You are on page 1of 12

Aralin 16: Angkop na

Pakikitungo sa Katapat
na Kasarian, Isagawa
Natin
Madalas kang makipag-ugnayan sa iyong mga kasinggulang.
Maaaring madali sa iyong makipagkilala at makipagkaibigan
sa kasing-edad mo, ngunit hindi rin maiiwasan na
makipag-ugnayan ka sa katapat mong kasarian.
Maaaring iniisip ng mga magulang mo na mas komportable
sila kung ika’y nakikipagkaibigan lamang sa kaparehas na
kasarian upang maiwasan rin siguro ang panganib, higit lalo
kung ika’y babae. Ngunit mas magandang maging bukas ka
at ang iyong mga magulang sa isyu ng pakikipag-ugnayan sa
katapat na kasarian. Dapat magkaroon kayo ng kamalayan
na hindi masama at normal lamang ang pakikipagkaibigan sa
katapat na kasarian hangga’t nangingibabaw ang paggalang
sa isa’t isa at hindi lumalagpas sa itinakdang limitasyon.
Dahil sa mga nabanggit, mahalagang magabayan ka sa
tamang pakikitungo sa katapat na kasarian sa pamamagitan
ng aral sa pamilya, simbahan at paaralan. Marapat na ito
ay iyong maunawaan na hindi ito ginagawa upang higpitan ka
lamang ng iyong mga magulang sa pakikipagkaibigan sa
katapat na kasarian. Ang mga ganitong kaisipan ay sadyang
natural na nararamdaman, ngunit isaisip din na pangunahin
sa responsibilidad ng iyong mga magulang ang pangangalaga
sa iyong kapakanan.
Sa araling ito, alamin mo ang tamang paraan ng pakikipag-
ugnayan sa katapat na kasarian. Mauunawaan mo ring may
kapahamakang hatid ang maling paraan ng pakikipag-
ugnayan sa katapat na kasarian kaya dapat may tamang
pagkilos kang isasagawa upang ganap mong mapaghandaan
ang yugto ng buhay-tinedyer.
Ang tao ay nakikipagkaibigan dahil gusto niyang
matugunan ang marami niyang pangangailangan:
pisikal- gusto mong may yayakap sa yo o kaya’y
magpapatong ng kanilang kamay sa iyong balikat kapag
nakaranas ka ng kalungkutan
mental- nagpapatulong ka sa iyong mga kaibigan sa mga
desisyong dapat mong gawin
emosyonal- iba ang pakiramdam na may taong pwede
kang mapagkatiwalaan sa maraming bagay.
Tayo’y nakikipagkaibigan hindi lang dahil mayroon
tayong mga pangangailangan o maginhawa ito para sa
atin, ngunit sa dahilang may kabutihan itong dulot.
Nakikipagkaibigan ka upang maranasan ang tamang pakikipag-
ugnayan sa kapuwa at matupad ang bokasyon natin sa mundo-
ang MAGMAHAL.
Ang pakikipagkaibigan sa katapat na kasarian ay may pisikal,
emosyonal, sikolohikal at hormonal na rason at paniguradong
ito’y hahantong sa isang pangmatagalang relasyon. Hangga’t
maaari, ipagpaliban na lang muna ang pagpapares ng lalaki at
babae at panatilihin na lang ang pagsama sa mga grupo ng
kaibigan.
Paano maituturo sa mga dalaga’t binata ang tamang
pakikipagrelasyon sa katapat na kasarian?
Mainam kung ang iyong mga magulang ang nagsisilbing huwaran
para maipakita ito. Ang pagpapamalas ng pagmamahal sa
pamamagitan ng paghalik, pagyakap at paghawak ng kamay ay
natural lamang sa mag-asawa at hindi dapat ikinahihiya.
Makabubuti ring hangga’t bata ka ay nakararanas ka ng
yakap mula sa iyong mga magulang upang hindi mo basta
hanapin ang atensiyon at pagmamahal na galing sa
katapat na kasarian. Kung ang pamilya mo ay sumasama
sa mga kaibigan (lalaki at babae) upang maglibang o
maglaro sa bahay, mas masasanay kang makiharap sa
mga kasinggulang mong kataat ng iyong kasarian at mas
magiging bukas ka sa mga pagkakaiba at pagkakatulad ng
lalaki at babae sa iba’t ibang aspeto. Gayundin, kung
nakikita mo ang iyong nanay na nakikipagkaibigan sa
ibang lalaki at ang iyong tatay ay nakikipagkaibigan sa
iba pang babae, mauunawaan mo na posible ang
pagkakaroon ng mabuting pakikipagkaibigan sa katapat
na kasarian.
Sa pakikipagrelasyon man o sa iba pang bagay,
mahalagang magkaroon ng pagtitimpi o pagkontrol
sa iyong mga iniisip at nadarama upang hindi ka
makagawa ng mga bagay na maaaring
magpahamak sa iyo. Tandaan na sa bawat
pagkilos, may kaakibat itong resulta na
makabubuti o makapagpapahamak sa iyo.
May mga kahalagahang dulot ang pakikipagkaibigan sa katapat na kasarian:

Nagiging daan upang makompleto ang iyong buhay Mas napalalawak nito ang iyong pananaw
pinagagaan ang pakikiramdam mo sa iyong sarili at nalilinang ang personal na
kaunlaran at natutuhan mong magbahagi,magpatawad
at magbigay ng suporta sa isat’t isa.

