You are on page 1of 14

G7-FILIPINO/IKALAWANG MARKAHAN

1
G7-FILIPINO/ IKAAPAT NA MARKAHAN

Republic of the Philippines


Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE

Pangalan: _______________________________
Petsa: _______________________________

I. Mga Kasanayan sa Pagkatuto

F7PSIVa-b-18
Naibabahagi ang sariling ideya tungkol sa kahalagahan ng pag-aaral
ng Ibong Adarna
F7PU-IVa-b-18
Naisusulat nang sistematiko ang mga nasaliksik na impormasyon
kaugnay ng kaligirang pangkasaysayan ng Ibong Adarna

II. Paksang Aralin / Lunsaran

Ibong Adarna
LUNSARAN: Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna
Aralin 6,7,8, at 9

Sanggunian:
Ang Pluma p. 405-408, 440-443
https://prezi.com/5xa_hqn0tdwt/kaligang-pangkasaysayan-ng-ibong-adarna/
http://rexinteractive.com/UserFiles/IM/Pointers-Filipino-
2/Supplemental%20Filipino%20High%20School%20Grade%207%204rth%20Q.pdf
https://www.slideshare.net/christopheregetigan/mga-hakbang-sa-pananaliksik

Kagamitan:

Para sa face to face


Powerpoint presentation (Kahalagahan ng pag-aaral at Kaligirang Pangkasaysayan ng
Ibong Adarna)
Video
Kopya ng mga kuwento (Kahalagahan ng pag-aaral at Kaligirang Pangkasaysayan ng
Ibong Adarna)

Para sa Modular Distance Learning (MDL)


Kopya nitong Modyul

Para sa Online Distance Learning (ODL)


Maaaring bisitahin ang mga sumusunod na link
https://www.slideshare.net/alexisdtrinidad/ang-kasaysayan-ng-ibong-adarna-ni-g-
alexis-d-trinidad
https://prezi.com/5xa_hqn0tdwt/kaligang-pangkasaysayan-ng-ibong-adarna/
https://takdangaralin.ph/kaligirang-pangkasaysayan-ng-ibong-adarna/

Address: Macabulos Drive, San Roque, Tarlac City


Telephone No.: (045) 982-0374
Email Address: tarlac@deped.gov.ph
G7-FILIPINO/ IKAAPAT NA MARKAHAN

Republic of the Philippines


Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE

III. Pamamaraan
A. Pagsisimula ng Bagong Aralin / Balik-aral

Magandang buhay!

Narito akong muli upang samahan ka sa iyong pag-aaral.

Mayroon ka bang ideya tungkol sa Kasaysayan at


Kahalagahan ng Ibong Adarna. Kung WALA huwag kang
mag-alala tutulungan kita sa iyong pag-aaral ukol dito.

Handa ka na ba? Siguradurin lamang na buo ang iyong atensyon at walang


anumang abala habang nag-aaral tayo.

O sige, simulan na natin! Tara!

Ang Ibong Adarna ay isang mahiwagang ibon sapagkat sa pamamagitan ng kaniyang


awit ito ay may katangiang magpagaling ng anumang karamdaman sa sinumang makakarinig
nito. Ito ay nagpapahinga sa punong pilak na dahon kung sumasapit ang hatinggabi. Umaawit
ang ibong adarna ng pitong beses at sa bawat awit nito ay nag-iiba ang anyo ng kanyang
balahibo. Ang nakakarinig ng kanyang awit ay sapilitang nakakatulog sa ikapitong pag-awit na
ginagawa ng ibon. Pagkatapos ng pitong awit ay dumudumi ang Ibong Adarna bago matulog
at kung sinumang mapatakan ng kanyang dumi ay nagiging bato.
Sa modyul na ito ay tatalakayin natin ang kasaysayan ng Ibong Adarna.
Inaasahan na matamo ng modyul na ito na malaman mo ang kaligirang
pangkasaysayan ng Ibong Adarna at kahalagan nito

B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin

Gawain: 1
Pamagat: Saan ako nanggaling?

