You are on page 1of 5

Ang Mundo Ng Tele Nobela

SULATING PANANALIKSIK
MARVIDA, MILET
ROLLOQUE, MARY JANE
ESTRELLA. ARETHA JOY

I. INTRODUKSYON SA PAKSA
Malaking palaisipan sa mga mananaliksik ang pagbilis ng paglitaw ng mga Soap Opera o kilala
sa ating bansa na "Telenobela". Angtelenobela ay isang melodramatic fiction na palabas na
kadalasang ineere sa Latino-Amerikano na mga bansa noong unang panahon. Ang mga palabas
na ito ay ineere sa gabi, anim na araw sa isang linggo at nakakaanyaya ng maraming
manonood, iba't iba man ang edad at kasarian. Ito ay tumatagal ng tatlo hanggang anim na
buwan.

II. INTRODUKSYON SA PANANALIKSIK


a.)

Paglalahad

ng

Suliranin

Marami na ngang nahuhumaling sa mga telenobelang nagsisilabas ngayon lalo na ang mga Pilipino. Nagbibigay sila ng oras
dito at nagkakaroon pa ng iba't ibang persepyon sa mga naturang palabas. Ang mga mananaliksik ay nais malaman kung
"Ano ang Epekto ng Telenobela sa Buhay ng mga Pilipino".

b.) Rebyu / Pag-aaral

Ang mg telenobelang naipapalabas sa telebisyon ay mayroong malaking epekto sa bawat manonood nito. Maraming
positibo at negatibo epekto ang maaangkat ng mga manood nito partikular na ang mga kabataang Pilipinong manonood
nito.

c.) Layunin
Layunin ng Papel Pananaliksik na ito makapagbigay impormasyo patungkol sa paksang nailahad ng mga mananaliksik. Nais
din nitong makatulong sa iba pang mga mananaliksik na magsasagawa ng pag-aaral tulad ng problemang nailahad.

d.) Halaga
Makakatulong ang pag-aaral na ito upang mas lalo pang mapalawak ang kaalaman ng mga manonood at mga mambabasa
nito ukol sa nasabing paksa. Magiging interesado ang ibang manonood na hindi masyadong sumusubaybay ng mga palabas

na tulad ng telenobela lalo na kung mailalahad ang tunay na epekto ng telenobela sa buhay ng mga Pilipino partikular na
ang mga kabataan.

e.) Teoretikal o Konseptwal

Makikita sa tsart ang kaugnayan ng telenobela, lokal at dayuhan at ang epekto nito sa mga kabataang Pilipino. Mayroong
negatibo at positibong epekto ito sa mga kabataang manonood nito.

f.) Metodolohiya
Ang mga mananaliksik ay nangalap ng mga datos mula sa mga babasahin at gumamit ng inteaktibong paraan upang mas
mailahad
ng
malinaw
ang
mga
impormasyong
nais
nitong
ihayag.

g.)

Saklaw

at

Delimitasyon

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon lamang sa mga kabataang Pilipinong manonood at sumusubaybay sa mga telenobelang
ipinalalabas sa telebisyon. Dito lamang nagbigay pansin ang mga mananaliksik sapagkat limitado lamang ang kanilang mga
datos
na
nakuha
at
nakalap
upang
maisagawa
ang
pananaliksik
na
ito.

h.)

Daloy

ng

Pag-aaral

Inilahad ang suliranin upang mabigyang kasagutan ito ng mga mananaliksik. Ang pag-aaral ay nasimulan sa paglalahad ng
istorya at ilang mga impormasyon tungkol sa nabanggit na paksa. Nakapaglahad ng ilang pag-aaral at impormasyon ang
mga mananaliksik tungkol sa ilang telenobelang naipalabas sa ating bansa.

III. KATAWAN
a.) Ebidensya
Hinding-hindi mawawala sa mga tahanan ng mga Pilipino ang mga telebisyon. Para kasing mababaliw ka sa kalungkutan
kung
wala
ang
mga
telebisyon
para
magbigay
saya
at
aliw
sa
atin.
A

t isa na nga sa mga kinaaaliwan natin ay ang


pagsubaybay sa mga telenobela at mga koreanobela. Parangang kulang ang ating mga araw kung hindi natin napanood ang
paborito
nating
programa.
May tamang timpla ang pagkakagawa ng kwento ng mga nobelang ito na napapanood natin. Dahilan kaya naman patok na
patok at talagang kinakagat natin ang mga ito. Gabi-gabi, araw-araw at hapon-hapon ay nakatutok tayo sa ating mga

telebiston para manood ng mga nobelang ito. Kadalasan pa


nga ay tinitigil natin ang
anumang ginagawa natin para lang huwag mapalampas ang bawat eksenang mangyayari sa ating paboritong programa.
Mara Clara, Esperanza, Marimar, Full House, Cofee Prince, Meteor Garden, Endless Love, Rosalinda, Annakarenina at iba
pa ay siyang mga palabas na lubusan nating sinuportahan at sinubaybayan. Nakiiyak, nakiramay at nakitawa tayo sa mga
bida. Namuhi, nainis at nagalit tayo sa mga kontrabida. Kinilig din tayo sa mga programang sadyang hatid naman talaga
ay
ang
mapa-ibig
tayo
at
kiligin.
Bahagi na ng ating pangaraw-araw na pamumuhay ang panonood ng mga ito. Ang pagdating nila ay tulad ng isang
napakalakas na bagyo. Napakalakas ng dating at nakakagulat. At isa pa, sinasalamin ng mga korea/telenobela ang tunay
na drama at aksyon sa totoong buhay ng bawat isa sa atin.

