You are on page 1of 40

PANITIKAN SA PILIPINAS

INIHAND NI:
FATIMA ARAQUIL
JACKIE LLOYD B AJERO
I. ANO ANG PANITIKAN FILIPINO?
Ang panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga
kaisipan, mga damdamin, mga karanasan, hangarin
at diwa ng mga tao. At ito rin ang pinakapayak na
paglalarawan lalo na sa pagsulat ng tuwiran o
tuluyan at patula.
ANO ANG PANITIKAN FILIPINO?

"pang-titik-an"
ANO ANG PANITIKAN FILIPINO?

unlaping "pang" ay ginamit


at hulaping "an".
ANO ANG PANITIKAN FILIPINO?

"At sa salitang "titik" naman ay nangunguhulugang


literatura (literature), na ang literatura ay galing sa Latin na
littera nangunguhulugang titik.
ANO ANG PANITIKAN FILIPINO?

PANG-TITIK-AN
PANG-PAN
TITIK
PANITIKAN
ANO ANG PANITIKAN FILIPINO?

PANITIKAN
Nagsasalaysay din ito sa pamahalaan, lipunan at mga
pananampatalaya at mga karanasang may kaugnay
ng iba’t ibang uri ng damdamin tulad ng pag-ibig,
kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot,
paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba.
ANO ANG PANITIKAN FILIPINO?

ARROGANTE 1983
“Talaan ng buhay ng panitikan sapagkat ditto naisisiwat ng
tao sa malikhaing paraan ang kulay ng kaniyang buhay, ang
buhay ng kaniyang daigdaig, ang daigdaig ng kaniyang
kinabibilingan at pinapangarap.
ANO ANG PANITIKAN FILIPINO?

Salazar 1995
“Ang panitikan ay siyang lakas na
nagpapakilos sa alinmang uri ng lipunan.”
ANO ANG PANITIKAN FILIPINO?

Webster 1974
“Ang panitikan ay katipunan ng mga akdang nasusulat na
makikilala sa pamamagitan ng malikhaing
pagpapahayag,aestetikong anyo, pandaigdigang kaisipan at
kawalang –maliw”
Ayon naman kay Lalic ( 2004 ), ang panitikang Pilipino ay pahayag na
pasalita o pasulat ng mga damdaming tungkol sa pamumuhay, pag-
uugaling panlipunan, paniniwalang pampulitika, at
pananampalaytayang niyakap ng mga Pilipino.
Long ( 1917 ) ay nasusulat na tala ng pinakamabubuting kaisipan at
damdamin ng tao.

Ayon naman kay Dr. Rufino Alejandro ( 1949 ) ang panitikan ay


katuturang bungangisip na isinatitik.
Ang tunay na panitikan ay isang matapat na paglalarawan ng buhay
na isinasagawa sa paraang makasining. Ito ay maayos na
pagtutugma-tugma ng mga karanasan ng tao, alinsunod sa ninanais
na paraan ng pagpapahayag.
II. MGA URI NG PANITIKAN

1. Panggawaing Panitikan
Ø Ang layunin ng panggawaing panitikan ay mapalaganap
ang kaalaman ukol sa gayo't ganitong uri ng gawain at
karunungan.
II. MGA URI NG PANITIKAN

2. Masining na Panitikan
Ø Ang ating bait, higit kaysa ating damdamin, ang tinatawag na
masining na panitikan. Ang masining na panitikan ay may kambal
na layunin
a. pukawin ang guniguni't gisingin ang damdamjn; at
b. magturo o maghikayat,
II. MGA URI NG PANITIKAN
3. Malikhaing Panitikan
Ang layunin naman ng malikhaing panitikan ay tahasang pukawin
ang ating guniguni at damdamin na nakakakita ng saya sa isang
paraluman (ideal).
Ito binansagang gayon sapagkat:

a. Ang paksa ay hindi na isang hubad na pangyayari, kundi


pangyayaring binigyang-kulay ng isang maalab na
damdamin at muling hinubog guniguni ng kumatha.
Ito binansagang gayon sapagkat:

b. Nauugnay ito hindi lamang sa sarili nating kapakanan o


damdamin; iyon ang pangitain ukol sa kahulugan ng buhay para
sa puso ng lahat ng tao sa lahat ng panahon.
Ito binansagang gayon sapagkat:

c. Sinisikap nitong pukawin sa atin ang guniguning ito at sa


gayong paraa’y gisingin sa ating mga puso ang
damdaming nag-uudyok dito upang lumikha at maghandog
sa mambabasa.
Ito binansagang gayon sapagkat:

d. Ang pamamaraan at ang diwang nilalaman ay


nagdudulot ng isang kagalakang nagtataas sa ating
kalagayan sa buhay.
Ang bisa ng panitikan ay nanggaling sa kalawakan ng diwa nito.
Tunay ngang ito’y nagsasalita sa pamamagitan ng nilimbag na dahoon,
gaya rin naman na ang mga pintura ay nagsasalita sa pamamagitan ng
gramatika ng mga kulay, liwanag, at anino.
Ang matatag na kaisipan,
ang marahas na damdamin ng puso,

ang pag-ibig,
ang kalungkutan

lumbay,
galak,
pakikiramay,

paghihiganti

paninibugho,
at ang matatamis at masasaklap na karanasan ng kaluluwa
ANO ANG PANITIKAN FILIPINO?

