Professional Documents
Culture Documents
PORMALISMO
Ang Araling ito ay maaaring lapatan ng teoryang pormalismo, sapagkat sa bawat saknong ay tumutukoy
lamang sa pagiging tula nito, tula bilang isang tula. Nakapaloob sa bahaging ito kung ano ang nais
iparating ng may akda sa mambabasa nito.
KLASISMO
Maaari rin itong lapatan ng teroyang klasismo sapagkat masinop na pinili ang mga salitang gagamitin
dito, kapansin-pasin na mayroon itong tugmaan sa bawat taludtod.
BIYOGRAPIKAL
Maaari itong lapatan ng teoryang biyograpikal, sapagkat sa unang aralin na ito, ang mga nakaraang
karanasan ng may akda ay nagdulot sa kanya ng kalungkutan, at ito ang nagsilbing dahilan upang
maisulat ang akdang ito. Teoryang biyograpikal itong maituturing sapagkat nagkaroon ito ng kaugnayan
sa buhay ng may akda.
NATURALISMO
Maaari rin itong lapatan ng teoryang natiralismo, sapagkat ang may akda ay nagpaapekto sa kanyang
nararamdaman, kaya naman nalikha niya ang obrang ito.
IMAHISMO
Maaaring lapatan ng teoryang imahismo ang araling ito sapagkat kung paanong inilalarawan ng may
akda ang gubat, ay magkakaroon ka ng ideya na mabubuo sa iyong isipan.
KLASISMO
Sa araling ito ay kapansin -pansin rin na ang may akda ay masinop na pinili ang mga salitang kaniyang
ginamit upang mailarawan ang gubat.
FEMINISMO
Nais ko rin itong lapatan ng teoryang feminismo, dahil sa aking palagay ay nagpapakita ito ng
pagkakapantay-pantay ng kasarian, ipinakita rito si Florante, na isang lalaki, ay mayroon din kahinaan
tulad ng isang babae.
DEKONSTRUKSYON
Maaari rin itong lapatan ng teoryang dekonstrusyon sapagkat binabali nito ang nakasanayan na ang
babaeng bida ang kadalasang inililigtas, ngunit sa araling ito, ipinakita ang nakakaawang kalagayan ni
Florante na nangangailangan ng tulong.
HISTORIKAL
Sa aking palagay, maaari itong lapatan ng teoryang historikal, dahil ang pagsakop ni Konde Adolfo sa
kahariang Albanya ay maaaring sumalamin sa pananakop ng kastila sa ating bansang Pilipinas. Ipinakita
rin dito ang paghahangad ni Konde Adolfo sa kapangyarihan tulad ng paghahangad ng mga kastila sa
kapangyarihang pamunuan ang Pilipinas.
SOSYOLOHIKAL
Angkop din dito ang teoryang sosyolohikal. Ipinakita rito ang pagiging malupit ni Konde Adolfo ng
masakop niya ang kahariang Albanya. Sumasalamin ito sa problema sa lipunan na tumutukoy sa pagiging
abusado ng mga may kapangyarihan.
Sa kabila ng paghihirap ni Florante ay hindi pa rin nawawala sa isip niya ang pinakamamahal niyang
kahariang Albanya at ang pinakamamahal niyang babaeng si Laura, kaya naman sa aking palagay ay
maaari itong lapatan ng romantisismo dahil nagpapakita ito ng pag-ibig at inilalayo tayo sa katotohanan.
MARKISMO
Nais ko rin na lapatan ang araling ito ng teoryang markismo. Dito ay makikita mo ang tunggalian sa
pagitan ni Florante at ni Konde Adlofo para sa pag-ibig ni Laura. Silang dalawa ang umiibig sa iisang
babae, at ang ikinatatakot ni Florante ay baka naagaw na ni Adolfo ang pag-ibig ni Laura.,
EKSISTENSIYALISMO
Maaari rin itong lapatan ng teoryang eksistensiyalismo. Ipinakita rito ang paninindigan ni Florante at ang
paninindigan niya sa pag-ibig niya kay Laura. Sa kabila ng hirap na nararanasan niya ay si Laura pa rin ang
kaniyang naiisip at hindi niya ito nakakalimutan.
