You are on page 1of 16

7

Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 2:
Mga Kaalamang-Bayan
Filipino – Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 2: Mga Kaalamang-Bayan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

BUMUO SA PAGSULAT NG MODYUL SA JUNIOR HS FILIPINO

Awtor : Luzchel L. Du
Ko-Awtor - Editor : Rosita D. Dulguime
Ko-Awtor - Tagasuri : Elnora F.Tolentino
Ko-Awtor - Tagaguhit :
Ko-Awtor - Tagalapat : Joaldean M. Apostol
Ko-Awtor - Tagapangasiwa : Rosita D. Dulguime

MGA TAGAPAMAHALA SA DIBISYON:


Schools Division Superintendent : Romeo M. Alip, PhD, CESO V
OIC- Asst. Schools Division Superintendent : William Roderick R. Fallorin, CESE
Chief Education Supervisor, CID : Milagros M. Peñaflor, PhD
Education Program Supervisor, LRMDS : Edgar E. Garcia, MITE
Education Program Supervisor, FIL/ADM : Mila D. Calma
Project Development Officer II, LRMDS : Joan T. Briz
Division Librarian II, LRMDS : Rosita P. Serrano

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Schools Division of Bataan


Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-2102
E-mail Address: bataan@deped.gov.ph
7

Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 2:
Mga Kaalamang-Bayan
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa
ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang
bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang
mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinomang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa
kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nilalaman ng


mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anomang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro


kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat upang lumalim pa ang iyong pang-
unawa at pagpapahalaga sa sariling panitikan. Bibigyang-pansin natin ang
mayaman at makulay na kultura ng iyong sariling bayan o rehiyon. Makikilala at
matutuhan mo ang kakayahang makabuo ng ating mga ninuno ng mga tula na
nilalapatan ng sukat at tugma. Ito ang ipinapalagay na dahilan kung bakit
mayroon tayong pag-aaralan na mga kaalamang-bayan.

Matapos ang modyul na ito, inaasahang matutuhan mo ang mga sumusunod na


kasanayan:
1. Naihahambing ang mga katangian ng tula/awiting panudyo, tugmang de gulong
bugtong at palaisipan.

2. Naisusulat ang sariling tula/awiting panudyo, tugmang de gulong, bugtong at


palaisipan batay sa itinakdang mga pamantayan.

1
Subukin

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang iyong sagot sa kalahating papel.

1. Ang _______ ay isang masining na anyo ng panitikan na naglalayong


maipahayag ang damdamin ng makata o manunulat nito. Ito ay
matalinghaga at kadalasang ginagamitan ng tayutay.
a. tula
b. maikling kuwento
c. nobela
d. epiko

2. Ito ay isang uri ng akdang patula na kadalasan ang layunin ay manlibak,


manukso, o mang-uyam. Ito ay kalimitang may himig na nagbibiro kaya ito
ay kilala rin sa tawag na Pagbibirong Patula.
a. sawikain
b. salawikain
c. tula/ awiting panudyo
d. tanaga

3. Ang paalalang makikita sa mga pampublikong sasakyan gaya ng dyip,


traysikel, o bus. Ang mga tugma o paalalang ito ay karaniwang nakatutuwa,
nanunudyo, o di kaya naman ay mayroon talagang makabuluhang
mensaheng nais iparating sa mga pasahero.
a. bugtong
b. palaisipan
c. bulong
d. tugmang de gulong

4. Ito ay isang pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan. Binibigkas ito nang


patula at kalimitang maiksi lamang.
a. tula
b. bugtong
c. pabula
d. salawikain

5. Ito ay nasa anyong tuluyan. Layunin nito na pukawin at pasiglahin ang


kaisipan ng mga taong nagkakatipon-tipon sa isang lugar.
a. pasyon
b. talumpati
c. palaisipan
d. parabula

2
Aralin

1 Mga Kaalamang-Bayan

Tula ang pinagmulan ng iba pang mga sining tulad ng awit, sayaw at dula. Batay
sa kasaysayan, ang mga unang Pilipino ay may likas na kakayahang magpahayag
ng kanilang kaisipan sa pamamagitan ng mga salitang naiayos sa isang maanyong
paraan kaya kinakitaan ng sukat at tugma.

