You are on page 1of 5

Learning Module

Edukasyon sa Pagpapakatao 8
2nd Quarter
ARALIN 2: ANG PAKIKIPAGKAPUWA

A. Panimula at Pokus na Tanong

Sa nakaraang aralin ay tinalakay natin ang kahalagahan ng pakikipagkapuwa at kung ano


ang mahalagang dulot nito sa ating pagkatao. Nabatid natin na tayo ay panlipunang nilalang
at ang malaking bahagi ng ating pagkatao ay ay nagmumula sa ating kapuwa. Hindi man
natin nababatid, tayo ay nabubuhay sa mundong ito dahil sa kabutihan ng ating kapuwa at
tayo naman ay nabubuhay para sa ating kapuwa. Mahalaga na maging makabuluhan ang
ating pakikipag-ugnayan sa kanila at makatugon sa kanilang pangangailangan kahit bilang
isang mag-aaral at kabataan. Sa pagtatapos ng modyul na ito ay inaasahan na masasagot mo
ang mahalagang katanungan na, “Paano nagiging ganap ang tao sa pamamagitan ng
pakikipagkapwa?”

Paano magiging ganap na


tao sa pamamgitan ng
pakikipagkapuwa?

B. Saklaw ng Modyul:
Sa modyul na ito, ay inaasahang matututuhan mo ang mga sumusunod:

Aralin Pamagat Target ng Pagkatuto Bilang ng


Bilang Oras

2 Ang Sa pagtatapos ng araling ito:


Pakikipagkapuwa 1. Magagawa kong mahinuha
na: 3 oras
● Ang tao ay likas na
panlipunang nilalang,
kaya’t nakikipag-
ugnayan siya sa
kanyang kapwa upang
malinang siya sa
aspektong intelektwal,
panlipunan,
pangkabuhayan, at
politikal.
● Ang birtud ng
katarungan (justice) at
pagmamahal (charity)
ay kailangan sa
pagpapatatag ng
pakikipagkapwa.
● Ang pagiging ganap
niyang tao ay matatamo
sa paglilingkod sa
kapwa - ang tunay na
indikasyon ng
pagmamahal;
2. Magagawa kong
maisagawa ang isang
gawaing tutugon sa
pangangailangan ng mga
mag-aaral o kabataan sa
paaralan o pamayanan sa
aspektong intelektwal,
panlipunan,
pangkabuhayan, o
pulitikal

C. Mapa ng Konsepto:
Ito ang konsepto ng araling tatalakayin sa paksang ito.
D. Pinakamahalagang Kasanayang Pagkatuto:
Nahihinuha na: Ang tao ay likas na panlipunang nilalang, kaya’t nakikipag-ugnayan siya
sa kanyang kapwa upang malinang siya sa aspektong intelektwal, panlipunan,
pangkabuhayan, at politikal. Ang birtud ng katarungan (justice) at pagmamahal (charity)
ay kailangan sa pagpapatatag ng pakikipagkapwa. Ang pagiging ganap niyang tao ay
matatamo sa paglilingkod sa kapwa - ang tunay na indikasyon ng pagmamahal;

Naisagawa ang isang gawaing tutugon sa pangangailangan ng mga mag-aaral o kabataan


sa paaralan o pamayanan sa aspektong intelektwal, panlipunan, pangkabuhayan, o
pulitikal

E. Mahalagang Pag-uugali:
Sa pamamagitan ng pagtukoy at pagsusuri sa kapuwa at kanilang impluwensiya ang
mga mag-aaral ay magiging:

Wholeheartedness
Mga indibidwal na laging pipiliin ang paggawa ng mabuti sa kapuwa.

Sa pagkakataong ito ay pagnilayan mo ang katanungang…


Tanong:

“Ano ang kahalagahan ng paggawa ng mabuti sa kapuwa?”