ROMANTISISMO
Nais ko rin lapatan ng romantisismo ang araling ito. Ipinakita rito ang pagmamahal ni Laura para kay
Florante at gayun din ang pagmamahal ni Florante para kay Laura.
MARKISMO
Sa araling ito ay ipinakita ang paghihimutok ng isang gererong si Aladdin. Nais kong lapatan ito ng
teoryang markismo sapagkat nagpakita ito ng tunggalian sa pagitan ni Aladdin at ng kaniyang ama. Ang
mag-ama'y nag-aaway ng dahil sa pag-ibig sa iisang babae.
ROMANTISISMO
Ipinakita rito kung paano umiibig si Aladdin, nagbanta siya na sino mang umagaw sa pagmamahal ng
iniibig niya ay papatayin niya, ngunit maliban sa kaniyang ama. Ang araling ito ay nagpakita ng pag-ibig
at inilalayo rin tayo nito sa katotoohanan.
REALISMO
Nais ko itong lapatan ng teoryang realismo, sapagkat nagpakita ito ng katotohanan. Sa kabila ng hirap na
sinapit ni Duke Briseo; ama ni Florante, sa huling sandali ng buhay nito ay kapakanan pa rin ng nag-iisa
niyang anak ang inisip nito. Totoong nangyayari ito sa ating buhay, ang pag-ibig ng isang magulang para
sa anak na handang magsakripisyo para sa kapakanan ng nito.
MARKISMO
Ipinakita rin dito ang tungalian sa pakitan ni Duke Briseo at Konde Adolfo, kaya naman nais ko itong
lapatang ng teoryang markismo.
REALISMO
Maaaring lapatan ng teoryang realismo ang araling ito. Ipinakita rito na kahit minsan ay hindi nagpakita
ng pagmamahal ang ama ni Aladdin sa kaniya. Ang ganitong pangyayari ang nangyayari rin sa totoong
buhay, kaya naman sa aking palagay ay maaari itong maging realismo.
ARKETIPAL
Nais ko rin lapatan ito ng teoryang arketipal, sapagkat maaaring nakakuha ng inpirasyon ang may akda
sa totoong nangyayari sa ating buhay, o sa paligid. Tulad na lamang ng isang anak na hindi nakaranas ng
pagmamahal mula sa magulang.
ARALIN 10: Nakaambang Panganib
ROMANTISISMO
Sa araling ito, ipinakita na kahit sa bingit ng kamatayan ni Florante ay nangingibabaw pa rin ang pag-ibig
niya para kay Laura, higit na mas masakit para sa kaniya ang mamatay na wala ang pag-ibig ni Laura para
sa kaniya. Kaya naman nais ko itong lapatan ng teoryang romantisismo, dahil sa ipinakitang pag-ibig ni
Florante
EKSISTENSIYALISMO
Maaari rin itong lapatan ng teoryang eksistensiyalismo, sapagkat hindi nawala ang paninindigan ni
Florante sa pag-ibig niya para kay Laura.
KLASISMO
Sa aking palagay ay maaari rin itong lapatan ng teoryang klasismo. Kapansin-pansin na sa unang saknong
pa lamang ay pinili na ng masinop ang mga salita upang magkaroon ng tugma.
KLASISMO
Maaari itong lapatan ng teoryang klasismo, sapagkat sa bahaging ito, masinop na pinili ng may akda ang
mga salitang kaniyang ginamit, halimbawa na lamang ng "tinaghoy-taghoy" at "s'yepentong-piton".
Tiyak na ginamit ang mga salitang ito upang makabuo ng tugma.
