You are on page 1of 10

ANG WIKA AT ANG MEDIA

Ang wikang Filipino ang de facto na lingua franca at pangunahing wika


ng komunikasyon sa halos lahat ng media ngayon sa Pilipinas. Mula sa print
media, hanggang sa digital at entertainment media, Filipino ang wikang
ginagamit. Ngunit paano, bakit saan at ano nga ba ang naging kalagayan ng
wika sa media ngayon? Masasabi bang kinailangan ng media ang wika
upang maging tanggap ang ipinahahayag nito? O nang wika ang media
upang siya ay maipakilala ng lubos at maging mayabong sa ating bansa?
Dahil sa mga katanungang ito, marapat lamang marahil na ating talakayin
ang tunay na kahulugan ng media at ng wika. Ano nga ba ang wika? At ano
rin ang media? Ano-ano ba ang tungkuling ng media sa wika? Ano rin ang
tungkuling ng wika sa media? Kung ang wika ay ginagamit ng media upang
siya at tanggapin ng masa, ano naman ang papel nito sa pagpapalaganap
nang wika?
Una nating talakayin ang media.
Ang media ay binubuo ng ibat ibang impormasyon na ipinaaabot sa
maraming tao gamit ang ibat ibang panig ng daigdig. Ito ay tila ba
Gatekeepers at Agenda Setters (Kurt Lewin, 1974). Nagiging checkpoints ang
media dahil sinasala nito ang mga bagay na dapat ipaabott sa tao. Ang
media rin ay agenda-setter sapagkat naitatakda nito ang isyung nararapat
pag-usapan.
MAIKLING KASAYSAYAN NG MASS MEDIA
PRINT(1500 A.D.)
-

aklat, pahayagan, magasin, pamphlet at iba pang lathalain

RECORDINGS(1900 A.D.)
-

gramophone records, magnetic tapes, cassettes, cartridges, CDs, DVDs

PELIKULA(1900 A.D.)
-

movie theaters

RADYO (1910)
TELEBISYON (1950)
INTERNET (1990)
MOBILE PHONES (2000)

MGA TUNGKULIN NG MEDIA


1. Makapagdulot ng aliw (escape to reality)
Nilalayon ng media na makapagbigay nang aliw sa mga tagatangkilik
nito. Mula sa mga awitin, panoorin, laro at iba pang gawain ay
ginampanan ng media sa mga tao
2. Ipalaganap ang kabatiran
Dahil nais ng mga tao na habang siya ay nasa isang lugar, naging
tungkulin naman ng media ang makapaghatid ng impormasyon sa mga
taong nasa malayo sa isa pang lugar.
3. Maging tagapagtaguyod ng kagalingang panlipunan
Layunin din

ng media

ang makapagtaguyod

ng kagalingang

panlipunan kung saan hindi lamang isa ang makikinabang kundi ang
lahat ng mga taong maaabot nito.
4. Maging tagapag-ugit ng kasaysayan
Sa pamamagitan ng media, naitatala ang bawat pangyayari sa mga
tao. Dahil ditto, ang taong hindi pa ipinapanganak ngayon ay may
pagkakataong malaman ang mahahalagang pangyayari sa kahapon at
kasalukuyan.
5. Magpalaganap ng kabatiran
Nilalayon din ng media ang makapagpalaganap ng kabatiran sa mga
tao. Halimbawa na lamang ditto ay ang eleksiyon. Malaki ang
gampaning naiambag ng media sa pagpapakilala ng mga taong

nagnanais na umupo sa pwesto. Dahil sa media, may pagkakataon


ang mga botante upang makilala nila ang mga kandidatong hindi man
lamang nila nakaharap. Sa pamamagitan ng media, tila ba inilalapit
nito ang mga kandidato sa mga botante.
Hindi lamang sa panahon ng eleksiyon nagiging malaking
kapakinabangan ang media. Maging sa pagpili ng mga produkto, lugar
na nais mong mapuntahan, gamot na maaring maging lunas sa ibat
ibang uri ng sakit, sakit na maaring pumasok sa bansa, at maging ang
ulat ng panahon ay maaring malaman sa pamamagitan ng media.

KLASIPIKASYON NG MIDYA AYON KAY RODMAN(2007)


Mayroong apat(4) na klasipikasyon ang midya kung saan, ang lahat
nang ito ay ginagamit sa pangaraw-araw na buhay ng mga tao.
1. Print Media
Maraming uri ng print media ang naipakalat na ng ibat ibang
manunulat hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa ibat ibang
bahagi ng mundo. Kabilang sa print media ang mga aklat, diyaryo,
magasin at iba pang mga lathalain.
2. Broadcast Media
Mayroon namang dalawang(2) uri ng broadcast media. Isa na ang
radyo kung saan, kinagiliwan itong gamitin ng mga taong nais
makapangalap ng ibat ibang impormasyon sa kabila ng kanilang
kaabalahan. Marami ang tumangkilik ng radyo dahil sa hindi lamang ito
nakapagbibigay aliw kundi sa pamamagitan nito, nalalaman ng mga
tao maging nasa malayong lugar ang mga pangyayaring hindi nakikita
ng kanyang mga mata mula sa ibang lugar.
Isa pag uri ng broadcast media na sadyang tinangkilik din naman ng
nakararami ay ang telebisyon. Dito, hindi lamang naririnig ang mga