Ang mga Soap Opera o Telenobela ay nagsimula sa radyo at hindi naglaon ay binuksan sa telebisyon noong 1960's. Ang
unang Filipino Soap Opera na pinalabas ay pinamagatang "Hiwaga sa Buhay na Bata" noong 1963 na inihandog ng ABS-CBN.
Ang mga telenobela noong unang panahon ay pinalalabas sa araw. Ilan sa mga popular na telenobela noon ay ang Gulong
ng Palad, Flor de Luna, Aguila at Valiente. Ngunit noong 1996, ang mga programang ito ay nalipat sa gabi dahil sa
pagdating ng dayuhang palabas na "MariMar" sa RPN 9 at dito na nagsimula ang pagkahumaling nga mga Pilipino sa mga
telenobela.
http://en.wikipedia.org/wiki/Teleserye

Matapos ang mga taon ng pamamayagpag ng mga Soap Opera ng Pilipinas, sumunod naman ang pag-eere ng mga dayuhang
telenovela tulad ng mga palabas sa Mexico. Natatandaan nyo pa ba si Fulgoso? Si Sergio? Si Corazon? Eh si Marimar?! Oh
ano? Naalala nyo na ba?! haha.. Malamang tumatakbo na sa utak nyo ngayon kung sinu-sino ang mga tauhan na

nabanggit. Yan ay walang iba kundi si Marimar. Sikat na sikat, bata man o matanda ay sinubaybayan ang
pakikpagsapalaran niya sa tabing-dagat. Nahumaling ang mga Pinoy sa kanyang alindog at husay sa pag-arte at pagsayaw.
Ang karakter na Marimar ay ginampanan ni Thalia, isang singer at aktres sa Mexico. Nagkaroon ng ugnayan sa pagitan ng
karakter ni Marimar at ng mga manonood. Mas lalong naging popular ang palabas at tinagkilik ng mga Pilipino.

Matapos ang pamamayagpag ng mga Mexicanovela sa Pilipinas, nagkaroon naman ng panibagong kinabaliwan ang mga
Pilipino. Ito ay walang iba kundi ang mga Chinovela na pinasimulan ng ating Kapamilya station. Meteor Garden ang unang
Chinovela na naipalabas sa Pilipinas (sa pagkaka-alam ko! Baka may iba pa?!) Lahat na curious sa pagdating ng astig na
palabas na ito. (Kahit ako n0h!) Trailer pa lang mukhang ayos na ayos talaga. Talagang minahal ng mga Pilipino ang mga
karakter dito. Ang Flower 4 o mas kilala sa tawag na F4 ay sinubaybayan ng husto ng mga Pinoy. At isama pa ang babaeng
bida sa palabas na ito. Kakaiba talaga ang ang istroya ng palabas na Meteor Garden kaya naman kinagat ito ng ating mga
manonood.
>>Shan Cai. Isang mahirap subalit matatag na dalaga. Sa simula ay tahimik lamang siya at mahiyain. Subalit dala ng
mga kaganapan, naipakita niya ang kanyang katapangan sa pagharap sa mga pagsubok sa buhay.
>>Dao Ming Si. Maloko at may ayos na mayabang subalit may taglay na kabutihan at karomantikuhang mangingibig sa
kalooban. Siya ang pinuno ng F4. May mga sandaling nahihirapan siyang ipakita ang tunay na damdamin.
>>Xi Men. Kilalang palikero subalit may pusong romantiko. Mahilig makipaglapit sa mga magagandang babaeng
nakikita. Ang isang girlfriend ay kalimitang nagtatagal lamang ng isang linggo sa kanya.
>>Mei Zuo. Matalino at magaling makisama sa iba. Pinapahalagahan niyang mabuti ang pagkakaibigan.
>>Hua Ze Lei. Tahimik, natatangi at may matalas na isipan. Siya ang pinakamahinahon at seryoso sa grupong F4.
Ipinapahayag niya ang kanyang damdamin sa pamamagitan

