You are on page 1of 36

1

Kabanata 1

Suliranin at Kaligiran

Kaligiran ng Pag-aaral

May isang makabuluhang puwang sa kaalaman ng bokabularyo sa

ilang mag-aaral sa pangunahing baiting at ang agwat ay mas lumalawak

habang patuloy na tumataas ang kanilang baiting. Ang mga mag-aaral na

may mababang kaalaman sa talasalitaan ay mas nahihirapan sa pagkalap ng

kahulugan sa kanilang binabasa, kaya naman nakapagbabasa sila ng mas

madalang sa kadahilanang sila ay mas nahihirapan. Bilang resulta, kaunti

lamang ang kanilang alam na salita dahil hindi sila nagbabasa ng malawak

upang makakita at makakuha ng bagong salita. Sa kabilang dako, ang mga

mag-aaral na may katamtamang pag-unlad ng talasalitaan ay mas

nagpapahasa sa kanilang kasanayan sa pagbasa at mas nakakaunawa ng

bagong salita (Sedita, 2005).

Ayon sa National Institute of Literacy (2001), ang mga mag-aaral ay may

malawak na pagkakaiba sa kanilang kaalaman sa loob ng paaralan. Ang

kanilang sosyo-ekonomikong karunungan at ang paggamit ng wika sa

kanilang tahanan at komunidad ay nakakaimpluwensya sa pagkakataong

mapalawak ang kanilang bokabularyo. Ilan sa mga mag-aaral ay may

limitadong kaalaman sa talasalitaan sa kadahilanan ang wikang ginagamit sa

pagkatuto. Ang bibig-wika ay may direktang kaugnayan sa susunod na

pagbasa at ang mga mag-aaral na may mas maraming pag-unawa sa

talasalitaan ay mas magiging matagumpay sa pagbasa kaysa sa may

limitadong talasalitaan.
2

Sa Pilipinas, ang bagong laganap ngayon na “jejenese” sa Filipino pop

culture ay umalarma sa Kagawaran ng Edukasyon. “jejemons” o ang mga

Pilipinong parte sa ganitong pangkat ay tahasang gumagamit ng mga pag-iiba

ng salita sa pamamagitan ng pagdaragdag at pagbabawas ng mga letra,

paghahalo ng malaki at maliliit na titik sa isang salita, at maging pagdaragdag

ng mga numero (Araullo,2010).

Nasabi at base sa obserba sa pag-usbong ng social networking sites

gaya ng Facebook at Twitter ay nakadagdag sa suliranin. Ang online

networking sites ay nakakaapekto sa talasalitaan, pag-unawa, ispelling, at

kakayahan sa pagpapaliwanag ng mga bata. Dagdag pa ni (Casas, 2014)

copy-paste na lang at nagiging short term memory na ang ibang kasanayan.

Ayon sa mga nasuring pag-aaral, ito ang dahilan ng mga mananaliksik

na bigyang kasagutan ang mga salik na nagpapatunay na lubusang

nakakaapekto sa kaalaman ng mag-aaral ang katatasan sa pagbasa at

kasanayan sa talasalitaan.

Paglalahad sa Suliranin

Layunin ng pag-aaral na ito ang alamin ang mga salik na

nakakaapekto sa pagkatuto ng mag-aaral sa pagbasa at ang mga dahilan sa

pagiging matatas nila sa talasalitaan. Sa katiyakan, ang pag-aaral na ito ay

sasagot sa mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang antas ng katatasan sa pagbasa kung susuriin ayon sa:


1.1 Literal na pag-unawa;
1.2 Kaisipang nais ipadama ng may-akda;
1.3 Pagkilatis sa kahalagahan ng kaisipan;
1.4 Pagsanib ng kaisipang nabasa at karanasan;
1.5 Paglikha ng sariling kaisipan?
2. Ano ang antas ng kasanayan sa talasalitaan kung susuriin ayon sa:
3

Pormulasyon ng mga salita;


2.1
Paggamit ng Contextual Clue;
2.2
Paggamit ng mga Tayutay;
2.3
Paggamit ng Idyomatikong Pagpapahayag;
2.4
Paggamit ng Diksyunaryo?
2.5
3. Mayroon bang makahulugang kaugnayan ang katatasan sa pagbasa

at kasanayan sa talasalitaan?

Haypotesis

Ang null haypotesis ng pag-aaral ay binuo at sinubok sa 0.05 antas ng

signifikans na kung saan nagkaroon ng makabuluhang kaugnayan ang

katatasan sa pagbasa at kasanayan sa talasalitaan.

Kaugnayan sa Panitikan at Pag-aaral

Tinatalakay sa bahaging ito ang ilang literatura at pag-aaral ng ibang

mananaliksik na may kaugnayan sa kasalukuyang pag-aaral. Inilahad din ang

mga kaisipang may kaugnayan sa pag-aaral upang lalong maging malinaw

ang pag-unawa sa pag-aaral na isinagawa.

Ang katatasan sa pagbasa ay isang malayang baryabol na may

indekeytor na mga: Literal na pag-unawa, kaisipang nais ipahayag ng may-

akda, pagkilatis sa kahalagahan ng kaisipan, pagsanib ng kaisipang nabasa

at karanasan, at paglikha ng sariling kaisipan. Samantala, ang kasanayan

naman sa talasalitaan na di malayang baryabol ay may indekeytor na mga:

Pormulasyon ng mga salita, paggamit ng contextual clue, paggamit ng mga

tayutay, paggamit ng mga idyomatikong pagpapahayag, paggamit ng

diksyunaryo.

Ayon naman kay Mezynski (2012), isang malakas na psychometric na

relasyon ay tuloy-tuloy na iniulat sa pagsukat sa kaalaman sa talasalitaan at


4

maunawang pagbasa. Ang mga resulta ay nagpapahiwatig na ang isang

paraan para mapabuti ang kakayahan ng mag-aaral ay ang karagdagan sa

talasalitaan. Maaaring magpahiwatig na pagkatuklas ito na ang isang paraan

upang mapabuti ang pagganap ng pagbabasa ng mga bata ay upang

dagdagan ang kanilang talasalitaan.

Kahit lulong na ang mag-aaral sa social media, lahat tayo ay kailangan

pa rin bumalik sa simula at ito ay ang pagbabasa. Maliban sa kakayahan sa

pag-unawa ang naapektuhan kundi maging ispelling, talasalitaan, at ang

pagpapaliwanag ay naaapektuhan rin (Casas, 2014).

Katatasan sa Pagbasa

Ang isang kumpletong pagbasa ay binubuo ng persepsyon, pag-

unawa, interpretasyon at aplikasyon om paggamit. Nangangahulugan ito na

ang isang efisyenteng mambabasa ay nakakikilala ng mga titik na bumubuo

sa salita; naiintindihan ang mga relasyon ng salita sa iba pang salita at

kaligiran nito; nagrereak sa bagong kaalaman na may relasyon sa kanyang

mga nakaraang karanasan; at nagagamit ang kanyang mga kaalamag

natamo mula sa pagbasa sa iba’t ibang sitwasyon (Austero, 2010)

Binigyang diin pa ito nina Marquez at Garcia (2011) na ang gabay o

patnubay na ito ay magiging isang malaking pag-unawa sa tekstong

babasahin tulad ng maikling talata, tula, sanaysay, maikling kwento, nobela,

dula, at talumpati. Ang limang dimension na ito ay ang mga: pagbibigay ng

pag-unwanag literal sa tekstong binasa. Ganap na pag-unwa sa kaisipang

nais ipadama ng may-akda, pagkilatis sa kahalagahan ng kaisipan, pagsanib

ng kaaisipang nabasa at karanasan upang magbunga ng bagong pananaw at


5

pag-unawa, at ang panghuli ay paglikha ng sariling kaisipan ayon sa

kasanayan na ibig bigyan ng diin sa binasang seleksyon.