balita, drama, o awit na nais ng mga tagapakinig kundi bagkus, higit


itong nakaaaliw dahil hindi lamang naririnig ang pahayag kundi nakikita
pa. Sabay na naririnig at nakikita ng taong tumatangkilik nito ang
impormasyong nais o kailangan niyang makalap.
3. Digital Media
Kung nakaaliw ang broadcast media sa pamamagitan ng radyo at
telebisyon, masasabi nating higit na nakaaliw sa tagatangkilik ang
digital media. Sadyang napakalawak ng naaabot ng digital media. Sa
pamamagitan nito, tila ba nagiging napakalapit ng Europa o Amerika
sa Pilipinas o saan mang bahagi ng daigdig. Dahil dito, hindi man
natabunan ng lubos ang pagtangkilik ng mga tao sa dalawang
naunang bahagi ng media, masasabi naman nating ito na marahil ang
higit na nakalalamang kung pagtangkilik ang pag-uusapan. Sa
pamamagitan lamang ng maliit na kompyuter o cellphone, idagdag pa
ang malakas na sagap nang internet, maaari mo ng makausap ang
iyong mahal sa buhay na nasa malayong lugar, dito man sa Pilipinas o
sa ibayong dagat.
4. Entertainment Media
Marahil, isa na rin sa hindi maitatatwang katotohanan, ang
entertainment media ay nag-ambag din ng kamalayan ng mga tao.
Sadya namang napakarami na ring pelikula at larong pang-video ang
napanood at patuloy na tinatangkilik ng mga tao.
Bukod pa sa apat(4) na klasipikasyon ng media, marahil ay hindi na rin
magtatagal at madaragdagan pa ito ng ilan pang mga bagay na maaring
magamit ng mga tao sa pagkalap ng ibat ibang impormasyon.
Ngunit gaya nang nabanggit sa pasimula ng akdang ito, ang media ay
sinasabing gatekeeper at agenda-setter. Ano ba ang dapat na salain ng
media? Kung may ibat ibang tungkulun at gampanin ang media sa

tagatangkilik nito, paano niya ito maisasakatuparan? Tama ang iyong


kasagutan. Ito ay sa pamamagitan ng wika.

PAGTALAKAY SA WIKA
Ano ang wika?
-

Ang wika ay pinagsama-samang tunog na may kahulugan na


inayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga tao sa isang
particular na lugar ng sa gayon, silay magkaintindihan at
magkaunawaan.

Kung

ang

wika

ay

nag-lalayon

ng

pagkakaunawaan

at

pagkakaintindihan ng mga tao, marapat lamang marahil na ito ay ingatan,


linangin, pangalagaan at higit sa lahat, pagyamanin. Tingnan natin kung
paanong ang mga layuning ito ay matutugunan ng media.
Kung wika ang gamit ng media sa paghahayag ng mga impormasyon,
ano naman ang papel ng media sa pagpapalaganap ng wikang Filipino?
1. Ang wika ay ginagamit ng media sa pagbibigay ng impormasyon at
depinisyon.
2. Ang wika ay ginagamit ng media upang lumikha ng mga
konstruksiyon ng realidad.
3. Ang wika ay ginagamit ng media upang magpahayag ng mga
pananaw na magpapanatili sa status quo.
4. Ang media ay likas na selektibo.
5. Symbolic Violence-Hegemonhy
6. Ang media ay posibleng konteksto ng pagbabago sa wika.
Halimbawa ng mga salitang nabuo sa papamagitan ng media:
-

Na-Ondoy
Luz Valdez
Jejemon
Chaka
Erpat
Tsikot

MABUTING DULOT NG MEDIA SA BANSA

1. Nagiging instrument ng pagtulong sa kapwa.


Isang mabuting halimbawa sa ginampanan ng media sa pagtulong sa
kapwa ay noong panahon ng matinding bagyo sa panahon ng
Bagyong Ondoy at Bagyong Yolanda. Sa pamamagitan ng media,
naihatid hindi lamang sa mga lugar n gating bansang may kapasidad
na tumulong ang impormasyon ng pangangailangan ng mga nasalanta
kundi maging sa ibang bansa. Dahil sa media, mabilis na naipahahatid
ang tulong sa mga nangangailangan.
2. Paglaganap ng turismo.
Sa pamamagitan din ng media, naipapakilala ang mga lugar n gating
bansa sa ibat ibang panig ng mundo. Dahil dito, dumarami ang mga
turistang pumupunta o bumibisita sa ating bansa. Nagkakaroon ng
hanap-buhay ang mga taong nasa paligid ng mga lugar kung saan ang
mga turista ay nangangailangan.
3. Napapadali at napapalawak ang pagsuporta o paglaban sa isang isyu
o causes.
Nagkakaroon ng pagkakataon ang mga tao na maging kabahagi ng
isang talakayin o aktibidad sa ating bansa. Sa pamamagitan ng media,
mabilis na naisasakatuparan ang bawat balakin ng mga tao.