Bago tayo dumako sa talakayan nais ko muna bigyang pansin mo ang pokeball na
naglalaman ng Ibong Adarna. May alam ka ba kung saan nagmula ito? Ibahagi sa ibaba ang
iyong nalalaman.
https://www.poke-blast-news.net/2010/11/pokesav-do-bw.html

Address: Macabulos Drive, San Roque, Tarlac City


Telephone No.: (045) 982-0374
Email Address: tarlac@deped.gov.ph
G7-FILIPINO/ IKAAPAT NA MARKAHAN

Republic of the Philippines


Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
C. Pag-uugnay ng Halimbawa sa Bagong Aralin

Para sa Online Distance Learning (ODL):


https://prezi.com/5xa_hqn0tdwt/kaligang-pangkasaysayan-ng-ibong-adarna/

Ang Paglaganap ng Korido sa Panahon ng mga Espanyol

Bagama’t ang pagdating ng mga


Espanyol sa Pilipinas sa pangunguna
ni Ferdinand Magellan ay naitala
noong Marso 16, 1521, sinasabing
ang kasaysayan ng pananakop ng
mga Espanyol sa ating Inang Bayan ay
nagsimula noong taong 1565 nang
dumating si Miguel Lopez de Legaspi
sa bansa at nagtatag ng unang
pamayanan sa Cebu.
https://tnhsg7asinero.wordpress.com/2014/10/25/pananakop-ng-mga-kastila-sa-pilipinas/
Tatlo ang pangunahing
layunin ng mga Espanyol sa pananakop sa Pilipinas. Una, upang palaganapin ang Katolisismo.
Ikalawa ay ang pagpapalawak ng kapangyarihan sa pamamagitan ng pagpaparami ng mga
sakop na mga bansa. Ikatlo ay ang paghahanap ng mga pampapalasa, masaganang likas-
yaman at mga hilaw na materyales upang matustusan ang kanilang mga pangangailangang
pang-ekspedisyon.
Dahil sa layunin ng mga Espanyol na mapalaganap ang Katolisismo, sinunog nila ang
mga nakasulat na panitikan ng ating mga ninuno. Pinalitan nila ang mga ito ng panitikang
nagbibigay-diin sa pananampalatayang Kristiyanismo. Ito rin ang naging sanhi kung bakit ang
panitikan sa panahong ito ay naging mapanghuwad o may pagkakatulad sa mga anyo at
paksang Espanyol. Lumaganap sa larangan ng panulaan ang mga tulang liriko, mga awit, mga
korido, at ang pasyon. Sa larangan naman ng dula ay namayani ang duplo karagatan, komedya
o moro-moro, mga dulang panrelihiyon, senakulo at sarsuwela. Samantalang ang mga akdang
tuluyan o prosa ay may paksang panrelihiyon at karaniwang tungkol sa mga talambuhay ng
mga santo.
Ayon sa talang sinulat ni Jose Villa Panganiban, et al. sa aklat na pinamagatang
Panitikan ng Pilipinas, ang panitikan noong panahon ng Espanyol ay sinasabing may tatlong
katangian:
• May sari-saring kaanyuan at pamamaraan, gaya ng mga tulang liriko, awit, korido,
pasyon, duplo, karagatan, komedya, senakulo, sarsuwela, talambuhay, at mga
pagsasaling-wika.
• Ang karaniwang paksain ay panrelihiyon.
• Ang lalong nakararami ay huwag, tulad o halaw sa anyo, paksa o tradisyong Espanyol.
Naging isang mabisang behikulo ang panitikan upang mailis na mapalaganap ang
relihiyong Katolisismo sa bansa. Isa sa pinakatanyag na uri ng panitikang nagbibigay-halaga sa
diwang Kristiyanismo ay ang mga tulang romansa na nauuri sa dalawang anyo – ang awit at
ang korido. Madalas, ang mga ito ay nagsisimula sa panalangin o pag-aalay ng may akda sa
Birhen o sa isang santo. Kalimitang ito ay patungkol sa pakikipagsapalaran at kabayanihan,
karaniwang kinasasangkutan ng mga prinsipe at prinsesa, at mga maharlika kung saan ang

Address: Macabulos Drive, San Roque, Tarlac City


Telephone No.: (045) 982-0374
Email Address: tarlac@deped.gov.ph
G7-FILIPINO/ IKAAPAT NA MARKAHAN

Republic of the Philippines


Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
pangunahing tauhan ay nagtatagumpay dahil sa kaniyang mataimtim na pananalig at
matiyagang pagtawag sa Diyos.
Dahil lubhang mahigpit ang sensura noong Panahon ng mga Espanyol, hindi lahat ng
mga akdang pampanitikan ay maaaring maisulat at mailathala lalo pa’t kung ito ay laban sa
pamamahala ng mga Espanyol. Ngunit dahil sa temang sinasaklaw ng awit at korido ang mga
ito ay namayani at higit na nakilala ng marami.

Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna

Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin matukoy


https://buklat.blogspot.com/2009/09/alamat-ng-ibong-adarna.html
kung sino talaga ang sumulat ng koridong Ibong
Adarna. Ayon kay Pura Santillan-Castrence, ito ay sa
dahilang ang kasaysayan ng akdang ito ay maaaring
hinango lamang sa kuwentong-bayan mula sa mga
bansa sa Europa tulad ng Romania, Denmark,
Austria, Alemanya, at Finland. Ito rin ang dahilan
kung bakit maituturing na bahagi ng Panitikang
Pilipino sa dahilang hiram lamang sa ibang bansa
ang kasaysayan nito. Kung uugatin ang kasaysayan,
ang tulang romansa ay nakilala sa Europa noong
Panahong Medieval o Middle Ages. Tinatayang
noong 1610, mula sa bansang Mexico, ito ay
nakarating mahimok ang mga katutubong yakapin
ang relihiyong Katolisismo.
Bagama’t itinuturing na halaw o nagmula sa ibang bansa ang akdang ito, sinasabi ng
maraming kritikong umaangkop naman sa kalinangan at kultura ng mga Pilipino ang nilalaman
nito. Masasalamin sa akda ang mga natatanging kaugalian at pagpapahalaga ng mga Pilipino
tulad ng pagkakaroon ng matibay na pananampalataya sa Poong Maykapal, mataas na
pagpapahalaga sa kapakanan ng pamilya, mataas na pagtingin o paggalang ng mga anak sa
magulang, paggalang sa mga nakatatanda, pagtulong sa mga nangangailangan, pagtanaw ng
utang na loob, mataas na pagpapahalaga sa puri at dangal ng mga kababaihan, pagkakaroon
ng tibay at lakas ng loob sa pagharap sa mga pagsubok ng buhay, at marami pang iba. Bukod
sa mga gintong aral na makukuha sa akda, ito ay tinangkilik din ng ating mga ninuno sa
panahon ng pananakop ng mga Espanyol sapagkat ito ay nagdulot din noon ng kasiyahan o
kaaliwan sa kanila. Sa katunayan, ang akdang Ibong Adarna ay itunuturing na panitikang
pantakas (escapist) sapagkat ang mga Pilipino na sakbibi ng hirap at sakit noon dahil sa
kahirapang kanilang nararanasan bunga ng paniniil ng mga Espanyol ay pansamantalang
nakatatakas sa kanilang tunay na kalagayan sa sandaling mabasa o mapanood ang akdang ito
at mailagay ang kanilang sarili sa pakikipagsapalaran ni Don Juan na siyang pangunahing
tauhan sa akda.
Sa maraming mga koridong nilimbag at naisulat sa Pilipinas, ang Ibong Adarna ang
higit na kilala sapagkat bukod sa ang mga sipi nito ay ipinagbili sa mga perya na karaniwang
isinasagawa tuwing kapistahan ng mga bayan-bayan, ito rin ay itinatanghal sa mga
entabladong tulad ng Komedya o Moro-moro.
Dahil na rin sa pasalin-saling pagsipi, ang mga sulat-kamay at maging ang mga
nakalimbag na kopya ng Ibong Adarna ay nagkaroon ng pagkakaiba-iba sa gamit at sa baybay
ng mga salita. Noong 1949, sa pamamagitan ng matiyaga at masusing pag-aaral ni Marcelo P.
Garcia ng iba’t ibang sipi ng Ibong Adarna ay isinaayos niya ang pagkakasulat ng kabuuan ng
5

Address: Macabulos Drive, San Roque, Tarlac City


Telephone No.: (045) 982-0374
Email Address: tarlac@deped.gov.ph
G7-FILIPINO/ IKAAPAT NA MARKAHAN

Republic of the Philippines


Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
akda parikular ang mga sukat at tugma ng bawat saknong. Sa kasalukuyan, ang kaniyang
isinaayos na sipi ang karaniwang ginagamit sa mga paaralan at palimbagan.