Literal na pag-unawa. Ayon kay Marquez at Garcia (2011), ang

unang dimensyon ay naglalayon sa papuna ng mga detalye sa mga

babasahin. Ibinubuod o naglalagom ng mga natatangi o napiling

impormasyon sa binasa. Habang ito ay nagaganap ay kumakalap rin ito ng

pangunahing mga diwa o kaisipan. Paghahanap sa mga kasagutan sa mga

tiyak na katanungan at paghahanap ng kasagutan sa tiyak na konklusyon.

Dagdag pa ni Belvez (2001) binigigyang diin sa dimensyong ito ang

pagpuna sa mga detalye sa kwento, ang pagkasunod-sunod ng mga

pangyayari, pagsunod sa mga panuto, pagbubuod, paggawa ng balangkas ng

kwento, pagkuha ng kaisipan, paghanap ng tugon sa mga tiyak na

katananungan, pagbibigay ng katotohanan(facts) paghahanap ng katibayan

para sa o laban sa pansamantalang konklusyon, at ang pagkilalasa mga

tauhan.

Kaisipang nais ipahayag ng may-akda. Ayon kina Marquez at Garcia

(2011) ang ganap na pag-unawa ay ang pagkilatis o pagdama sa katangian

ng tauhan sa kwento o akdang binasa. Nagbibigay rin ng sariling kuro-kuro o

opinion ang mambabasa. Nakakapagbigay ng solusyon o kalutasan. Pagkuha

ng pangkalahatang kahulugan at pagbibigay ng iba pang pamagat sa akma

ng kwento o talata.

Naihayag din ni Novthami (2011), nangangahulugan din ito sa pgbasa

upang masuri o suriin ang mga ideya. Kinakailangan din ng mabusising

konsentrasyon. Nangangailangan ng kritikal na pagbasa na maaaring


6

makatutukoy ng opinyon, pagninilay-nilay o katotohanan at nakilala ng

makatwiran o maling pahayag, emosyong pananalita, pamumuna,

panghuhusga o kakulangan sa impormasyon.

Dagdag pa ni Belvez (2001) ang ikalawang dimension ay nagsasaad

sa pagkaunawang ganap sa mga kaisipan ng may-akda lakip ang

karagdagang kahulugan. Inihahayag ditto ang pagdama sa katangian ng may-

akda, pag-unawa sa mga tayutay at patalinghagang salita, paghinuha ng mga

katuturan o kahulugan, paggbibigay ng kuro-kuro at opinyon, paghula sa

kalalabasan, paghinuha sa mga sinundang pangyayari, pagbibigay ng

solusyon o kalutasan, pagkuha ng pangkalahatang kahulugan ng isang

binasa, at pagbibigay ng pamagat.

Pagkilatis sa kahalagahan ng kaisipan. Ayon kina Marquez at

Garcia (2011), ang pagkilatis sa kahalagahan ng kaisipan sa akda ay

pagbibigay ng mambabasa ng reaksyon na maaring nakapagpapalawak ng

sariling kaisipan nito. Inihahambing at nagbibigay ng pagkakaiba sa mga

artikulo o talatang nabasa. Ang pagdama sa pananaw at kaisipan na nais

ihatid ng may-akda at pagtatalakay sa iba pang katangian o kapintasan ng

kwento.

Dagdag pa ni Belvez (2001) ito ay ang pagkilatis sa kahalagahan ng

mga kaisipan at kabisaan ng paglalahad. Sinasaklaw nito ang pagbibigay ng

reaksyon, pag-iisip na masaklaw at malawak, pagbibigay ng pagkakaiba at

pagkakatulad, pagdama sa pananaw ng may-akda, pag-unawa sa mga

impresyon, o kakintalang nadarama, pagkilala sa pagkakaroon o kawalan ng

kaisahan ng diwa ng mga pangungusap, pagkilalasa pagkaka-ugnay ng mga


7

pangungusap sa isang talataan, pagtatalakayan tungkol sa mabubuting

katangian ng kwento, pagpapasya tungkol sa katumpakan ng pamagat ng

binasang seleksyon, pagpapasya tungkol sa kabisaan ng paglalahad.

Pagsanib sa kaisipang nabasa at karanasan. Ayon kina Marquez at

Garcia (2011), dito sa dimensyong ito hinahasa ang pagbibigay ng sariling

panamaw ng mambabasa. Iniuugnay ang sariling karanasan nito mula sa

mga tauhan o akda sa totoong buhay. Nagbibigay rin ng katotohanan upang

dagdagan ang kaisipan at kaalaman sa bagong pananaw at pag-unawa.

Dagdag pa ni Belvez (2001) ito ay ang pagsanib ng mga kaisipang

nabasa at ng mga karanasan upang magdulot ng bagong pananaw at pagka-

unawa. Saklaw nito ang pagbibigay ng opinion at reaksyon, pag-uugnay ng

binasang kaisipan sa kanyang sariling karanasan at sa tunay na pangyayari

sa buhay, pagpapayaman ng talakayan sa aralin sa pamamagitan ng

paglalahad ng mga kaugnay na karanasan, pag-alala sa mga kaugnay na

impormasyon, at pagpapaliwanag sa nilalaman o kaisipang binasa batay sa

sariling karanasan.

Paglikha ng sariling kaisipan. Ayon kina Marquez at Garcia (2011) sa

dimensyong ito ay binigyan ang pagkakataon ang mga mambabasa na

gumawa ng sarili nilang mga ideya hinggil sa kanilang binasa. Maaring sila ay

magbigay ng sarili nilang opinion o kuro-kuro na magpapalawak ng kanilang

sariling kaisipan hinggil sa nabasa nilang akda.

Dagdag pa ni Belvez (2001) ito ay ang paglikha ng sariling kaisipan

ayon sa mga kasanayan at kawilihan sa binasang seleksyon. Binibigyang diin

ditto ang pagbabago ng panimula ng kwento o lathalain, pagbabago ng wakas


8

ng kwento, pagbabago ng pamagat ng kwento, pagbabago ng mga katangian

ng mga tauhan, pagbabago ng mga pangyayari sa kwento at ang paglikha ng

sariling kwento batay sa binasa.

Kasanayan sa Talasalitaan

Habang lumalaki ang mga bata ay umuunlad ang kanilang pagbasa

kapag sila ay may kakayahang umunawa, magpakahulugan at magpuna sa

kanilang binabasa. Mababakas sa pangkalahatang pagsusuri na ang layunin

sa pagpapaunlad ng pag-unawa ay kinakailangang magtulong-tulong

kaagapay ang layuning mapa-usbong ang matibay na paghasa sa tunog-

letrang kaalaman mula sa pinaka-batang mag-aaral (Duke at Pearson, 2001).