F. Inaasahang Kasanayan:
Upang mapagtagumpayan na masagutan ang modyul at malinang ng lubos nang may pag-
unawa, kinakailangang tandaan at gawin mo ang mga sumusunod:
1. Mahihinuha na: Ang tao ay likas na panlipunang nilalang, kaya’t nakikipag-
ugnayan siya sa kanyang kapwa upang malinang siya sa aspektong intelektwal,
panlipunan, pangkabuhayan, at politikal. Ang birtud ng katarungan (justice) at
pagmamahal (charity) ay kailangan sa pagpapatatag ng pakikipagkapwa. Ang
pagiging ganap niyang tao ay matatamo sa paglilingkod sa kapwa - ang tunay na
indikasyon ng pagmamahal; at
2. Maisagawa ang isang gawaing tutugon sa pangangailangan ng mga mag-aaral o
kabataan sa paaralan o pamayanan sa aspektong intelektwal, panlipunan,
pangkabuhayan, o pulitikal

YUGTO NG PAGKATUTO:
A. Pre-Synchronous Activity (10 minuto)
Pagganyak: Video Analysis
Total Isolation
Panoorin ang maikling video na inihanda ng guro at sagutin ang mga katanungan sa ibaba.

48 hours of total isolation - Horizon - BBC

Mga Tanong:
a. Ano ang nangyari sa mga nagboluntaryo na sumubok sa “Total Isolation
Experiment”?
b. Sa inyong sariling palagay bakit kaya ito nangyari sa kanila?

Pagtuklas: Tula-suri

Panuto: Basahin at unawain ang tula at pagkatapos ay sagutin ang katanungan.

1. Ano ang kabutihang naidudulot ng pagiging bahagi ng mga samahan? Magbigay ng


halimbawa.
2. Paano mo pakikitunguhan ang taong ayaw makiisa at makibahagi sa mga gawain ng
pangkat?
3. Makakamtan ba natin ang kaganapan ng ating pagkatao sa pamamagitan ng
pakikipagkapwa? Ipaliwanag.

B. Pagpapaliwanag (60 minutes)


Para sa kabuuan ng aralin, narito ang link na maaaring puntahan

2ndQ_ESP_Week2_Slides

C. Post-Synchronous Activity (10 minuto)


I. Panuto: Basahin at suriin ang mga katanungan. Ang kasagutan ay
hindi bababa sa tatlong talata.

Pangkatang Gawain:

Unang Pangkat: Sinasabing ang tao ay isang likas na panlipunang nilalang,


pangatuwiranan kung paano nalilinang ang aspektong intelektwal, panlipunan,
pangkabuhayan, at politikal ng isang indibidwal sa pamamagitan ng
pakikipagkapuwa.

Ikalawang Pangkat: Bakit kailangan ang birtud ng katarungan at pagmamahal


sa pagpapatatag ng pakikipagkapuwa?

Ikatlong Pangkat: Sang-ayon ka ba o hindi sang-ayon na ang pagiging ganap


na tao ay matatamo sa paglilingkod sa kapuwa? Pangatuwiranan.

Batayan sa Pagmamarka:
Nilalaman o/at lalim ng repleksiyon - 7 puntos
Pagsunod sa panuto - 5 puntos
Pagpasa sa takdang oras - 3 puntos
Kabuoan: 15 puntos

D. Summative Assessment (30 minuto)


Panuto: Gumawa ng sagisag/simbolismo na tutugon sa pangangailangan ng
mga mag-aaral o kabataan sa paaralan o pamayanan sa aspektong:
Option A: intelektwal
Option B: panlipunan
Option C:pangkabuhayan,
Option D: politikal
I-post ang gawain sa isa sa mga social media platform (facebook,
instagram, at tiktok) at gawing caption ang kasagutan sa katanungang
nakatalaga sa inyong pangkat sa Post-synchronous na gawain.

Batayan sa Pagmamarka:
Pagkamalikhain - 10 puntos
Kaugnayan sa paksa - 15 puntos
Pagsunod sa panuto - 3 puntos
Pagpasa sa takdang oras - 2 puntos
Kabuoan: 30 puntos

TALASANGGUNIAN:

DepEd Learning Module: Edukasyon sa Pagpapakatao Ikawalong Baitang (8) Modyul Para sa
Mag-aaral

Bognot, et al. 2013

Punsalan, T. G., Gonzales, C. C., Nicolas, M. V. D., Martes, N. C. (2013). Pagpapakatao:


Batayang Kagamitang Pampagtuturo Baitang 8. Manila: Rex Book Store, Inc. (RBSI)

You might also like