Gawain: 2
Pamagat: Halina’t manaliksik tayo!

Pagkatapos mong mabasa ang maikling kaligirang pangkasaysayan, mga tauhan, at unang
bahagi ng koridong Ibong Adarna ay nagkaroon ka ng ideya sa kapana-panabik na daloy ng
mga pangyayari rito. Inaasahang higit mo pang mapahahalagahan ang akda kung
madadagdagan ang mga nalalaman mo tungkol sa nasabing korido maliban sa mga nabasa mo
na sa araling ito. Magsasaliksik ka ng karagdagan pang impormasyon tungkol sa kaligirang
pangkasaysayan ng Ibong Adarna. Isulat ang mga nasaliksik na impormasyon sa sistematiko o
maayos na paraan. Basahin ang mga tanong sa ibaba para magabayan ka sa gagawin mong
pananaliksik.

• Sa anong panahon unang lumaganap ang koridong Ibong Adarna?


• Bakit marami ang nagsasabing hindi ito maituturing na ganap na bahagi ng panitikang
Pilipino?
• Ano-anong bansa ang nakaimpluwensiya sa nilalaman, paksa, at estilo ng
pagkakasulat ng korido?
• Ano-ano pang mahahalagang impormasyon ang nalaman mo tungkol sa Ibong
Adarna?
Rubric sa Pagmamarka
1. Bagong Konsepto na Nakalap – 40%
2. Pagkilala sa Sanggunian – 10%
3. Kalinawan ng Paglalahad – 30%
4. Orihinalidad (Walang Hawig Sa Kaklase) – 5%
5. Kaugnay sa Paksa – 15%
Kabuuan = 100%

Ang Sistematikong Pananaliksik ay isang pananaliksik na mayroong sinusunod na


proseso sa pagtuklas ng mga katotohanan. Ito ay pananaliksik na kailangan maging mapanuri
sa pag iimbestiga sa isang bagay, kaalaman o paksa. Pagtuklas sa solusyon ng ibat-ibang uri ng
suliranin na kinakailangan ang tamang pagsunod sa mga hakbang ayon sa pagkakasunod-
sunod.

Mga Hakbang sa Pananaliksik


1. Unang Hakbang
•Pumili at maglimita ng paksa
•Ang paksa ay dapat na alam mo, nakawiwili, mapagkukunan ng datos, may
sanggunian, may kabuluhan at magagawan ng kongklusyon.
2. Ikalawang Hakbang
• Magsagawa ng pansamantalang balangkas.
I.Ilahad sa isang pangungusap ang nais pag-aralan sa paksa.
6

Address: Macabulos Drive, San Roque, Tarlac City


Telephone No.: (045) 982-0374
Email Address: tarlac@deped.gov.ph
G7-FILIPINO/ IKAAPAT NA MARKAHAN

Republic of the Philippines


Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
II.Ilahad ang layunin.
III.Itala o ilista ang mga tanong.
IV.Pangatwiranan ang kahalagahan ng paksa.
3. Ikatlong Hakbang
•Magtala ng sanggunian
•Huwag takdaan ang bilang ng maksimum na bilang ng sanggunian ngunit gawin itong
minimum sa pitong sanggunian.
4. Ikaapat na Hakbang
• Mangalap ng datos
• Importante ang dating kaalaman sa mga nabasa na. Ideya lamang ng nabasa ay sapat
na.
• Makatutulong ang paggamit ng index card sa pagtatala ng mga sanggunian
5. Ikalimang Hakbang
• Bumuo ng konseptong papel
• Ginagawa kapag sigurado ka na sa paksang sasaliksikin.
• Kasama rito ang balangkas/framework ng daloy ng laman ng pananaliksik na
magbibigay-linaw sa isusulat.
6. Ikaanim na Hakbang
• Gumawa ng dokumentasyon
• Sinupin ang mga datos, gumamit ng parentetikal na paglalahad ng sanggunian at
obserbahan ang paggamit ng wastong pagbabantas.
7. Ikapitong Hakbang
• Isulat ang pinal na kopya ng pananaliksik.