Ang pag-unawa sa pagbasa ay isang proseso na kung saan ang mga

mambabasa ay nakabubuo ng kahulugan gamit ang mga pundasyon ng mga

impormasyon mula sa nakalimbag na pahina at ang kaalaman ay nakasilid na

sa kanilang mga dunong. Ito ay kabilang sa intensyonal na pag-iisip na kung

saan ang isang kahulugan ay nabubuo tungo sa pakikipagtalastasan sa

pagitan ng teksto at ng mambabasa (Duke at Pearson, 2001).

Dagdag pa ni San Juan (2011), may kailangang pagkatandaan sa

pagkalap at pagpapaunlad ng talasalitaan sa mabisang pagkalap ng

impormasyon. Ang mga tuntuning ito ay nangangailangan ng malalim na pag-

unawa at pagkilatis ng impormasyon upang mas lalong umunlad ito.

Pormulasyon ng mga salita. Ayon kay San Juan et al., (2011), sa

pagpapalawak ng talasalitaan, ang kinakailangang gamitin ang iba’t ibang

mga paraan gaya ng: paggamit ng iba’t ibang panlapi na kung saan nandito

ang unlapi, gitlapi, hulapi, kabilaan, at laguhan; ang pag-uulit ng mga salita na

kung saan dito ay maaring ulitin ang buong salita at maari rin naming bahagi
9

lamang ng salita, paglikha ng salita kung saan ay nangyayari lamang ayon sa

pangngailangan ng lipunan at ng isang pamayanan. At ang pagtatambal ng

salita na kung saan ang dalawang salita ay nagkakaroon ng bagong

kahulugan.

Maihahalaw sa morpolohiya ayon kina Orsal at Delgado (2011), ang

mga salita ay binubuo ng morpema at salitang- ugat. Ang mga morpema ay

mga panlaping idinudugtong sa mga salitang- ugat o mga katagang

makatayong mag-isa at may kahulugan. Ang morpema ay pinakamaliit nay

unit sa wika na may kahulugan, samantala ang salitang-ugat ay basal na

salitang may sariling kahulugan. Kapag pinagsama ang panlapi at salitang-

ugat, nakabubuo ng isang kahulugan o katuturan sa isang salita.

Paggamit ng Contextual Clue. Ayon kay San Juan et al., (2011),

Context clue ay tulay ng isang akda upang mapadali para sa mga

mambabasa ang kahulugan ng isang mahirap na salita. Ang clue ay makikita

lamang sa loob ng parehong pangungusap o makikita natin sa sumusunod na

pangungusap. Sa ating pagbabasa ay makakasalamuha tayo ng iba’t ibang

talasalitaan na kung saan ay kinakailangan natin malaman at kunin natin ng

lubos ang mga context clues. Sa katunayan may halos apat na uri ang

context clues na maaaring gamitin at may pagkakatulad: Unang- una ang

magkasingkahulugan na ito ay kadalasan makikita sa isang pangungusap;

Pangalawa ang magkasalungat na ito ay may kasalungat na

pagpapakahulugan na kung saan malalaman mo na agad ang kahulugan ng

isang salita; Pangatlo ang pagbibigay liwanag sa isang salita na ibinigay na

nasa loob lamang ng isang pangungusap na sinusundan agad ng isang

pangungusap; Pang-apat ang pagbibigay ng tiyak na mga haimbawa. At ng


10

kahulugan at ideya ng salita ay nauunawaan ayon sa pagkaggamit ng

pangungusap.

Ayon kay Walker (2010), ang kasingkahulugan, magkasingtunog,

kasalungat ay mga paraan upang makilala ang mga salita na may kaugnayan

sa isa’t isa. Ang paggamit ng mga ito ay makatutulong sa pag-unawa ng mga

kahulugan ng bawat salita. At nakakatulong rin ito sa paggamit ng mga salita

kapag tayo ay nakikipag-usap o di kaya ang pagsusulat. Ang

kasingkahulugan ay ang mga salita na nagkakaroon ng parehong kahulugan

katulad ng malamig at mayelo o maliit at maiksi. Ang magkasingtunog naman

ay ang mga salita na pareho ang pakabaybay at pareho ang pagbigkas pero

iba ang kahulugan. Merong dalawang uri ng magkasalungat, ang

homophones ito ang mga salita pareho ang tunog pero iba ang kahulugan at

ang homographs kung makikita natin pareho lang ang mga salita pero

magkakaiba ang pagbigkas at kahulugan nito.

Paggamit ng mga Tayutay. Ayon kay San Juan et al., (2011), may

mga matalinghagang pagpapahayag na ginagamit ang wika upang maging

makulay ang pagpapakahulugan. Maraming mga akdang pampanitikan lalo

na ang panulaan at maikling kwento na gumagamit ng iba’t ibang tayutay. Sa

pag-aaral ng retorika, ang patalinghagang pagpapahayag ay kadalasang

iuugnay. Isa sa pangunahing layunin ng retorika ang magandang

pagpapahayag na matatagpuan sa matatalinghagang pananalita. Lumalawak

ang talasalitaaan ng isang tao sa pamamagitan ng paggamit ng tayutay. Ang

tayutay ay nagbibigay ng kulay aat pagpapakahulugan. Nandito ang

sumusunod na uri ng tayutay: pagtutulad, pagbibigay- kahulugan,


11

pagwawangis, pagtawag, pagmamalabis, pagpapalit- tawag, pag-uyam,

pagpapalit- saklaw, pagdaramdam, pagtatanong, pagtatambis at pagtanggi.

Dagdag pa ni Austero (2008), ang mga ito ay sinadyang paglayo sa

karaniwang paggamit ng mga salita upang maging masining, maharaya,

makulay, mabisa at kaakit-akit ang pagpapahayag. Base pa sa kanyang pag-

aaral, mayroong dalawampung tayutay ang ginagamit ng mga dalubhasang

manunulat sa pagsasagwa ng isang akdang pampanitikan.

Paggamit ng mga idyomatikong Pagpapahayag. Malaki ang

nagagawa ng mga idyomatikong pagpapahayag upang mapaunlad ang ating

bokabularyo. Tinatawag ding mga sawikain o pasawikang pagpapahayag.

Nagtataglay ito ng kawastuhan at kagandahan, mga katanging tanging

wikang Filipino lamang ang nag-aangkin. Kung pakasusuriin, may mga

pagpapahayag na ang kahulugan ng bawat salita’y waring mali o lihis sa

tuntunin ng gramatika. Tumutukoy ito sa mga sawikain na isang paraan sa

pagpapalawak ng talasalitaan.

Ayon kay San Juan et al., (2011), malaki ang nagagawa ng mga

idyomatikong pagpapahayag upang mapaunlad ang ating bokabularyo.

Tinatawag ding mga sawikain o pasawikang pagpapahayag. Nagtataglay ito

ng kawastuhan at kagandahan, mga katanging tanging wikang Filipino

lamang ang nag-aangkin. Kung pakasusuriin, may mga pagpapahayag na

ang kahulugan ng bawat salita’y waring mali o lihis sa tuntunin ng gramatika.

Tumutukoy ito sa mga sawikain na isang paraan sa pagpapalawak ng

talasalitaan.
12

Dagdag pa ni Austero (2008), ang mga ito ay nagbibigay ng

matalinghagang kahulugan na malayo sa literal na kahulugan ng salita.

tinatawag din itong sawikain o idyomatikong pagpapahayag. Ang mga ito ay

gamit mula pa noon hanggang ngayon na nagpapakulay, nagpapabisa at

nagbibigay talinhaga sa pagpapahayag.