Ipinapalagay na ang bawat kibot ng bibig ng ating mga ninuno ay may ibig sabihin
at katuturan kaya ito ang nakikitang pangunahing dahilan kung bakit nabuo ang
mga iba pang akdang patula tulad ng tulang panudyo, tugmang de gulong,
bugtong at palaisipan, at iba pang kaalamang-bayan.

Balikan

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang iyong sagot sa kalahating papel.
1. Ang ________ ay mahalaga para sa mabisang pakikipagtalastasan.
Nakatutulong ito upang maging mas maliwanag at maiparating ang tamang
damdamin sa pagpapahayagag.
a. ponema
b. ponemang suprasegmental
c. suprasegmental
d. pagpapahayag
2. Ito ay tumutukoy sa haba ng bigkas na inuukol ng nagsasalita sa patinig ng
pantig ng salita.
a. haba
b. diin
c. bigkas
d. punto
3. Ito ay saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang
mensaheng ipinahahayag.
a. haba o diin
b. paglilinaw
c. hinto o antala
d. pagpahahayag
4. ________ na tayo pumunta sa paaralan upang magsaliksik.
a. /bukas/
b. /bu.kas/
c. /buh.kas/
d. //buh.kas//

3
5. Nasira ang aming _____, wala kaming tubig.
a. //tuboh//
b. /tuboh/
c. /tu.boh/
d. /tuh.boh/

Mga Tala para sa Guro


Ang modyul na ito ay naghahanda sa mga mag-aaral upang
matutunan at makilala ang mga kaalamang-bayan na kabilang sa
ating panitikan.

Tuklasin

Magaling! Nakompleto mo ang iyong gawain. Ngayon ay halina’t tuklasin ang mga
mga kaalamang-bayan.
Ating alamin kung ano-ano ang mga kaalamang-bayan.

Mga Kaalamang-Bayan
Ayon kay Alejandro Abadilla, “Bawat kibot ng kanilang bibig ay may ibig sabihin
at katuturan. Ito ang ipinalalagay na pangunahing dahilan kung bakit nabuo ang
iba pang akdang patula tulad ng tulang-panudyo, tugmaang de gulong, bugtong at
palaisipan, at iba pang kaalamang-bayan.”

1. Tulang/Awiting Panudyo - Ito’y isang uri ng akdang patula na, kadalasan,


ang layunin ay manlibak, manukso, o mang-uyam. Ito ay kalimitang may
himig nagbibiro kaya ito ay kilala rin sa tawag na Pagbibirong Patula.

Halimbawa: Ako ay isang lalaking matapang,


huni ng tuko ay kinatatakutan.

May dumi sa ulo,


Ikakasal sa Linggo
Inalis, inalis,
Ikakasal sa Lunes.

2. Tugmang de Gulong- Ito ay mga paalala o babala na kalimitang makikita


sa mga pampublikong sasakyan. Sa pamamagitan nito ay malayang
naipararating ang mensaheng may kinalaman sa pagbibiyahe o paglalakbay

4
ng mga pasahero. Nakatutulong sa mga drayber upang mapadali ang
trabaho. Karamihan ng mga uri ng tugmang ito ay binuo ni Dr. Paquito
Badayos.
Narito ang ilang halimbawa:
1. Ang di magbayad mula sa kanyang pinanggalingan ay di makabababa sa
paroroonan.
2. Aanhin pa ang gasolina kung jeep ko ay sira na.
3. Ang di magbayad walang problema, sa karma pa lang, bayad ka na.

3. Bugtong - Ito ay isang pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan.


Binibigkas ito ng patula at kalimitang maiksi lamang.
Narito ang mga halimbawa:

1. Isang pinggan, laganap sa buong bayan. (buwan)


2. Baboy ko sa pulo,balahibo’y pako. (langka)
3. Ako ay may kaibigan, kasama ko habang buhay. (anino)

4. Palaisipan- Ang palaisipan ay nasa anyong tuluyan. Layunin nito ang


pasiglahin at pukawin ang kaisipan ng mga taong nagkakatipon-tipon sa
isang lugar. Ito ay paboritong pampalipas ng oras ng ating mga ninuno.

