayang talakayan hinggil sa “Katangian ng Mito, Alamat, at Kuwentong-Bayan” sa


pahina 304-305.

Kasanayang Panggramatika at Pangretorika

Basahin at suriin ang tala tungkol sa mga Ifugao sa pahina 307. Pansinin ang mga pang-
ugnay na ginamit sa talata. Masasabi mo bo ang uri o pagkakagamit ng mga pang-ugnay
na ito. Upang madagdagan pa ang iyong kaalaman tungkol sa pang-ugnay ay basahin at
pag-aralan ang “Isaisip Natin” pahina 308.

Gawain 7: “Show Me Board”


Competency: Nakikilala ang panandang hudyat at ang tungkulin nito sa
pangungusap.
Panuto: Tukuyin ang ginamit na hudyat na pandan sa bawat pangungusap. Kilalanin ang
tungkuling ginampanan ng bawat isa. Isulat ang inyong sagot .

________1. Ang mga Igorot ay ang tunay na nagpasimula ng estruktural na pagtatanim ng


gilid ng bundok.

_______2. Sa madaling salita ay mahusay talaga sila at patunay nito ang Hagdang-
Hagdang Palayan sa Banaue.

_______3. Ang magandang nagawang ito ng mga Igorot ay ating bigyang-pansin.

_______4. Walang dudang likas na mahuhusay ang mga kapatid nating Igorot kaya’y
dapat natin silang tulungan.

_______5. Bilang paglalahat, masasabing mahusay nga ang mga Pilipino sa ipinakita
nilang halimbawa.

Petsa: Nobyembre 22, 2018 (Huwebes)

Aralin 3: Panitikan: Si Mangita at Si Larina (Mito)


(Elemento ng Mito, Alamat, at Kuwentong-bayan)
Pluma 7, pahina 312-330
Gramatika at Retorika : Angkop na mga Pahayag sa Panimula, Gitna, at Wakas

Pagpapahalaga/Aral
Pagtatanim ng kabutihan at kalinisan sa puso

Mahalagang Tanong
“Bakit higit na mahalaga ang may malinis na puso kaysa kagandahang panlabas?”

“Bakit mahalagang magkakaugnay at maayos ang banghay, tagpuan, at tauhan


bilang element ng alamat/ mito/ kuwentong-bayan?

A. PAGTUKLAS O EXPLORE

Gawain 1: Picture Prompt


Panuto: Suriin ang larawan na iyong makikita sa harap at magbigay ng hinuha hinggil
dito.

Amino Apps

Gabay na Tanong

 Sino o ano ang inyong nakikita sa larawan?


 Naniniwala ba kayo na may nabubuhay na ganitong uri ng mga nilalang?
 Ano-ano ang karaniwang katangian ng mga nilalang na ito?

Gawain 2: Focused Listing


Panuto: Naniniwala ka ba sa mga diwata o anito? May nabasa, narinig o napanood ka
bang diyos, diyosa, diwata, o anito? Maglista ng mga pangalan sa loob ng ulap at magtala
ng mga impormasyon o bagay-bagay tungkol sa mga diyos, diyosa, o mga anito.
Talakayin ang sagot ng bawat mag-aaral at iugnay ito sa paksang tatalakaying na
pinamagatang “Si Mangita at si Larina”.

Pagpapakilala ng Paksa at mga Inaasahang Pagganap


Talakayin ang “Alam Mo Ba?” sa pahina 313 at mailahad nang maayos ang
pansariling pananaw, opinyon, saloobin tungkol sa nabasa.

Gawain 3: Read Aloud

“ Ang tunay na kagandahan


Ay makikita sa nilalaman ng puso”

Petsa: Nobyembre 23, 2018 (Biyernes)

B. PAGLINANG ( FIRM-UP)

Gawain 4: Real World

Panuto: Gamitin sa pangungusap ang bawat salita na naiuugnay sa napapanahong isyu sa


ating lipunan ngayon.

Hinalungkat mabilis nagalit

Nagmamadali nalaman tumira

Pagproseso ng mga sagot.

Pagbasa ng Akda
Talakayin ang akdang pinamagatang “ Si Mangita at Si Larina” sa pahina 315-318.