Gawain: 3
Pamagat: Ano ang kahalagahan ko?

Mula sa iyong nabasa sa modyul na it. Ano ano ang kahalagahan ng Ibong Adarna? Isulat sa
mga kahon.

Kahalagahan ng
Ibong Adarna

Address: Macabulos Drive, San Roque, Tarlac City


Telephone No.: (045) 982-0374
Email Address: tarlac@deped.gov.ph
G7-FILIPINO/ IKAAPAT NA MARKAHAN

Republic of the Philippines


Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
D. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #1

Isang malakas na palakpak para sa iyo!

Sa palagay mo kaya mo kayang sagutin ang mga sumusunod na


pagsasanay?

Kung mayroong bahagi kang hindi maunawaan maaari mong


balikan ang talakayan at basahin itong muli, o kaya hingi ka ng
tulong sa iyong ate, kuya nanay o tatay. Maaari mo rin akong i-chat
para maliwanagan ka.

Handa ka na ba? Magaling kung gayon. Simulan na natin!

Paalala: Maaari mong buklatin ang iyong Ibong Adarna at basahin ang aralin 6 ng kwento.

Buod ng Ibong Adarna

Aralin 6: Ang Leprosong Ermitanyo


Humingi ng limos ang leproso kay Don Juan. Ipinagkaloob ng prinsipe sa matanda ang natitira
niyang tinapay. Nalaman ng leproso ang pakay ni Don Juan sa lugar na iyon. Nagbilin siya kay
Don Juan na huwag masilaw sa kinang ng Piedras Platas at sa halip ay tumanaw sa ibaba upang
makita ang isang dampa. Doon ay matatagpuan ng prinsipe ang isang ermitanyong
nakakatulong sa paghanap ng lunas sa sakit ng hari. Isinauli ng leproso ang tinapay kay Don
Juan pero ayaw iyong tanggapin ng prinsipe. Narating ni Don Juan ang Piedras Platas at dahil
sa pagkamangha ay muntik nang makalimot sa tagubilin ng leproso. Nagbalik ang diwa niya at
nakita ang dampa. Nagtungo si Don Juan upang humingi ng tulong sa ermitanyo. Laking
pagtataka ng prinsipe nang makita sa loob ng dampa ang ibinigay na tinapay sa leproso. Sa
kabila ng hiwagang nararamdaman ay buong pagtitiwalang nakinig ang prinsipe sa payo ng
ermitanyo. Natuklasan niya na ang Ibong Adarna ay isang engkantando. Malalim na ang gabi
kung ito ay dumapo sa Piedras Platas. Pitong beses na umaawit ang ibong at pitong beses ding
nagpapalit ng kulay ng balahibo. Sa oras ba umawit ang ibon ay kailangan niyang hiwain ang
palad at pigaan ng dayap upang malabanan ang antok. Bago matulog ang ibon ay dudumi ito
at kailangang maiwasan niya iyon upang hindi maging bato. Ibinigay ng ermitanyo ang sintas
na ginto para magamit niyang panghuli at panggapos sa ibon.

Gawain: 4
Pamagat: Dugtungan tayo bes!

Sa bahagi na ito ng Ibong Adarna ay kakikitaan ang kabutihang puso ni Don Juan.
Tinulungan niya ang matandang leproso sa pagbibigay ng kaniyang natitirang pagkain. Hindi
siya nag-atubili na ibigay ang pagkain niya.
Katulad din ng mga larawan na nasa ibaba sumisimbolo ito ng kabutihan ng bawat isa.
Para sa iyo ano ang ibig sabihin ng pagtulong sa kapwa?

Address: Macabulos Drive, San Roque, Tarlac City


Telephone No.: (045) 982-0374
Email Address: tarlac@deped.gov.ph
G7-FILIPINO/ IKAAPAT NA MARKAHAN

Republic of the Philippines


Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE

Ang pagtulong sa kapwa ay


_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
http://clipart-library.com/clipart/helping-
_________________________
https://www.clipart.email/clipart/clipart-
others-clipart-2-1.htm kids-helping-friends-523337.html _________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
https://clipartstation.com/people-helping-
each-other-clipart-5/
http://www.clipartpanda.com/clipart_image
s/preview-clipart-36187847
_________________________
____

E. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #2

Gawain: 5
Pamagat: Paano kung…?