ITO NAMAN ANG MGA REAKSYON AT MGA EPEKTO NG METEOR GARDEN SA MGA PILIPINONG
MANONOOD:
>>ooohh.meteor gardenmy fave series of all time.how I miss it so much.no, wait.my mom and I still watch it
every night.hehehe.although weve seen it like a hundred times already, I still cant get enough of
them..especially JERRY[sigh]..we started the series again last week.were still on the 5th
episode.hehehe
-Janna (http://asianfanatics.net/forum/Meteor_Garden-talk7227.html)
>>omg, i loved MG! ive literally watched it more than 50 times. i was so obsessed with iteverytime i heard the
theme song or ni yao de ai i got so excited, just because they reminded me of MG. i thank my aunt for letting me
borrow
the
series
from
herotherwise
i
would
have
no
clue
who
F4
was.
-liliums (http://asianfanatics.net/forum/Meteor_Garden-talk7227.html)
>>this was my first taiwanese series i relaly liked zai zai is soo cutee. but san cai is so annoying going back and forth
to
lei
DMS
and
then
some
other
guys
-susan (http://asianfanatics.net/forum/Meteor_Garden-talk7227.html)
>>Meteor Garden has great actors, humor, drama, storylineeverything you need for a good show!
-Firelight (http://asianfanatics.net/forum/Meteor_Garden-talk7227.html)
>>Telenovela- Okay lang kung drama lang pero kung ang turing dito ay telenovela, ibang usapan na ito. Nagsimula
ang kalokohang ito nang dumating isang alien sa katauhan ni Marimar. Dito minsan naka-pattern ang karamihan sa
mga kuwento ng mga telenovela sa Pilipinas. Pag-iibig at paghihiganti( isama mo na rito ang sex). Kahit ang mga
Korean, Japanese, at Chinese ay hindi dapat tawaging mga telenovela dahil di naman si naka-pattern sa mga TagaKanluran(although may kaunti itong hawig). Isa pa, bakit hindi gumagawa ang mga director natin mga palabas tungkol
sa bawat sektor ng buhay tulad ng pulis, bumbero, sundalo, doktor, scientist at iba pa.

Kaya

drama

ang

dapat,

hindi

telenovela.

(http://pinoyepal.blogspot.com/2008/01/basura-sa-tv.html)
Mapapansin na ilan sa mga opinyon at reaksyon na nabasa ninyo sa pananaliksik na ito ay pawang negatibo at positibo.
Nagiging panatiko ang mga Pilipino lalo na ang mga kabataan at nagkakaroon ng pantasya ang mga manonood ng mga
telenoelang ito, lokal man o dayuhan. Kung inyong mapapansin sa mga impormasyong nakalap ng mga mananaliksik
tungkol sa storya ng mga soap operang nabanggit, ilan sa mga ito ay nangyayari sa totoong buhay na pawang sumasalamin
sa buhay ng isang Pilipino. Dito nasasabing ang mga ito ay salamin ng tunay na buhay. May mga telenobela ngayon na
tinatawag na ring Fantaserye kung saan ang mga karakter dito ay pawang may mga kapangyarihan na hindi nangyayari sa
tunay na buhay. Ilan lamang sa mga sumikat na mga telenobela na angkat sa ibang bansa, ang tawag ay Chinovela at
Koreanovela, na mula sa mga bansang Asya. Dito nahuhumaling ang mga kabataang Pilipino dahil sa kakaiba nitong estilo
ng pagpapalabas, ang mga karaket na gumaganap dito at ang kakaibang storya na nakukuha ang panlasa ng bawat
manonood
nito.

IV.

KONKLUSYON

Sa paglalahat, ang mga palabas na ito ay nagkakaroon ng mga epektong sadyang hindi maiiwasan ng bawat isa sa atin lalo
na ang mga pantikong manonood ng mga telenobela. May mga magagandang epekto ang mga ito sa buhay ng bawat
kabataang Pilipino, una ay nagkakaroon ang sila ng pagkakataong matuklasan ang iba't ibang kultura ng ibang bansa na
naipapakita sa mga dayuhang telenobela mas napapalawak pa ang kanilang isipan hinggil sa mga pangyayaring maaring
mangyari sa tunay na buhay. Pangalawa, nagkakaroon sila ng panandaliang saya sa panonood ng mga ito at pangatlo,
nagagawa nilang ihambing ang kanilang napapanood sa kanilang tunay na buhay at magkabuo sa kanilang isipan ang mga
aral na kanilang natutunan sa panonood ng mga telenobela. Sa kabilang banda, ang panonood ng mga ito ay nagkakaroon
din ng negatibong epekto sa mga manonood. Una, ay nagiging malayo ang pag-iisip ng mga kabataang Pilipinong
manonood sa tunay nilang mundo at bumubuo sila ng mga pantasyang imposibleng mangyari sa tunay na buhay, sunod ay
nasasayang ang kanilang oras imbes na ibuhos ang kanilang oras sa iba pang mas mahalaga pang bagay bukod sa panonood
nito at pangatlo ay natututunan nila na o inaaplay nila ang mga bayolenteng gawain na kanilang napapanood sa mga
telenobela.

You might also like