Pamprosesong Tanong

1. Sino ang mga pangunahing tauhan sa akda? Ilarawan ang kanilang katangian.
2. Bakit mas marami ang may gusto kay Mangita kaysa kay Larina? Kung ikaw ang
nasa kalagayan ni larina, ano ang gagawin mo kung alam mong mas maraming
natutuwa sa iyong kapatid?
3. Paano naman ipinakita sa akda ang kahalagahan ng pagtulong o pagdamay sa
kapwa?
4. Paano mo isasabuhay ang aral na iyong natutuhan sa akdang ito?

Mahalagang Tanong

“Bakit higit na mahalaga ang may malinis na puso kaysa may kagandahang
panlabas?

Panuorin ang isang video hingil sa dalawang magkaibigan na nagkapalit ng katawan


ngunit di parin nagbago ang kaugalian.
https://www.youtube.com/watch?v=-q2Ab2SQC80

Petsa: Nobyembre 26, 2018 (Lunes)

C. PAGPAPALALIM ( DEEPEN )

SCAFFOLD 3
Competency: Nasusuri ang mga salitang ginamit sa pagsulat ng balita ayon sa
napakinggang balita(F7PN-IIIj-17)

Bilang paghahanda sa pagsulat mo ng balita at pagbabalita ay balikan mong muli ang


balitang binasa sa Alam mo ba? Siriin ang mga salitang ginamit ditto upang makatulong sa
iyong gagawing balita. Gamitin mo ang tseklist sa ibaba.

Katangian ng mga Paliwanag


Salitang Ginamit

Simple ang mga salita

Naiintindihan ito ng lahat

Akma ang pagkakagamit


ng salita

Malayang Talakayan hinggil sa “Mga Elemento, Mito, Alamat, at Kuwentong-Bayan”


sa pahina 322-323.

Mahalagang Tanong
“Bakit mahalagang magkaroon ng magkakaugnay at maayos na banghay, tagpuan, at
tauhan ang alamat/mito//kuwentong-bayan?

Gawain 5
Competency: Nasusuri ang Elemento ng Alamat/Mito/Kuwentong-Bayan. (F7PB-IIIde-
16)

Panuto: Buoin ang graphic organizer patungkol sa emento ng akdang “Si Mangita at si
Larina”. Punan ang bawat bahagi ng nararapat na kasagutam.
Si Mangita at si Larina”.

Mga Tauhan

Tagpuan

Banghay

Panimulang Pangyayari

Papataas na Pangyayari

Kasukdulan

Pababang Pangyayari

Resolusyon

Petsa: Nobyembre 27, 2018 (Martes)

Kasanayang pangramatika at Pangretorika

Basahin at suriin ang talatang hinango sa akdang binsa sa pahina 326 at panuorin
ang video hinggil dito. https://www.youtube.com/watch?v=yyOS08OPwmQ

Talakayin ang “Isaisip Natin” sa pahina 327-328.


Gawain 6: Pass the Chalk
Competency: Natutukoy kung ang pahayag ay nagsasaad ng simula, gitna, o wakas

Panuto: Suriin kung saang bahagi matatagpuan ang sumusunod. Isulat sa patlang kung
ito’y sa simula, gitna, o wakas.

________1. Dito pinananatili ang kawing-kawing na pangyayari.

________2. Ito ang maiiwan sa isip ng tagapakinig o mambabasa

________3. Ito ay nakapupukaw sa interes ng tagapakinig o mambabasa upang making o


mambasa.
________4. Matutunghayan ang katunggaling tauhan at iba pang pangyayari.

________5. Sa pagsisimula ay maaring gumamit ng pandiwa pang-uri, at pang-abay


pagkatapos banggitin ang hudyat sa pagsisimula.

Gawain 7
Competency: Nakapapupuno ng angkop na simula, gitna, at wakas upang mabuo ang
talata.

Panuto: Punan ng angkop na pahayag sa simula, gitna, at wakas ang mga patlang
upang mabuo ang talata.

(1)______________ay makikita na ang kaibahan ng magkapatid na Mangita at Larina.


(2)____________ nilang ipinagkaiba ang kulay ng kanilang balat, kayumangging kaligatan
si Mangita at maputi naman si Larina. (3) ___________ nilang ipinagkaiba ay ang kanulang
ugali. Si Mangita ay mabait at mapagbigay, samantalang si Larina ay ubod ng tamad at
malupit (4) ____________, nagkaiba rin sila sa mga bagay na nais nilang gawin. Si Mangita
ay madalas tumulong sa ama sa Gawain samantalang si Larina ay mas gusting magsuklay
ng kanang buhok at walang sawang tingnanang sarili sa lawa. (5) ______________ ay
nakita kung sino sa dalawa ang tunay na maganda at karapat-dapat tumanggap ng
parangal.