Paalala: Maaari mong buklatin ang iyong Ibong Adarna at basahin ang Aralin 7 hanggang 9.

Buod ng Ibong Adarna


(Aralin 7-9)
Aralin 7: Ang Kagila-gilalas na Ibong Adarna
Nasa ilalim ng punong Piedras Platas si Don Juan. Hindi siya napagod sa paghihintay hanggang
sa lumalim na ang gabi. Humapon na rin sa wakas ang Ibong Adarna sa Piedras Platas.
Kahanga-hanga ang taglay na gilas at kariktan ng ibon na labis na nagpahiwaga ng daigdig.
Nagsimula na itong umawit at nagpalit na rin ng kulay ng balahibo. Napahikab si Don Juan
nang marinig ang awit ng ibon. Hiniwa ni Don Juan ang palad sa pamamagitan ng labaha at
pinigaan ng dayap ang sugat. Tila pinanawan siya ng bait sa tindi ng sakit kaya’t tuluyang
nawala ang antok. Pitong awit ng ibon ang katumbas ng pitong sugat ni Don Juan sa palad.
Dumumi ang ibon ngunit iniwasan ni Don Juan na mapatakan ng ipot upang hindi maging bato.
Natulog na ang Ibong Adarna na nakabuka ang mga pakpak at dilat ang dalawang mata kaya
mapagkakamalang gising pa. Marahang umakyat sa puno si Don Juan dala ang sintas na ginto.
Agad niyang sinunggaban ang ibon upang maitali sa paa. Dinala ni Don Juan ang ibon sa dampa
at natutuwang hinimas pa ito ng ermitanyo saka ikinukulong sa hawla.

Address: Macabulos Drive, San Roque, Tarlac City


Telephone No.: (045) 982-0374
Email Address: tarlac@deped.gov.ph
G7-FILIPINO/ IKAAPAT NA MARKAHAN

Republic of the Philippines


Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
Aralin 8: Ang Kaligtasan ng Dalawang Kapatid
Inutusan ng ermitanyo si Don Juan na kunin ang banga at punuin ng tubig para buhusan ang
dalawang batong tila puntod na nasa ilalim ng Piedras Platas. Agad sinunod ni Don Juan ang
utos. Agad siyang sumalok ng tubig at nagtungo sa dalawang bato. Binuhusan ni Don Juan ng
tubig ang batong si Don Pedro at agad itong nabuhay. Tumayo si Don Pedro at nanangis na
niyakap ang bunsong kapatid. Isinunod na iniligtas ni Don Juan si Don Diego at tulad ng
panganay na kapatid ay naging tao itong muli. Masayang nagyakapan ang tatlong prinsipe.
Labis silang nagalak sa tiyak na kaligtasan ng kanilang amang hari dahil sa pagkahuli ni Don
Juan sa Ibong Adarna. Nagpunta sa dampa ng ermitanyo ang tatlong prinsipe at animo’y
nagkaroon ng piging sa dami ng pagkaing inihanda para sa kanila.

Aralin 9: Ang Mahiwagang Katotohanan


Pinahiran ng ermitanyo ng gamot mula sa botelya ang sugat sa palad ni Don Juan at agad na
gumaling. Nabigla na naman si Don Juan sa panibagong hiwaga na namalas niya. Nagbilin ang
ermitanyo sa tatlong prinsipe na nawa’y makarating sila ng malugod at mapayapa sa kahariang
Berbanya alang-alang sa kaligtasan ng hari. Sinabi rin ng ermitanyo na ang paglilo’y huwag
sanang manahan sa kaninumang puso. Naunang naglakad si Don Juan habang dala ang hawla.
Palihim namang kinausap ni Don Pedro si Don Diego. Dahil sa labis na inggit ay binalak ni Don
Pedro na patayin si Don Juan. Nabigla si Don Diego at agad tumutol sa plano ng panganay na
kapatid ngunit sa huli’y nakumbinsi din. Sumang-ayon ito na bugbugin si Don Juan basta
huwag lamang papatayin. Natuwa si Don Pedro sapagkat iiwanan nilang sugatan si Don Juan
sa kagubatan kaya natitiyak na doon na rin ito daratnan ng kamatayan at sila na ang mag-uuwi
ng Ibong Adarna. Pinagtulungan nina Don Pedro at Don Diego na bugbugin ang bunsong
kapatid. Hindi nanlaban si Don Juan. Gulapay siyang iniwanan sa gitna ng kagubatan saka
tumakas ang dalawa tangay ang Ibong Adarna.

