You are on page 1of 15

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Pangasinan Division II
SANTO TOMAS CATHOLIC SCHOOL
Mangaldan, Pangasinan

SEMI DETAILED LESSON PLAN


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8

Aralin 7: Ako at ang Ibang Tao, Kapwa-Tao Yunit II Araw at Oras: 2-1
I. Mga Layunin
A. Mga Pamantayan sa Pagkatuto (Learning Standards)
1. Pangnilalaman (Content Standards) 2. Pagganap (Performance Standard)
- Naipapamalas ng mag-aaral ang pag- - Naisasagawa ng mag-aaral ang
unawa sa konsepto ng pakikipagkapwa isang pangkatang gawaing tutugon
sa pangangailangan ng mga mag-
aaral o kabataan sa paaralan o
pamayanan.
B. Batayang Konsepto
- Ang tao ay likas na panlipunang nilalang, kaya’t kailangan niyang mamuhay sa lipunan
kasama ang kanyang kapwa upang malinang siya sa aspetong intelekwal, panlipunan,
pangkabuhayan, at political. Ang pagmamahal na naipapakita sa paglilingkod sa kapwa ay
kailangan upang maging ganap na tao.
Mga Kasanayan sa Pagkatuto:
1. Natutukoy ang mga taong itinuturing niyang kapwa at ang kahalagahan ng pagpapaunlad ng
pakikipag-ugnayan sa kapwa.
2. Nasusuri ang mga impluwensya ng kanyang kapwa sa kanya sa aspetong intelektwal, panlipunan,
pangkabuhayan, at politikal.
3. Nahihinuha na:
- Ang tao ay panlipunang nilalang, kaya’t nakikipag-ugnayan siya sa kanyang kapwa upang
malinang siya sa aspetong intelektwal, panlipunan, pangkabuhayan, at politikal.
- Ang birtud ng katarungan (justice) at pagmamahal (charity) ay kailangan sa pagpapatatag ng
pakikipagkapwa.
- Ang pagiging ganap niyang tao ay matatamo sa paglilingkod sa kapwa ang tunay na
indikasyon ng pagmamahal.
4. Naisasagawa ang isang gawaing tutugon sa pangangailangan ng mga mag-aaral o kabataan sa
paaralan o pamayanan sa aspetong intelektwal, panlipunan, pangkabuhayan, at politikal.
II. Plano ng Pagtuturo
A. Panimula:
- Talakayin ang panimula sa pahina 135-136 ng Aralin 7.
 Mayroon ba kayong gusting linawin tungkol sa mga layuning binasa?
B. Paunang Pagtataya:
- Ibahagi ang Isip at Damdamin (pahina 138-139)
C. Pagtuklas ng dating Kaalaman:
- Gamit ang puzzle
- Ipagawa ang Gawain 2 a pahina 141 ng Aralin 7
D. Paglinang ng dating kaalaman:
- Pagsusuri sa mga aspektong intelekwal, panlipunan, pangkabuhayan, at politikal
E. Pagpapalalim:
- Lecturette
 Ang tao bilang panlipunang nilalang
 Ang pakikipagkapwa at ang golden rule
 Ang kahalagahan ng pakikiisa, komunikason at pagtutulungan
 Ang kahalagahan ng pagbubuo at pagsali sa mga samahan
 Pakikipagkapwa: kalakasan at kahinaan ng Pilipino
 Mga katangian ng makabuluhan at mabuting pakikipag-ugnayan sa kapwa
 Mga prinsipyo sa pagpapaunlad ng pakikipag-ugnayan sa kapwa
III.Pagsasabuhay ng mga Pagkatuto
a. Pagganap:
- Plano ng paglilingkod (individual)
b. Pagninilay:
- Sa journal notebook, isulat ang sariling reyalisasyon at pagninilay batay sa paksang
tinalakay.
c. Pagsasabuhay:
- Gumawa ng plano ng paglilingkod bilang gabay sa pagawa ng malinaw at makatotohanang
plano sa aspetong intlektwal, panlipunan, pangkabuhayan, o political. Pumili lamang ng isa
na kaya mong isakatuparan.

Republic of the Philippines


DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Pangasinan Division II
SANTO TOMAS CATHOLIC SCHOOL
Mangaldan, Pangasinan