Takdang Aralin

Panuto: Sagutan ang sanayang aklat sa Filipino 7 pahina 54 (Gawain 14-15).

Petsa: Nobyembre 28, 2018 (Miyerkules)

Aralin 4: Panitikan: Ang Ningning at ang Liwanag


(Sanaysay ng mga Tagalog)
Pluma 7, pahina 332-350
Gramatika at Retorika : Mga Pahayag sa Panghihinuha ng mga Pangyayari

Pagpapahalaga/Aral
Pagmamahal at Pag-aalaga sa Matatanda

Mahalagang Tanong
 Bakit mahalagang mamuhay ang tao sa liwanag o katotohanan at hindi lamang
sa liwanag sa ningning na bunga ng kasikatan at kapangyarian?
 Bakit mahalagang pag-aral ang sanaysay? Bakit mahalagang isaalang-alang
ang mga bahagi o element ng sanaysay sa pagsulat nito?

Gawain 1: Picture Prompt (Value Line)


Panuto: Suriin ang mga larawan at alamin kung alin sa mga ito ang higit na mahalaga sa
inyo?

Pamprosesong Tanong

 Alin sa mga ito ang higit na mahalaga para sa iyo?Bakit ito ang itinuturi mong
mahalaga sa iyong buhay?
 Bakit mahalagang mamuhay ang tao sa liwanag o katotohanan at hindi lamang sa
liwanag sa ningning na bunga ng kasikatan at kapangyarian?

Gawain 2: Read Aloud


Panuto: Basahin ng malakas at ipaliwanag .

“Hindi lahat ng kumikinang ay nagbibigay-liwanag sa buhay.”

Talakayin ang “Alam Mo Ba?” pahina 334

Gawai 3: Clock Buddy


Competency: Naipaliliwanag ang kahulugan ng salitang nagbibigay ng hinuha (F7PT-IIIf-g-
15)
Panuto: Talakayin at pag-usapan ang sagot ng bawat kapariha gamit ang estratehiyang
Clock Buddy.

Bigyang-kahulugan ang pariralang nakasulat sa biluhaba at pagkatapos ay magbigay ng


hinuha sa kung ano ang posibleng positibong mangyayari sa taong nagtataglay nito. Ang
unang bilang ay ginawa na para sa iyo.

Hinuha:
Kahulugan:
Taong nasa Maaari siyang makatulong sa
Masagana ang buhay liwanag mga nangangailangan

Kahulugan: Hinuha:
Taong bukas ang
mata

Kahulugan: Hinuha:
Taong nagtiis ng
pawis

Kahulugan: Magandang Hinuha:


mukha

Petsa: Nobyembre 29, 2018 (Huwebes)

B. PAGLINANG ( FIRM-UP)

Gawain 4: Pass The Chalk

Competency: Naipaliliwanag ang kahulugan ng salitang nagbibigay ng hinuha (F7PT-IIIf-g-


15)
Panuto: Ibigay at ipaliwanag ang kahulugan ng mga salitang naghihinuha sa ibaba.

a. Dalisay ang puso


b. Dumaraan sa matinding hinagpis
c. Kaliluhan sa maraming-bagay
d. Madaling mabighani
e. Nagdarahop sa buhay
f. Taimtim manalangin

Talakayin ang akda ni Emilio Jacinto na pinamagatang “Ang Ningning at ang Liwanag”
pahina 335-336.

Pamprosesong Tanong
1. Ano ang pagkakaiba ng “ningning” at ng “liwanag” ayon sa seleksiyon?
2. Ano ang higit na mabuti sa dalawa? Bakit?
3. Bakit sinabi ng may akda na ang ningning ay madaya? Ano-ano ang pandarayang
dala nito? Isa-isahin ang mga ito.
4. Sa iyong palagay, bakit maraming tao ang labis na nagpapahayag sa ningning o
kinang ng kapangyarihan at kasikatan?
5. Bilang isang kabataan, paano ka makaiiwas upang hindi ka mabighani ng ningning
ng kasikatan at kapangyarihan?

Gawain 5: Make Them Guess


Competency: Nasusuri ang mga aksiyon at pahayag.
Panuto: Isulat sa patlang kung nagpapakita ng ningning o liwanag ang sumusunod na
sitwasyon.

