You are on page 1of 6

TALAPAKSAAN

GE10 DULAANG FILIPINO

PAMAGAT NG KURSO : Dulaang Filipino


KOWD NG KURSO : GE 10
BILANG NG YUNIT   : Tatlo (3)

DESKRIPSYON:

          Ang pag-aaral ng asignaturang Dula at Dulaang Pilipino ay nakasentro sa pag-aaral ng dula bilang paglalarawan ng sining, isip, buhay
at damdamin ng iba’t ibang uri ng tao sa lipunan.  Kalakip sa pag-aaral nito ang pagpapahalaga at pag-unawa sa lahat ng aspekto ng paglikha
hanggang sa pagtatanghal ng dula.

PAGLALAHAD NG KURSO (COURSE DESCRIPTION OF THE PROGRAM)

Apat-na-taong programang pang-akademiko ang Batsilyer ng Artes sa Filipinolohiya (ABF).  Sinasaklaw ng kurso ang wika, komunikasyon,
panitikan at kultura o pambansang kabihasnan sa pangkalahatan.  Pinapanday nito ang mga potensyal at talino ng mga mag-aaral sa
pamamagitan ng mga karunungang makakamit sa Filipinolohiya.  Nakatuon sa pagiging malikhain (creativity) at sikhayan (scholarly works)
ang lalim at lawak ng pagpapakadalubhasa sa Filipinolohiya na napakahalaga sa propesyon.

Binibigyang-diin ng pinaunlad na programa ang kasalukuyang tunguhin ng Elektronikong Edukasyon (E-Education) o Cyber Culture sa
daigdig kaugnay ng kagalingang pambayan at kapakanang pambansa, gayundin ang makaagham na pag-aaral ng wika, komunikasyon,
panitikan, kultura o pambansang kabihasnan.
PANGKALAHATANG LAYUNIN

Inaasahan na ang kursong Batsilyer ng Sining sa Filipinolohiya (ABF) ay daan sa pagkakamit ng karunungan sa dalawang wika – Filipino at
Ingles, at tulay sa pagpapataas sa pagkilala ng mga mag-aaral sa kanilang pagiging Pilipino sa pamamagitan ng pakikisangkot sa pagtatatag
ng isang lipunang makabansa, malaya, maunlad, makatao at maka-Diyos sa panahon ng sibilisasyong cyberspace.

MGA TIYAK NA LAYUNIN


 Inaasahang ang mga mag-aaral ay:
· Magiging dalubhasa sa pagtatamo ng mga kagalingan/kasanayan sa larangan ng komunikasyon, wika at literatura;
· Matututong magsalin sa wikang Filipino ng mga kagamitan sa pag-aaral at pagtuturo mula sa ibang wika;
· Mapaghuhusay ang komunikasyong pasulat at pasalita para sa pangangailangan ng mga paaralang bayan, pamantasan,
industriya, at institusyon;
· Makatutulong sa pagpapalaganap ng makabuluhang karunungan para sa kapakinabangan ng sambayanang Pilipino; at
· Mahahasa sa gawaing pananaliksik upang makapagbahagi ng kaalaman at karunungan.

LAYUNIN NG ASIGNATURA

Bilang isang adademikong disiplina sa Filipinolohiya, ito ay kailangang tumutugon sa mga pangangailangan tulad ng:

1. Nabibigyang katuturan ang dula


2. Natutukoy ang katangian, elemento o sangkap at kahalagahan ng dula
3. Nabibigyang pagpapahalaga ang mga Aystetik Valyu ng Dula
4. Nakikilala ang mga teoryang nakapaloob sa dula
5. Nakikintal sa isipan ang mga unang dulang Pilipino
6. Natutukoy at nauunawaan ang mga dula sa iba’t ibang panig ng mundo
7. Nakahahabi ng mahuhusay na dula
8. Nadedebelop ang kakayahan sa pag-arte
9. Nauunawaan ang lahat ng gawain o aspekto ng pagsasadula
10. Nakapagtatanghal ng dula
11. Napahahalagahan ang acting workshap.

KORS KOWD NILALAMAN KAHINGIAN NG KURSO MUNGKAHING GAWAIN

GE10 1. Oryentasyon sa Kurso

GE10 2. Mga Dula  Pagtatanghal ng isang  Monologo


 Kahulugan/Katuturan ng Dula dula.  Pananaliksik
 Kahalagahan ng Dula  Brainstorming
 Katangian/Elemento o  Story Mapping
Sangkap ng Dula  Pagsasadula/Pagtatanghal
 Improvisasyon
 Pagsasanay sa Pagbasa ng
Iskrip; Pagdebelop ng
Emosyon; Pagsasatao;
Karakter
Building/Introspection;
Galaw-kinestetiko
 Iba pang gawain
GE10 3.Ang Teatro o Tanghalan
 Katuturan
 Katangian
 Uri
 Ang Tanghalan o “Theater
Space”
o Pahapyaw na Kasaysayan ng
Dula sa Pilipinas
 Mga Unang Dula sa Pilipinas
 Seremonya at Ritwal

GE10 4. Mga Dula sa Iba’t Ibang Panahon


 Panahon ng Kastila                
a. Karagatan
b. Duplo
c. Juego de Prenda
d. Karilyo
e. Flores de Mayo
f. Panubong o Putong
g. Moriones o Morion
h. Pangangaluluwa
i. Pamanhikan
j. Panunuluyan
k. Senakulo
l. Salubong o Pasko ng Pagkabuhay
m. Tibag
n. Santakrusan
o. Moro-moro o Komedya
p. Sarsuela
q. Opera
          
  Panahon ng Amerikano
 Panahon ng Hapon
 Kasalukuyan

5. Isang Sulyap sa mga Dula sa Iba’t


Ibang Panig ng Mundo
 Mga Dula sa Asya
 Mga Dula sa Amerika
 Mga Dula sa Europa
 Mga Dula sa Aprika

GE10 6. Pagtatanghal/Drama
 Mga Tao sa Loob ng Isang
Produksyon
 Produksyon Istaf (Staff)
 Marketing Istaf (Staff)
 Mga Tungkulin o Gampanin ng
mga Tao sa Produksyon
 Mga Gawain Bago ang
Pagtatanghal
 Integreyted Akting Workshap

PARAAN NG PAGMAMARKA
Katayuang Pangklase (Class Standing)
                                               
• Resitasyon: 10%
• Maikling Pagsusulit: 30%
• Pagsusulit- Panggitna at Panghuling Pagsusulit: 30%
• Pagtatanghal: 30%

Kabuuan: 100%

Inadap kay:
Daisy S. Tabios LPT

Inihanda ni: Inaprubahan ni:


Len-Len M. Hernandez Mercedes L. Mallari
Guro sa Filipino Dekana ng Kolehiyo ng Edukasyon

You might also like