CULTURAL STUDIES
Ang pagtulong na ginawa ni Aladdin para kay Florante ay nagpakita ng katangian nitong pagiging
matulungin. Ang ganitong katangian at taglay ng isang Pilipino, kaya naman sa aking palagay ay maaari
itong lapatan ng teoryang cultural studies.
Sa kabila ng pagiging magkalaban ng bayan ng gerero at ni Florante, hindi nagdalawang isip ang gerero
na tulungan ito, bagkus sinabi niya na nasa puso pa rin niya ang pagtulong. Sa ganitong lagay, maaari
itong lapatan ng teoryang eksistensiyalismo, ang gerero ay hindi nagpaapekto kahit na magkaiba ng
pananampalataya nila ni Florante.
MORALISTIKO
Maaari rin itong lapatan ng teoryang moralistiko, sapagkat hindi nagdalawang isip ang gerero na
tulungan ang nasa panganib na si Florante. Ang bahaging ito ay nagbibigay aral na huwag
magdadalawang isip na ibigay ang tulong sa mga nangangailangan nito.
CULTURAL STUDIES
Ang ginawang pag-aalaga at pag-papakain ng gerero kay Florante bilang pagtulong ay nagpapakita ng
kulturang Pilipino, ang pagiging maasikaso at matulungin, kaya naman ang araling ito ay maaaring
lapatan ng teoryang cultural studies.
KLASISMO
Kapansin-pansin amg ilang matatalihagang salita na ginamit sa araling ito. Kaya naman maaari itong
lapatan ng teoryang klasismo dahil masinop na pinili ng may akda ang mga salitang ginamit niya rito.
CULTURAL STUDIES
Sa araling ito ay isinalaysay ang mga mahahalagang pangyayari sa buhay ni Florante. Sinabi rito na bata
pa lamang siya ay natuto na siyang mamana ng mga ibon at iba pang hayop. Maaari itong lapatan ng
cultural studies sapagkat ang ganitong uri ng panghuhuli ng hayop ay bahagi ng kulturang Pilipino.
KLASISMO
Sa araling ito ay masinop na pinili ang mga salitang ginamit ng may akda upang magkaroon ng
magandang tugma. Kaya't nais ko itong lapatan ng teoryang klasismo.
MORALISTIKO
Ipinapakita sa bahagi ng aralin na ito na hindi dapat palakihin sa layaw ang isang bata sapagkat sa
mundong ito'y higit ang hirap kaysa sarap. Ito ay nagbibigay aral kaya naman nais kong lapatan ito ng
teoryang moralistiko.
REALISMO
Ang araling ito ay nagpapakita ng totoong buhay. Hindi dapat sanayin sa layaw ang isang bata, sapagkat
ang batang nasanay sa ginhawa ay hindi makakatagal sa hirap. Ang ganitong kalagayan ay totoong
nangyayari sa buhay, kaya naman ito ay maaaring tignan bilang isang realismo.
REALISMO
Sa taon ng pag-aaral ni Florante sa Atenas ay tila nadama niya ang pakunwaring kabaitan ni Adolfo. Ang
ganitong mga pangyayari ay nagaganap sa totoong buhay. May mga taong nagpapanggap lamang na
mabuti ngunit ang totoo, sila ay masama.
ROMANTISISMO
Dahil sa pagmamahal ni Duke Briseo at Prinsesa Floresca ka Florante, nagawa nilang ipadala ito sa
Atenas upang mag-aral sa loob ng anim na taon. Masakit man na mawalay sa anak ay ginawa pa rin nila
para sa kapakanan ni Florante.
ARALIN 17: Nalulumbay na Puso
MARKISMO
Maaari itong lapatan ng teoryang markismo. Sapagkat nagkaroon ng tunggalian sa pagitan ni Adolfo at
Florante nang manguna ito sa katalinuhan sa Atenas. Dito lumabas ang tunay na pagkatao ng
pagtangkaan patayin ni Adolfo si Florante sa ginampanan nilang dula.
