You are on page 1of 17

7

Filipino
Ikaapat na Markahan – Modyul 3:
Ang Kaharian ng Berbanya
at Suliranin Nito
Filipino – Ikapitong Baitang
Ikaapat na Markahan – Modyul 3: Ang Kaharian ng Berbanya at
Suliranin Nito
Ikalawang Edisyon, 2022
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na
ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga
may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o


ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Joanne May C. Caasi
Editor: Cristy S. Agudera
Tagasuri: Ellen Generalao & Iret R. Flores
Tagaguhit:
Tagalapat: Joanne May C. Caasi
Tagapamahala:
Josephine L. Fadul – Schools Division Superintendent
Melanie P. Estacio - Assistant Schools Division Superintendent
Christine C. Bagacay – Chief – Curriculum Implementation Division
Cristy S. Agudera – Education Program Supervisor - FILIPINO
Lorna C. Ragos - Education Program Supervisor
Learning Resources Management

Inilimbag sa Pilipinas ng

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon XI - Sangay ng Lungsod ng Tagum


Tanggapan: Energy Park, Apokon, Tagum City, 8100
Telefax: (084) 216-3504
Sulatroniko: tagum.city@deped.gov.ph/lrmds@deped.gov.ph
7

Filipino
Ikaapat na Markahan – Modyul 3:
Ang Kaharian ng Berbanya at
Suliranin Nito
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa
ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t
ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at
malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-
aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman


ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi
kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro.
Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat
naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama
o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan
ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro


kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at
paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

ii
Aralin Ang Kaharian ng
1 Berbanya at Suliranin
Nito

Alamin Natin
Magandang araw sa iyo!

Isa na namang panibagong araw ng pagtuturo at pagkatuto kaibigan.


Binabati kita dahil matagumpay mong natapos ang naunang modyul at
sigurado akong nasasabik ka nang simulan ang sumusunod na gawain.
Sa modyul na ito ay inaasahang mababasa at matatalakay mo ang
literal na kahulugan ang korido ng Ibong Adarna. Inaasahan din na higit
itong makabuluhan dahil sa pag-uugnay ng mga pangyayari sa akda sa mga
pangyayari sa iyong buhay at sa mga tunay na pangyayari sa kasalukuyang
panahon. Layunin din ng mudyol na ito na malinang at maisabuhay ng mga
mag-aaral ang mga ginituang aral na masasalamin sa akda. Ilan sa mga ito
ang mataas na pagpapahalaga sa kapakanan ng pamilya at mataas na
pagtingin o paggalang ng mga anak sa magulang.
May mga gawain akong inihanda para sa iyo upang mahasa ang iyong
kaalaman tungkol dito. Nawa’y magkaroon ka ng kawili-wili at kaaya-ayang
paglalakbay sa modyul na ito.

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

 nagmumungkahi ng mga angkop na solusyon sa mga suliraning


narinig mula sa akda (F7PN-Ivc-d-19)

 nagagamit ang dating kaalaman at karanasan sa pag-unawa at


pagpapakahulugan sa mga kaisipan ng akda (F7PS-Ivc-d-21)

 nailalahad ang sariling pananaw tungkol sa mga motibo ng may-akda


sa bisa ng binasang bahagi ng akda. (F7PB-Iva-b-20)

O, ano handa ka na ba kaibigan? Tara na at matuto!


Aralin Natin

3
Sa bahaging ito ng modyul, alamin ang kuwento sa kaharian ng
Berbanya at suliraning kinaharap nito sa pamamagitan ng pagbabasa sa
saknong 7-45.
IBONG ADARNA

7. Noong mga unang araw


sang-ayon sa kasaysayan, 13. Sila ay may tatlong anak,

sa Berbanyang kaharian tatlong bunga ng pagliyag,

ay may Haring hinangaan. binata’t na’t magigilas,


sa reyno ay siyang lakas.

8. Sa kanyang pagmamahal
kaharia’y nanagana 14. Si Don Pedro ng panganay,

maginoo man at dukha May tindig na pagkainam,

tumanggap ng wastong pala gulang nito ay sinundan


ni Don Diegong malumanay.

