You are on page 1of 14

Filipino 7

1
Filipino – Ikapitong Baitang
Ikaapat na Markahan – Modyul 4: Ibong Adarna: Ang Gantimpala Ng Karapat-
Dapat (Buod ng Saknong 162-274)
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Mary Ann A. Legaspi
Tagasuri: Carina S. Javier at Shirley H. Amorada
Editor: Leda L. Tolentino at Cindy C. Macaso

Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin


OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
Manuel A. Laguerta EdD
Chief, Curriculum Implementation Division
Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig

2
Filipino 7
Ikaapat na Markahan
Modyul 4 para sa Sariling Pagkatuto
Ibong Adarna: Ang Gantimpala ng
Karapat-dapat (Buod ng Saknong 162-274)
Manunulat: Mary Ann A. Legaspi
Tagasuri: Carina S. Javier at Shirley H. Amorada / Editor: Leda L. Tolentino at Cindy C. Macaso

3
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 7 ng Modyul 4 para sa
araling Ibong Adarna: Ang Gantimpala Ng Karapat-Dapat (Buod Ng Saknong
162-274)!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

4
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Baitang 7 Modyul 4 ukol sa Ibong Adarna: Ang


Gantimpala Ng Karapat-Dapat (Buod Ng Saknong 162-274)!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

5
MGA INAASAHAN

Matapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, inaasahang


matatamo ang sumusunod:

KASANAYANG PAMPAGKATUTO
Nagmumungkahi ng mga angkop na solusyon sa mga suliraning narinig
mula sa akda.

LAYUNING PAMPAGKATUTO
A. nakikilalang mabuti ang katangian ng pangunahing tauhan na nais tularan
o isabuhay;
B. naiuugnay ang mga kaisipan batay sa tinalakay na bahagi ng akda; at
C. nakapagpapahayag ng mga posibleng solusyon, batay sa mga inilahad na
suliranin.

PAUNANG PAGSUBOK

Ang paunang pagsubok ay pagbabatayan ng iyong pag-unlad.


Ang dating kaalaman ay makatutulong upang iyong masagutan ang
bahaging ito.
PANUTO: Buuin ang pangungusap. Bilugan ang tamang sagot na nasa loob ng
panaklong.

1. Ayon sa takbo ng pangyayari, ang matandang ketongin at ang


ermitanyo ay (iisa, magkalayo, magkaibigan, magkaiba).

2. Sa bawat pagpapakasakit, may (hirap, sakripisyo, kabayaran,


tagumpay).

3. Si (Don Pedro, Don Diego, Don Juan, Don Fernando) ang napili ng
matandang ermitanyo na tulungan dahil sa kanyang busilak na puso.

4. Makatutulong ang patak ng (kalamansi, dayap, kahel, kamyas) na


ipatak sa sugat upang hindi siya makatulog sa oras na umawit na
ang Ibong Adarna.

5. Tuwing inaantok si Don Juan ay (hinihiwa, sinusulatan, kinikiliti,


pinupunasan) niya ang kanyang palad gamit ang labaha.

6
BALIK-ARAL

Bago ka magpatuloy sa panibagong aralin ay muli mong


balikan ang nakaraang aralin.
PANUTO: Isulat kung TAMA o MALI ang pahayag.

__________ 1. Si Don Pedro ang bunsong anak nina Haring Fernando at Reyna
Valeriana.

__________ 2. Nagkaroon ng malalang karamdaman ang hari dahil sa isang


masamang panaginip.
__________ 3. Naunang umalis sina Don Pedro at Don Diego at sila ay mabilis na
nakabalik.

__________ 4. Masama man sa kalooban ng Hari ay pinayagan niya ang kanyang


bunsong anak na umalis upang hanapin ang lunas sa kanyang
karamdaman.

__________ 5. Sinasabing ang awit ng mahiwagang Ibong Adarna ang


makapagpapagaling sa karamdaman ng hari.

ARALIN

Sabi nila, “libre daw mangarap.” Ikaw, anong pinakahahangad mong


pangarap sa buhay? Isulat mo nga ito sa thingking balloon at ipaliwanag
mo kung bakit mo ito gustong makamit.

(Ang larawan ay mula sawww.dreamstime.com)

7
Naibigan mo ba ang panimulang gawain? ‘Di ba’t napakasarap
mangarap at abutin ang pangarap na ito? Ngunit paano nga ba
mapagtatagumpayan ang mga pangarap sa buhay?

Sa araling ito ay matutunghayan mo kung paano


mapagtatagumpayan ni Don Juan ang kanyang pinakahahangad na lunas
sa sakit ng kanyang amang hari at ang kaligtasan ng kanyang mga
kapatid.