REALISMO
Labis ang kalungkutan na dinanas ni Florante nang matanggap niya ang liham mula sa kaniyang ama na
nagsasabing pumanaw na ang kaniyang ina. Kahit ang pakikiramay ng kaniyang guro at mga kamag-aral
ay hindi nakabawas sa lungkot na nadarama niya. Ang ganitong pangyayari ay totoong nagaganap sa
ating buhay at ang kanitong kalungkutan ay maaari natin maranasan. Kaya naman ang araling ito ay
marapat lapatan ng realismo, sapagkat nagpapakita ito ng katotohanan.
REALISMO
Bago lisanin ni Florante ang Atenas ay nagbilin sa kanya ang kaniyang guro, sinabi nito na mag-ingat kay
Adolfo dahil maaaring maghiganti ito. Nagbilin din ang guro kay Florante na huwag magpapadala sa
magiliw na pakikitungo. Ang ganitong pangyayari ay nagaganap sa totoong buhay, sapagkat tulad ng
bilin ng guro ni Florante, kailangan laging mag-ingat sapagkat maaaring dumating ang panganib sa
anumang oras.
MORALISTIKO
Maaari itong lapatan ng moralistiko, sapagkat nagbibigay ito ng aral. Sinasabing dapat mag-ingat sa kung
sino man ang nakakaharap at huwag dapat magpadala sa magiliw napakikitungo. Maaaring ang iba na
iyong nakakaharap ay may masamang balak.
Nang makarating si Florante at kaibigan nito sa Albanya ay nanghingi ng tulong ang hari ng Crotona,
sapagkat nilusob ang Crotona ni Heneral Osmalik ng Persya. Ang tunggakian sa pagitan ng dalawang
panig ay nagpapakita ng teoryang markismo.
KLASISMO
kapansin-pansin rin na ang araling ito ay ginamitan ng malalalim na salita at tiyak na masinop na pinili ng
may akda ang mga salitang ginamit dito, tulad na lamang ng "kubkob", "kabaka" at "basalyo".
IMAHISMO
Kung paanong ilarawan ng may akda ang kagandahang taglay ni Laura, ay makakabuo ito ng imahe sa
iyong isipan. Kaya naman nais ko itong lapatan ng teoryang imahismo.
KLASISMO
Nais ko rin itong lapatan ng teoryang klasismo sapagkat masinop na pinili ng may akda ang mga salitang
ginamit niya sa araling ito.
KLASISMO
Maaari itong lapitan ng teoryang klasismo sapagkat masinop na pinili ng may akda ang ginamit na mga
salita. Maraming mga salita sa araling ito ang matatalinhaga, tulad ng "pamimiyapis", "winahi" at "kalis".
EKSISTENSIYALISMO
Bago lisanin ni Florante ang kaharian ay nagkaroon siya ng pagkakataong makausap si Laura. Pinagtapat
niya ang pag-ibig dito, ngunit hindi man sumagot ng "oo" si Laura ay nanindigan pa rin si Florante sa pag-
ibig niya dito. Kaya namab nais kong lapatan ang araling ito ng teoryang eksistensiyalismo.
MARKISMO
Nang lisanin ni Florante ang Albanya upang makipagdigma at ipagtanggol ang Crotono. Nagkaroon ng
tunggalian sa pagitan ng hukbo ni Florante at ng kawal ni Haring Osmalik, sa huli ay nagtagumpay rin ang
hukbo ni Florante. Sa araling ito ay may tunggalin kaya naman maaari itong lapatan ng teoryang
markismo.
REALISMO
Matapos magtagumpay ng hukbo ni Florante laban sa kawal ni Osmalik, amg tagumpay na ito'y
napalitan ng lungkot, sapagkat pagbalik nila sa Albanya ay nasakop na ito ng mga Moro. Nagpapakita
lamang ito ng katotohanan sa buhay na hindi palaging ginhawa at tagumpay ang mararanasan, bagkos
ay mayroon din pagkatalo o hirap.