9. Bawat utos na balakin


kaya lamang pairalin, 15. Ang pangatlo’y siyang bunso

kung kanya nang napaglining Si Don Juan na ang puso,

na sa bayan ay magaling. Sutlang kahit na mapugto


ay puso ring may pagsuyo.

10. Kaya bawat kamalian,


na sa kanya’y ipasakdal, 16. Anak na kung palayawa’y

bago bigyang kahatula’y sumikat na isang Araw,

nililimi sa katwiran. kaya higit na kaninuman,


sa ama ay siyang mahal.

11. Pangalan ng Haring ito


ay mabunying Don Fernando 17. Salang mawala’y sa mata

sa iba mang mga reyno’y ng butihing ama’t ina,

tinitingnang maginoo. sa sandaling di Makita


ang akala’y nawala na.

12. kapilas ng puso niya


ay si Donya Valeriana, 18. Sa pag-ibig ng magulang

ganda’y walang pangalawa’t mga anak ay dumangal

sa bait ay uliran pa. maagang pinaturuan

4
ng dunong na kailangan.

19. May paniniwala ang ama 26. Taglay ng malaking hilig,


na di ngayo’t hari siya, maging sa sanaya’y nakasulit;
mangmang man ang bunga ang sandata’y parang lintik
sa kutya ay ligtas siya. espadang nakasasakit.

20. Alam niyang itong tao 27. Natupad nang lahat-lahat


kahit puno’t maginoo ang sa Haring mga hangad,
kapag hungkag itong ulo ito naming tatlong anak
batong agnas sa palasyo. sa ama’y nagpasalamat.

21. Kaya’t anong kagalakan 28. Ang kanilang kaharian


ng sa Hari ay kinamtan ay lalo pang nagtumibay,
nang ang tatlong minamahal walang gulong dumadalaw
marurunong na tinanghal. umunlad ng kabuhayan.

22. Tinawag na’t ang pahayag 29. Kasayaha’y walang oras


“Kayong tatlo’y mapapalad, sa palasyo’y may halakhak,
angkin ninyo ang mataas pati ibon nagagalak
na pangalang mga pantas.” ang lahat na ay pangarap.

23. “Yamang ngayo’y panahon 30. Ngunit itong ating buhay


nang kayong tatlo’y tumalaga, talinghagang di malaman,
pumili kayo sa dalawa: matulog ka nang mahusay,
magpari o magkorona?” magigising nang may lumbay.

24. Tugon nilang malumanay 31. Ganito ang napagsapit


sa magangdang katanungan: ng Haring kaibig-ibig,
“Humawak ng kaharian bayan nang siya ay managinip isang
nami’y paglingkuran.” gabing naidlip.

25. Sa gayon ay minagaling 32. Diumano’y si Don Juan


nitong amang may paggiliw, bunso niyang minamahal
tatlong anak ay sanayin ay nililo at pinaslang
sa paghawak ng patalim. ng dalawang tampalasan.

5
6
33.Nang patay na’y inihulog 40. “Sakit ninyo, Haring mahal
sa balong hindi matarok; ay bunga ng panagimpan,
Hari sa kanyang pagtulog mabigat man at maselan,
nagising na nang may lunos. may mabisang kagamutan.”

34. Sa laki ng kalumbayan 41. “May isang ibong maganda,


di na siya napahimlay, Ang pangalan ay Adarna,
nalimbag sa gunamgunam Pag narinig mong kumanta
ang buong napanagimpan. Sa sakit ay giginhawa.”

35. Mula noo’y nahapis na 42. “Ibong ito’y tumatahan


Kumain man ay ano pa! Sa Tabor na kabundukan,
luha at buntunghininga Kahoy na hinahapuna’y
ang aliw sa pag-iisa! Piedras Platas na makinang.”

36. Dahil dito’y nangangayayat 43. “Kung araw ay wala roon

naging parang buto’t balat, sa malayong mga burol,

naratay na’t nababakas kasama ng ibang ibong

ang dating ng huling oras. nangagpapawi ng gutom.”

