You are on page 1of 22

Aralin 1: Ang Kinalalagyan ng

Ating Bansa
Paano mo maituturo at
mailalarawan ang
eksaktong lokasyon ng
Pilipinas sa mundo?
Ano ang nakikita mong larawan sa ibaba?
Ang Pilipinas ay bahagi ng
mundo.
Ang ating mundo ay isa sa mga
palanetang bahagi ng Solar
System.
Ang ating mundo ay gumagagawa
ng mahigit sa 365 araw ng
rebolusyon o pag-ikot sa araw sa
loob ng isang taon.
Ang mundo din ay may rotasyon
sa sarili nitong aksis habang
patuloy ang pag-ikot sa araw, na
nagbubunga naman ng pagdilim o
pagliliwanag sa loob ng 24 oras.
Ano ang napapansin mo sa Mapa?
Ang Pilipinas ay isa sa mga bansa
sa kontinente ng Asya. isa itong
arkipelago.
Binubuo ang ating bansa ng 7,641
malalaki at maliliit na mga isla.
Nakaharap ang ating kapuluan sa
malawak na Karagatang Pasipiko at
may klimang tropikal.
Dahil sa ating lokasyon sa mundo,
sagana sa katubigan ang ating
bansa. Tubig an pinakamahalagang
elemento sa pag-unlad ng
sibilisasyon ng mga unang tao sa
daigdaig.
2 Uri ng Pagrepresenta sa Pagtukoy ng
Lokasyon ng Pilipinas
1. Globo 2. Mapa
GLOBE
modelo ng planetang daigdig
na tinatawag din anting
mundo.
gamit sa pag-aaral ng
heograpiya
napapalibutan ng mga linya
Ito ay may Imahinasyong
Guhit-inilalagay upang
matukoy ang tiyak na
lokasyon ng iba’t ibang lugar
sa daigdig
Pulong Hilaga at Polong Timog
Ang Polong Hilaga ang
pinakatuktok o pinakaitaas na
bahagi ng ating mundo. Ang
direksiyong patungo sa Pulong
Hilaga mula ekwador at
tinatawag na Hilagang hating-
globo o Northern Hemisphere.
Ang Polong Timog naman ang
pinakaibabang bahagi ng mundo.
Ang direksiyon mula sa ekwador
patungo sa timog ay tinatawag
na Katimugang hating-globo o
Southern Hemisphere.
Mapa
Ito ay representasyon din ng mundo ngunit ito ay
palapad o flat. Sa isang tingin makikita mo sa
mapa ng mundo ang lahat ng mga bahagi:
a)Mga Pananda o Legend- mga simbolong ginagamit
para kumakatawan sa mga lugar na hinahanap
b)Simbolo ng Hilaga o North Arrow- itinuturo and
direksiyong hilaga para masabi ang iba pang
direksiyon sa compass- ang timog, kanluran at
silangan
c)Grid -mga likhang guhit o imaginary lines na
ginagamit ng mga ekspertong gumagawa ng mapa o
cartographer para matukoy ang eksaktong
kinalalagyan sa mundo ng isang lugar.
Mapa
2 Paraan sa Pagtukoy ng Lokasyon
• Tiyak na Lokasyon/
Absolute na Lokasyon