Kung ikaw ang isa sa


mga kapatid ni Don Juan
itutuloy mo ba ang planong
paglilo sa kapatid?
Oo o Hindi?
Ipaliwanag kung bakit?

https://www.dreamstime.com/stock-image-pencil-
character-blank-paper-funny-cartoon-holding-isolated-

F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment)

Gawain: 6
Pamagat: Ka-SAYSAY-an!

10

Address: Macabulos Drive, San Roque, Tarlac City


Telephone No.: (045) 982-0374
Email Address: tarlac@deped.gov.ph
G7-FILIPINO/ IKAAPAT NA MARKAHAN

Republic of the Philippines


Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE

Mula sa papel na makikita sa ibaba. Itala Sa sariling pang-unawa isulat ang buod ng
sa maikling paraan ang kasaysayan ng mga pangyayari sa Araling 7, 8 at 9.
Ibong Adarna. Saan nagmula ito? Paano
ito lumaganap? Ilahad ang iyong
natutunan sa modyul na ito.

http://ray23cloudstrife.blogspot.com/2011/08/kahalagahan-ng-pagsusulat.html

G. Paglalapat ng Aralin sa Pang-Araw-araw na Buhay

Gawain: 6
Pamagat: Iugnay mo kaibigan!

Ang Ibong Adarna ay lumaganap sa panahon pa ng mga Espanyol subalit hanggang ngayon ay
patuloy na binabasa at pinag-aaralan ng mga kabataang Pilipino dahil sa kariktang taglay at sa
mga pagpapahalagang maaaring kapulutan ng mga aral.

Baon ang kaisipang ito, umisip ng mga pangyayari sa kasalukuyan (sa iyong sarili, sa pamilya,
sa mga kakilala, nabasa, napanood, o narinig) na maaari mong iugnay sa mga nakalahad na
pangyayari sa akda.

Mga Pangyayaring sa Ibong Adarna Kaugnay na Pangyayari sa


Kasalukuyan
Si Haring Fernando ay isang makatarungan at
mahusay na pinunong iginagalang at sinusunod
ng kaniyang nasasakupan.
Nang magkasakit ang ama, nagsakripisyo ang
magkapatid upang mahanap ang gamot na
maaaring makapagpagaling sa kaniya.

11

Address: Macabulos Drive, San Roque, Tarlac City


Telephone No.: (045) 982-0374
Email Address: tarlac@deped.gov.ph
G7-FILIPINO/ IKAAPAT NA MARKAHAN

Republic of the Philippines


Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
Sina Don Pedro at Don Diego ay naakit sa kinang
at ganda ng puno ng Piedras Platas kaya’t sila’y
nabiktima ng taglay nitong panganib na
nakakubli sa kagandahan.
Nagdasal at humingi ng gabay sa Panginoon at
saka humingi ng bendisyon mula sa ama si Don
Juan bago siya sumuong sa kaniyang
mapanganib na misyon.
Pagkatapos mong naiugnay ang mga pangyayari sa akda sa mga pangyayaring nagaganap
sa kasalukuyang panahon, marahil ay naiisip mo na kung bakit mahalagang basahin at pag-
aralan ang Ibong Adarna. Isulat sa ibaba ang mga inaakala mong kahalagahan ng pag-aaral
ng Ibong Adarna.
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

H. Paglalahat ng Aralin
Sa pagkakataong ito ay nais kong malaman kung ano ano ang iyong nalaman sa modyul na
ito sa pamamagitan ng dayagram na nasa ibaba.

