You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8

Pangalan:_______________________________Markahan: Ikalawang Markahan/Modyul 5


Petsa: Ika – 30 ng Agosto, 2019 Bilang ng Oras: Dalawang Oras

Ikalawang Sesyon
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa konsepto
Pangnilalaman ng pakikipagkapwa.

B. Pamantayan sa Naisasagawa ng mag-aaral ang isang pangkatang gawaing


Pagganap tutugon sa pangangailangan ng mga mag-aaral o kabataan
sa paaralan o pamayanan.

C. Mga Kasanayan sa 1. Nahihinuha na:


Pagkatuto a. Ang tao ay likas na panlipunang nilalang, kaya’t
nakikipag-ugnayan siya sa kanyang kapwa upang
malinang siya sa aspetong intelektwal, panlipunan,
pangkabuhayan, at politikal.

b. Ang birtud ng katarungan (justice) at pagmamahal


(charity) ay kailangan sa pagpapatatag ng
pakikipagkapwa

c. Ang pagiging ganap niyang tao ay matatamo sa


paglilingkod sa kapwa - ang tunay na indikasyon ng
pagmamahal.
(EsP8P-IIb-5.3)

2. Naisasagawa ang isang gawaing tutugon sa


pangangailangan ng mga mag-aaral o kabataan sa paaralan
o pamayanan sa aspetong intelektwal, panlipunan,
pangkabuhayan, o pulitikal ( EsP8P-IIb-5.4)
LAYUNIN (LO):Tiyak na
Layunin

II. NILALAMAN
Paksa: Ang Pakikipagkapwa

III. KAGAMITANG
PANTURO
A. Sanggunian
1. TG at LM, Teksbuk TG pp. 84-85, LM pp. 116-127
2. LRMDC Portal
B. Iba pang kagamitang Video clip, PPT, charts
Panturo
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-Aral Ano ang ibig sabihin ng salitang kapwa?
Sino-sino ang iyong kapwa?
B. Paghahabi sa Layunin Kaya mo bang mabuhay nang walang kapwa? Sang-
ayon ka ba sa pahayag na “No man is an island?”
Ipaliwanag.
C. Pag-uugnay sa Ipabasa ng mabuti sa mga mag-aaral ang tula sa
halimbawa pahina 116 (mas mainam kung ipabasa ito gamit ang Power
Point Presentation) na nagpapakita ng kahalagahan ng
makabuluhang pakikipagkapwa.

1. Ano-anong aspekto ng pagkatao ang malilinang sa


pakikipag-ugnayan sa kapwa? Ipaliwanag ang bawat
isa.
2. Ano ang kabutihang naidudulot ng pagiging bahagi
ng mga samahan? Magbigay ng halimbawa.
3. Paano mo pakikitunguhan ang taong ayaw makiisa
at makibahagi sa mga gawain ng pangkat?
4. Ano ang maaaring gawin upang maipakita ang
pagmamalasakit sa kapwa?
5. Makakamtan ba natin ang kaganapan ng ating
pagkatao sa pamamagitan ng pakikipagkapwa?
Ipaliwanag

D. Pagtalakaysakonsepto Ipapabasa sa mga mag-aral ang bahagi ng


at pagpapalalim sa pahina 117-127 sa loob ng 15 minutes
Kasanayan #1. (mas mainam na ipabasa sa kanila gamit ang video clip o
PPT).

E. Pagtatalakay sa Pagkatapos magkaroon ng mas malalim na


konsepto at kaalaman at pag-unawa sa mga konsepto ng
kasanayan #2 pakikipagkapwa, pag-isipan at sagutin ang sumusunod na
tanong sa:

1. Ano ang mga indikasyon na ang tao ay likas na


panlipunang nilalang? Ipaliwanag.
2. Ano-ano ang pangangailangan ng tao ang
natutugunan at nalilinang dahil sa kaniyang
pakikipagkapwa? Ipaliwanag ang bawat isa.
3. Bakit kailangan ng taong mapabilang sa mga
samahan o organisasyon? Patunayan batay sa iyong
karanasan.
4. Ipaliwanag kung bakit ang pakikipagkapwa ay
kalakasan at kahinaan din ng mga Pilipino.
5. Ano-ano ang katangiang matatagpuan sa isang
makabuluhan at mabuting pakikipag-ugnayan sa
kapwa? Ano ang mga maaaring gawin upang ito ay
mapaunlad?
6. Gaano kahalaga ang pakikipagkapwa? Paano ito
mapatatatag? Paano nalilinang ang mga
pagpapahalaga sa pamamagitan ng
pakikipagkapwa?

F. Paglinang sa Pangkatang Gawain:


kabihasaan
Panuto: Ipaskil sa pisara ang graphic organizer na nasa
module o maaari rin namang lumikha ng sariling graphic
organizer.
Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng batayang
konsepto. Tumawag ng ilang mga mag-aaral na
magbabahagi ng nabuong konsepto.

G. Paglalapat ng Aralin Panuto:

1. Balikan ang mga sagot mo sa unang hanay ng


Worksheet (Unang Sesyon). Mayroong kang itinala
na mga taong itinuturing mong kapwa na nais mong
mapaglingkuran.
2. Gamit ang talaan sa pahina 130 (Plano ng aking
Paglilingkod), isulat sa journal ang 3 taong nais
mong paglingkuran at ang mga bagay na nais mong
gawin upang mapaunlad mo ang pakikipag-ugnayan
at pakikipagkaibigan sa kanila.
3. Ibatay ang mga gagawing paraan ng paglilingkod sa
mga prinsipyo ng pagpapaunlad ng pakikipag-
ugnayan at pakikipagkaibigan (Balikan ang teksto sa
Pagpapalalim).
H. Paglalahat ng Aralin 1. Paano mo masasabi na ang tao ay panlipunang
nilalang?
2. Anong birtud ang kailangan upang mapatatag ang
pakikipagkapwa? Ipaliwanag
3. Paano maipapakita ang pagmamahal sa kapwa?
I. Pagtataya ng Aralin Sagutin ang pagtataya sa pahina 105 – 107

J. Karagdagang Gawain Punan ang worksheet gamit ang gabay sa PLANO NG


PAGLILINGKOD na nasa pahina 136. Siguraduhing may
lagda ang magulang, gurong tagapayo at guro ng ESP sa
worksheet.

Inihanda ni:

MINA M. MONTILLA
MT-I
Cabadbaran City National High School

Sinuri ni:

MARIETTA U. BAUTISTA
Education Program Supervisor in ESP/SPED

You might also like