IBONG ADARNA
ANG GANTIMPALA NG KARAPAT-DAPAT
(buod ng saknong 162-274)

Natagpuan ni Don Juan ang dampang tinutukoy ng matandang leproso.


Pinuntahan niya iyon at kinausap ang ermitanyong nakatira roon. Pinatuloy ng
ermitanyo si Don Juan at pinakain. Sinabi ng prinsipe ang kanyang pakay.

Binigyan ng ermitanyo ng labaha at pitong dayap si Don Juan. Sinabi


niyang sa tuwing magbabago ng awit ang ibon ay hihiwain niya ang kanyang palad
at papatakan ito ng dayap. Pinaalam din ng matanda na kailangang iwasan niyang
mapatakan siya ng dumi nito upang hindi siya maging bato. Kapag nakatulog na
ang ibon, talian niya ang mga paa ng gintong sintas.

Hindi nainip si Don Juan sa paghihintay sa pagdapo nito sa Piedras Platas,


umawit na ito. At tulad ng inaasahan, inantok si Don Juan. Agad nitong dinukot
ang labaha at hiniwa ang palad. Pagkatapos ay pinigaan niya ng dayap ang
kanyang sugat at dahil sa sobrang hapdi ay nawala ang antok ng prinsipe. Pitong
awit ang ginawa ng ibong adarna kaya‘t pito rin ang naging sugat ni Don Juan.

Gaya ng inaasahan, ang ibon ay nagbawas subalit kaagad itong nailagan ni


Don Juan. Nahuli ni Don Juan at tinalian ng gintong sintas ang mga paa nito.
Nailigtas din ni Don Juan ang dalawa niyang kapatid at gayon na lamang ang
kaligayahan nila sa muli nilang pagkikita.

Ginamot ng ermitanyo ang mga sugat ni Don Juan at pagkatapos ay


nagkaroon sila ng salu-salo.

Masayang nagpaalam ang tatlo at sila’y binasbasan ng ermitanyo sa


kanilang paglalakbay pauwi ng Berbanya.
(halaw sa ILAW Pinagsanib na Wika at Panitikan Baitang 7 p.310 at 318)

8
MGA PAGSASANAY
Mapatutunayan mo ang iyong naunawaan sa binasang akda. Sagutan
mo ang sumusunod na gawain.

PAGSASANAY 1. TALASALITAAN
PANUTO: Punan ng nawawalang letra ang mga kahon para sa kasingkahulugan
ng salitang may salungguhit.

1. Habang naghihintay, siya’y nagmuymoy muna.

2. Napaghulo niyang malayo ang pinanggalingan ng ibon.

3. Dinukot ang labaha at binusbos ang palad niya.

4. Ganoon na lamang ang antak na naramdaman niya.

5. Hinintay niyang humimlay ang ibon.

PAGSASANAY 2. PAGSUSURI SA KATANGIAN NG PANGUNAHING TAUHAN


A. PANUTO: Isa-isahin ang mga katangian na nagustuhan mo kay
Don Juan. Isulat sa kahon ang sagot.

(Ang larawan ay mula sa www.twitter.com)

mabait masunurin mainggitin maawain


traydor busilak ang puso mapagmahal

9
B. Sa mga katangian ni Don Juan na iyong itinala, alin sa mga ito ang nais
mo ring isabuhay at bakit? Isulat ang sagot sa patlang.

Rubriks

5 - Nailahad ang sagot ng maayos at may wastong gramatika.


3 - Nailahad ang sagot ngunit hindi naisaalang -alang ang wastong
gramatika.
1 - Hindi nailahad at hindi wasto ang gramatika.

PAGSASANAY 3. PAGBIBIGAY SOLUSYON SA SULIRANIN

PANUTO: Itala ang naging solusyon sa mga sumusunod na suliranin mula sa


akda. Piliin ang letra ng tamang sagot mula sa Hanay B.

HANAY A HANAY B

1. Ang pagkakaroon ng A. Pinuntahan niya ang matandang


matindi at ‘di maipaliwanag ermitanyo na tinutukoy ng may
na karamdaman ni Haring leproso na makakatulong sa kanya
Fernando. upang mahuli ang Ibong Adarna.

2. Sina Don Pedro at Don B. Isang mahiwagang Ibong Adarna


Diego ay naging bato ang makapagbibigay lunas sa
matapos maiputan ng karamdaman ng hari.
Ibong Adarna

3. Makalipas ang tatlong taon C. Hinihiwa niya ang kanyang palad at


ay hindi pa din nakababalik pinapatakan ng dayap upang hindi
ang dalawang prinsipe. makatulog.

4. Walang ideya si Don Juan D. Agad na sumunod si Don Juan


kung paano makikita at upang hanapin ang lunas sa sakit ng
mahuhuli ang Ibong hari at hanapin ang mga nawawalang
Adarna, kapatid.