_________1. Mahilig bumili at magsuot ng magagandang damit si Jackilou para


mapahanga niya ang mga kaibigan.

_________2. Nag-aral at nagsikap si John upang maging isang doctor ng kanilang bayan
sa Mabalacat.

_________3. Nakita ni Rolan na tama ang naging pasiya ng kanyang kaibigan si Aldwin na
humanap ng trabaho sa malayong lugar para makatulong sa kanyang pamilya kaya’t
mabigat man sa kalooban ay tinanggap niya ito nang buong puso.

_________4. Si Aling Dolores ay nagdarasal sa loob ng simbahan ngunit nang may


nanghingi ng limos paglabas niya ay galit nag alit niya itong itinaboy.

_________5. Si Ferdie ay isang politikong magaling magsalita at mangako sa mamamayan


ngunit inuuna naman ang sariling kapakanan kaya sa nasasakupan.

Petsa: Nobyembre 30, 2018 (Biyernes)

NO CLASS (BONIFACIO DAY)


Petsa: Disyembre 03, 2018 (Lunes)

C. PAGPAPALALIM ( DEEPEN )

Pagbabalik aral sa Binasa

Pagpapakita ng isang video hinggil sa iba’t ibang kinahuhumalingan ng mga katulad nila sa
kasalukuyan. Makikita sa video ang latest ng gadgets o mga kagalitang panteknolohiya.
https://www.youtube.com/watch?v=GAp9iM8SFc0

Gawain 6: Real World (Thingking Balloon)


Competency: Nailalahad ang magagawa upang ang mga ningning sa buhay ay magsilbing
liwanag

Panuto: Ang mga bagay na maningning na minsa’y nakapandaraya ay maaaring maging


ganap na liwanag kung magagamit nang wasto. Punan ang Thingking Balloon ng
mga hakbang hinggil sa mga bagay na maaari mong gawin upang maging
ganap na liwanag o tanglaw ito sa buhay. Sagutin mo rin ang mga tanong ukol
ditto.

Kayamanan

Kagandahan Kapangyarihan

Karunungan

1. Naniniwala ka bang ang kayamanan, kagandahan, kapangyarihan, at karunungan ay


nagdudulot ng ningning sa buhay ng tao? Bakit?
2. Kailan at paano nagiging instrument ng pagbabalatkayo at pandaraya ang
kayamanan, kagandahan, kapangyarihan, at karunungan sa buhay ng tao?
Malayang Talakayan hinggol sa “Sanaysay” sa pahina 343-344.

Muling balikan ang Mahalagang Tanong

“Bakit mahalagang pag-aralan ang sanaysay? Bakit mahalagang isaalang-alang ang


mga bahagi o element ng sanaysay sa pagsulat nito?

Gawain 7: Pass The Chalk


Competency: Nasusuri ang mga element o bahagi at sosyo-historikal na konteksto ng
akda.
Panuto: Suriin ang sanaysay na “Ang Ningning at ang Liwanag” ayon sa konteksto ng
pagkaksulat nito at ang mga element nito. Gawing batayan ang mga impormasyong
nakalahad sa aralin

Mga Katangian at Elemento Mga Paliwanag at Patunay


Alin sa dalawang anyo ng sanaysay nabibilang
ang akda?
Anong uri ng sanaysay ito?
Ano-ano ang sosyo-historikal (panlipunan at
hosyorikal na kaugnayan) na konteksto ng
akda?
Paano sinimulan ang akda? Ano ang masasabi
mo hinggil dito?
Ano ang katawan o nilalaman ng akda? Ano
ang masasabi mo hinggil dito?
Paano winakasan ng may-akda ang sanaysay?
Ano ang gintong aral na iyong natutuhan?

SCAFFOLD 3

Competency: Nasusuri ang mga salitang ginamit sa pagsulat ng balita ayon sa


napakinggang balita
(F7PN-IIIj-17)
Panuto:Bilang paghahanda sa pagsulat mo ng balita at pagbabalita ay balikan mong muli
ang balitang binasa sa Alam mo ba? Siriin ang mga salitang ginamit ditto upang makatulong
sa iyong gagawing balita. Gamitin mo ang tseklist sa ibaba.
Katangian ng mga Salitang Paliwanag
Ginamit

Simple ang mga salita

Naiintindihan ito ng lahat

Akma ang pagkakagamit ng


salita
Takdang Aralin

Panuto: Sagutin ang Sanayang Aklat sa Filipino 7 pahina

Petsa: Disyembre 04, 2018 (Martes)

Kasanayang Panggramatika

Talakayin ang “Isaisip Natin” ang “Mga Pahayag sa Paghihinuha ng mga Pangyayari”
pahina 348.