SEMI DETAILED LESSON PLAN


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8
Aralin 8: Ang Pakikipagkaibigan bilang Isang Yunit II Araw/Oras: 2-1
Kayamanan
I. Mga Layunin
A. Mga Pamantayan sa Pagkatuto (Learning Standards)
1. Pangnilalaman (Content Standards) 2. Pagganap (Performance Standard)
- Naipapamalas ng mag-aaral ang - Naisasagawa ng mag-aaral ang mga
pag-unawa sa pakikipagkaibigan. angkop na kilos upang mapaunlad ang
pakikipagkaibigan.
B. Batayang Konsepto
Ano ang pinakamahalagang mensahe na dapat maunawaan at maipamalas ng mag-aaral?
 Ang pakikipagkaibigan ay nakatutulong sa paghubog ng matatag na pagkakakilanlan at
pakikisalamuha sa lipunan.
 Maraming kabutihang naidudulot ang pagpapanatili ng mabuting pakikipagkaibigan: ang
pagpapaunlad ng pagkatao at pakikipagkapwa at pagtamo ng mapayapang lipunan/pamayanan.
 Ang pagpapatawad ay palatandaan ng pakikipagkaibigang batay sa kabutihan at pagmamahal.
Nakatutulong ito sa pagtamo ng integrasyong pansarili at pagpapaunlad ng pakikipagkapwa.
Mga kasanayan sa pagkatuto:
1. Natutukoy ang mga taong itinuturing niyang kaibigan at ang mga natutuhan niya mula sa mga ito
2. Nasusuri ang kanyang mga pakikipagkaibigan batay sa tatlong uri ng pakikipagkaibigan ayon kay
Aristotle
3. Nahihinuha na ang:
- Ang pakikiagkaibigan ay nakatutulong sa paghubog ng matatag na pagkakakilanlan at
pakikisalamuha sa lipunan.
- Maraming kabutihang naidudulot ang pagpapanatili ng mabuting pakikipagkaibigan: ang
pagpapaunlad ng pagkatao at pakikipagkapwa at pagtamo ng mapayapang
lipunan/pamayanan.
- Ang pagpapatawad ay palatandaan ng pakikipagkaibigang batay sa kabutihan at
pagmamahal. Nakatutulong ito sa pagtamo ng integrasyong pansarili at pagpapaunlad ng
pakikipagkapwa.

4. Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang mapaunlad ang pakikipagkaibigan (hal.: pagpapatawad).

II. Plano ng Pagtuturo


A. Panimula:
- talakayin ang panimula sa pahina 156 ng Aralin 8.
 Mayroon ba kayong gusting linawin tungkol sa mga layuning binasa?
B. Paunang pagtataya:
- Ibahagi ang Isip at Damdamin (pahina 158-159 ng Aralin 8)
C. Pagtuklas ng dating kaalaman:
- Profile ng aking mga kaibigan
- Suriin ang pagkakaiba at pagkakatulad mo at iyong mga kaibigan gamit ang “Venn
Diagram”.
D. Paglinang ng dating kaalaman:
- Dahilan kung bakit kita nagging kaibigan?
- Naisasabuhay ko ba ang pakikipagkaibigan?
E. Pagpapalalim:
- Lecturetten
 Ang pakikipagkaibigan
 Tatlong uri ng pakikipagkaibigan
 Pakikipagkaibigan tungo sa matatag na pagkakakilanlan at kaganapan ng pagkatao
 Mga sangkap sa pakikipagkaibigan
 Pagpapatawad: Batayan ng kabutihan at Pagmamahal

III.Pagsasabuhay ng mga Pagkatuto


a. Pagganap b. Pagninilay
- Paggawa ng isang Wanted: Best - Magtala sa isang papel ng mga
friend Poster pagkatuto a aralin tungkol sa
- Recipes ng Pagkakaibigan pagkakaibigan.
c. Pagsasabuhay
- Balikan ang ginawang Recipe ng pagkakaibigan. Lumikha ng isang Friendship Log.
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Pangasinan Division II
SANTO TOMAS CATHOLIC SCHOOL
Mangaldan, Pangasinan

SEMI DETAILED LESSON PLAN


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8
Aralin 9: Ang Pagpapatawad ay Tanda ng Yunit II Araw/Oras: 2-1
Kabutihan at Pagmamahal
I. Mga Layunin
A. Mga Pamantayan sa Pagkatuto (Learning Standards)
1. Pangnilalaman (Content Standards) 2. Pagganap (Performance Standard)
- Naipamamalas ng mag-aaral ang - Naisasagawa ng mag-aaral ang mga
pag-unawa sa mga konsepto tungkol angkop na kilos upang mapamahalaan
sa pagpapatawad bilang tanda nang wasto ang emosyon.
-
B. Batayang Konsepto
Ano ang pinakamahalagang mensahe na dapat maunawaan at maipamalas ng mag-aaral?
Ang tao ay likas na panlipunang nilalang, kaya’t kailangan niyang mamuhay sa lipunan
kasama ang kanyang kapwa upang malinang siya sa aspetong intelektwal, panlipunan,
pangkabuhayan, at politikal. Ang pagmamahal na naipakikita sa paglilingkod sa kapwa ay
kailangan upang maging ganap na tao.