37. Nagpatawag ng medico, 44. “Gabi nang katahimikan

yaong marunong sa reyno, payapa sa kabundukan

di nahulaan kung ano kung umuwi at huimlay

ang sakit ni Don Fernando. sa kahoy na kanyang bahay.”

38. Kaya ba ang mga anak 45. “Kaya mahal na Monarka

pati na ang Reynang liyag, iyon po ang ipakuha’t

dalamhati’y di masukat, kaagad na gagaling ka

araw-gabi’y may bagabag. sa sakit na dinadala.”

39. Sa kalooban ng Diyos


may nakuhang manggagamot,
ito nga ang nakatalos\
sa sakit ng Haring bantog.

7
BUOD
Ang Berbanya ay isang mayamang kaharian kung saan sagana,
matiwasay at payapa ang pamumuhay. Madalas na may piging at
pagdiriwang na nagaganap sa kaharian sapagkat mabait at masayahin sina
Haring Fernando at Reyna Valeriana. May tatlo silang anak na lalaki na
pawang may kakayahang magmana ng trono. Sila ay sina Don Pedro, Don
Diego at ang bunsong si Don Juan. Nakatakda na silang papiliin kung ang
pagpapari o paglilingkod sa kaharian ng Berbanya ang tatahaking landas.
Walang nakahihigit ninuman sa tatlong prinsipe kung likas na galing at
talino ang sukatan kaya lahat sila ay itinanghal na tagapaglingkod ng
palasyo. Nagsanay sila sa paghawak ng patalim at sandata ngunit sa
pagsapit ng takdang panahon ay isa lamang ang maaaring magkamit ng
trono. Hindi maitatwa ng hari na ang paborito niyang anak ay ang bunsong
si Don Juan kaya namayani ang inggit sa puso ng panganay na si Don
Pedro.
Dinapuan ng malubhang karamdaman si Don Fernando dulot ng
isang masamang panaginip. Nakita ng hari sa panaginip na pinaslang si
Don Juan ng dalawang buhong at inihulog sa malalim na balon. Mula noon
ay hindi na nakatulog ang hari at hindi na halos makakain hanggang sa
maging buto’t balat. Labis ang naging pag-aalala ng reyna at ng tatlong
prinsipe dahil walang sinumang makapagbibigay ng lunas sa hari.
Dumating ang isang medikong paham na nagsabing ang sakit ng hari ay
bunga ng panaginip at ang tanging lunas ay ang awit ng isang ibong
matatagpuan sa bundok ng Tabor na nakadapo sa kumikinang na puno ng
Piedras Platas. Sa gabi lamang daw matatagpuan ang ibon sapagkat sa
araw ay nasa mga burol ito upang manginain kasama ang iba pang mga
ibon. Noon din ay inutusan ng pinuno ng monarka ang panganay na anak
na hanapin at hulihin ang Ibong Adarna.

8
Gawin Natin

Sa pamamagitan ng estratehiyang Read and React ay ipayahag ang


iyong saloobin kung ano ang iyong gagawin upang masolusyunan ang
sumusunod na mga pagsubok na narinig mula sa akda. Pero bago ang lahat
alamin muna natin ang kahulugan ng pagsubok/problema at solusyon.
Pagsubok – Ito ay mula sa salitang ugat na "subok", mga sitwasyon sa
buhay ng isang tao kung saan nasusubukan ang kakayahan niyang
malagpasan ang isang hindi karaniwang pangyayari. Isang halimbawa nito
ay ang magkaroon ng isang pisikal na karamdaman. Sa sitwasyong ito ay
masusubukan ang tatag at lakas ng loob ng taong nakakaranas nito.  

Solusyon - Ang solusyon ay kasagutan sa mga tanong o problema.

Halimbawa:

•Alam ko na ang solusyon sa pinagawa sa aming aktibidad sa Math.

•Halos lahat ng tao ay nagbibigay ng mungkahi ng maaaring solusyon sa


trapiko ngunit wala pa ring tumatalab. 