III. ANG DAHILAN KUNG BAKIT MAHALAGA ANG PAG-AARAL


NG ATING SARILING PANITIKAN
ANO ANG PANITIKAN FILIPINO?

A. Lubos natin makikilala ang ating sarili bilang Pilipino at


matatalos natin na minana nating yaman at talinong taglay
ng ating lahing pinagmulan.
ANO ANG PANITIKAN FILIPINO?

B. Mababatid natin ang kadakilaan at karangalan ng ating


mga sariling tradisyon at kultura,maging naging mga
impluwensya sa atin ng ibang
ANO ANG PANITIKAN FILIPINO?

C. Higit nating napapahalagahan ang kadakilaan ng ating


kasaysayan,lalo na ang pagpapakasakit ng ating mga
ninuno upang ating tamasin ang kalayaan at kapayapaang
pinakikinabangan natin sa kasalukuyang panahon;
ANO ANG PANITIKAN FILIPINO?

D. Mababatid natin ang pagkakatulad at pagkakaiba-iba ng


katangian ng mga panitikan iba-ibang rehiyon at matutunan
nating ipagmalaki ang ating pagka-Pilipino.
ANO ANG PANITIKAN FILIPINO?

E. Matutukoy natin ang mga kalakasan at kahinaan ng ating


lahi nang sa gayo’y mapag-ibayo pa ang ating mabubuting
katangian, bilang isang lipi at mapalakas ang ating mga
kahinaan bilang isang bansa at maiwasto ang ating mga
pagkakamali bilang isang indibidwal.
ANO ANG PANITIKAN FILIPINO?

F. Mapangalagaan natin ang ating yamang pampanitikan na


isa sa ating pinakamahalagang yamang panlapi
ANO ANG PANITIKAN FILIPINO?

G. Mahuhuhbog natin ang magiging anyo, hugis, nilalaman,


at katangian ng panitikan sa kasulukuyan na siya naman
magiging sandigan ng panitikan sa hinaharap.
ANO ANG PANITIKAN FILIPINO?

H. Malilinang ang ating pagmamalasakit sa ating sariling


kultura at maging pagkamalikhaing pag-iisip na ilan sa mga
mahahalagang pangangailangan upang tayo ay umunlad
bilang isang bansa.
MGA PARAAN AT HANGARIN NG PANITIKAN
Maging tuluyan o patula man, ang apat na paraan ng pagpapahayag ay
ayon sa hinihingi ng hangarin:
 Paglalahad- kung nais magpaliwanag.
Paglalarawan- kung nais magpahiwatig ng hitsura, anyo, lagay, hugis,
kulay, at iba pa.
Pagsasalaysay- kung nais magpakita ng pagkakaugnay-ugnay ng mga
pangyayari.
Pangangatwiran-kung nais magpaniwala, manghikayat, o mag-
paganap.
IV. MGA KALAGAYANG NAKAPANGYAYARI SA PANITIKAN
Klima – may kinalaman sa pag-iisip at pag-uugali ng tao.
Gawaing Pang-araw-araw – ang hanapbuhay at mga tungkulin ng karaniwang tao
ay nagpapasok ng mga salita
at kakanyahan ng pagkukuro sa wika at panitikan ng isang lahi o bansa.

Kinatitirahan- ang kinatitirhang pook ng isang lahi ay


nagtatakda sa hilig at takbo ng talasalitaan at himig ng tayutay ng panitikan.
IV. MGA KALAGAYANG NAKAPANGYAYARI SA PANITIKAN
4. Lipunan at Pulitika – mga ugaling panlipunan at mga simulating pampulitika at
pamahalaang nagdadala ng kahilingan at kabihasnang napapasama sa panitikan ng
isang bansa.

5. Relihiyon at Edukasyon- ang tayog, lalim, at lawak ng isang panitikan ay


nakukuha rin sa pananampalatayang dala ng relihiyon at sa kabihasnan at
kalinangang naituturo ng pilosopiya ng edukasyon ng bansa.
VI. DALAWANG ANYO NG PANITIKAN
1. Mga Tula (poetry)
may mga naratibo't lirikal at maingat ang pagsukat at
tugma sa mga ito. Ito ay nabubuo sa pamamagitan ng
pagsasama-sama ng maaanyong salita o mga mga
retorika sa mga taludtod na may mga sukat o bilang ng
mga pantig at pagtutugma sa bawat saknong. Kabilang
dito ang mga tulang liriko, tulang pasalaysay, at tulang
pangtanghalan.
2. Mga Tuluyan o Prosa (Prose) –

mga lipon ng mga salita't pangungusap na may mga


kwento at aral. Ito ay nabubuo sa pamamagitan naman
ng malayang pagsasama-sama ng mga salita sa mga
pangungusap at pagtatalata. Hindi limitado o kaya ay pigil
ang mga paggamit ng mga pangungusap. Kabilang ang
mga maikling kwento, nobela, dula, alamat, pabula,
talambuhay, sanaysay, balita at editorial sa mga tuluyan o
prosa.
SANGGUNIAN:
( http://panitika.blogspot.com/2013/02/panitikangpilipino.html )
(https://brainly.ph/question/566031

You might also like