Gawain 8: Read Aloud


Competency: Nakikilala ang salita o pahayag na ginamit sa paghihinuha
Panuto: Salungguhitan ang salitang ginamit sa paghihinuha sa mga pangungusap.
1. Maaring gumanda ang buhay ng taong may pera.
2. Pagkalulong sa bisyo ang sa palagay ko’y maaaring kahinatnan ng isang taong
sagana sa material na bagaysa buhay.
3. Ang mga taong magaganda ay tila nagiging mayabang sa buhay.
4. Di malayong umabuso sa kapangyariha ang taong may mataas na posisyon sa
pamahalaan.
5. Baka dumami ang knyang kaibigan dahil sa dami ng pera niya.

Gawain 9: Real World


Competency: Nakasusulat ng paghihinuha ukol sa mga paksang kaugnay ng binasa
Panuto: Sumulat ng paghihinuha o mga bagay na maaaring maganap kung hiondi
mahahawakan o magagamit nang wasto ang mga natatala sa bawat bilang. Magbigay ng
dalawang paghihinuha sa bawat isa.

1. Kayamanan o pera

2. Kapangyarihan o posisyon
3. Kagandahang pisikal

Petsa: Disyembre 05, 2018 (Miyerkules)

Aralin 5: Panitikan: Yumayapos ang Takipsilim


(Maikling Kuwento)
Pluma 7, pahina 352-372
Gramatika at Retorika : Anaporik at Kataporik

Mahalagang Tanong

“Paano mo maipakikita ang iyong pagmamahal at pa-aaruga sa iyong magulang?


Bakit mahalagang arugain natin sila hanggang sa kanilang pagtanda?

Gawain 1: Focused Listing

Panuto: Bilang panimula ay iyong isa-isahin ang mga katangian o pagbabagong


nagaganap sa isang tao kapag siya ay humantong sa panahong siya ay matanda na o
uugod-ugod na. itala ang iyong sagot sa palibot ng larawang makikita sa ibaba.
Pagpapakita ng isang video sa isang dokumentasyong palabas ng State of the Nation
ni Jessica Soho hinggil sa kalagayan ng mga matatanda.
https://www.youtube.com/watch?v=iQt6Vq_uQWY

Malayang talakayan hinggil sa “Kalagayan ng matatanda sa Bansa” sa pahina 354.

Pagpoproseso at pagpapahayag sa kanilang saloobin hinggil sa video at sa


malayang talakayan.

Gawain 2: Read Aloud

“Paggalang at pagpapahalaga sa
matatanda panatilihin at patibayin
sa ating kultura.”

Takdang-aralin

Panuto: Sagutan nag Sanayang- aklata sa Filipino, pahina 63- 65 (Gawain


21hanggang 24).

Petsa: Disyembre 06, 2018 (Huwebes)

B. PAGLINANG ( FIRM-UP)

Gawain 3: Make Them Guess

Panuto: Buoin ang cataloguing upang higit na maging pamilyar sa mga salitang
nakasulat nang madiin.

Salita Salitang-ugat Kahulugan Kasalungat


1. Mailap ang ilap
mga
paningin
2. ipininid isinara
3. yumayapos sa bumibitiw
takipsilim
4. makupad na kupad
gumapang
5. mararahang mahihina
yabag

Pagpapakita ng isang video tungkol sa pag-aaruga ng isang matanda at iugnay ito sa


talakayan. https://www.youtube.com/watch?v=wddpa8BhkCg

Gawain 4: Mystery Number

Gabay na Gawain: Ang mag-aaral ay may numerong nakalaan mula 1-5 sa kanilang
pangkat ngunit hindi ito ipaalam ng guro kung sino ang magbabahagi sa kanila
hanggat hindi matatapos ang talakayan sa kanilang pangkat at ang mapipiling
numero ang siyang magbabahagi sa buong klase.

Malayang Talakayan hinggil sa maikling- kuwento na pinbamagatang “Yumapos ang


Takipsilim” sa pahina 356-361.