4. Nagbibigy ng malaking tulong sa paglutas ng krimen.


Isang halimbawa ay ang kaso ni Mark Dizon na nakapatay ng
sampung tao kasama na ang limang Pilipino.

Ang pinakanaging

instrument ng mga pulis sa pagtugis ng naturang suspek ay ang


Facebook kung saan dalawang beses itong nakulong.
5. Nakakatulong sa ibat ibang larangan tulad ng agham, matematika,
edukasyon, sining at literature.

Napapabilis ng media ang pagsasaliksik hindi lamang ng mga magaaral kundi nang mga guro na rin.
6. Nakapagbibigay ng walang kupas na aliw.
7. Nagpageekspres ng kani-kaniyang emosyon o opinion sa ibat ibang
bagay.
8. Mas madaling transaksiyon sa pagbili ng ibat ibang produkto sa loob
man o labas ng bansa.
9. Napapadali ang paghanap sa mga nawawalang tao, bagay o hayop.\
10. Mabilis na pagkalat ng impormasyon at mga balita.
11. Napapanatili ang koneksiyon sa mga mahal sa buhay lalo na iyong
mga nasa malalayong lugar.
MABUTING DULOT NG MIDYA SA WIKA
Dahil sa midya, unti-unting naipakilala sa buong kapuluan ang opisyal
na wikang dapat gamitin hindi lamang sa mga paaralan kundi maging sa mga
tanggapan. Dahil din sa midya, mas malimit na naririnig ng mundo ang
wikang iniingatan at pinangangalagaan ng lahing kayumanggi.
Sa broadcast media gaya ng radyo, Filipino rin ang wikang ginagamit
upang maghatid ng impormasyon sa ibat ibang rehiyon.
Maging sa pangunahing programa sa telebisyon, Filipino rin ang
wikang ginagamit. Naaabot na rin maging sa ibang bansa ang mga kapwa
Pilipino gamit ang mga programang may tatak pinoy sa telebisyon gaya ng
TFC(The Filipino Channel)
Ibang antas naman ang kabutihang idinulot ng entertainment media sa
pamamagitan ng indie film.

May dalawang magandang kontribusyon ang

indie film sa pagpapaunlad ng wikang Filipino ngayon.


. Una, tinuklas at binusisi ng mga indie film ang maraming realidad na
itinago ng pelikulang komersyal. Dahil dito, napagyaman ng indie film ang
wikang Filipino mula sa pagbubukas ng mga salitang kaugnay ng mga
realidad na dating nakatago. Nagamit at napagyaman ang mga salitang

balbal o idiolect na mula sa mga grupo o komunidad na hindi bahagi ng


karamihan at kalakaran.
Halimbawa:

mudraks

- mother o ina

tirador

- mandurukot o magnanakaw

baryoke

- karaoke sa baryo

ranchero

- bilanggo

ombre

- lalaki

zombading - zombing bading sa gay lingo


. Pangalawa at mas mahalagang epekto ng indie film sa wikang Filipino ay
ang paggamit dito sa pelikulang hindi lang makatotohanan kundi lalot higit
mapagmuni, mapanuri at kritikal. Pangunahing layunin ng indie filmmaker di
lamang ang maglahad sa manonood ng bago at mahalagang impormasyon
tungkol sa realidad kundi tulungan din ang manonood na maunawaan at
masuri ang realidad na iyon. Ito ay malaking ambag sa pagpapaunlad at
pagpapayaman sa wikang Filipino.

SULIRANIN SA MASS MEDIA


1.
2.
3.
4.

Nagdudulot ng pagkabulag sa materyal na bagay.


Nagkaroon tayo ng pangkaisipang mabilis dahil sa media.
Ang mga hikayat ng media ay nakakabulag.
Ang midya ay sadyang auratic, ito ay mass-produced ngunit ang

indibidwal ang inaadres nito.


5. Ang midya ay nagpapalaganap ng mga mensahe na naglalaman ng
mga bagay na instant na makakamit.
6. Ito ay dahilan sa control ng mga naghaharing-uri at ng mga media
conglomerates sa mga pangunahing porma ng midya.
7. Bumababa ng bumababa ang kalidad ng mga mambabasa ng teksto
ng midya o nadedegreyd sila.
8. Ang mass media mismo ay nag-aambag ng bagong salita at malimit na
dahil sa mababaw na kaalaman sa wikang ginagamit.
9. Ang mass media mismo ay bumubuo nan g realidad na tao.

-http://philnews.ph/2014/02/08philippines-says-thank-you-to-the-world-adcampaign/video
-http://www.csa.com/discoveryguides/socialmedia/review3.php
-http:/en.wikipedia.ord/wiki/Social-networking_in_the_Philippines
-www.scribd.ord

You might also like