Paggamit ng Diksyunaryo. Ayon kay San Juan et al., (2011), ang

KWF- Komisyon sa Wikang Filipino- ay nagsabing ang diksyunaryo ay aklat

na naglalaman ng piniling salita ng isang wika o ng isang tanging uri ng mga

salita na karaniwang isinasaayos ng paabakada, may kasamang paliwanag

ang mga kahulugan, at iba pang impormasyon tungkol sa mga salita at

ipinahahayag sa wikang sarili o sa ibang wika. Ito ay lisatahan ng mga salita

ng isang wika, na nasa ayos na alpabetikal, taglay ang kani- kaniyang na

kahulugan. Karaniwang taglaay ang mga deribasyon at magkaaminsa’y

kanilang kasaysayan. (KWF). Napakabisang paraan ng pagpapaunlad ng

talasalitaan at malimit at maingat na paggamit ng diksyunaryo. Upang

maisakatuparan ang ganito, ang bawat pamilya o tahanan ay mainam na

magkaroon ngf sipi ng diksyunaryo.

Dagdag pa ni Fisher (2009), talasalitaan ay ang paraan kung saan ang

pag-aaral ay artikulado. Sa parehong nakasulat at talakayan, ang kakayahan

upang gamitin ang bokabularyo na tumpak at wasto ay isang palatandaan ng

minsan ay utos ng paksa. Sa katunayan, bokabularyo ay madalas na

ginagamit bilang isang proxy upang masukat kung gaano natutunan ang

isang tao.

Teorya at Balangkas ng Kaisipan


13

Ayon kay Stanovich (1986) na gumawa ng malakas na argumento sa

magkabilang sanhi sa pagbasa at talasalitaan. Ito ay kapag may maunlad

kang talasalitaan ito’y magdadala sa iyo sa maunlad na pagbasa, at ang

maunlad sa pagbasa ay magdadala sa iyo sa maunlad na talasalitaan.

Sinusuportahan naman sa nasabing “ang relasyon ng kaalaman sa

talasalitaan at pagbasa ay isang kompleks at daynamiko. Isa sa

pinagtutuunan nito ay nahahati sa dalawang malalaking gabay na epekto- ang

epekto ng kaalaman sa talasalitaan sa pagbasa at ang epekto ng pagbasa sa

pag unlad ng kaalaman sa talasalitaan” (Chao & Nation, 2000).

Makikita sa talagguhitan 1 ang unang baryabol ay tumutukoy sa

katatasan sa pagbasa ng mag-aaral at ito ay may limang indekeytor ito ang

mga; Literal na pag-unawa- mga salitang hayag na nakalimbag sa binasa,

pagkilatis sa kahalagahan ng kaisipan- ito ay ang damdamin ng tauhan sa

akdang nabasa, pag-unawa sa kaisipang nais ipadama ng may-akda-

tumutukoy sa kung ano ang nais ipahayag ng may-akda sa mga

mambabasa, pagsanib sa kaisipang nabasa at karanasan- ito ay tumutukoy

sa paglikha ng sariling kasipan.

Ang ikalawang baryabol ay tumutukoy sa antas ng mag-aaral pagdating sa

kanilang kasanayan sa talasalitaan ito ay ang mga; pormulasyon ng mga

salita- kung saan galling ang mga salita na nagkakaroon ng panibagong

kahulugan, paggamit ng contextual na clue- paraan upang mapadali ang

pagkikilala ng mga mahihirap na salita, paggamit ng mga tayutay-

matatalinghagang pagpapahayag na ginagamit ang wika upang maging

makulay ang pagpapakahulugan, paggamit ng mga idyomatikong

pagpapahayag- mga salitang mabulaklak na ginagamit sa pakikapag-usap o


14

pagsusulat, paggamit ng diksyunaryo- paraan upang mas lalong maintihan

ang isang salita.

Sa mga nabanggit na batayan, lalong tumindi ang pagnanais ng

mananaliksik na alamin ang kaugnayan ng paraan ng pagtataya ng guro at

motibasyon sa pagkatuto sa Filipino.

Katatasan sa Pagbasa Kasanayan sa Talasalitaan

 Pag-unawang Literal  Pormulasyon ng mga


 Pagkilatis
Malayang Baryabol
sa Di Malayang
salita – Baryabol
kahalagahan ng  Paggamit ng
kaisipan “Contextual na Clue”
 Pag-unawa sa  Paggamit ng Tayutay
kaisipang nais  Paggamit ng
Idyomatikong
ipadama ng may-akda
Pagpapahayag
 Pagsanib sa kaisipang
 Paggamit ng Diksyunaryo
nabasa at karanasan
 Paglikha ng sariling
kasipan
15

Talaguhitan 1. Modelong Konsepto ng Kaisipan

Kahalagahan sa Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay talagang mahalaga dahil may iilang mag-aaral

ang may problema sa kung paano gamitin at unawain ang teksto na kanilang

binasa. Ang pag-aaral na ito ay mahalaga at magsisilbing panuntunan ang

mga sumusunod:
16

Administrasyon. Mahalaga sa administrasyon ng paaralan ang

resulta ng pag-aaral na ito ng sa gayon matugunan nila ang pangangailangan

sa pagkatuto ng bawat mag-aaral sa kabila ng kabalisahan nila sa wika.

Guro. Mahalaga sa mga guro ang kalalabasan ng pag-aaral na ito

nang sa gayo’y mabigyang pansin ang mga gawain upang matagumpayan

ang lahat ng aspekto ng pagkatuto lalo na sa pag-aaral ng wika. At ito’y

magagamit sa kanilang pagtuturo na kung saan dapat nilang pagtuunan ng

pansin ang kanilang pagtuturo sa makrong kasanayan ng mag-aaral sa

pagbasa.

Mag-aaral. Magagamit ang kinalabasan ng pag-aaral na ito sa mga

mag-aaral tungkol sa paghasa sa kanilang kasanayan sap ag-aaral at higit sa

lahat sa kanilang kakayahan sa pag-unawa sa kanilang binabasa.

Mga Mananaliksik. Sa ginagawang pag-aaral mahihimay-himay nila

ang ilang impormasyon na maaari nilang magamit sa ilan pang bagong pag-

aaral sa kanilang pananaliksik.

Talakayan ng mga Katawagan

Ginamit ng mananaliksik ang opereysyonal na katawagan na may

kaugnayan sa kasalukuyang pag-aaral upang lubos na maunawaan ang

nilalaman ng pananaliksik na ito.

Katatasan sa Pagbasa. Katatasan sa pagbasa ay ang pagkakaroon

ng maunawang pagbasa, may maunlad na kaalaman hinggil sa mga salitang

ginamit o ang talasalitaaan. Nakapagbibigay ng sariling pagpapakahulugan sa

binabasa, at higit sa lahat, nagagamit ang kanyang binabasa sa reyalidad.

Ang katatasan sa pagbasa rin ay magagamit sa pakikipag-komunikasyon


17

dahil nakakakuha ka ng bagong kaalaaman na magagamit mo sa negosyo,

pakikipag-usap, pagkalap ng impormasyon, at pansariling pagninilay-nilay.

