You are on page 1of 5

Edukasyon sa Pagpapakatao 8

Ikatlong Markahan – Ikalawang Linggo

Modyul 9: Pasasalamat sa Ginawang


Kabutihan ng Kapwa
➢ Alamin
Sa kulturang Pilipino, mayroong kani-kaniyang pamamaraan ng pasasalamat sa mga pagpapalang
natatanggap ng tao at komunidad.
Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas ng mga mag-aaral ang mga sumusunod na kasanayang
pampagkatuto.
a. Napatutunayan na ang pagiging mapagpasalamat ay ang pagkilala na ang maraming bagay na napapasaiyo at
malaking bahagi ng iyong pagkatao ay nagmula sa kapwa, na sa kahuli-hulihan ay biyaya ng Diyos. Kabaligtaran
ito ng Entitlement Mentality, isang paniniwala o pag-iisip na anomang inaasam mo ay karapatan mo na dapat
bigyan ng dagliang pansin. (EsP8PBIIIb9.3)
b. Hindi naglalayong bayaran o palitan ang kabutihan ng kapwa kundi gawin sa iba ang kabutihang ginawa sa iyo.
Naisasagawa ang mga angkop na kilos at pasasalamat. (EsP8PBIIIb9.4)

➢ Subukin:

Panuto: Basahin at intindihin ang bawat aytem. Piliin ang letra ng tamang sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang hindi magandang dulot ng pasasalamat sa kalusugan?


a. Nagiging mas pokus ang kaisipan at may mababang pagkakataonna magkaroon ng depresyon
b. Nanghihikayat upang maging maayos ang sistema ng katawan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mas
malusog na presyun ng dugo at pulse rate.
c. Nakapanghihina ng katawan dahil laging nag-iisip kung paano magpasalamat.
d. Nakapagdadagdag ng likas na antibodies na responsible sa pagsugpo sa mga bacteria sa katawan.
2. Ano ang entitlement mentality?
a. Ito ay paggawad ng titulo o parangal sa isang tao.
b. Ito ay isang paniniwala o pag-iisip na anumang inaasam mo ay Karapatan mon a dapat bigyan ng
dagliang pansin.
c. Ito ay ang pagbibigay serbisyo sa mga pangunahing pangangailangan ng mga tao.
d. Ito ay ang pag-aabuso ng mga mamamayan sa kakayahan ng pamahalaan na tustusan ang kanilang
pangangailangan.
3. Ang mga sumusunod ay mga pakinabang na dulot ng pasasalamat, maliban sa:
a. Pagkakaroon ng kagalakan dahil sa kinikilala mo ang mga kabutihang kaloob ng kapwa.
b. Gumagaan ang pakiramdam sa kabila ng pagsubok dahil nagiging positibo ka sa pananaw sa buhay.
c. Pagkakaroon ng maraming kaibigan dahil ipinapakita mo ang pasasalamat sa kanila.
d. Pagiging maingat sa mga material na pagpapala buhat sa ibang tao
4. Ang birtud na pasasalamat ay gawain ng
a. Kalooban c. damdamin
b. Isip d. konsiyensiya
5. Alin ang hindi kasama sa tatlong antas ang pasasalamat ayon kay Santo Tomas Aquinas?
a. Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa
b. Pagpapasalamat
c. Paggawa ng kabutihan sa ibang tao bilang pagbabalik ng kabutihang ginawa sa iyo
d. Pagpapakita ng pagpapahalaga sa kapwa sa abot ng makakaya
➢ Balikan:
Punan ang mga patlang ng mga nawawalang salita. Balikan ang nakaraang aralin bilang gabay.

Ang ____1________ ay gawi ng isang taong mapagpasalamat, ang pagiging handa sa pagpapamalas ng
pagpapahalaga sa taong gumawa sa kanya ng kabutihang loob. Ang pagkakaroon ng masigla at ____2____ na
pakiramdam tungo sa taong gumawa ng _____3___. Sabi ni Aesop, ____4____is the sign of noble souls. Isa sa
mga paraaan ng pagpapakita ng pasasalamat ay ang pagkakaroon ng _____5_____ ng pasasalamat.