II. Plano ng Pagtuturo


A. Panimula:
- talakayin ang panimula sa pahina 175 ng Aralin 9.
 Bakit mahalaga ang pagpapatawad?
B. Paunang pagtataya:
- Diagnostic test (pahina 177-1778 ng Aralin 9)
- Pagbahagi ng mga salita o simbolo ng pagpapatawad.
C. Pagtuklas ng dating kaalaman:
- Pagsusuri ng epekto ng pagpapatawad sa kilos at pagpapasya
- Pagsusuri sa tao pagkatapos magpatawad.
D. Paglinang ng dating kaalaman:
- Pangkatang Gawain (paggawa ng dalawang kahon na maglalarawan ng iyong pakiramdam
kapag ikaw ay nagawan ng kamalian o nasaktan ng inyong kapwa)
- Gunitain ang hindi malilimutang karanasan at damdamin.
E. Pagpapalalim:
- Lecturette
 Kahalagahan ng Pagpapatawad
 Paano Magpatawad?
 Paglalagom ng mga Natutuhan

III.Pagsasabuhay ng mga Pagkatuto


a) Pagganap b) Pagninilay
- Gamit ang graphic organizer - Pagnilayan kung ano ang mga
sumulat ng mga benepisyo ng maaari mong gawin upang
pagpapatawad. maisagawa ang pagpapatawad.
Gumawa ng mga tiyak at tuwirang
hakbang tungo sa tunay na
pagpapatawad.
c) Pagsasabuhay
- Ipahayag ang pag-unawa sa bawat konsepto sa pamamagitan ng tinutukoy na pamamaraan.
Pumili ng isa mula sa sumusunod na mga paraan.
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Pangasinan Division II
SANTO TOMAS CATHOLIC SCHOOL
Mangaldan, Pangasinan

SEMI DETAILED LESSON PLAN


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8
Aralin 11: Mapanagutang Pinuno at Katrabaho Yunit II Araw/Oras: 2-1
MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO (Learning Competencies)
EsP8PIIg-8.1 Natutukoy ang kahalagahan ng pagiging mapanagutang lider at tagasunod.

I. Mga Layunin
A. Mga Pamantayan sa Pagkatuto (Learning Standards)
1. Pangnilalaman (Content Standards) 2. Pagganap (Performance Standard)
- Naipamamalas ng magaaral ang pag- - Naisasagawa ng mag-aaral ang mga
unawa sa mga konsepto sa pagiging angkop na kilos upang mapaunlad ang
mapanagutang lider at tagasunod kakayahang maging mapanagutang
lider at tagasunod.
B. Batayang Konsepto
Ano ang pinakamahalagang mensahe na dapat maunawaan at maipamalas ng mag-aaral?
- Ang pagganap ng tao sa kanyang gampanin bilang lider at tagasunod ay nakatutulong sa
pagpapaunlad ng sarili tungo sa mapanagutang pakikipag-ugnayan sa kapwa at
makabuluhang buhay sa lipunan.

Mga kasanayan sa pagkatuto:


1. Natutukoy ang kahalagahan ng pagiging mapanagutang lider at tagasunod.
2. Nasusuri ang katangian ng mapanagutang lider at tagasunod na nakasama, namasid o napanood.