Kasanayan sa Talasalitaan. Ito ang pinakamahalagang bahagi sa

maunawaang pagbasa. Kapag may mayaman ka sa talasalitaan pormal o

pabalbal man ito ay maging daan upang mas mahusay na maunawaan ang

mga ideya ng iba, pati na rin ang pakikipag-usap ng iyong mga saloobin at

ideya nang mas epektibo. Ito ay ang kakayahang magkaroon ng mga salitang

nalalaman at kung ano ang ibig sabihin ng bawat salita. Kapag marami kang

talasalitaan, mas marami kang maipapahayag na may tiwala sa sarili. Maayos

rin ang pagsasaayos ng iyong gramatika. Higit sa lahat, nadaragdagan ang

iyong lawak sa iba pang makrong kasanayan: pakikinig, pagsasalita, pagsulat

at sa pagbasa.

Kabanata 2
1

PAMARAAN

Inilahad sa bahaging ito kung ano ang pamamaraang gamitin ng

mananaliksik sa pagkolekta ng mga datos at maging sa prosesong gagamitin.


18

Nakapaloob din dito kung anong disenyo ang gagamitin sa pananaliksik, mga

respondente ng pananaliksik, instrumentong gagamitin, at mga hakbang sa

pagkolekta sa mga datos upang mabigyan ng interpretasyon.

Disenyo ng Pananaliksik

Ginamit ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito ang paraang non-

ekspiremental kwantitatib na pananaliksik gamit ang koresyonal teknik. Ang

disenyong non-ekspiremental kwantitatib na pananaliksik ay sumusukat,

naglalarawan at nagbibigay-kahulugan sa ugnayan ng dalawang baryabol sa

pag-aaral (Belli, 2008). Mailalarawan sa pag-aaral na ito ang kaugnayan ng

katatasan sa pagbasa at kasanayan sa talasalitaan. Dagdag pa ni Mcmillan

(2010), ang disenyong non-eksperimental na pananaliksik ay naglalarawan sa

kasalukuyang relasyon ng mga nalikom na datos mula sa suliranin ng

pananaliksik na maaaring paghambingin upang makagawa ng kapani-

paniwalang paghihinuha. Ayon kay Johnson (2001), ang paliwanag sa non-

eksperimental na pananaliksik makilala ang kaugnayan ng mga baryabol

kung ito ba ay perpekto, lubhang mataas, modereyt o walang kaugnayan na

mahalaga sa larangan ng edukasyon at pananaliksik.

Kalahok sa pag-aaral

Ang mga mag-aaral sa Unibersidad ng Mindanao ang napili naming

mga kalahok sa aming naturang pananaliksik sa ikalawang semester ng S.Y

2015-2016, binubuo ito ng mag-aaral na kumukuha ng asignaturang Filipino

3B sa hapon at gabi sa programa ng Edukasyon. Nagkaroon ng apanapu’t

siyam (49) na mag-aaral sa Filipino 3B na nasa hapon na sesyon at


19

apatnapu’t mag-aaral (49) naman sa gabi na sesyon. Samakatuwid,

mayroong siyamnapu’t walo (98) na kabuuan ng mag-aaral na kumukuha ng

Filipino 3B. Para matukoy ng mga mananaliksik ang mag-aaral na sasagot sa

mga katanungan ay ginamit ang Stratefied Random Sampling na kung saan

nagkaroon lamang ng animnapu’t anim (66) na mga kalahok na sumagot sa

talatanungan ng mananaliksik.

Instrumento ng Pananakiksik

Ang mga instrumentong gagamitin sa pananaliksik na ito ay isang

talatanungan na susubok sa katatasan sa pagbasa at kasanayan sa

talasalitaan, ang paraan ng pagkuha ng pagsusuri ay sa pamamagitan ng

formative test.

Ang hamon na ito ay ang pagsagot sa mga talatanungan na galing sa

bawat indekeytor na may tig-lilimang (5) tanong na taglay ang katatasan sa

pagbasa at kasanayan sa talasalitaan ayon sa paghihinuha, ebalwasyon, at

pagpapahalaga. Ang mga sagot ng mga napiling respondente ay iuugnay sa

bahagdan upang makuha ang resulta ng katatasan sa pagbasa at kakayahan

nila sa talasalitaan. Ang ginamit na bahagdan upang makuha ang resulta ay

tinawag na Likert Scale.

Ito ang napili ng mga mananaliksik dahil sa aral na mapupulot mula sa

aklat na umaayon sa panahon ngayon, ang katha ay nabasa at nauwaan na

rin ng mga mananaliksik.

Ang pagbibigay ng interpretasyon sa pagtataya ng mananaliksik sa

natutunan ng mga mag-aaral sa larangan ng Filipino ay ang mga sumusunod:

Katatasan sa Pagbasa

Antas Deskripsyon Pagpapaliwanag


20

4.50-5.00 Pinakamataas May dunong ang


pagkaka-unawa sa
pagbasa.

3.50-4.49 Mataas Mahusay ang pakaka-


intindi sa binasa
2.50-3.49 Katamtaman Katamtaman ang pag-
unawa sa binasang
teksto.

1.50-2.49 Mababa Kailanangan pang


hasain ang kaalaman
hinggil sa pagkaka-
unawa sa pagbasa.

1-1.49 Pinakamababa Hindi lubusang


naintindihan ang kwento
may kakulanangan sa
pag-unawa.

Ikalawang baryabol naman, ang kasanayan sa bokabularyo,ito naman

ang gagamiting interpretasyon sa kanilang mga tamang sagot. Ito ay ang mga

sumusunod:

Kasanayan sa Talasalitaan

Antas Deskripsyon Pagpapaliwanag


4.50-5.00 Pinakamataas Hasang-hasa ang
kaalaman sa
talasalitaan.

3.50-4.49 Mataas Ang talasalitaan ay


nakapaloob sa pag-
unawa ng respondent.

2.50-3.49 Katamtaman Katamtaman ang pag-


unawa sa binasang
teksto.

1.50-2.49 Mababa Kailangan pang hasain


ang kaalaman hinggil sa
pagkaka-unawa sa
pagbasa.
21

1-1.49 Pinakamababa Hindi lubusang


naintindihan ang kwento
may kakulanangan sa
pag-unawa.

Hakbang sa Paglikom ng Datos

Bago maisagawa ang pag-aaral ng mga mananaliksik ay hihingi ng

pahintulot mula sa respondenteng mag-aaral para sagutan ang talatanungan.

Magkakaroon ng oryentasyon batay sa paksa na isinasagawang

pananaliksik kalakip na rin dito kung paano sagutin ang naturang pagsubok.

Paglikom ng mga Datos

Upang maging sistematiko ang pag-aaral na ginawa, sinunod ng

mananaliksik ang mga sumusunod na hakbang:

1. Paghingi ng Pahintulot. Ang mananaliksik ay humingi ng

pahintulot sa pamamagitan ng pagsasagot ng mga katanungan patungkol sa

kasanayan sa pagbasa at katatasan sa talasalitaan ng mag-aaral sa

edukasyon na kumuhakuha ng asignaturang Filipino 3B.

2. Pangangasiwa sa Pagbibigay ng Katanungan sa Mag-aaral.

Pinanga-ngasiwaan ng mananaliksik ang pagbibigay ng katanungan sa mga

mag-aaral sa Unibersidad ng Mindanao na kumuha ng asignaturang Filipino

3B sa programa ng Edukasyon. Binigyan ang mga mag-aaral ng sapat na

oras upang sagutin ang mga inihandang tanong.

3. Paglikom at Pagwawasto ng mga Katanungan. Nilikom ng

mananaliksik ang mga talatanungan at masusing winasto. Ang mga markang

nakuha ng mga mag-aaral ay itinala para sa gagawing pagsusuri.