➢ Tuklasin:

Basahin ang mga tanong sa ibaba ng larawan at isulat ang sagot sa papel.

1. Kanino galing ang munting regalo?


2. Sino ang dapat nating pasalamatan?
3. Bukod sa taong nagbigay ng regalo sa atin, sino pa ang nararapat na ating pasalamatan sa lahat
ng bagay na natatanggap natin. At bakit?

➢ Suriin:

Alam natin na sanay ang mga Pilipino sa pagsasabi ng “Salamat po”. kapag narinig mo ang salitang
“Salamat” ay gumagaan ang pakiramdam ng nagbigay dahil alam niya na kinikilala ng kangyang pinagbigyan
ang kabutihang loob na ibinigay sa kanya. Kinagigiliawan ang taong mapagpasalamat. Isang paraan ng
pasasalamat ay ang pagtanaw sa mabuting kalooban ng ibang tao . matutumbasan ito sa pagganti ng mabuting
kalooban sa iba pang tao bukod sa pinagkakautangan ng loob. Ito ay dahil sa oras na umasa ng ganti ang
nagbigay ng tulong sa tinulungang tao, ang utang na loob ay lumalabnaw at magwawakas sa oras na
makabayad sa anumamg “utang” na material na tao.
Samakatuwid, ang pagpapakita ng pasasalamatay hindi lamang sa taong pinagkautangan ng loob,
maaari ding ituon ang pasasalamat sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mabuting puso at paggawa ng Mabuti
sa ibang tao.Dahil sa naranasan mong kabutihan mula sa ibang tao, nagkakaroon ka rin ng paghahangad na
ipakita ang kabutihang ito sa ibang tao.
Ngunit ang utang na loob minsan ay nagagamit din ng ibang tao sa maling paraan o pang-aabuso.
Tuwing halalan, may mga kandidato na kusang tumutulong sa mga taong nangangailangan. Nais ipakita ng
mga kandidato na sila ay matulungin, mabait at nararapat iboto sa eleksyon. Bilang pagtanaw ng utang na
loob, inihalal ng mga taong natulungan ang mga kandidato kahit hindi karapat-dapat ang mga ito na maging
opisyal ng pamahalaan. Napakahalaga na magamit ang pasasalamat o utang na loob nang may pananagutan
at sa tamang paraan.

Sa kulturang Pilipino, mayroong kani-kaniyang pamamaraan ng pasasalamat sa mga pagpapalang


natatanggap galing sa ating Diyos.Sa mga Muslim, nagdiriwang sila sa pamamagitan ng Kanduli, pag-alaala kay
Shariff Kabunsuan na nagpakilala ng relihiyong Islam sa Mindanao. Ang kanduli ay pasasalamat din sa bawat
mabuting nagagawa ng kapatid na Muslim sa kapwa. Sa Visayas, mayroong pagdiriwang tulad ng ati-atihan at
Dinagyang, bilang pagkilala sa kabutihan ng Sto.Niňo lalo na sa oras ng kagutuman at tagtuyot.Mayroon ding
Sinadya saHalaran, isang pagpaparangal sa Birhen ng Immaculate Concepcion dahil sa mga biyayang
natatanggap ng probinsiya ng Capiz at siyudad ng Roxas. Sa Luzon ipinagdiriwang ang mga Pahiyas, at Bacao.
Ang pagiging mapagpasalamat ay tanda ng isang taong puno ng biyaya, isang pusong marunong
magpahalaga sa mga magagandang biyayang natatanggap mula sa kapwa. Mahalaga na marunong kang
magpakumbaba at kilalanin mon a sa tulong ng ibang tao ikaw ay nagging matagumpay. Mahalagang tandan
ang pahayag na “No Man is an Island”. Alam mong pasalamatan ang Diyos na nagbibigay ng iyong mga
pangangailangan at tumutugon sa iyong panalangin, natututuhan mong gantihan ang kabutihan ng Diyos sa
pamamagitan ng paggawa rin ng mabuti sa kapwa.
Ang kawalan ng pasasalamat (ingratitude) ay isang masamang ugali na nakapagpapababa sa pagkatao.
Ingratitude ~ ang kawalan ng pasasalamat; isang masamang ugali na nakapagpapababa sa pagkatao

