You are on page 1of 2

IKATLONG MARKAHAN

ARALIN 3
ANTAS NG PAGPAPAHALAGA

Naisasagawa ng mag-aaral ang paglalapat ng mga tiyak na hakbang upang mapataas


ang antas ng kaniyang mga pagpapahalaga.
1. Napatutunayang ang piniling uri ng pagpapahalaga batay sa hirarkiya ng mga
pagpapahalaga ay gabay sa makatotohanang pag-unlad ng ating pagkatao. EsP7PB-
IIId-10.3
2. Naisasagawa ang paglalapat ng mga tiyak na hakbang upang mapataas ang antas ng
kaniyang mga pagpapahalaga. EsP7PBIIId-10.4

Bakit nga ba hindi pantay-pantay ang mga bagay? Bakit may itinuturing tayong mahalaga,
mas mahalaga at pinakamahalaga?
Mula sa pag-aaral ni Tong-Keun Min ng limang katangian ng pagpapahalaga o A Study
on the Hierarchy of Values sumulat si Max Scheler ng pag-aaral upang mas maunawaan
kung ano ang pamantayan sa pagpapasiya sa mga antas nito.
Limang Katangian ng Pagpapahalaga o A Study on the Hierarchy of Values
1. Timelessness or Ability to Endure mas tumatagal ang pagpapahalaga kung
ihahambing sa mas mababang pagpapahalaga. Halimbawa, ang paggastos ng pera
upang ipambili ng laptop para sa iyong pag-aaral ay mas mataas kaysa sa ipambili mo
ng sapatos. Mas maraming matututuhan kung ikaw ay bibili ng laptop kaysa sa kasiyahan
ng pisikal na katawan dahil sa sapatos.
2. Indivisibility mas mahirap mabawasan ang kalidad ng pagpapahalaga kahit dumarami
ang nagtataglay nito. Halimbawa, ang salaping mayroon ka, kapag ito ay iyong ibinahagi
lumiliit ang halagang naiiwan sayo ngunit ang pagpapahalaga sa karunungan ay hindi
mababawasan kahit ibahagi mo pa ito sa iba.
3. Mataas ang antas ng pagpapahalaga kung ito ay lumilikha ng iba pang
pagpapahalaga. Halimbawa, mas ninais ng iyong ama na magtrabaho sa ibang bansa
upang masustentuhan ang inyong panganagilangan at upang ikaw ay makapagtapos ng
pag-aaral, tinitiis niya ang lungkot, pangungulila at pagod dahil para sa kanya mas
mataas na pagpapahalaga ang makapagtapos ng pag-aaral ang kanyang anak.
4. Depth of Satisfaction mas malalim ang kasiyahan na nadarama sa pagkamit ng
pagpapahalaga. Halimbawa, ikaw ay nahihilig sa mga gawaing pansimbahan kaya mas
minabuti mong sumama sa prayer meeting kaysa sa pagsama sa iyong mga kaibigan sa
mall.
5. Ang isang pagpapahalaga ay nasa mataas na antas kung hindi ito nakabatay sa
organismong nakararamdam nito. Halimbawa, si Ana ay isang pipi na nakapagtapos ng
pag-aaral na may mataas na karangalan hindi naging hadlang sa kanya ang kanyang
kapansanan. Ang pagnanais niyang magtagumpay sa kanyang larangan ay higit na
mataas kaysa sa kanyang pisikal na kapansanan.
Ayon kay Max Scheler, ang moral na kilos ay nagaganap kung ang isang tao ay pumipili
ng isang pagpapahalaga kapalit ng iba pang pagpapahalaga. Ang paghuhusga sa
pagiging mabuti o masama ng kilos ng tao ay nakasalalay sa pagpili ng pahahalagahan.
Ang paggawa ng mabuti ay nangangahulugan lamang ng pagnanais na piliin ang
pinakamataas na pagpapahalaga laban sa masama. Ayon kay Dr. Manuel hindi dapat
kalimutan ang layunin ng pagpapahalaga. Maaaring hindi naisin ng isang tao na
matugunan ang isang pagpapahalaga ngunit hindi nito kailanman mababago ang
pagpapahalaga lalo na ang nasa mas mataas na antas.

Sanggunian:
https://pdfslide.net/education/k-to-12-grade-7-learning-module-in-edukasyon-
sapagpapakatao-q3-q4.html

You might also like