22

4. Pagsusuri at Pag-aanalisa ng mga Nalikom na Datos. Ang mga

resulta sa isinagawang pagsusulit ay masusing sinuri at binigyang-kahulugan

sa tulong ng istatistisyan ng mananaliksik.

Estadistikang Ginamit

Upang masuri ang mga nalikom na datos, kinakailangang gamitan ng

mga estadistikang sumusunod:

Mean. Ginamit ito upang makuha ang antas ng katatasan sa pagbasa

at kasanayan sa talasalitaan.

Pearson r. Ginamit ito upang makilala ang makabuluhang kaugnayan

ng katatasan sa pagbasa at kasanayan sa talasalitaan.

Kabanata 3

PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT PAGPAPAKAHULUGAN NG MGA DATOS

Ang kabanatang ito ay naglalahad sa kabuuan ng mga pagsusuri at

pagpapakahulugan ng kinalabasan ng pag-aaral. Ang kinalabasan ng

pananaliksik ay ipinakita sa pamamagitan ng mga talahanayan.

Antas ng Katatasan sa Pagbasa ng Mag-aaral


23

Ang kabanatang ito ay inilahad ang mga nakalap na datos ng pag-

aaral. Sinuri at binigyang pakahulugan ang kinalabasan ng mga datos at

ipinapakita sa pamamagitan ng talahanayan. Ang mga datos ay isinaayos

ayon sa hinihingi bilang sagot sa mga suliranin.

Makikita sa ibaba ang Talahanayan 1 tungkol sa resulta ng mga sagot

sa bawat katanungan.

Nagtamo ang pag-unawang literal ng mean score na 4.53 at sd na 0.71

na nangangahulugang pinakamataas ang pag-unawa sa pagbasa ng mga

mag-aaral. Nagtamo ang pagkilatis sa kahalagahan ng mean score na 3.05 at

sd na 1.04 na nangangahulugang katamtaman lamang ang pag-unawa ng

mga mag-aaral sa binasang teksto. Ang pag-unawa sa kaisipang nais

ipadama ng may-akda ng mean score na 4.15 at sd na 1.07 na

nangangahulugang mataas ang kahusayan sa pag-unawa ng binasang

teksto. Nakakuha ang pagsanib sa kaisipang nabasa at karanasan ng mean

score na 3.79 at sd na 0.95 na nangangahulugang mataas ang kahusayan ng

mga mag-aaral sa pag-unawa ng binasang teksto. Ang paglikha ng sariling

Talahanayan 1

Antas ng Katatasan sa Pagbasa ng mga Mag-aaral

Mean iskor
Indikeytor Diskripsyon
(SD)
24

4.53
Pag-unawang Literal Pinakamataas
(0.71)

Pagkilatis sa 3.05
Katamtaman
Kahalagahan (1.04)

Pag-unawa sa kaisipang 4.15


Mataas
nais ipadama ng may- (1.07)

akda

Pagsanib sa kaisipang 3.79 Mataas

nabasa at karanasan (0.95)

Paglikha ng sariling 3.55 Mataas

kaisipan. (1.20)

Kabuuan 3.81 Mataas

(3.12)
kaisipan ay may mean score na 3.55 at sd na 1.20 na nangangahulugang

mataas ang kahusayan ng mga mag-aaral sa pag-unawa ng binasang teksto.

Ang kabuuan nito ay nakakuha ng may mean score na 3.81 at sd na 3.12 na

nangangahulugang mataas ang kahusayan ng mag-aaral sa pag-unawa ng

binasang teksto tungkol sa katatasan sa pagbasa.

Ang resultang ito ay sinuportahan ni Auxtero (2010), ang pag-unawa sa

teksto ay matatamo kung nauunawaan ang wikang ginamit sa teksto. Mahirap

unawain ang tekstong nasulat sa ibang wika kung hindi alam ang kahulugan
25

ng mga salitang ginamit dito, bukod pa sa di kayang basahin may mga

panuntunan sa pagbigkas ang mga nasabing wika at kailangan itong pag-

aralan.

Antas ng Kasanayan sa Talasalitaan ng Mag-aaral

Makikita sa Talahanayan 2 ang antas ng kasanayan sa talasalitan ng

mga mag-aaral. Ipinapakita rin dito ang resulta ng bawat indikeytor.

Nagtamo ang pormulasyon ng mga salita na may mean score na 3.83

at sd na 1.33 na nangangahulugang mataas ang pag-unawa ng mga mag-

aaral sa mga talasalitaan na kanilang nabasa. Nagtamo ang paggamit ng

contextual clue na may mean score na 2.30 at sd na 1.29 na kung saan

mababa at kailangan pang paghasain ng mga mag-aaral ang kanilang pag-

unawa sa binasa. Nakakuha ang paggamit ng tayutay na may mean score na

3.24 at sd na 1.43 na nangangahulugang katamtaman lamang ang pag-

unawa ng mga mag-aaral sa binasang teksto. Nakakuha naman ang

paggamit ng idyomatikong pagpapahayag na may mean score na 3.73 at sd

na 1.22 na kung saan mataas ang pag-unawa ng mga mag-aaral sa mga

talasalitaan na kanilang nabasa. Ang paggamit ng diksyunaryo na may mean

score na 4.74 at sd na 0.66 nakakuha ng pinakamataas na lebel sa pag-

unawa kung kaya’t ang mga mag-aaral ay hasang-hasa na ang kanilang

kalaaman sa mga talasalitaan. Nagkaroon ng kabuuang mean score na 3.57

at sd na 3.99 na nangangahulugang mataas ang pag-unawa ng mga mag-

aaral sa mga talasalitaan na kanilang binasa tungkol sa kasanayan sa

talasalitaan.

Sumang-ayon si Braze et. al (2007), natuklasan ang bokabularyo ay

may malaking ambag sa maunawaang pagbasa kaysa sa maunawaang


26

pakikinig. Ang kahalagahan ng talasalitaan sa pagbasa ay sa pag-aakalang

ito ay hindi direkta sa dahilan ng kaniyang katayuan sa malawakang pag-

unawa sa wika. Subalit, mayroon ring posibilidad na may direkta itong epekto

sa pagbasa pa lamang.

Dagdag pa ni San Juan (2011), may kailangang pagkatandaan sa

pagkalap at pagpapaunlad ng talasalitaan sa mabisang pagkalap ng

impormasyon. Ang mga tuntuning ito ay nangangailangan ng malalim na pag-

unawa at pagkilatis ng impormasyon upang mas lalong umunlad ito.

Makikita sa ibaba ang Talahanayan 2 tungkol sa resulta ng mga sagot sa

bawat katanungan.

Makahulugang kaunayan ng Katatasan sa Pagbasa at Kasanayan sa

Talasalitaan

Makikita sa ibaba ang Talahanayan 3 ang tungkol sa kaugnayan ng

dalawang baryabol tungkol sa katatasan sa pagbasa at kasanayan sa

talasalitaan.

