You are on page 1of 3

Ang Paglalakbay ni Don Pedro

By

Name:
Jewel Seludo
Manuel Solis
Michelle Sucayan
Jerein lace corre

ANG UTOS NG HARI

Ang Paglalakbay ni Don Pedro" Noon di'y ipinadala ng hari si Don Pedro
upang makuha ang ibon. Naglakbay itong mahigit tatlong buwan bago
nakarating sa bundok Tabor. Namatay ang kabayo niya at naglakad na
lamang hanggang sana silayan meron siyang nakitang isang punong
kumikislap na tila dyamante. Ito ang puno ng Piedras Platas. Habang
naghihintay si Don Pedro, nakatulog ito. Habang natutulog, dumating ang Ibong
Adarna at kumanta ng pitong beses at pitong beses din itong nagpalit ng anyo ng
balahibo. Pagkatapos nito, nagbawas ang Ibong Adarna bago
matulog.Natalsikan si Don Pedro ng ipot nito at ang bunga nito ay naging bato si
Don Pedro.

KAHALAGAHAN NG KABANATA

Mahalaga ang itong kabanata na ito sa kabuuan ng kwento dahil makikita


natin na sumunod agad si Don Pedro as utos ng hari na kunin ang Ibon
Adarna. Mahalaga itong kabanata dahil dito lumabas ang puno o tirahan ng
Ibong Adarna.  Dito sa Kabanata’y lumabas muli ang isang problema at yun
ay ang pagiging bato ni Don Pedro
Mahahalagang Saknong
Saknong 47 – Si Don Pedro’y tumalima
Sa utos ng Haring ama,
1.Iginayak kapagdaka
2Kabayong sasakyan niya.

Mahalaga ang saknong na ito dahil ipinapakita rito ang simula ng


paglalakbay ni Don Pedro at sumunod talaga agad si Don Pedro sa
utos ng hari.

Saknong 53 – Sa masamang kapalaran


Ang Prinsipe’y nakatagal,

Narating ding mahinusay

Ang Tabor na kabundukan

Mahalaga ang saknong na ito dahil ipinapakita rito na kahit walang


kabayo si Don Pedro, nakayanan niyang umakyat ng Bundok Tabor.

Saknong 71 – Tila naman isang tukso’t

Kasawian ni Don Pedro,

Ang Adarnang may engkanto,

Dumating nang di naino

Itong saknong na ito ay mahalaga dahil pinapakita nito na,


pagkatapos ng matagal ng paghihintay ni Don Pedro, sa wakas,
dumating na ang Ibong Adarna, ang makakatulong sa sakit ng hari.

Saknong 79 – Sa masamang kapalaran


Si Don Pedro’y napatakan
Biglang naging batong-buhay

Sa punong kinasasandalan.

1
Itong saknong na ito ay mahalaga dahil nalalaman natin mula sa
saknong na si Don Pedro ay napatakan ng tae ng Ibong Adarna dahil
sa ugali ng Ibong Adarna kaya si Don Pedro’y naging bato. Dito
makikita natin isa nanamang problema, ang hindi pagtutupad ni Don
Pedro sa layunin.

Tayutay
Saknong 55 – Magaganda’t kumikinang
Dyamante yaong kabagay,

Pag hinahagkan ng araw

Sa mata’y nasisilaw.

Sa Saknong na ito, mayroon tayong makikitang dalawang tayutay.


“Magaganda’t kumikinang, dyamante yaong kabagay” Ang
pangunahing dalawang taludtod ay isang Pagwawangis dahil
ikonokompara ang dyamante sa sanga ng punungkahoy. “Pag
hinahagkan ng araw, sa mata’y nasisilaw” Ito ay isang Pagsasatao
dahil hindi naman talaga humahalik ang araw sa totoong buhay.

Gabay na Tanong
1. Bakit kaya’y nasabi na pinapatay ng lungkot si Don Pedro?
2. Ano kaya meron sa Piedras Platas kaya siya’y kumikinang?
3. Ano ang mangyayari sa’yo kung pinatakan ka ng Ibong Adarna habang
siya’y  nagbabawas?

You might also like