1. Read:
Dinapuan ng malubhang karamdaman si Don Fernando dulot
ng isang masamang panaginip. (Kung sa iyong sariling ama
ito mangyayari, ano ang iyong gagawin?)

React: ____________________________________________________
___________________________________________________________

2. Read: Mula ng si Don Fernando ay nanaginip ng masama, hindi na


siya nakatulog at hindi na halos makakain hanggang sa siya ay
naging buto’t balat. (Kung merong problemang kinahaharap ang
iyong mga magulang, ano kaya ang maaari mong gawin upang
matulungan sila?)

React: ____________________________________________________
___________________________________________________________

9
3. Read:
Labis ang naging pag-aalala ng reyna at tatlong prinsipe dahil
walang sinumang makapagbigay ng lunas sa hari. (Kung
ikaw ang isa sa mga tatlong prinsipe paano mo
mapapanatag ang iyong mga magulang upang hindi
mag-alala?)

React: ____________________________________________________
___________________________________________________________

Sanayin Natin

Tukuyin ang mahahalagang pangyayari sa saknong na binasa at ang


suliraning kinahaharap nito. Maglahad ng sanhi, bunga at maaaring
solusyon na mailalapat dito. Gamitin ang PCES Chart.

Problem Cause Effect Solution


(Problema) (Sanhi) (Bunga) (Solusyon)

10
Hal. Nagkasakit Masamang Hindi na Tinig ng ibong
ang Hari` panaginip makakain at hindi adarna
na makatulog

Suriin Natin

May ilang kaisipan sa akdang makikita sa talahanayan sa ibaba.


Gamit ang iyong mga kaalaman at karanasan ay ipaliwanag ang kahulugan
at patunayan ang pagiging makatotohanan ng kaisipang ito. Pagkatapos,
ipaliwanag ang kaugnayan nito sa ilang isyung panlipunang kinakaharap
ng bansa sa kasalukuyan gamit ang graphic organizer sa ibaba.

Kaisipan sa Akda
Tanyag, sagana at mayaman ang kaharian ng Berbanya. Tahimik at
payapang namumuhay ang mga tao rito sapagkat pinamumunuan ito ng
mabubuti at mapagmahal na mag-asawang Don Fernando at Donya
Valeriana ngunit sa isang iglap ay dinapuan ng matinding karamdaman
ang hari na nagpabagsak ng kanyang kalusugan.

Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng kahariang Berbanya sa iyong


sariling barangay o purok?

11
PAGKAKAIBA PAGKAKATULAD

Isyu sa kasalukuyan
Isang napakalaking problema ang kinahaharap ng mundo ngayon, ito ay
ang paglaganap ng sakit na Covid 19, marami na ang nagkasakit at
humantong sa pagkasawi, marami na rin ang naapektuhan sapagkat limitado
ang galaw ng bawat tao.

Paano binigyang solusyon ng iyong komunidad upang maiwasan ang


pagkalat ng sakit na Covid 19?

12
Payabungin Natin

Hindi mo natapos sa pagsagot ang iyong modyul sa kadahilanang


nagkaroon ka ng trangkaso sa loob ng tatlong araw, bilang isang
mag-aaral, ano ang iyong gagawin upang maisumite mo ang iyong
modyul sa petsa ng pagpapasa? (2pts bawat bilang) gawing batayan
ang rubric sa iaba.

13
Pamantayan 5 4 3 2 1
Ang nilalaman ng sagot ay
makabuluhan at nasagot nang buong
puso.
Ang sagot ay may kaisahan at may
kaugnayan sa katanungan
Malinis ang pagkakasulat ng sagot at
madaling intindihin
Kabuuang Puntos
Sanggunian

K to 12 Filipino Gabay sa Pangkurikulum sa Filipino. Department of


Education Mayo 2016,

All images are credited to DepEd Image

Pinagyamang Pluma 7 (Dokumentong Kurikulum sa Filipino ng Kagawaran


ng Edukasyon)

14
15

You might also like