Mula sa pagtataya ng dalawang baryabol lumabas ang resulta na ang

pormulasyon ng mga salita ay may makabuluhang kaugnayan sa pag-

unawang literal na may r-balyu na 0.308 at p-balyu na 0.012; pag-unawa sa

kaisipang nais ipadama ng may-akda na may r-balyu na 0.342 at p-balyu na

0.005 at paglikha ng sariling kaisipan na may r-balyu na 0.288 at p-balyu na

0.019. Bilang kabuuan, pormulasyon ng mga salita ay may makabuluhang

kaugnayan sa katatasan sa pagbasa. Subalit, ang pormulasyon ng mga salita

ay walang makabuluhang kaugnayan sa pagkilatis sa kahalagahan at

pagsanib sa kaisipang nabasa at karanasan. Nangangahulugan ito na ang


27

mga mag-aaral na mahusay sa kasanayan sa talasalitaan ay magaling din sa

katatasan sa pagbasa.

Ang paggamit ng mga contextual clue ay may makabuluhang

kaugnayan sa pagkilatis sa kahalagahan na may r-balyu na 0.321 at p-balyu

na 0.009; pag-unawa sa kaisipang nais ipadama ng may-akda na may r-balyu

n 0.457 at p-balyu na 0.001. Bilang kabuuan, paggamit ng mga contextual

clue ay may makabuluhang kaugnayan sa katatasan sa pagbasa. Subalit, ang

paggamit ng mga contextual clue ay walang makabuluhang kaugnayan sa

pag-unawang literal at sa pagsanib sa kaisipang nabasa at karanasan.

Nangangahulugan ito na nakakatulong ang paggamit ng mga contextual clue

upang mas lalong mauunaawan ang binasang teksto.

Ang paggamit ng mga tayutay ay may makabuluhang kaugnayan sa

pag-unawa sa kaisipang nais ipadama ng may-akda na may r- balyu na 0.369

at p-balyu na 0.002. Bilang kabuuan, may makabuluhang kaugnayan ang

paggamit ng mga tayutay sa katatasan sa pagbasa. Subalit, ang paggamit ng

mga tayutay ay walang makabuluhang kaugnayan sa pag-unawang literal,

Talahanayan 2

Antas ng Kasanayan sa Talasalitaan ng mga Mag-aaral

Mean iskor
Indikeytor Diskripsyon
(SD)
28

Pormulasyon ng mga 3.83


Mataas
salita (1.33)

Paggamit ng Contextual 2.30


Mababa
Clue (1.29)

3.24
Katamtaman
Paggamit ng Tayutay (1.43)

Paggamit Idyomatikong 3.73 Mataas

Pagpapahayag (1.22)

Paggamit ng 4.74 Pinakamataas

Diksyunaryo. (0.66)

Kabuuan 3.57 Mataas

(3.99)

pagkilatis sa kahalagahan, pagsanib sa kaisipang nabasa at karanasan at

paglikha sa sarling kaisipan. Nangangahulugan ito na ang katatasan sa pag-

basa ay hindi malawakang ginagamitan ng tayutay dahil mas nakatuon ito sa

pag-unawa sa daloy ng kwento kaysa sa pagpapakahulugan sa ibig

ipakahulugan ng tayutay.
29

Ang paggamit ng idyomatikong pagpapahayag ay may makabuluhang

kaugnayan sa pagkilatis sa kahalagahan na may r-balyu na 0.263 at p-balyu

na 0.033 at pagsanib sa kaisipang nabasa at karanasan na may r- balyu na

0.306 at p-balyu na 0.012. Bilang kabuuan, ang paggamit ng idyomatikong

pagpapahayag may makabuluhang kaugnayan sa katatasan sa pagbasa.

Subalit, walang makabululuhang kaugnayan ang pag-unawang literal, pag-

unawa sa kaisipang nais ipadama ng may-akda at paglikha ng sariling

kaisipan. Nangangahulgan ito mayroong malalim na paglalahad ng

pagpapakahulugan ang idyomatikong pagpapahayag na balikwas naman sa

literal na pag-unawa na ang nais ipahayag nito ay ang mismong ibig sabihin

ng isang salita, pangungusap, talata, o pahayag.

Ang paggamit ng diksyunaryo ay walang makabuluhang kaugnayan sa

katatasan sa pagbasa sa kadahilanang ang iba sa mga malalim na salita ay

makikita o mababasa sa loob ng tekstong binasa kaya masasabing pahapyaw

lamang ang paggamit ng diksyunaryo.

Sa kabuuan nito, ang kasanayan sa talasalitaan at katatasan sa

pagbasa ay may makabuluhang ugnayan na nagtamo ng r-balyu na 0.530 at

p-balyu na 0.000 na nangangahulugang ang dalawang baryabol ay may

maigting na koneksyon sa pangkalahatang pag-unawa sa pagbasa at

paghasa ng bokabularyo ng mga mag-aaral.

Ipinagtibay ito sa paniniwala ni Stanovich (1986) na gumawa ng

malakas na argumento sa magkabilang sanhi sa pagbasa at talasalitaan. Ito

ay kapag may maunlad kang talasalitaan ito’y magdadala sa iyo sa maunlad

na pagbasa, at ang maunlad na pagbasa ay magdadala sa iyo sa maunlad na

talasalitaan.
30

Ipinagtibay ito sa paniniwala ni Chao & Nation (2000), na ang relasyon

ng kaalaman sa talasalitaan at pagbasa ay isang kompleks at daynamiko. Isa

sa pinagtutunan nito ay nahahati sa dalawang malalaking gabay na epekto;

ang epekto ng kaalaman sa talasalitaan sa pagbasa at ang epekto ng

pagbasa sa pag-unlad ng kaalaman ng talasalitaan.

Pinatunayan ito ni San Juan (2011), na kailangang pagkatandaan sa

pagkalap at pagpapaunlad ng talasalitaan sa mabisang pagkalap ng

impormasyon.
31

Talahanayan 3

Kaugnayan ng Katatasan sa Pagbasa at Kasanayan sa Talasalitaan ng


mga Mag-aaral

Pormulasyon Paggamit Paggamit ng Paggamit ng Paggamit ng Kabuuan


ng mga ng mga Tayutay Idyomatikong Diksyunaryo
salita Contextual Pagpapahayag
Clue
Pag-unawang .308* .125 .191 .010 .099 .231
Literal
.012 .317 .124 .938 .429 .062
Paagkilatis sa .216 .321** .241 .263* .150 .367**
Kahalagahan
.082 .009 .052 .033 .228 .002
Pag-unawa sa .342** .457** .369** .220 .186 .492**
kaisipang nais
ipadama ng may- .005 .000 .002 .076 .135 .000
akda
Pagsanib sa .166 .203 .140 .306* .034 .271*
kaisipang nabasa
at karanasan .183 .101 .261 .012 .787 .028
Paglikha ng .288* .407** -.024 .176 -.033 .267*
sariling kaisipan
.019 .001 .846 .158 .791 .030
Kabuuan .421** .512** .284* .327** .134 .530**
.000 .000 .021 .007 .283 .000
Note: N = 66; Along each row variable, the upper value is the Pearson’s r coefficient, while the
lower value is the computed p-value; **Correlation is significant at the 0.01 level (2-tailed);
*Correlation is significant at the 0.05 level (2-tailed).
32

Kabanata 4

BUOD, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng buod ng kinalabasan ng pag-

aaral, konklusyon at mga rekomendasyon batay sa lumabas na pagsusuri ng

mga datos.

Buod

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng kabuuang kapasiyahan,

konklusyon at rekomendasyon sa isinasagawang pag-aaral. Ang pag-aaral na

ito ay naglalayon na matukoy ang relasyon ng katatasan sa pagbasa at

kasanayan sa talasalitaan ng mga mag-aaral sa Unibersidad ng Mindanao.

