You are on page 1of 8

IBA’T IBANG

KASANAYAN SA
PAGBABASA
PAGBABASA
 Ito ang nagiging tulay ng bawat indibidwal
upang maging maalam at malinang ang
kasanayan sa pag-unawa ng iba’t ibang
kaalaman na nakapaloob sa teksto.

KAHALAGAHAN NG PAGBABASA
 Ito’y nakakatulong sa pagtuklas natin ng
karunungan sa iba’t ibang larangan
 Nakakapagpalawak at nakapagpapatalas sa
kaisipan ng isang tao
 Nakapagdaragdag ng isang kaalaman
 Nakakapagpalawak ng isang pananaw
 Nakapagbibigay kasiyahan
 Nakakapagpadala ng tao sa iba’t ibang lugar
DEPINISYON NG PAGBABASA
 "Ang pagbasa ay interpretasyon o
pagpapakahulugan ng mga nakalimbag na
simbolo ng kaisipan. (Tumangan Sr.)
 "Ang pagbabasa ay ang tiyak at madaliang
pagkilala ng ayos at pagkakasunud-sunod ng
mga salita, pagsasama-sama ng mga salita para
makabuo ng ideya at kahulugan" (Carmelita S.
Lorenzo et.al.)
 "Ang pagbabasa ay isang psycholinguistic
guessing game." (Goodman)
 "Para mabigyan ng tunay na kahulugan ang
tekstong binabasa ay kailangang magkaroon ng
'background knowledge o stock knowledge' o
dating kaalaman sa wika, talasalitaan, at
kaisipan o ideya upang maiugnay ito sa 'new
knowledge' o bagong kaalaman sa pagbuo ng
mga bagong impormasyon at
pagpapakahulugan." (Coady)
KATANGIAN NG PAGBASA
 Pandalawahan
Nagkakaroon ng interaksyon sa pagitan ng
mambabasa at ng awtor sa pamamagitan ng
teksto.
 Gawaing Pangkaisipan
Kailangan ang pag-unawa sa mga kaisipang
ipinahayag ng mga simbolo o salitang nakalimbag.
Kasama na rito ang pagpapakahulugan at
pagdama sa mga isinulat ng may-akda.
 Prosesong Biswal
Kailangan ng matalas na paningin sa pagbabasa
upang maging madali ang pag-unawa at pagkuha
ng mga impormasyon sa tekstong binabasa.
 Komplikado
Ang bawat mambabasa ay may kani-kaniyang
kakayahang pangkaisipan sa pag-unawa at
paggamit nito sa pagpapakahulugan.
 Integration ng Kaalaman
Ang bagong kaalaman at dating kaalaman ay
pinag-uugnay-ugnay upang makabuo ng mga
bagong ideya.

PROSESO NG PAGBASA
 William S. Gray (Ama ng Pagbasa)
 Persepsyon- Pagkilala sa mga nakalimbag na
simbolo
 Komprehensyon- Wastong pag-unawa sa
pagkuha ng kaisipan o ideyang nakapaloob sa
simbolo
 Reaksyon- Paghahatol at pagpapasya sa
kahusayan, kawastuhan at pagpapahalaga sa
mga kaisipan na nakalimbag sa binasa
 Integrasyon- Pagsasanib ng dating kaalaman
(stock knowledge) at bagong kaalaman (new
knowledge)
IBA'T IBANG TEKNINK SA PAGBASA
 Skaning- Ito ang pagsisiyasat o paghahanap ng
partikular na impormasyon sa isang bahagi ng
pahina ng teksto. Ito'y hindi nagnanais na kunin
ang pangkalahatang kaisipan ng sumulat dahil
ang importante ay mahanap ang ispesipikong
impormasyon sa madalian na paraan.
Halimbawa:
Paghahanap ng trabaho sa dyaryo, numero ng
telepono sa direktoryo, pagtingin sa resulta ng
mga eksamen.

 Skiming- Ito ang mabilisang paraan ng


pagbabasa. Layunin nito ay upang malaman ang
pangkalahatang kaisipan ng kabuuan ng isang
teksto.
Halimbawa:
Pagbabasa ng magasin, nobela, at maikling
kwento.
 Pasalitang Pagbasa (Oral Reading) Ito ay
inaangkupan ng:
- Wastong pagbigkas
- Matalas na paningin
- Sapat na lakas ng tinig upang marinig at
maunawaan ng mga tagapakinig
 Tahimik na Pagbasa (Silent Reading)- Ito ay
ginagamitan lang ng matalas na paningin at
pag-iisip. Layunin nito ay maunawaan at
makakuha ng mga impormasyon sa tekstong
binabasa.
 Kritikal na Pagbasa- Paggamit ng matalino at
malalim na pag-iisip na nilalapatan ng gawaing
pagsusuri at pag-aanalisa sa binabasa. Layunin
nito ang makatuklas ng panibagong konsepto at
magawan ng bagong forma na maiuugnay sa
kapaligirang sosyal at kultural.
MGA MAHALAGANG KASANAYAN NA NALILINANG
SA PAGBASA

 Pagkilala sa mga Salita (Word Perception)-


Kakayahang umunawa sa iba't ibang kahulugan
ng salita, pagpapantig, pagbabaybay at
pagbigkas.
 Pag-uunawa (Comprehension)- Kakayahan sa
pag-unawa mula sa payak hanggang sa mas
mabigat at masalimuot na bahagi ng akda.
 Pagpapahalagang Literari (Literary
Appreciaton)- Kakayahang umunawa at
pagkagiliw sa pagpapahalaga ng mga
tradisyunal, makabago at napapanahong isyu.
 Pananaliksik at Pandiksyunaryong Kasanayan
(Research and Dictionary Skills)- Kakayahan sa
paghahanap o pagsisiyasat sa mga bagay at
kaalamang di-makita o matagpuan.

You might also like