3. Nahihinuha na: Ang pagganap ng tao sa kanyang gampanin bilang lider at tagasunod ay nakatutulong
sa pagpapaunlad ng sarili tungo sa mapanagutang pakikipag-ugnayan sa kapwa at makabuluhang
buhay sa lipunan.
4. Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang mapaunlad ang kakayahang maging mapanagutang lider
at tagasunod.
II. Plano ng Pagtuturo
A. Panimula:
- talakayin ang panimula sa pahina 210 ng Aralin 11.
 May twitter account ka? Ilan na ang nasundan mo? Ilan na ang followers mo? Ano
kaya ang katangiang mayroon sila at sila ay sinusundan?
B. Paunang pagtataya:
- Diagnostic test (pahina 211-212 ng Aralin 11)
- Kasalukuyang kakayahan sa pamumuno o pagiging lider at pagiging mapanagutang
tagaunod
C. Pagtuklas ng dating kaalaman:
- Magtala ng limang salita o grupo ng salita na naiuugnay mo sa salitang LIDER at
TAGASUNOD. Isulat sa kuwarderno ang iyong sagot.
- Anong mga samahan sa paaralan na kasapi ka at ano ang iyong tungkulin?
D. Paglinang ng dating kaalaman:
- Pagsusuri ng mga kilalang lider (gamit ang mga halimbawa sa pahina 206-207)
- Pagsusuri ng mga sitwasyon.
E. Pagpapalalim:
- Lecturette
 Ann mapanagutang pamumuno at pagiging tagasunod
- Lider ka ba o tagasunod?
 Kahalagahan ng pamumuno at n glider
 Mga katangian ng mapanagutang lider
 Mga prinsipyo ng pamumuno
 Ang kahalagahan ng pagiging tagasunod
 Mga tungkulin ng tagasunod o follower
 Mga paraang dapat linangin ng mapanagutang lider at tagaunod upang magtagumpay
ang pangkat
III. Pagsasabuhay ng mga Pagkatuto
a) Pagganap b) Pagninilay
- Magplano ng panayam/interview a - Ano ang mahalagang konsepto at
dalawang kasapi ng pangkat na kakayahan sa ating tinalakay na
iyong kinabibilangan (kung ikaw ay nagkaroon ng malaking epekto sa
tagasunod, kapanayamin ang lider at buhay mo?
isa pang kasapi, kung ikaw an glider, - Ano ang iyong reyalisasyon sa
kapanayamin ang isa sa mga opisyal kahalagahan ng pagiging
at isang kasapi. mapanagutang lider/tagasunod sa
pangkat at lipunang kinabibilangan?
c) Pagsasabuhay
- Bumuo ng isang pangkat na may 5-7 na kasapi. Gumawa ng isang payak, malinaw at
makatotohanang plano sa pagiging lider at pagiging tagasunod. Narito ang mga bahagi:
 Pangalan n glider at mga kasapi sa pangkat
 Pamagat ng proyekto
 Tao o lugar na nais paglingkuran
 Layunin/paraan ng paglilingkod
 Mga kakailanganin
 Inaasahang bunga
 Mga taong makatutulong sa pagkamit ng layuni
 Inaasahang panahon ng pagasakatuparan
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Pangasinan Division II
SANTO TOMAS CATHOLIC SCHOOL
Mangaldan, Pangasinan