Tatlong Antas ng Kawalan ng Pasasalamat

1. Ang pagbabalik ng kabutihang loob sa kapwa sa abot ng makakaya


2. Ang pagtatago sa kabutihang ginawa ng kapwa
3. Ang pagkilala o hindi pagkalimot sa kabutihang natanggap mula sa kapwa

Entitlement Mentality ~ Isang paniniwala o pag-iisip na anumang inaasam ng isang tao ay karapatan
niya na dapat bigyan ng dagliang pansin.

Dulot ng Pagiging Mapagpasalamat sa Kalusugan

1. Ang paglalaan ng 15 minuto bawat araw na magtuon sa mga bagay na pinasasalamatan ay


nakapagdaragdag ng likas na antibodies na responsable sa pagsugpo sa mga bacteria sa katawan.
2. Ang mga likas na mapagpasalamat na tao ay mas pokus ang kaisipan at may mahabang
pagkakataon na magkaroon ng depresyon.
3. Ang pagiging mapagpasalamat ay naghihikayat upang maging maayos ang sistema ng katawan sa
pamamagitan ng pagkakaroon ng mas malusog na presyon ng dugo at pulse rate.
4. Nagiging mas malusog ang pangangatwan at mas mahusay sa mga gawain ang mga
mapagpasalamat na tao kaysa sa mga hindi.
5. Ang mga benefactor ng mga donated organs na may saloobing pasasalamat ay mas mabilis
gumaling.

Dahilan Kung Bakit Nagdudulot ng Kaligayahan sa Tao ang Pasasalamat

1. Nagpapataas ng halaga sa sarili


2. Nakatutulong upang malampasan ang paghihirap at masamang karanasan.
3. Nagpapatibay ng moral na pagkatao.
4. Tumutulong sa pagbuo ng samahan ng kapwa.
5. Pumipigil sa tao na maging mainggitin sa iba.
6. Hindi sumasang-ayon sa negatibong emosyon.
7. Tumutulong upang hindi masanay sa pagkahilig sa mga materyal na bagay o sa kasiyahan.

➢ Pagyamanin :
Sa papel, pagnilayan at sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Ano, para sa iyo, ang pasasalamat?
2. Bakit mahalaga na maisabuhay mo ang birtud ng pasasalamat?
3. Magbigay ng indikasyon ng taong mapagpasalamat.
4. Paano naipakikita ng tao ang kabutihang natatanggap sa iba?
5. Dapat bang magpasalamat sa taong nakagawa sa iyo ng kabutihan? Pangatwiranan.
➢ Isaisip:

Panuto: Buuin ang mahalagang konsepto na nahinuha mula sa mga nagdaang gawain at babasahin na binasa.

“Ang pagiging mapagpasalamat ay ang pagkilala___________________________________

______________________________________________________________________________________

Ito ay kabaligtaran ng ____________________________________________________________________

Hindi naglalayong _______________________________________________________________________.

➢ Isagawa:

Panuto:
Gumawa ng isang maikling liham pasasalamat.(5 puntos)

Sangguniang aklat:

Edukasyon sa Pagpapakatao 8

Modyul para sa mag-aaral , pahina 227

Inihanda nina:

AMELIA D. BALDO

JURISH P. LAMSEN

KATRINA ISABEL F. RAMOS

Mga guro sa EsP 8

Pinansin ni:

DITAS M. LOPEZ
Ulongguro VI

Inaprubahan ni:
ELVIRA C. VIRAY, Ed.D.
Principal IV

You might also like