1. Ano ang antas ng katatasan sa pagbasa kung susuriin ayon sa:


1.1 Literal na pag-unawa;
1.2 Kaisipang nais ipadama ng may-akda;
1.3 Pagkilatis sa kahalagahan ng kaisipan;
1.4 Pagsanib ng kaisipang nabasa at karanasan;
1.5 Paglikha ng sariling kaisipan?
2. Ano ang antas ng kasanayan sa talasalitaan kung susuriin ayon sa:
2.1 Pormulasyon ng mga salita;
2.2 Paggamit ng Contextual Clue;
2.3 Paggamit ng mga Tayutay;
2.4 Paggamit ng Idyomatikong Pagpapahayag;
2.5 Paggamit ng Diksyunaryo?
3. Mayroon bang makahulugang kaugnayan ang katatasan sa pagbasa

at kasanayan sa talasalitaan?

Ang pag-aaral ay sumubok sa haypotesis na may makabuluhang

kaugnayan ang katatasan sa pagbasa at kasanayan sa talasalitaan ng mga

mag-aaral.

Sa pag-aaral na ito, ang paraang non-eksperimental kwantitatib na

pananaliksik gamit ang korelesyunal teknik ang ginamit upang makita ang

kaugnayan ng dalawang baryabol na pinag-aralan. Ang katatasan sa pagbasa


33

ng mag-aaral ang malayang baryabol samantalang ang kasanayan sa

talasalitaan ay di- malayang baryabol. Ang mga mag-aaral sa Kaguruang

Pang-edukasyon ng Unibersidad ng Mindanao na kumuha ng Filipino 3B sa

pangalawang semester ng unang termino sa panuruang 2015-2016 ang

napiling mga kalahok sa pag-aaral na ito. Ginamit ng mananaliksik ang

Stratefied Random Sampling upang mapili ang magiging kalahok sa pag-aaral

mula sa kabuuang populasyon.

Kinalabasan ng Pag-aaral

Batay sa pagsusuri ng mga datos, ang mga sumusunod ang

kinalabasan:

1. Ang antas ng katatasan sa pagbasa ng mga mag-aaral ay may limang

indikeytor na pag-unawang literal ay nakakuha ng mean score na 4.53 at sd

na 0.71 o pinakamataas ang pag-unawa sa binasang teksto ng mga mag-

aaral. Ang pagkilatis sa kahalagahan ay may mean score na 3.05 at sd na

1.04 o katamtaman lamang ang pag-unawa ng mga mag-aaral sa binasang

teksto. Ang pag-unawa sa kaisipang nais ipadama ng may-akda ay nakakuha

ng mean score na 4.15 at sd na 1.07 o mataas ang kahusayan sa pag-unawa

ng binasang teksto. Ang pagsanib sa kaisipang nabasa at karanasan ay

nakakuha ng mean score na 3.79 at sd na 0.95 o mataas ang kahusayan ng

mga mag-aaral sa pag-unawa ng binasang teksto. At ang paglikha g sariling

kaisipan ay nakakuha ng mean score na mean score na 3.55 at sd na 1.20 o

mataas ang kahusayan ng mga mag-aaral sa pag-unawa ng binasang teksto.

Bilang kabuuan nakakuha ng mean score na 3.81 at sd na 3.12 o mataas ang

kahusayan ng mag-aaral sa pag-unawa ng binasang teksto tungkol sa

katatasan sa pagbasa.
34

2. Ang antas ng kasanayan sa talasalitaan ng mga mag-aaral ay may limang

indikeytor na pormulasyon ng mga salita ay nakakuha ng mean score na 3.83

at sd na 1.33 o mataas ang pag-unawa ng mga mag-aaral sa mga

talasalitaan na kanilang nabasa. Ang paggamit ng contextual clue ay

nakakuha ng mean score na 2.30 at sd 1.29 o mababa at kailangan pang

paghasain ng mga mag-aaral ang kanilang pag-unawa sa binasa. Ang

paggamit ng mga tayutay ay nakakuha ng mean score na 3.24 at sd na 1.43 o

katamtaman lamang ang pag-unawa ng mga mag-aaral sa binasang teksto.

Ang paggamit ng mga idyomatikong pagpapahayag ay nakakuha ng mean

score na 3.73 at sd na 1.22 o mataas ang pag-unawa ng mga mag-aaral sa

mga talasalitaan na kanilang nabasa. At ang paggamit ng diksyunaryo ay

nakakuha ng mean score na 4.74 at sd na 0.66 o pinakamataas na lebel sa

pag-unawa kung kaya’t ang mga mag-aaral ay hasang-hasa na ang kanilang

kalaaman sa mga talasalitaan. Bilang kabuuan ay nakakuha ng mean score

na 3.57 at sd na 3.99 o mataas ang pag-unawa ng mga mag-aaral sa mga

talasalitaan na kanilang binasa tungkol sa kasanayan sa talasalitaan.

3. Para sa makahulugang kaugnayan para katatasan sa pagbasa at

kasanayan ng talasalitaan ay may kabuuang r-balyu na 0. 0.053 at kabuuang

p-balyu na 0.000 na kung saan mas mababa pa sa 0.05 na antas ma

signipikans kung kaya hindi tinanggap ang haypotesis. Nangangahulugang

may makahulugang ugnayan ang katatasan sa pagbasa at kasanayan sa

talasalitaan ng mga mag-aaral.

Konklusyon

Batay sa sumusunod na pagsusuri sa kinalabasan at sa resulta ng pag-aaral

ang mga sunusunod na konklusyon ay nabuo:


35

1. Ang antas ng katatasan sa pagbasa ng mga mag-aaral ay may

mataas na kahusayan sa pag-unawa ng binasang teksto.

2. Ang antas ng kasanayan sa talasalitaan ng mga mag-aaral ay may

mataas ng pag-unawa sa mga talasalitaan ayon sa pagkagamit na kanilang

binasang teksto.

3. May makahulugang kaugnayan ang katatasan sa pagbasa at

kasanayan sa talasalitaan ng mga mag-aaral.

Rekomendasyon

Mula sa nabuong konklusyon, iminumungkahi ang mga sumusunod na:

1. Administrasyon, nararapat napanatilihin ang pagsuporta at pagbigay

ng maraming oportunidad at akademikong programa sa mag-aaral upang

lalong malinang ang kanilang kasanayan sa wikang Filipino.


2. Para sa mga guro, kahit na ang resulta ay kinakitaan ng mababang

lebel ng kabalisahanpanatilihing magbigay ng mga gawaing nakalilinang sa

kanilang kakayahang pang-komunikasyon tulad ng pasalita at iba pang

interaktibong gawain upang lalong mahasa ang kanilang katatasan sa

pagsasalita sa harap ng klase. At dapat hikayatin ang mga mag-aaral na

magbasa ng iba’t ibang uri ng teksto upang mapunan ang kanilang

pangangailangan sa mga talasalitaan.

3. Ang mga mag-aaral ay iminumungkahi na magbasa at huwag

kaligtaang gumamit ng mga bagong salita sa pagyabong ng sariling kaisipang

kognitibo at apektibong pag-unawa sa malinang na pagbasa.

4. Sa iba pang mga mananaliksik, ipagpapatuloy pa ang masusing

pag-aaral sakabalisahan sa wikang Filipino ng sa gayon masulong ang

kahalagahan ng ating sariling wika.


36

You might also like