SEMI DETAILED LESSON PLAN


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8
Aralin 12: Pagpapasalamat bilang Mahalagang Yunit III Araw/Oras: 2-1
Bahagi ng Mabuting Pagpapakatao
MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO (Learning Competencies)
EsP8PBIIIa-9.1 Natutukoy ang mga biyayang natatanggap mula sa kabutihang-loob ng kapwa at mga
paraan ng pagpapakita ng pasasalamat

I. Mga Layunin
A. Mga Pamantayan sa Pagkatuto (Learning Standards)
1. Pangnilalaman (Content Standards) 2. Pagganap (Performance Standard)
- Naipamamalas ng magaaral ang pag- - Naisasagawa ng mag-aaral ang mga
unawa sa mga konsepto tungkol sa angkop na kilos sa isang pangkatang
pasasalamat. gawain ng pasasalamat.
B. Batayang Konsepto
Ano ang pinakamahalagang mensahe na dapat maunawaan at maipamalas ng mag-aaral?
- Ang pagiging mapagpasalamat ay ang pagkilala na ang maraming bagay na napapasaiyo at
malaking bahagi ng iyong pagkatao ay nagmula sa kapwa, na sa kahuli-hulihan ay biyaya ng
Diyos. Ito ay kabaligtaran ng entitlement mentality, isang paniniwala o pag-iisip na anomang
inaasam mo ay karapatan mo na dapat bigyan ng dagliang pansin. Hindi ito naglalayong
bayaran o palitan ang kanilang kabutihan kundi gawin sa iba ang kabutihang natanggap mula
sa kapwa.
Mga kasanayan sa pagkatuto:
1. Natutukoy ang mga biyayang natatanggap mula sa kabutihang-loob ng kapwa at mga paraan ng
pagpapakita ng pasasalamat.
2. Nasusuri ang mga halimbawa o sitwasyon na nagpapakita ng pasasalamat o kawalan nito.
3. Napatutunayan na ang pagiging pasasalamat ay ang pagkilala na ang maraming bagay na napapasaiyo at
malaking bahagi ng iyong pagkatao ay nagmula sa kapwa, na sa kahuli-hulihan ay biyaya ng Diyos. Hindi
ito naglalayong bayaran o palitan ang kabutihan ng kundi gawin sa iba ang kabutihang natatanggap mula
sa kapwa. Ito ay kabaligtaran ng entitlement mentality, isang paniniwala o pag-iisip na anumang inaasam
mo ay karapatan mo na dapat bigyan ng dagliang pansin.
4. Naisasagawa ang mga angkop na kilos na nagpapakita ng pasasalamat.
II. Plano ng Pagtuturo
A. Panimula:
- talakayin ang panimula sa pahina 239 ng Aralin 12.
 May gusto ba kayong linawin sa binasa?
B. Paunang pagtataya:
- Diagnostic test (pahina 228-230 ng modyul 9) at kaunting talakayan batay sa kanilang mga sagot.
- Magtala ng sampong pinakamahalagang tao na gusto mong pasalamatan (short discussion).
C. Pagtuklas ng dating kaalaman:
- Magbigay ng ilang mga sitwasyon-tukuyin ang biyayang natanggap mula sa kabutihang-kaloob at
isulat ang paraan ng pagpapakita ng pasasalamat.
 Ano-ano ang iyong natuklasan tungkol sa pasasalamat?
 Ano-ano ang paraan ng pagpapakita ng pasasasalamat?
 Bakit mahalaga ang magpasalamat? Ano ang nagagawa nito sa atin at sa ating kapwa?
D. Paglinang ng dating kaalaman:
- Pagsusuri ng sitwasyon.
Sagutin ang sumusunod na tanong sa iyong kuwaderno:
1. Paano ipinakita sa bawat sitwasyon ang pagsasabuhay ng pasasalamat sa kabutihang ginawa ng
kapwa?
2. Papaano kung hindi naipakita ang pasasalamat? Ano ang iyong gagawin?
3. Nais mo bang isabuhay din ang pagiging mapagpasalamat? Bakit?
4. Ikaw, paano mo ipapakita ang iyong pasasalamat sa ibang tao? Magbigay ng halimbawa.
E. Pagpapalalim:
- Lecturette
 Pasasalamat sa kabutihang-loob ng kapwa
 Mga Ilang Paraan ng Pagpapakita ng Pasasalamat
 Mga Ilang Paraan ng Pagpapakita ng Pasasalamat
III. Pagsasabuhay ng mga Pagkatuto
a) Pagganap b) Pagninilay
- Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon - Sumulat ng pagninilay tungkol sa pag-
na magbigay ng isang talumpati ng unawa mo sa entitlement mentality.
pasasalamat, sino-sino kaya ang gusto Isulat ang iyong kasagutan sa
mong pasalamatan? Sa isang papel, kuwaderno.
bumuo ng isang talumpati na
naglalaman ng mga taong gusto mong
pasalamatan. Isulat din kung paano sila
naging parte ng iyong buhay at
nakatulong upang ikaw ay mabuhay
nang maayos. (Maghanda para sa
pagtatalumpati sa harapan ng klase)
c) Pagsasabuhay
- gumawa ng tatlong liham para sa iba’t ibang tao sa iyong paligid na nais mong pasalamatan sa mga
kabutihang nagawa nila sa iyo. Isulat mo ito sa isang stationery at ibigay ito sa kanila.