Nabubuo ang mabisang pakikipag-ugnayan Natutuhan ang mga kaibahan at


tungo sa maunlad na aspetong sosyal pagkakatulad ng babae at lalaki
kung paano makibagay sa kanila

Mas nakikilala mo ang iyong sarili Matututuhan mo ang mga katangian


ng katapat na kasarian upang mapag
buti ang komunikasyon sa isa’t isa
Paano ka dapat makipagkaibigan sa katapat na kasarian?
Paraan Paliwanag
1. Unawain ang isa’t isa Huwag ikahon ang katangian nito bilang lalaki o babae. Subukan mo siyang unawain ayon
sa kaniyang indibidwal na personalidad
2. Tanggapin ang isa’t isa Kung mauunawaan mo ang pangunahing pagkakaiba sa pagitan ng dalawang kasarian,
matutuhan mong kilalanin ang kaniyang kalakasan at tanggapin ang kanyang kahinaan

3. Alamin ang inyong mga Pareho ba ang inyong mga interes, libangan, musikang pinakikinggan, pagkaing
pagkakatulad kinnahihiligan? Maaari kayong sumali sa mga gawaing pareho kayong interesado. Ang
pagkakatulad ng inyong mga opinyon ay mabisang salalayan sa pagbuo ng kanais-nais na
pakikipagkaibigan

4. Matuto mula sa isa’t isa Ang kahinaan ng isang kasarian at tutugunan ng katapat. Ang kalakasan ng isang kasarian
ay maibabahagi sa katapat. Magkatuwang ang babae at lalaki upang makapagtamo ng
higit na tagumpay. Bawat isang kasarian ay may kakayahang linangin ang inyong mga
potensyal.

5. Piliing mabuti ang mga Pumili ng mapagkakatiwalaan at magagalang na kaibigan. Sa tulong ng mga kilos at
kaibigan pananalita nila, malalaman mo kung dapat silang samahan o hindi.
6. Maging totoo Pahalagahan at respetuhin ang katapat na kasarian. Bigyang-pansin ang reaksiyon at
paniniwala nila, maging mapagpau,manhin at maaasahan. Higit sa lahat, maging tapat sa
pagpapakita ng pag-aalala.
Mga Uri ng Pakikipagkaibigan sa Katapat na Kasarian (Cross-sex Friendship)
Ayon kina Laura Guerrero at Alan Chavez (2005)
• Kaupuwa nagnanais na matungo ang
pagkakaibigan sa isang romantikong relasyon
• Kapuwa nangnanais na mapanatili ang
pagkakaibigan. Pareho nilang ayaw mauwi sa
romantikong relasyon ang kanilang ugnayan
• Paghahangad ng isang romantikong pakikipag-
ugnayan ng isang indibidwal. Ngunit siya’y hindi
naniniwalang ganoon din ang pakiramdam ng
huli
• Pagtanggi sa isang romantikong pakikipag-
ugnayan. Ayaw ng isang indibidwal na mauwi sa
romantikong relasyon ang kanilang ugnayan
bagama’t gusto ng isa
May mga hamong kinahaharap ang pakikipagkaibigan sa
katapat na kasarian:
Uri ng Hamon Tanong na dapat sagutin
Hamon sa Ugnayang Emosyonal Magkarelasyon na ba kami kung lagi kaming
magkasama at gusto ko ang ilan
sa kaniyang mga katangian?

Hamon sa Mapanuring Ano kayang iisipin ng mga tao sa paligid kung


Mata ng Publiko palagi kaming nakikitang lumalabas at
magkausap kami ay magkaibigan lang?

Hamong Sekswal Mapaglalabanan ba namin ang atraksyon sa


isa’t isa kapag kami’y magkasama?

Hamon sa Pagkakapantay Pareho ba kaming nagdedesisyon sa anomang


bagay na dapat pagpasiyahan?
Sagutin ang mga Katanungan:
• Anong uri ng pagkakaibigan sa katapat na kasarian
ang mayroon ka sa iyong kaibigan?
• Ano-ano ang palatandaan na tapat ang iyong
kaibigan at wala siyang gustong makuhang iba mula
sa’yo?
• Nakaranas ka na ba ng higit pa sa kaibigan ang trato
o sa kanya? Ano ang nararamdaman mo ipaliwanag?

You might also like