5. Hindi dapat makatulog E. Binuhusan ni Don Juan ng


si Don Juan habang mahiwang tubig ang mga kapatid na
umaawit ang Ibong Adarna. naging bato upang manumbalik sa
dating anyo.

10
PAGLALAHAT

PANUTO: Iugnay ang sumusunod na kaisipan ayon sa napag-aralang bahagi ng


akda. Humanap ng patunay mula sa bahaging tinalakay.

Nakasalalay sa iyong sarili ang iyong kabiguan o tagumpay.

Rubriks sa paglalahad ng impormasyon

5 - Naiugnay nang mahusay, naitala ang mga patunay mula sa


akda,magkakaugnay ang ideya at wasto ang gamit ng mga salita
4 - Naiugnay nang maayos, may mga patunay, kaunting mali sa
pagbabaybay ng mga salita.
3 - Nakapag-ugnay mula sa akda ngunit magulo ang pagkakabuo ng
mga pangungusap.
2 - Di gaanong naiugnay nang maayos, hindi gaanong tugma ang mga
patunay mula sa akda at di gaanong magkakaugnay ang ideya.
1 - Hindi naiugnay nang maayos at hindi tugma ang patunay.

PAGPAPAHALAGA

Gumamit si Don Juan ng mga pananggalang upang mapaglabanan


ang antok na dulot ng awit ng Ibong Adarna. Ikaw, ano-ano ang ginagamit
mong pananggalang upang mapaglabanan ang mga tukso tulad ng
masamang bisyo, impluwensiya ng barkada, pagbubulakbol at iba pang
nakasisira sa iyong pag-aaral at kinabukasan.

11
PANUTO: Isulat ang mga “pananggalang” mo sa bawat espayo. Bigyan ng
maikling paliwanag ang bawat isa.

Rubriks
5 - Nakapagbigay ng apat na pananggalan at naipaliwanag ang mga ito.
4 - Nakapagbigay ng tatlong pananggalan at naipaliwanag ang mga ito.
3 - Nakapagbigay ng dalawang pananggalan at naipaliwanag ang mga
ito.
2 - Nakapagbigay ng apat na pananggalan ngunit hindi naipaliwanag
ang mga ito.
1 - Hindi kumpleto at hindi naipaliwanag

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Ngayon, nasapit mo na ang huling bahagi ng modyul na ito.


Bilang pagtatapos, sagutin mo ang gawaing ito.
PANUTO: Isaayos ang bilin ng ermitanyo kay Don Juan upang mahuli ang
Ibong Adarna. Lagyan ng letrang A hanggang E ang patlang.

_________1. Pigaan ng dayap ang palad na sinugatan.

_________2. Itali ng gintong sintas ang Adarna kapag ito’y aalpas.


_________3. Sugatan ang palad ng labaha sa bawat kantang mapakinggan sa ibon.

_________4. Iwasang mapatakan ng dumi ng Ibong Adarna kapag ito ay nagbawas


na.
_________5. Dalhin ang labaha’t pitong dayap na hinog.

12
13
TALASALITAAN
PAUNANG PAGSUBOK
1. nagnilay-nilay
2. naisip 1. iisa
3. hiniwa 2. tagumpay
4. hapdi 3. Don Juan
5. matulog 4. dayap
5. hinihiwa
PAGSASANAY 3 BALIK-ARAL
1. B 1. mali
2. E 2. tama
3. D 3. mali
4. A 4. tama
5. C 5. tama
PANAPOS NA PAGSUSULIT
1. C
2. E
3. B
4. D
5. A
SUSI SA PAGWAWASTO
Sanggunian
PINAGYAMANG PLUMA 7 nina Alma M. Dayag, Ailene Baisa-Julian, Nestor s.
Lontoc at Carmela H. Esguerra, PHOENIX PUBLISHING HOUSE, INC.,
927 Quezon Ave., Quezon City

IBONG ADARNA nina Avelina D. Muego at Zenaida S. Badua, VIBAL PUBLISHING


HOUSE, INC., Gregorio Araneta Ave., cor. Maria Clara Street, Quezon City

ILAW (Pinagsanib na Wika at Panitikan) Baitang 7 ni Leonora D. Oracion,


INNOVATIVE EDUCATIONAL MATERIALS, INC., IEMI Building, 2356 St., Sta. Ana,
Manila

Mga larawan
https://www.dreamstime.com/small-cute-boy-daydreaming-imagining-something-
sitting-behind-desk-eyes-closed-smiling-happily-original-hand-drawn-
image141995811

https://twitter.com/mariadon0507/status/511406579212488704

14

You might also like