Republic of the Philippines


DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Pangasinan Division II
SANTO TOMAS CATHOLIC SCHOOL
Mangaldan, Pangasinan

SEMI DETAILED LESSON PLAN


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8
Aralin 13: Pagsunod at Paggalang sa Yunit III Araw/Oras: 2-1
Awtoridad ng Lipunan
MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO (Learning Competencies)
EsP8PBIIIa-9.1 Natutukoy ang mga biyayang natatanggap mula sa kabutihang-loob ng kapwa at
mga paraan ng pagpapakita ng pasasalamat

I. Mga Layunin
A. Mga Pamantayan sa Pagkatuto (Learning Standards)
1. Pangnilalaman (Content 2. Pagganap (Performance Standard)
Standards) - Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na
- Naipamamalas ng kilos ng pagsunod at paggalang sa magulang,
magaaral ang pag-unawa nakatatanda at may awtoridad at
sa pagsunod at paggalang nakaiimpluwensya sa kapwa kabataan na
sa magulang, maipamalas ang mga ito
nakatatanda at may
awtoridad.
B. Batayang Konsepto
Ano ang pinakamahalagang mensahe na dapat maunawaan at maipamalas ng mag-aaral?
- Nahihinuha na ang pagsunod at paggalang sa mga magulang, nakatatanda at may awtoridad
ay dapat gawin dahil sa pagmamahal, sa malalim na pananagutan at pagkilala sa kanila
bilang biyaya ng Diyos at sa kanilang awtoridad na hubugin, bantayan at paunlarin ang mga
pagpapahalaga ng kabataan.
Mga kasanayan sa pagkatuto:
1. Nakikilala ang:
- mga paraan ng pagpapakita ng paggalang na ginagabayan ng katarungan at pagmamahal
- bunga ng hindi pagpapamalas ng pagsunod at paggalang sa magulang, nakatatanda at may
awtoridad
2. Nasusuri ang mga umiiral na paglabag sa paggalang sa magulang, nakatatanda at may awtoridad.
3. Nahihinuha na ang pagsunod at paggalang sa mga magulang, nakatatanda at may awtoridad ay dapat
gawin dahil sa pagmamahal, sa malalim na pananagutan at sa pagkilala sa kanila bilang biyaya ng
Diyos at sa kanilang awtoridad na hubugin, bantayan at paunlarin ang mga pagpapahalaga ng
kabataan.
5. Naisasagawa ang mga angkop na kilos ng pagsunod at paggalang sa mga magulang, nakatatanda at
may awtoridad at nakaiimpluwensiya sa kapwa kabataan na maipamalas ang mga ito.
II. Plano ng Pagtuturo
A. Panimula:
- talakayin ang panimula sa pahina 264 ng Aralin 13.
 Mayroon ba kayong nais linawin sa mga layuning nabanggit?
B. Paunang pagtataya:
- Pasagutan sa mga mag-aaral ang unang bahagi sa Paunang Pagtataya sa pahina 265-266
upang masukat ang kanilang kaalaman sa araling tatalakayin. Pagkatapos pasagutan naman
sa pahina 268 ang tseklis ng mga pahayag upang masukat ang kakayahang maging magalang
at masunurin sa mga Magulang, Nakatatanda at may Awtoridad.
C. Pagtuklas ng dating kaalaman:
- Pasagutan sa mga mag-aaral ang Gawain 1 sa pahina 9 Bigyan ang mga mag-aaral ng 5
minuto para sagutin ito.
- Hatiin ang klase sa tatlong pangkat. Ang unang pangkat ay kakatawan sa magulang,
sumunod ay nakatatanda at may awtoridad. Pagkatapos, hatiin muli ang bawat grupo sa
tatlong pangkat. Ang unang grupo ay pupunan ang talaan ng mga utos ng mga magulang,
ang sumunod na grupo ay ang bunga ng pagsunod sa mga magulang at ang ikatlong grupo ay
ang bunga ng hindi pagsunod sa mga magulang.
D. Paglinang ng dating kaalaman:
- Pagbasa sa kwento tungkol sa dalawang anak o sariling karanasan na naglalarawan ng
pagkakaiba ng dalawang karakter.
- Film viewing (Anak)
E. Pagpapalalim:
- Lecturette
 Ang Pagsunod at Paggalang sa mga Magulang, Nakatatanda at May Awtoridad
- Bakit kailangang gumalang? Sino ang igagalang? At paano ito maipakikita?
 Ang Pamilya Bilang Hiwaga
 Ang Pmilya Bilang Halaga
 Ang Pamilya Bilang Presensiya
 Ang Hamon sa Pamilya
- Natututuhan ba ang paggalang at pagsunod? Kailan ito dapat ituro?
- Paano maipakikita ang paggalang at pagsunod at sa mga magulang?
- Paano maipakikita ang paggalang sa mga taong may awtoridad?
III. Pagsasabuhay ng mga Pagkatuto
a) Pagganap b) Pagninilay
-Pangkatang Gawain: (5 pangkat) - basahin ang sumusunod na Sulat Ni Nanay at
Magsaliksik ng limang tanyag na Tatay, mula sa
kawikaan tungkol sa paggalang at http://www.youtube.com/watch?v=hc-
pagsunod sa magulang, nakatatanda at WrzQMjHA. Gumawa ng sariling pagninilay at
may awtoridad. Itala ang mga nasaliksik isulat sa journal notebook.
sa talaan.
 Group reporting (pagasadula,
maikling symposium, powepoint
presentation, etc.)
c) Pagsasabuhay
- Gumawa ng PAGGALANG at PAGSUNOD LOGBOOK (Maaaring gawa sa mga tinipong
recycled na papel). Pipili ka ng kaklase na magsisilbing kapareha mo, upang
magpaalalahanan kayo sa isa’t isa. Ang iyong mga nagawang kilos ay isusulat sa logbook ng
iyong kapareha at ganoon din naman siya sa iyong logbook.

Republic of the Philippines


DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Pangasinan Division II
SANTO TOMAS CATHOLIC SCHOOL
Mangaldan, Pangasinan