• Ang Relatibong Lokasyon


Ang Tiyak o Absolute na Lokasyon
• Ito ay paraan sa
pagtukoy lng
lokasyon sa
pamamagitan ng mga
imanasyong guhit sa
mapa/globo:
a) latitude
b) longitude
Latitude/Parallel
 Nakaguhit paikot mula silangan
pakanluran ng globo
 Magkapantay ang laayo ng mga parallel
sa isa’t isa.
 May limang espesyal na guhit parallel:
a) Equator/Equador
b) Tropiko ng Kanser/Tropic of Cancer
c) Tropiko ng Kaprikornyo/Tripic of
Capricorn
d) Arctic Circle
e) Antartic Cicle
5 Espesyal na Guhit Parallel
1) Equator- matatagpuan sa gitnang bahagi ng globo, pantay ang layo mula
North Pole at South Pole at humahati sa daigdig sa hilagang hating-globo
at timog hating globo. Ito ay may 0 degree latitude
2) Tropiko ng Kanser- pinakahilagang hangganan ng tropics o ang rehiyon
malapit sa equaor t ito ay may mainit na klima. Ito ay may 23.5 degrees
hilaga ng ekwador. Tropikal ang klima at may dalawang uri ng panahon
tag-init at tag-ulan.
3) Tropiko ng Kaprikornyo- pinakatimog na bahagi ng mundo na tuwinang
nasisinagan ng araw. Ito ay may 23.5 degrees timog ng ekwador.
Tropikal ang kilma at may dalawang uri ng panahon, tag-init at tag-
araw.
4) Kabilugang Arktikopinakadulong bahagi ng daigdig hilaga na naaabot ng
pahilis na sinag ng araw. Ito ay may klimang temperate na nakararanas
ng 4 na panahon-tag-init, taglagas, tag-yelo, tagsibol.
5) Kabilugang Antartiko- pinakadulong bahagi ng daogdog sa timog na
naaabot ng pahilis na sinag ng araw. Ito ay may klimang temperate na
nakararanas ng 4 na panahon-tag-init, taglagas, tag-yelo, tagsibol.
5 Espesyal na Guhit Parallel
Longitude/Meridian
• Ito ay mahahabang likhang
guhit sa mapa na tumatagos
sa Hilaga at Katimugang Polo
• Ito ay may 2 espesyal na
guhit:
a) Prime Meridian
b) International Date Line
Prime Meridian
• Ito ay naghahati ng globo sa
dalng bahagi.
• Tinatawag din itong Greenwich
Meridian kasi eksaktong
dumadaan sa Greenwich
England.
• Ang Prime Meridian ay 0
degree longitude.
• Mula Prime Meridian, maaaring
ang Pilipinas ay nasa pagitan ng
116 degrees at 127 silangang
longitud.
Internatrional Date Line/IDL
• ito ay guhit pababa na
matatagpuan sa 180 degrees
ang siyang nagtatapos sa
sukat na pasilangan at
pakanluran mula sa Prime
meridian.
• Ito ay tumutulong upang
malaman natin ang oras sa
iba’t ibang panig ng mundo.
• ang bahaging silangan qay
nauuna ng 1 araw kaysa
bahagi ng kanluran.
• Nababatay ang tiyak na lokasyon ng
isang lugar o bansa sa sukat ng latitude
(latitude) at ng longhitud (longitude)
nito sa mapa ng globo.
• Matatagpuan ang tiyak na lokasyon ng
pilipinas sa pagitan ng 4 digri 23' - 21
digri 25' Hilagang latitud at sa pagitan
ng 116 digri at 127 digri Silangang
longhitud.
Sagutin:
1. Ito ay paraan sa pagtukoy lng lokasyon sa
pamamagitan ng mga imanasyong guhit sa mapa/globo.
2-3. Ano-ano ang 2 Uri ng Pagrepresenta sa Pagtukoy ng
Lokasyon ng Pilipinas?
4. Anong kontinente matatagpuan ang Pilipinas?
5-6. Ano ang tawag sa dalawang espesyal na Meridian?
7. Saan matatagpuan ang Pilipinas sa pamamagitan ng
longhitud at latitud?
Suriin:
8._______
9._______
10._______
11.______
12.______
13.______
Ipaliwanag:
14. Paano maipaliwanag ang pagtukoy ng lokasyon
gamit ang abosute na lokasyon o gamit ang
longhitud at latitude sa mapa/globo?
15. Bakit mahalaga nating matukoy ang lokasyon ng
ating bansa?

You might also like