Professional Documents
Culture Documents
KAHULUGAN
Ayon kay Edgar Allan Poe, ang tinaguriang Ama ng Maikling Kwento ay isang akdang pampanitikang
likha ng gunuguni at bungang-isp na hango sa isang tunay na pangyayari sa buhay.
Ito ay nababasa sa isang tagpuan, nakapupukaw ng damdamin at mabisang nakapagkikintal ng diwa o
damdaming may kaisihan.
Nababasa sa isang tagpuan, nakapupukaw ng damdamin, at mabisang nakapagkikintal ng diwa o
damdaming may kaisahan.
Tinatalakay ang natatangi at mahahalagang pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan.
May kapayakan at kakauntian ng mga tauhan.
Nagpapakita ng isang makabuluhang bahagi ng buhay ng tao.
Isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang
tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang.
Isa itong masining na anyo ng panitikan.
isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang
pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan.
Si Deogracias A. Rosario ang tinuturing na "Ama ng Maikling Kuwento".
Tinawag rin itong dagli noong panahon ng mga Amerikano at ginagawa itong libangan ng mga sundalo.
BAHAGI
Simula – dito nakabatay ang kawilihan ng mga mambabasa. kinapapalooban ng mga sumusunod
Pagpapakilala sa mga tauhan
Pagpapahiwatig ng suliraning kahaharapin ng tauhan
Pagkakintal sa isipan ng mga mambabasa ng damdaming palilitawin sa kwento
Paglalarawan ng tagpuan
Saglit na kasiglahan – naglalahad ng panandaliang pagtatagpong mga tauhang masasangkot sa suliranin
Suliranin – problemang haharapin ng tauhan
Tungalian – ang pinagababatayan ng buhay ng maikling katha dahil ito ang nagbibigay daan sa
madudulang tagpo upang lalong maging kawili-wili at kapana-panabik ang mga pangyayari
Kasukdulan – unti-unting naaalis ang sagabal, nalulutas ang suliranin, dito natutukoy ang katayuan ng
pangunahing tauhan kung siya ay mabibigo o magtatagumpay
Kakalasan – tulay patungo sa katapusan
Wakas – naihahatid ng may-akda ang mensahe sa bahaging ito.
Kaisipan – tumutukoy sa kung ano ang mensahe ng akda
SANGKAP NG MAIKLING KWENTO
Tagpuan – tumutukoy ito sa pook o lugar ng pinagyarihan ng kwento. Naglalarawan ito sa ginagalawan
o kapaligiran ng kwento.
Tauhan – Ang nagbibigay buhay sa kwento, makikilala sila sa panlabas na kaanyuan, pisikal at
pananamit, kilos na magpapahiwatig ng kanilang ugali at dayalogo.
Banghay – ito ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento
Bahagi
Simula
Suliranin
Saglit na kasiglahan
Kasuddulan
Kakalasan
Wakas
Tema o paksa – ito ang sentral na ideya sa loob ng kwento o ang mahalagang pangkaisipan ng akda
Paksang Diwa – ito ang pinakadiwa ng katha. Ito ang pang-isipang iniikiran ng maliliit na himaymay ng
katha at nabubuo ng manunulat ang kaisiyahang pandamdamin at pangkaasalan sa mambabasa.
Himig – ito ang maglalantad sa kulay ng kalikasang pandamdamin ng kuwento. Maaaring Masaya ang
kwento o kaya’y malungkot, mapanudyo, mapagpatawa at maromansa.
Paningin – ito ang pananaw na pinagdaraanan ng mga pangyayari. Matutukoy ng isang mambabasa ang
iba’t ibang sangkap ng akda sa pamamagitan ng paningin. Makikilala ng mambabasa ang inilalahad na
lugar, panahon at ang relasyon ng mga tauhan.
SALIK
Kapaunahan – ang mga pangunahing tauhan ay ang siyang pinakaugat ng maselang pangyayaring
inilahad
Kaganyakan – tinatawag ding saglit na kasiglahan sapagkat ito ang nagpasidhi sa damdamin at
pagnanasa ng mambabasa upang ipagpatuloy ang pagtunghay.
Kabanghayan – ang pagkakasunod-sunod ng mga naaayong pangyayari na mabilis ang kaganapan at
pagkakalahad ay ayon sa istilo ng manunulat
Tunggalian – ito ay tinatawag na gusot o buhol
Tao laban sa tao
Tao laban sa sarili
Tao laban sa lipunan
Tao laban sa kapaligiran o kalikasan
Kasukdulan – isang bahagi din ng maikling kwento ngunit salik din kung tawagin. Dito nakasalalay ang
kaalaman ng mambabasa sa sasapitin ng mga tauhan sa wakas ng kwento
Kakanyahan – ito ang tumutukoy sa istilo ng awtor.
Kahimigan – damdaming ginagamit upang mapukaw at makintal sa isipan ng mamababasa
LAYUNIN AYON KAY PANGANIBAN
KATANGIAN
Narciso Reyes
Lupang Tinubuan
Liwayway Arceo
Uhaw ang Tigang na Lupa
N.V.M Gonzales
Lunsod, Nayon at Dagat-Dagatan
Deogracias A. Rosario
Walang Panginoon
Cirio H. Panganiban
Bunga ng kasalanan
Genoveva Edrosa
Matute Kwento ni Mabuti
Parusa
Miss Cruz
Bangkang papel
Pedro S. Dandan
Mabangis na Kamay… Maamong Kamay
Elpidio K. Kapulong
Planeta, Buwan at Mga Bituin
Rogelio Sikat
Tata Selo
Impeng Negro
Gemiliano Pineda
Sumisikat pa ang Araw
Serafin guinigundo
May Umaga Pang Daratal
Macario Pineda
Suyuan sa Tubigan
Beth M. Blones
Kasal… Kapirasong Papel
Ronie M. Halos
Dugo ng Mangyan
Dominador Mirasol
Makina
Rogelio Ordoñez
Uod sa Bibig ng Lupa
Edgardo Reyes
Daang-Bakal
Efren Abueg
Mabangis na Lungsod
Domingo Landicho
Elias at Salome
Jose Domingo
Dr. Kuba
Banjamin Pascual
Ang Kalupi
Adriano Laudico
Hibik sa Karimlan
Antonio Rosales
Bulong ng Budhi
Sanggunian:
https://deldoctrines.wordpress.com/2014/02/11/9-maikling-kwento-na-yaman-ng-panitikang-filipino/
https://gabay.ph/maikling-kwento/
https://pinoycollection.com/maikling-kwento/
https://prezi.com/cmmc3uuexddw/mga-uri-ng-maikling-kwento/
http://rosiefilipino10.weebly.com/maikling-kwento.html#/
https://tl.wikipedia.org/wiki/Maikling_kuwento/
https://www.scribd.com/doc/289631159/Maikling-Kuwento/
https://www.slideshare.net/closet101mirasol/maikling-kwento-69802333/
https://www.slideshare.net/rosalieorito/katuturan-ng-maikling-kuwento13/
https://www.wikakids.com/filipino/ano-ang-maikling-kwento/