SEMI DETAILED LESSON PLAN


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8
Aralin 14: Kabutihang-loob bilang Paggawa ng Yunit III Araw/Oras: 2-1
Mabuti sa Kapwa
MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO (Learning Competencies)
EsP8PBIIIe-11.2 Natutukoy ang mga pangangailangan ng iba’t ibang uri ng tao at nilalang na
maaaring tugunan ng mga kabataan
I. Mga Layunin
A. Mga Pamantayan sa Pagkatuto (Learning Standards)
1. Pangnilalaman (Content Standards) 2. Pagganap (Performance Standard)
- Naipamamalas ng magaaral ang pag- - Naisasagawa ng mag-aaral ang mga
unawa sa mga konsepto sa paggawa angkop na kilos sa isang mabuting
ng mabuti sa kapwa gawaing tumutugon sa
pangangailangan ng mga marginalized,
IPs at differently abled.
B. Batayang Konsepto
Ano ang pinakamahalagang mensahe na dapat maunawaan at maipamalas ng mag-aaral?
- Naipaliliwanag na dahil sa paglalayong gawing kaayaaya ang buhay para sa kapwa at
makapagbigay ng inspirasyon na tularan ng iba, ang paggawa ng maganda sa kapwa ay
ginagawa nang buong-puso, tumutugon sa kagustuhan ng Diyos na maglingkod sa kapwa
nang walang kapalit at may pagsasakripisyo para sa kapakanan ng iba.
Mga kasanayan sa pagkatuto:
1. Nagugunita ang kagandahang-loob na ginawa sa kapwa at mga pangangailangan nila na natugunan.
2. Nasusuri ang mga kadahilanan sa pagpapamalas ng kagandahang-loob sa kapwa.
3. Naipaliliwanag na dahil sa paglalayong gawing kaayaaya ang buhay para sa kapwa at makapagbigay
ng inspirasyon na tularan ng iba, ang paggawa ng maganda sa kapwa ay ginagawa nang buong-puso,
tumutugon sa kagustuhan ng Diyos na maglingkod sa kapwa nang walang kapalit at may
pagsasakripisyo para sa kapakanan ng iba.
4. Naisasagawa ang mga angkop na kilos na nagpapakita ng kagandahang-loob sa kapwa.
II. Plano ng Pagtuturo
A. Panimula:
- Maganda ka ba?
- Bakit mahalaga ang paggawa ng mabuti sa kapwa? Paano ka makagagawa ng mabuti sa
iyong kapwa?
B. Paunang pagtataya:
Panuto:
- Narito ang tseklis na susukat kung ikaw ay gumagawa ng kabutihan sa kapwa. Tayahin mo
ang iyong sarili sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek ( ) sa angkop na kolum.
- Pagkatapos, kunin ang iyong pangkalahatang iskor at tingnan ang katumbas nitong
interpretasyon. (Pahina 286-287)
C. Pagtuklas ng dating kaalaman:
- Pagagawa sa gawain 1 sa pahina 242 ng modyul.
sagutin sa kuwaderno:
1. Kailan ka huling gumawa ng mabuti sa kapwa? Ano-ano ito?
2. Ano ang iyong naramdaman matapos kang gumawa nito? Ipaliwanag.
3. May maganda bang bunga ang paggawa mo ng kabutihan? Patunayan.
- Gawain 2: Maghanap ng kapareha upang maibahagi mo ang natuklasan. Narito ang gabay sa
pakikibahagi sa dyad:
a. Kapwa o mga taong ginawan ng kabutihan
b. Dahilan ng paggawa ng kabutihan
c. Pangangailangan ng iyong kapwa na tinugunan
- Paraan ng paggawa ng kabutihan
D. Paglinang ng dating kaalaman:
- Pagbasa sa kwento tungkol sa dalawang anak o sariling karanasan na naglalarawan ng
pagkakaiba ng dalawang karakter.
- Film viewing (Anak)
E. Pagpapalalim:
- Lecturette
 Mabuti ka ba sa iyong kapwa?
- ano ang kahulugan ng kabutihan o kagandahang-loob?
 Ang Kaligayahn, kabutihan, o kagandahang-loob ayon sa Etika ni Aristoteles
 Ang Kabutihan o kagandahang-loob bilang Ekspresyon ng Magandang Buhay
 Hangganan ng Kabutihan o kagandahang-loob
- pagtalakay sa isang testimonya ng kagandahang-loob.
 Indibidwal na gawain:
 Bakit mahalaga ang paggawa ng kabutihan sa kapwa?
 Paano nalilinang ang pagkatao ng bawat indibidwal sa paggawa ng kabutihan?
 May hangganan ba ang paggawa ng kabutihan? Ipaliwanag.
 Ano ang epekto ng paggawa ng kabutihan ating buhay?
III. Pagsasabuhay ng mga Pagkatuto
a) Pagganap b) Pagninilay
Gawain: “kagandahang-loob, I-patrol mo” - Sumulat ng pagninilay sa iyong journal
- Magbuo ng grupo na may 3-4 na tungkol sa konsepto ng kabutihan o
miyembro at gumawa ng kagandahang-loob.
dokumentasyon o video tungkol sa - Isaalang-alang mga sumusunod na dapat
mga nagawang kabutihan ng kapwa bigyang-diin:
at marami pang iba. (pakisundan ang  Sino ang mga taong natulungan ko at
mga panuto sa pahina 305-306) ano ang epekto sa kanilang buhay ng
pagtulong ko?
 Ano ang mensahe o aral na aking
natutuhan sa modyul na ito tungkol sa
paggawa ng kabutihan sa kapwa?
 Paano ko itatalaga ang aking sarili
upang maisabuhay ang natutuhang
aral tungkol sa paggawa ng kabutihan
sa kapwa?
 Sa paanong paraan ko hihikayatin
gumawa ng kabutihan sa kapwa ang
ibang kabataan lalo na sa aming
pamayanan o barangay (halimbawa,
mga batang kalye o istambay sa
kanto)?
-
c) Pagsasabuhay
Paggawa ng Tree of Deeds”

Mga kakailanganing kagamitan:


- Isang drift wood
- Mga pinatuyong sanga
- Isang matibay na pagtatayuan ng drift wood
- Mga plastic na dahon, kulay berde
- Tali o string para sa mga dahon
- Mga pakong bakya
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Pangasinan Division II
SANTO TOMAS CATHOLIC SCHOOL
Mangaldan, Pangasinan