Pamprosesong Tanong
 Ano ang ibinalita no Ramos, na ama ni Lydia sa kanyang lola? Paano
tinanggap ng kayang lola ang balitang ito?
 Sa iyong palagay, ano ang paksa ng pag-uusap nina Ramon at Carmen na pilit
na inuulinig o pinakikinggan ng matanda?
 Masasabi mo bang naging mabuting magulang ang matanda at ang kanyang
asawa? Bakit?
 Sa iyong palagay, bakit pinamagatang “Yumapos ang Takipsilim” ang akdang
binasa?
 Kung ikaw ang nasa kalagayan ng matanda, ano ang iyong mararamdaman
kung marinig mo sa iyong mga anak na ikaw ay nagiging pabigat na sa kanila/
Bakit?

Muling balikan ang mahalagang tanong at pag-usapan.

Mahalagang Tanong

“Paano mo maipakikita ang iyong pagmamahal at pa-aaruga sa iyong magulang?


Bakit mahalagang arugain natin sila hanggang sa kanilang pagtanda?

Petsa: Disyembre 07, 2018 (Biyernes)

C. PAGPAPALALIM ( DEEPEN )

Talakayin ang “Alamin Natin” pahina 365.

Kasanayang Panggramatika at Pangretorika

Basahin at unawain ang balita sa pahina 368 at talakayin ang “Panandang Anaporik
at Kataporik” sa pahina 369.

Gawain 5: Updating Notes


Competency: Natutukoy ang wastong pangngalang bubuo sa diwa ng pangungusap
Panuto: Piliin ang wastong pangngalang akma sa bawat bilang.

Senadora pamahalaan anak


uban Ako at ang buong pamilya

1. Si Miriam Defensor Santiago ay nagsusulong ng bagong batas para sa mga senior


citizen. Ang ______________ ay malaking malasakit sa matatanda. Suportado
naman siya.
2. Ang ______________________ ay handing mangalaga sa matatanda sa bansa. Ito
ang gagawa ng tungkulin ng pamilyang hindi nila magagampanan.
3. Mapalad ang mga ________________ na nag-aalaga ng kanilang magulang.
4. Ang kanilang _____________ ay nagpapakita ng talino. Ito ang ebidensiya ng
maraming taon ng karanasan sa buhay.
5. Huwag nating pabayaan ang matatanda sa pamilya ______________ ang
mangangalaga sa kanila.

Gawain 6: Make It Personal


Competency: Nagagamit ang wastong mga panandang anaporik at kataporik ng
pangngalan (F7WG-IIIh-i-16)

Panuto: Suriin ang larawan sa ibaba. Ipahayag ang iyong kaisipan at damdamin tungkol sa
mga ito ayon sap unto ng reperensiya na makikita sa patlang.

Anaporik:

_____

Kataporik:
______

Petsa: Disyembre 10, 2018 (Lunes)

D. PAGLILIPAT (TRASFER)

PANGWAKAS NA GAWAIN

SCAFFOLD 4

GAWAIN: KOMPREHENSIBONG PAGBABALITA

Competency: Naisasagawa ang Komprehensibong Pagbabalita gamit ang makabagong


Teknolohiya (F7EP-IIIhi-8/F7PS-IIIj-17)

Sa nagdaang anim na aralin inaasahang naipamalas sa iyong panitokang Luzon ay tunay


na larawan ng pagkakakilanlan n gating bansa. Ang mga akdang pampanitikang mula rito
na iyong nabasa ay nakatulong na was a iyo upang higit mong maipagmalaki at
maunawaan ang natatanging katangian ng Luzon na siyang sentro at pinakamalaking pulo
ng bansa.

Ngayon ay bibigyan natin ng pansin ang mahahalagang kaganapan sa Luzon particular sa


lalawigan o lungsod na iyong kinabibilangang bahagi nito. Ikaw ay kabilang sa bagong Ikaw
ay kabilang sa bagong local tv station sa iyong lugar. Isa sa mga bagong programa ng
inyong estasyon ang “Magandang Balita Ngayon”. Ito ay isang news program na pawing
magagandang balita lamang ang ipinapahayag.Ikaw ay isa sa mga mamamahayag na
kabilang sa programang ito. Magsasagawa ka ng isang komprehensibong pagbabalita
tungkol sa magagandang pangyayaring nagaganap sa inyong lugar/bayan. Gagawin mo ito
upang makapaghatid ka ng magandang balitang makapagbibigay karangalang sa inyong
lugar upang lalo itong mahalin ng mga kababayan mo at makahikayat kayo ng mga
turistang pumunta sa inyong lugar.

Tulad ng isang karaniwang reporter susulat ka ng isang komprehensibong balitang ilalagay


mo sa iyong iPod, laptop, cellphone o sa isang malinis na papel na iyong babasahin kapag
ito ay ipinahayag mo na sa harap ng kamera o klase. Ngunit bago mo isasagawa ang
gawaing ito ay kailangang pag-aralan mo muna sa ibaba ang bagay na dapat tandaan sa
pagsulat ng balita gayundin ang iba pang paghahandang dapat mo pang gawin.

Gawing gabay ang pamantayan sa ibaba.

Puntos Mga pamantayan

10 Nakasulat ng isang komprehensibong balita tungkol sa sariling bayan/lugar

5 Naisasagawa ang komprehensibong pagbabalita nang maayos at


malinaw

5 Nagagamit ang angkop na salita sa pagsulat tungkol sa sariling


lugar

5 Natutukoy ang mga datos na kailangan sa paglikha ng sariling ulat o


balita

5 Naimungkahi ang karagdagang impormasyon sa mga hakbang sa


pagsulat ng balita

10 Nagamit nang wasto at angkop ang pormal na wikang Filipino sa


pagsulat ng balita at sa pagbabalita nito.

10 Maganda o positibo ang balitaat nakapagbigay inspirasyon sa iba.

50 KABUOANG PUNTOS
Petsa: Disyembre 10-11, 2018 (Lunes at Martes)

Pagbabalik tanaw sa mga aralin at pagbibigay ng mahabang pagsusulit.

Gramatika at Retoreka

 Ponemang Suprasegmental
 Hudyat ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari at iba pang panandang
pantalakayan
 Angkop na mga pahayag sa panimula, gitna, at wakas
 Anaporik at Kataporik

Panitika:

 Mga kaalamang-bayan
 Katangian ng Mito, Alamat, at Kuwentong-bayan
 Sanaysay
 Maikling-kuwento

Mahabang Pagsusulit

I. Panuto: Suriin kung saang bahagi matatagpuan ang sumusunod. Isulat sa


patlang kung ito’y sa simula, gitna, o wakas.

________1. Dito pinananatili ang kawing-kawing na pangyayari.

________2. Ito ang maiiwan sa isip ng tagapakinig o mambabasa

________3. Ito ay nakapupukaw sa interes ng tagapakinig o mambabasa upang making o


mambasa.
________4. Matutunghayan ang katunggaling tauhan at iba pang pangyayari.

________5. Sa pagsisimula ay maaring gumamit ng pandiwa pang-uri, at pang-abay


pagkatapos banggitin ang hudyat sa pagsisimula.

II. Panuto: Isulat sa patlang kung nagpapakita ng ningning o liwanag ang sumusunod na
sitwasyon.

_________1. Mahilig bumili at magsuot ng magagandang damit si Jackilou para


mapahanga niya ang mga kaibigan.

_________2. Nag-aral at nagsikap si John upang maging isang doctor ng kanilang bayan
sa Mabalacat.

_________3. Nakita ni Rolan na tama ang naging pasiya ng kanyang kaibigan si Aldwin na
humanap ng trabaho sa malayong lugar para makatulong sa kanyang pamilya kaya’t
mabigat man sa kalooban ay tinanggap niya ito nang buong puso.

_________4. Si Aling Dolores ay nagdarasal sa loob ng simbahan ngunit nang may


nanghingi ng limos paglabas niya ay galit nag alit niya itong itinaboy.

_________5. Si Ferdie ay isang politikong magaling magsalita at mangako sa mamamayan


ngunit inuuna naman ang sariling kapakanan kaya sa nasasakupan.

III. Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung ang salitang may salungguhit ay angkop sa
pangungusap na ibinigay. Palitan naman ng tamang sagot kung ito ay MALI.
Isulat sa patlang ang tamang sagot.

1. Ang di-pormal na sanaysay ay tinatawag na palagayang sanaysay.

2. Ang editoryal ay isang uri ng sanaysay.

3. Ang kuwentong-bayan ay naglalahad ng pinagmulan ng bagay-


bagay.

4. Ang ningning sa buhay ng tao ay ang mga material na bagay.

5. Ang kwento tungkol sa mga sirena ay mabibilang sa mga akdang


alamat.

You might also like