Narito ang mga halimbawa:


May isang eroplano at may isang barko.
Alin ang mas mataas sa dalawa? (tatlo)

Ako ay nasa gitna ng dagat,


Nasa huli ng daigdig,
Nasa unahan ng globo. (letrang g)

Suriin

Sumulat ng paghahambing ng mga katangian ng akdang patulang tinalakay sa


araling ito. Gamitin ang graphic organizer sa ibaba sa paglalahad ng iyong sagot.

Tulang Panudyo

Tugmang de gulong
Mga Katangian
ng Akdang
Patula
Bugtong

Palaisipan

5
Pagyamanin

Batay sa iyong natutuhan sa ating aralin, mag-isip at bumuo ng sariling


tula/awiting panudyo, tugmang de gulong, bugtong at palaisipan. Pumili lamang
ng isa sa mga kaalamang-bayan. Gawing batayan ng iyong pagbuo ang
pamantayan ng pagpupuntos.
Pamantayan sa Pagpupuntos
1. Nilalaman – 50%
2. Kasiningan – 30%
3. Orihinalidad ng gawa – 20%
Kabuuan = 100%

Isaisip

Kompletohin ang sumusunod na pahayag.

Ang aking natutuhan sa aming aralin ay Mahalaga ang aming aralin sapagkat

6
Isagawa

Sumulat ng isang (1) sariling bersyon ng tulang/awiting panudyo. Suriin ang


nilalaman ng mga ito. Ipatala ang kahulugan ng mga panudyo na iyong binuo. At
sagutin ang katanungan.
1. Habang ikaw ay bumubuo ng sariling tula/awiting panudyo, paano ito
nakaapekto sa iyong kaasalan at pag-iisip? Ipaliwanag.

Tayahin

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang iyong sagot sa kalahating papel.
1. Ito’y isang uri ng akdang patula na, kadalasan, ang layunin ay manlibak,
manukso, o mang-uyam.
a. kaalamang-bayan c. maikling kuwento
b. tulang/awiting panudyo d. tula
2. Ito ay mga paalala o babala na kalimitang makikita sa mga pampublikong
sasakyan.
a. tugmang de gulong c. pabula
b. parabula d. nobela
3. Ito ay isang pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan.
a. salawikain c. bugtong
b. sawikain d. pabula
4. Layunin nito ang pasiglahin at pukawin ang kaisipan ng mga taong
nagkakatipon-tipon sa isang lugar. Ito ay paboritong pampalipas ng oras ng
ating mga ninuno.
a. hulaan c. memorya
b. patalasan ng isip d. palaisipan

Para sa bilang 5-10, pumili ng titik ng tamang sagot ayon sa hinihingi na


kaalamang-bayan sa bawat bilang. Isulat ang iyong sagot sa kalahating papel.

a. tula/awiting panudyo c. bugtong


b. tugmang de gulong d. palaisipan

5. Ako ay isang lalaking matapang, huni ng tuko ay kinakatakutan. Nang ayaw


maligo, kinuskos ng gugo
6. Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas. (gamu-gamo)
7. Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat. (ampalaya)
8. Sitsit ay sa aso, katok ay sa pinto, sambitin ang “para” sa tabi tayo’y
hihinto.
9. Bayad muna, bago bumaba nang hindi ka mapahiya.
10. Sina Singko ay limang magkakapatid. Kung ang panganay ay si Uno, sino
ang bunso sa kanila?

7
Karagdagang Gawain

Magsaliksik ng dalawang (2) tula/awiting panudyo, tugmang de gulong, bugtong,


at palaisipan gamit ang internet at aklat. Itala ang kasagutan sa kalahating papel.

8
9
Tayahin Balikan Subukin
1. B 1. B 1. A
2. A 2. A 2. C
3. C 3. C 3. D
4. D 4. B 4. B
5. A 5. C 5. C
6. D
7. C
8. B
9. B
10.D
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Baisa- Julian, Aileen G., Carmela H. Esguerra, Nestor S. Lontoc. Pinagyamang
Pluma 7 (Alisunod sa K to 12 Curriculum). 278-283, 927 Quezon Ave., Quezon
City,Philippines: PHOENIX PUBLISHING HOUSE, INC.2015

10
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III,


Schools Division of Bataan - Curriculum Implementation Division
Learning Resources Management and Development Section (LRMDS)

Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan

Telefax: (047) 237-2102

Email Address: bataan@deped.gov.ph

You might also like