Tuparin Sa araling ito inaasahang malilinang ang mga sumusunod: • Matutukoy ang iyong mga tungkulin sa bawat gampanin bilang nagdadalaga/nagbibinata: a) sa sarili b)bilang anak c) bilang kapatid d)bilang mag- aaral • Matataya ang iyong mga kilos tungo sa maaayos na pagtupad ng iyong mga tungkulin bilang nagdadalaga/nagbibinata • Maisasagawa ang mga gawaing angkop sa maayos na pagtupad ng iyong mga tungkulin sa bawat gampanin bilang nagdadalaga/nagbibinata Mahalagang Kaisipan: • Ang pagkamapanagutan ay kailangan upang magampanan ang tungkulin sa sarili at iba pang mga gampanin. • Ang pagiging mapanagutan ay nakatutulong upang maganap ang mga tungkulin nang buong husay. Ano ang ginagawa na nasa mga larawan? • Ang pagiging tinedyer ay isa sa mga pinag-iingatang antas ng iyong paglaki. Sa panahong ito, dumarating maraming pagsubok. Isa na dito ang nakaatang sa iyong mga tungkulin.Una, sa iyong sarili, bilang anak, bilang kapatid, bilang isang mag-aaral. • Sa mga tulad mo rin na tinedyer, maraming pagkakataon na mapapaisip ka kung bakit noong nasa elementarya ka pa, kadalasan ay mas maraming oras kang ginugugol sa paglalaro. Walang masyadong nakaatang na responsibilidad sa iyo p mga inaasahang gawain na dapat matapos at takdang panahon. Kapansin-pansin din na habang ikaw ay tumatanda, ay maraming tungkulin ang ibinibigay sa iyo, maging ito man ay sa inyong tahanan o sa paaralan. • Ipinagpapalagay na sa iyong edad ngayon, unti-unti mo na dapat na natutuhan na tanggapin ang anumang tungkulin o gampanin na sa iyo ay ibinibigay. • Ang tungkulin na ito ay bahagi ng buhay na hindi mo maiiwasan. Habang tayo ay tumatanda, ang mga tungkulin o gampanin ay mas nagiging komplikado. • Kaya’t upang ito ay iyong maisagawa nang maayos, bigyan ang sarili n kahandaan at sapat na kaalaman upang anuman ang tungkulin, malaki man o maliit, ito ay magagampanan natin ng may kasiguruhan at kaayusan. • Ang pagkakaroon ng pananagutan o responsibilidad ay malaki ang naitutulong sa responsibilidad ay malaki ang naitutulong sa isang tulad mo na nagdagdag o nagbibinata. Habang humahakbang ka patungo sa iyong kaganapan bilang tao, kasabay ang iyong personal na paglago, dumarami rin ang iyong mga tungkulin. • Ang pagiging mapanagutan ay nangangahulugang nagaganap mo ang iyong mga tungkulin nang buong husay. Ginaganap mo ang iyong mga tungkulin sa tahanan at sa paaralan sapagkat likas sa iyo ang pagiging mapanagutan. 4 na Gampanin: a. Sa iyong Sarili b. Bilang Anak c. Bilang Kapatid d. Bilang Mag-aaral A. Sa iyong Sarili • Palalimin ang pagkilala sa sarili. Alamin ang iyong mga talino, kakayahan at hilig. Panatilihin ang magagandang ugaling natutuhan at alisin ang mga bagay na hindi magdadala sa iyo sa magandang kinabukasan. • Isabuhay ang magagandang bagay na natutuhan. Maging isang mabuting ehemplo sa mga nakababatang kapatid, mga kamag-aral at ka- barangay. A. Sa iyong Sarili • Ipagpatuloy ang pinapangarap na marating sa kinabukasan. Ang pangarap ang nagbibigay ng inspirasyon sa isang tao na patuloy na gumawa ng mabuti. Pananagutan naman sa sariling mga hangarin ang nakatutulong upang maganap mo ang iyong mga tungkulin nang buong husay. B. Bilang Anak • Ang iyong mga magulang ang tumutulong sa iyo upang matupad mo ang iyong mga hangarin sa buhay. Sila ang nagbibigay ng iyong pangangailangan, tulad ng pagkain, damit at edukasyon. Bilang tugon sa kanilang pagkalinga at pagmamahal, narito ang ilan sa iyong mga tungkulin: Mahalin, igalang, pasalamatan at sundin ang kanilang mga bilin. Gawin at tapusin ang mga pang-araw-araw na tungkulin sa tahanan. Alagaan ang mga personal na gamit, subalit huwag itong ipagkait kung kailangan ng ibang kasapi ng pamilya. B. Bilang Anak • Mga tungkulin: Unawain at tanggapin ang bunga ng mga maling gawain, ituwid ang pagkakamali at humingi ng patawad. Mangakong hindi na uulitin ang ginawang mali. Ipahayag ang pagmamahal sa pamamagitan ng salita tulad ng pagsasabing ingatan ang sarili at pagyakap. Alagaan ang magulang kung may sakit at hanggang sa p-anahon ng kanilang pagtanda. Tuparin kung ano ang ipinangako sa mga magulang. C. Bilang Kapatid • Maging isang magandang halimbawa sa lahat ng aspeto, tahanan man o sa komunidad. • Igalang ang karapatan ng mga kapatid, bata man o matanda. • Tulungan sa paggawa, sa gawaing-bahay man o gawaing pampaaralan. • Magpaliwanagan nang mapayapa kung mayroong hindi pagkakaunawaan.] • Mahalin ang bawat isa. • Tuparin kung ano man ang napagkasunduan sa pagitan ng magkakapatid. D. Bilang Mag-aaral Mag-aral na mabuti. Tapusin ang mga nakatakdang gawain at mga proyekto nang mas maaga o takdang panahon. Igalang ag mga tagapamahala, mga guro, ibang mga kawani ng mga paaralan at mga kamg-aaral. Gamitin nang maayos at iwasang masira ang mga gamit sa paaralan. Sumunod sa mga patakaran sa paaralan at hikayatin ang iba na sumunod dito. Maging aktibo sa pagsali sa ibang gawaing pampaaralan tulad ng pagsali sa sports at ibang samahan na makapagpapaunlad ng talino at mga kakayahan. Upang matupadlahat ng mga tungkulin. kailangan na panatilihin ang iyong pagiging mapanagutan. matutulong ito sa pagharap mo sa unang hamon na darating sa iyong buhaay bilang nagdadalaga/nagbibinata.
“Sa isang taong mapanagutan,
bawat tungkuli’y kaligayahan.” Sagutin: • Magbigay ng tigtatlong tungkulin bawat isa iba’t ibang gampanin at ipaliwanag. A. Sa aking Sarili C. Bilang Kapatid 1. 1. 2. 2. 3. 3. Paliwanag: Paliwanag: B. Bilang Anak D. Bilang Mag-aaral 1. 1. 2. 2. 3. 3. Paliwanag: Paliwanag: