You are on page 1of 5

EsP Critical Content in Grade 7

and Grade 10
Grade Seven Least Mastered Learning Competencies
1st Napatutunayan na (a) Ang dignidad ang nagpapantay-pantay sa tao hindi lamang batay sa kaniyang
kakayahang magisip at pagiging malaya kundi sa kaniyang pagkabukod-tangi at ito ang pinagbabatayan ng
paggalang sa sarili at kapuwa. b. Ang paggalang sa dignidad ng tao ay nagsisilbing daan upang mahalin ang
kapuwa tulad ng pagmamahal sa sarili. c. Ang paggalang sa dignidad ng tao ay nagmumula sa pagiging pantay
at magkapareho nilang tao.
2nd Nahihinuha na: 1. Ang birtud ng karunungan ay isang praktikal na paglalapat ng kaalaman sa mga angkop na
situwasyon tungo sa kabutihan ng tao at nagbubunga ito ng kaligayahan at mapanagutang pamumuhay. 2. Ang
birtud ng pagtitiwala sa sarili ay bunga ng pagtanggap sa ating pagkatao na nakabatay sa makatotohanang
konsepto sa sarili at ito ay nagbubunsod upang higit pang paunlarin ang ating sarili tungo sa maayos na
pakikipagkapuwa
3rd Naipaliliwanag na ang paglinang ng mga angkop at inaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks) sa
panahon ng pagdadalaga/pagbibinata ay nakatutulong sa: pagkakaroon ng tiwala sa sarili, paghahanda sa
tatlong inaasahang kakayahan at kilos na nasa mataas na antas ng pagdadalaga/pagbibinata (middle and late
adolescence): paghahanda sa paghahanapbuhay, paghahanda sa pagaasawa/pagpapamilya at pagkakaroon ng
pagpapahalaga na gabay sa mabuting asal), at pagiging mabuti at mapanagutang tao

4th Nahihinuha na: 1. Ang birtud ng kababaang-loob, batay sa makatotohanang pagtingin sa sarili, ay hindi
kumukuha ng pansin at papuri mula sa mga tao tungo sa kanyang sarili habang siya ay naglilingkod sa kapuwa.
2. Ang birtud ng pagtitimpi ay paghinayhinay (moderation) at pagpigil sa sarili upang hindi mahumaling sa mga
masarap at kasiyahan (pleasures), kung gayon tayo ay lalong higit na nakararanas ng malalim na kaligayahan at
kalayaan. 3. Ang birtud ng payak na pamumuhay ay pakikipag-ugnayan sa ibang tao nang walang
pagpapanggap; kalakip rin nito ang pagsuko ng mga luho sa buhay upang tayo ay makapagbigay at maglingkod
sa mga nangangailangan.
5th Naipaliliwanag na: Ang Hirarkiya ng mga Pagpapahalaga ang batayan sa pagpili natin ng ating mga
pagpapahalaga tungo sa makatotohanang pag-unlad ng ating pagkatao

2
6th Naipaliliwanag na ang pagpapaunlad ng mga hilig ay makatutulong sa pagtupad ng mga
tungkulin, paghahanda tungo sa pagpili ng propesyon, kursong akademiko o teknikal-
bokasyonal, negosyo o hanapbuhay, pagtulong sa kapuwa at paglilingkod sa pamayanan

7th Napatutunayan na ang pagtupad ng kabataan sa kaniyang tungkulin sa sarili, sa pamilya (bilang
anak at kapatid), bilang magaaral, sa pamayanan, bilang mananampalataya, bilang konsyumer ng
media at sa kalikasan, ay isang paraan upang maging mapanagutan at makapaghanda sa
susunod na yugto ng buhay
8th Nakabubuo ng tamang pangangatwiran batay sa Likas na Batas Moral upang makagawa ng
angkop na pagpapasiya at kilos araw-araw

9th Napatutunayan na ang pagtuklas at pagpapaunlad ng mga angking talent at kakayahan ay


mahalaga sapagkat ang mga ito ay may kaloob na kung pauunlarin ay makahuhubog ng sarili
tungo sa pagkakaroon ng tiwala sa sarili, paglampas sa mga kahinaan, pagtupad ng mga
tungkulin at paglilingkod sa pamayanan
10th Naipaliliwanag na ang isip at kilos-loob ang nagpapabukod-tangi sa tao, kaya ang kaniyang mga
pagpapasiya ay dapat patungo sa katotohanan at kabutihan

3
Grade 10 Least Mastered Skills
1st Natutukoy ang mga prinsipyo ng Likas na Batas Moral

2nd Napatutunayan na ang konsiyensiyang nahubog batay sa Likas na Batas


Moral ay nagsisilbing gabay sa tamang pagpapasiya at pagkilos

3rd Napangangatwiranan na: Makatutulong sa pagkakaroon ng posisyon


tungkol sa kahalagahan ng paggalang sa pagkatao ng tao at sa tunay na
layunin nito ang kaalaman sa mga isyung may kinalaman sa kawalan ng
paggalang sa digniidad at sekswalidad ng tao.

4th Naipaliliwanag na ang bawat yugto ng makataong kilos ay kakikitaan ng


kahalagahan ng deliberasyon ng isip at kilos-loob sa paggawa ng moral na
pasya at kilos
5th Naipaliliwanag na ang pagkakaroon ng kaayusan, kaunlaran at maisusulong
ang kabutihang panlahat kung ang lahat ng tao ay may paninindigan sa
tamang paggamit ng kapangyarihan at pangangalaga sa kapaligiran

4
6th Napatutunayan na gamit ang katwiran, sinadya (deliberate) at niloob ng
tao ang makataong kilos; kaya pananagutan niya ang kawastuhan o
kamalian nito
7th Nakapagsusuri kung bakit ang kahirapan ay paglabag sa dignidad ng mga
mahihirap at indigenous groups
8th Napatutunayang ang pagiging mulat sa mga isyu tungkol sa kawalan ng
paggalang sa katotohanan ay daan upang isulong at isabuhay ang pagiging
mapanagutan at tapat na nilalan
9th Napangangatwiranan na: (a.) Lahat tayo ay mamamayan ng iisang mundo,
dahil nabubuhay tayo sa iisang kalikasan (Mother Nature) (b.) Inutusan
tayo ng Diyos na alagaan ang kalikasan (stewards) at hindi maging
tagapagdomina para sa susunod na henerasyon. Binubuhay tayo ng
kalikasan.
10th Naipatutunayan na nakabatay ang dignidad ng tao sa kanyang
pagkabukod-tangi (hindi siya nauulit sa kasaysayan) at sa pagkakawangis
niya sa Diyos (may isip at kalooban)

You might also like