Naging kawili-wili Ibig ko pang


Natutuhan ko
sa akin ito dahil… malaman ang
na…
tungkol sa..

I. Pagtataya ng Aralin

Napakahusay mo at nasagutan mo ang mga gawain. Sa palagay


ko handa ka ng sagutin ang Pangwakas ng Pagsusulit. Ito na ang
pagkakataong mataya ang iyong natutuhan.

Walong puntos ang target mong makuha sa pagsusulit na ito.

Kayang kaya mo yan!!!

12

Address: Macabulos Drive, San Roque, Tarlac City


Telephone No.: (045) 982-0374
Email Address: tarlac@deped.gov.ph
G7-FILIPINO/ IKAAPAT NA MARKAHAN

Republic of the Philippines


Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Hindi mo ba nababatid
Don Juan kong iniibig
Itong lilo mong kapatid
sa ayaw ay namimilit?

Ano ang kahulugan ng lilo sa saknong?


a. hilo b. malupit c. mayabang d. taksil

2. Tinulungan si Don Juan ng ermitanyo sa paghuli ng Ibong Adarna dahil ___?


a. binati niya ang ermitanyo c. binigyan niya ng pagkain ang ermitanyo
b. binigyan niya ng damit ang ermitanyo d. binigyan niya ng tubig ang ermitanyo

3. Sino sa mga sumusunod ang HINDI anak ng hari?


a. Don Pedro b. Don Diego c. Don Juan d. Don Fernando

4. Sino ang mga dayuhang nagdala ng koridong Ibong Adarna sa Pilipinas?


a. Amerikano b. Intsik c. Hapon d. Kastila

5. Alin sa sumusunod ang layunin ng mga dayuhan sa pagdala ng Ibong Adarna sa bansa?
a. pagpapalaganap ng kababalaghan c. pagpapalaganap ang kristiyanismo
b. pagpapalaganap ng kabutihang-asal d. pagpapalaganap ng takot

6. Anong uri ng akdang pampanitikan ang Ibong Adarna?


a. dula b. maikling kuwento c. nobela d. tula

7. Nang sila ay magpaalam


ay lumuhod si Don Juan
hiniling na bendisyunan
ng Ermitanyong marangal.

Ang bendisyon ay:


a. patnubay ng matanda c. pagluhod sa matanda
b. paghiling sa matanda d. pagsuway sa matanda

8. Sa Diyos dapat manawagan


ang lahat ng nilalang,
ang sa mundo ay pumanaw
tadhana ng kapalaran.

Anong kaugaliang Pilipino ang nasisilay sa saknong ng tula


a. pananalig sa buhay c. pananalig sa Maykapal
b. pananalig sa kamatayan d. pananalig sa kapwa tao

13

Address: Macabulos Drive, San Roque, Tarlac City


Telephone No.: (045) 982-0374
Email Address: tarlac@deped.gov.ph
G7-FILIPINO/ IKAAPAT NA MARKAHAN

Republic of the Philippines


Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
9. “Kaya ngayon ang magaling
Si Don Juan ay patayin,
Kung patay na’y iwan nati’t
Adarna nama’y dalhin.”

Anong isyung panlipunan ang tinutukoy sa saknong na ito?


a. kawalan ng edukasyon c. kahirapan sa buhay
b. krimenalidad d. kawalan ng disiplina

10. Ngunit sa taong may gutom


matigas man at lumang tutong
kung nguyain at malulon
parang bagong pirurutong.

Aling sawikain/kasabihan ang nauugnay sa kaisipang inilahad ng saknong sa itaas?


a. Ang taong nagigipit, sa patalim kumakapit.
b. ‘Pag may tiyaga, may nilaga.
c. Habang maiksi ang kumot sisikapin mamaluktot
d. Walang pinipili ang taong gutom ang sikmura.

Lubos akong nagagalak sa ipinakita mong katapatan sa


iyong pagsagot. Ilan ang iyong nakuhang puntos?
______________

Binabati kita!

Hanggang sa muli!

_____________________________ _____________________________
Pangalan at lagda ng mag-aaral Pangalan at lagda ng magulang

14

Address: Macabulos Drive, San Roque, Tarlac City


Telephone No.: (045) 982-0374
Email Address: tarlac@deped.gov.ph

You might also like