EKSISTENSIYALISMO
Nang makarating sila sa Albanya, nadatnan ni Florante na pupugutan ng ulo si Laura dahil sa tumangi ito
sa pag-ibig ng emir. Maaari itong lapatang ng teoryang eksistensiyalismo sapagkat nanindigan si Laura sa
pag-ibig nito para kay Florante kahit pa malagay siya panganib.
SOSYOLOHIKAL
Ang pagiging sakim ng moro ay nagyayari din sa lipunan sa panahon ngayon. Marami ang nagiging
masama dahil sa kasakiman sa kapangyarihan, tulad na lamang ng pagsakop na ginawa ng moro sa
Albanya.
ARALIN 24: Patibong ng Taksil
MORALISMO
Nang matanggap ni Florante ang liham mula sa kaniyang ama na pinapauwi siya nito sa Albanya, ngunit
ito pala ay patibong lamang ni Adolfo upang siya ay lusubin. Ito ay nagbibigay aral na huwag basta-basta
magtitiwala o papalinlang sa kahit sino man.
NATURALISMO
Pinapatay ni Adolfo si Haring Linseo at Duke Briseo dahil nagpadala siya sa galit at inggit na
nararamdaman niya kay Florante. Kaya naman maaari itong tignan bilang isang naturalismo.
DEKONSTRUKSIYON
Maaaring lapatan ng teoryang dekonstruksiyon ang araling ito, sapagkat binabali nito ang nakasanayan.
Sa kwento ni Aladin, ang ama niya ang may pakana ng lahat ng kapahamakang dinanas niya at ang ama
niya ang nagpaalis sa kanya sa Persiya upang maagaw sa kaniya ang iniibig niyang si Flerida. Saliwat ito
sa mga nakasanayan natin na ang magulang ang nagsasakripisyo para sa ikabubuti ng anak.
KLASISMO
Kanpansin-pansin na sa araling ito ay maraming matatanlihagang salita. Masinop na pinili ng may akda
ang mga salitang ginamit niya rito, kaya naman maaari itong lapatan ng teoryang klasismo.
ROMANTISISMO
Nang malaman ni Flerida na pupugutan ng ulo nang kaniyang kasintahan, sa utos ni Ali-adab, ay
pumayag siyang magpakasal dito. Nagawa niya ito dahil sa pag-ibig niya para kay Aladin. Kaya sa aking
palagay, maaari itong lapatanng teoryang romantisismo.
FEMINISMO
Maging si Laura at Flerida ay handang mag sakripisyo para sa kanilang minamahal. Pagdating sa pag-ibig,
pantay-pantay ang bawat kasarian.
REALISMO
Sa galit at inggit ni Adolfo ay nagawa niyang ipapatay ang hari ng Albanya at ang matapat ng mga alagad
nito. Ito ay nagpapakita lamang ng katotohanan na walang maidudulot na mabuti ang galit at inggit sa
kapwa.
FEMINISMO
Nailigtas ni Flerida si Laura mula sa pagtatangkang paggahasa ni Adolfo rito. Gamit ang kaniyang pana ay
napatay niya ito. Ang ipinakitang tapat ni Flerida ay nagpakita ng pagkakapantay-pantay ng bawat
kasarian.
ARKETIPAL
Maaaring lapatan ng teoryang arketipal ang araling ito, sapagkat sa aking palagay ay ito ay may
pinaghalawan. Katulad ng mga pangkaraniwang kwento na may masayang wakas, masaya rin nagwakas
ang Florante at Laura.
EKSISTENSIYALISMO
Sa kabila ng hirap na pinagdaanan ni Florante, ay hindi siya nagpatalo rito. Hindi siya nagpaapekto sa
anumang hirap na kaniyang dinanas hanggang sa makamit noya ang kapayapaan para sa kaniyang
bayan.