Professional Documents
Culture Documents
sa Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 2
Mga Talento at
Kakayahan
1
LAYUNIN:
Sa module na ito, inaasahang maipamamalas mo ang mga sumusunod na
kaalaman, kakayahan at pag-unawa:
INTRODUKSYON
Tayong lahat ay biniyayaan ng mga natatanging talento at kakayahan.
Bilang ang talento at kakayahan ay biyaya sa atin, marapat lamang natin itong
ibahagi sa nakararami upang magbigay ng inspirasyon at lakas ng loob.
Tungkulin nating paunlarin ang pinagkaloob sa atin na mga talento at kakayahan.
Kung minsan man tayo ay nahihiya na ipakita o ipamalas ito dahil sa mga
posibilidad na kritisismo o takot na mabigo at mapulaan ng iba, mas dapat nating
bigyang pansin ang inspirasyong nadudulot nito sa ibang tayo. At sa
pamamagitan ng pagbabahagi natin ng ating talento at kakayahan ay ating
napauunlad at napaghuhusayan ang paggamit nito.
KONTEKSTO
Sa panahon ng sakuna likas sa mga Pilipino na magbahagi lalo na sa
mga taong nangangailangan. Mapamateryal man, lakas o panahon ay walang
pinipili ang mga Pilipino upang makatulong. Gaya na lamang sa panahong ito ng
pandemya, maraming indibidwal ang naglaan ng oras at panahon upang
maibahagi ang kanilang talento na makakatulong sa mga nangangailangan. Isa
na dito ang pagguhit at pagpipinta ng mga taong may talento sa ganitong
larangan upang ibenta at pagkakitaan para may mailaan sa mga lubos na
nangangailangan. Ang iba ay nag-alay ng mga kanta at tula na makakapag-
pagaan sa loob ng mga taong lubos na nalulumbay dahil sa hirap ng
nararanasan. Ang iba naman ay nagluto at nagbigay ng pagkain sa mga taong
kapos at walang kakayahang makabili ng panlaman ng tiyan dahil sa kawalan ng
trabaho na dinulot ng pandemiya. Ang pagguhit, pagpinta, pagkanta pagsulat ng
tula, at pagluluto ay mga talentong ginamit at inilaan upang makatulong sa ibang
tao at isa ito’y isang magandang halimbawa ng pagbabahagi ng talento at
kakayahan sa konteksto ng pangangailangan.
2
Ngayong tila lumuluwag na ang panahon para makakilos ang karamihan,
maraming tao ang patuloy na nagpapamalas ng kanilang talento at kakayahan.
Tulad na lamang mga taong nabiyayaan ng galing sa pagkanta, ipinamamalas
nila ito sa pamamagitan ng pagkanta sa loob ng simbahan upang makapag
papuri at makapag pasalamat sa Diyos. Ang iba namang may kakayahan sa
pagtuturo ay nagbabahagi ng oras upang makatulong sa mga batang hirap sa
pag-aaral. Mayroon pang mga paraan upang ang talento at kakayahan ay
maibahagi. Halika’t ating tuklasin!
PAGLALAHAD
Maraming paraan ang makakatulong sa
pagpapa-unlad ng ating mga talento at
kakayahan. Isa na rito ang pagbabahagi
ng ating talento at kakayahan sa
pamamagitan ng pag perform sa harap ng
maraming tao. Maaari din na sa ganitong
paraan ay makapag- bigay tayo ng
inspirasyon upang matuklasan din ng iba
ang kanilang talentong dapat linangin.
Paraan din ng pagbabahagi ng talento ang
pagtulong sa ibang tao kung papaano nila mas malilinang ang kanilang taglay na
kakayahan at talento. Upang matuklasan ang ating talento, nararapat lamang na
subukin natin ang ating mga sarili. Tuklasin natin ang bagay kung saan tayo
magaling sa paraan ng pagsubok nito.
3
Ang kakayahan naman ay likas o tinataglay ng tao dahil na rin sa kaniyang
intellect o kakayahang mag-isip. Sa gayon, ang kahusayan sa isang larangan ay
ayon sa kaniyang kakayahang intelektuwal.
May iba’t-ibang talento at kakayahan ang kinikilala mula sa teorya ni Dr. Howard
Gardner. Isang napakahalagang teorya ang binuo ni Dr. Howard Gardner noong
1983, ito ang teoryang Multiple Intelligences. Ayon sa teoryang ito, ang mas
angkop na tanong ay – “Ano ang iyong talino?” at hindi, “Gaano ka katalino?”
Ayon
kay Gardner, bagama’t lahat ng tao ay may angking likas na kakayahan, iba’t iba
ang talino o talento. Ang mga ito ay ang mga sumusunod:
5
Interpersonal- Ito ang talino sa interaksyon o
pakikipag-ugnayan sa ibang tao. Ito ang kakayahan
ugnayan na makipagtulungan at makiisa sa isang
pangkat. Ang taong may mataas na interpersonal
intelligence ay kadalasang bukas sa kanyang
pakikipagkapwa o extrovert. Siya ay sensitibo at
mabilis na nakatutugon sa pagbabago ng damdamin,
motibasyon, at disposisyon ng kapwa. Mahusay siya
sa pakikipag- at may kakayahang mailagay ang sarili
sa sitwasyon ng iba o may empathy sa kapwa. Siya
ay epektibo bilang pinuno o tagasunod man.
Kadalasan siya’y nagiging tagumpay sa larangan ng
kalakalan, politika, pamamahala, pagtuturo o
edukasyon at social work.
6
Ilan sa mga bagay na makakatulong sa atin upang mapaunlad ang ating mga talento at
kakayahan ay ang mga sumusunod:
Mabubuo ang tiwala natin sa ating sariling talento at kakayahan kung matututunan natin
itong paunlarin. Hindi dapat tayo padadaig sa panghuhusga ng mga taong nakakakita at
nakapaligid sa atin. Mahalagang pagkatiwalaan natin ang ating sarili. Ayon kay Covey
(Seven Habits of Highly Effective Teens, 1998) ang pag-unlad ng mga kakayahan ay
nagsisimula rin sa ating sarili. Ayon pa sa kaniya, ang tunay na kabiguan ay ang
kabiguan ng isang taong hindi kumilos upang paunlarin ang kaniyang sarili. Kaya
marapat lamang na pagkatiwalaan natin ang ating sariling talento at kakayahan upang
hindi makaranas ng kabiguan. Gamitin natin ang ating talento at kakayahan sa tamang
pamamaraan dahil ito ay biyayang nagmula sa Diyos. Atin itong ipagmalaki ngunit wag
ipagmayabang. Ipagmalaki ito dahil walang ginawa ang Diyos na kahiyahiya. Bilang
isang tao, di dapat mawala sa atin ang kagustuhang umunlad ang biyaya sa ating
talento at kakayahan. Ngunit huwag kakalimutan na ang pag-unlad ay may kaakibat na
paglilingkod bilang isang kapwa at bilang anak ng Diyos. Paglingkuran ang Diyos at ang
kapwa sa pamamagitan ng talento at kakayahan dahil ginagantimpalaan ng Diyos ang
mga taong gumagamit ng talento sa kabutihan.
7
PAGSASABUHAY (INTEGRATION)
Talento at Kakayahan Mo, Ibahagi Mo!
Matapos tukuyin ang iyong talento at kakayahan mula sa iyong binasa, ipakita at
ipagmalaki ito sa iyong pamilya o kaibigan. Kunan ng video ang pagpapakitang gilas ng
iyong talento. Matapos gawin ito, humingi ng feedback mula sa bawat miyembro ng
iyong pamilya o kaibigan at tukuyin mula sa feedback ang mga kinakailangang paraan
kung paano mo pa malilinang at mapapaunlad ang iyong talento at kakayahan. Isulat ito
sa kuwaderno.
8
MGA GAWAIN:
Gawain 1: Piliin at bilugan ang titik na may tamang sagot.
1. Ang multiple intelligence ay binuo ni ___________.
a. Thorndike
b. Dr. Howard Gardner
c. Barnhart
d. Covey
2. Ito ang talinong kaugnay ng lohika.
a. Verbal/Linguistic
b. Visual/Spatial
c. Mathematical/Logical
d. Bodily/Kinesthetic
3. Ayon sa _____________ ang talento ay ginagamit na kasingkahulugan ng
biyaya at kakayahan Ito ay likas na kakayahan na kailangang tuklasin at
paunlarin.
a. Webster Dictionary
b. Beginning Dictionary
c. Oxford Dictionary
d. Wikipedia
4. Ang taong may talinong ito ay natututo sa pamamagitan ng damdamin, halaga,
at pananaw.
a. Interpersonal
b. Naturalist
c. Existentialist
d. Intrapersonal
5. Si Thorndike at Barnhart ay mga ____________.
a. Nutrisyunista
b. Parmaseutiko
c. Sikolohista
d. Sosyolohista
Gawain 2: Isulat sa patlang ang T kung tama ang pahayag at M naman kung mali.
______1. Ang pagbabahagi ng talento at kakayahan ay isa sa paraan para
pagpapaunlad ito.
______2. Marapat lamang na ipakita ang ating talento kakayahan upang
makapagmayabang.
______3. Mahalagang paunlarin ang ating talento at kakayahan upang tayo ay umangat
sa lipunan at makaangat sa nakararami.
______4. Ang talento at kakayahan natin ay biyaya ng Diyos na nararapat na ibahagi.
______5. Maglaan ng saktong oras upang maibahagi ang talento at kakayahan.
9
Gawain 3: Isulat ang iba’t ibang uri ng talino sa katapat na larangang nakasulat sa mga
sumusunod na bilang.
1. Arkitektura-
2. Abogasya-
3. Politika-
4. Mamamahayag-
5. Karpintero-
6. Musikero-
7. Negosyante-
8. Magsasaka-
9. Doktor-
10.Guro-
Mga Sanggunian:
https://www.slideshare.net/alonapbeltran/kakayahan-at-talento
https://znnhs.zdnorte.net/wp-content/uploads/2020/11/ESP7_Q1_W6.pdf
https://brainly.ph/question/1622183
https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-7-learning-material-in-edukasyon-sa-
pagpapakatao-q1q2
Mga Larawan:
https://www.subpng.com/png-a84tfs/download.html
https://www.pngkey.com/download/u2t4t4a9o0i1w7e6_math-genius-png/
https://webstockreview.net/explore/intelligent-clipart-mental-ability/
https://pngio.com/PNG/a78987-reading-cartoons-png.html
https://webstockreview.net/explore/gymnast-clipart-bodily-kinesthetic-intelligence/
https://paulfox.blog/2019/06/16/the-importance-of-music-education/
https://webstockreview.net/explore/intelligent-clipart-intrapersonal-intelligence/
https://webstockreview.net/explore/friendship-clipart-interpersonal-intelligence/
http://www.clipartpanda.com/clipart_images/existential-intelligence-has-a-59527345
10