SEMI DETAILED LESSON PLAN


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8
Aralin 15: Katapatan sa Aking Pagkatao, sa Yunit III Araw/Oras: 2-1
Salita at Gawa
MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO (Learning Competencies)
EsP8PBIIIg-12.1 Nakikilala ang:
a. kahalagahan ng katapatan,
b. mga paraan ng pagpapakita ng katapatan, at
c. bunga ng hindi pagpapamalas ng katapatan
I. Mga Layunin
A. Mga Pamantayan sa Pagkatuto (Learning Standards)
1. Pangnilalaman (Content Standards) 2. Pagganap (Performance Standard)
- Naipamamalas ng magaaral ang pag- - Naisasagawa ng mag-aaral ang mga
unawa sa katapatan sa salita at gawa. angkop na kilos sa pagsasabuhay ng
katapatan sa salita at gawa.
B. Batayang Konsepto
Ano ang pinakamahalagang mensahe na dapat maunawaan at maipamalas ng mag-aaral?
- Naipaliliwanag ang mga sitwasyong karaniwang namamasid sa ilang kabataan na
nagpapakita kung sila ay mayroon o walang salita. Gamiting bagay ang mga halimbawang
grapikong pantulong.
Mga kasanayan sa pagkatuto:
1. Pagsisinungaling upang pangalagaan o tulungan ang ibang tao (PROSOCIAL LYING). Madalas na
nagagawa ito para sa isng taong mahalaga sa kaniyang buhay.
2. Pagsisinungaling upang isalba ang sarili upang maiwasan na maipahiya, masisi o maparusahan.
(SELF-ENCHANCEMENT LYING)
3. Pagsisinungaling upang protektahan ang sarili kahit pa makapinsala ng ibang tao. (SELFISH LYING)
4. Pagsisinungaling upang sadyang makasakit ng kapwa. (ANTISOCIAL LYING)

II. Plano ng Pagtuturo


A. Panimula:
- Marami pang dahilan kung bakit nagsisinungaling ang isang tao.
o Ang sumusunod ay ilan lamang sa mga ito:
 Upang makaagaw ng atensyon o pansin
 Upang mapasaya ang isang mahalagang tao
 Upang hindi makasakit ng isang mahalagang tao
 Upang makaiwas sa personal na pananagutan
 Upang pagtakpan ang isng suliranin na sa kanilang palagay ay seryoso o
“malala”
B. Paunang pagtataya:
- Ang pagsisinungaling sa edad na anim na taon ay kailangang bigyan ng tuon. Sa edad na ito,
ang isang bata ay marunong nang kumilala ng kasinungalingan at katotohanan.
- Sa edad na pito, napaninindigan na ng isang bata ang pagsisinungaling. Nakakikilala na sila
ng pagkakaiba ng kanilang iniisip at kung sa paano paglalaruan ang kilos ng ibang tao para
sa kanyang sariling kapakanan.
o Ang maagang yugto na ito ang pinaka- kritikal. Dahil kapag ito ay napabayaan,
magtutulak ito upang makasanayan na ang pagsisinungaling at maging bahagi na ito
ng kanyang pang araw-araw na buhay.
C. Pagtuklas ng dating kaalaman:
- Narito ang mga pinakamahalagang dahilan sa pagsasabi ng totoo:
o Ang pagsasabi ng totoo ang natatanging paraan upang malaman ng lahat ang tunay
na mga pangyayari. Sa ganitong paraan, maiiwasan ang hindi pagkakaunawaan,
kalituhan at hindi pagkakasundo.
o Ang pagsasabi ng totoo ang magsisilbing proteksyon para sa mga inosenteng tao
upang masisi o maparusahan. Nangyayari ito sa mga pagkakataong ginagamit ang
isng tao upang mailigtas ang sarili sa kaparusahan.
o Ang pagsasabi ng totoo ang magtutulak sa tao upang matuto ng aral sa mga
pangyayari. Mas magtitiwala sayo ang iyong kapwa.
o Hindi mo na kinakailangang lumikha pa ng maraming kasinungalingan para lamang
mapanindigan ang iyong nilikhang kwento.
o Inaani mo ang reputasyon bilang isang taong yumayakap sa katotohanan.
o Ang pagsasabi ng totoo lamang ang magtutulak sa iyo upang makaramdam ng
seguridad at kapayapaan ng kalooban.
-
D. Paglinang ng dating kaalaman:
- Pagbasa sa kwento tungkol sa dalawang anak o sariling karanasan na naglalarawan ng
pagkakaiba ng dalawang karakter.
- Film viewing (Anak)
E. Pagpapalalim:
- Lecturette
Apat na pamamaraan ng pagtatago ng katotohanan ayon sa aklat ni Vitaliano
Goroscope
 Pananahimik (SILENCE). Ito ay ang pagtanggi sa pagsagot sa anumang tanong
na maaaring magtulak sa kaniya upang ilabas ang katotohanan.
 Pag-iwas(EVASION) Ito ay ang pagliligaw sa sinumang humihingi ng
impormasyon sa pamamagitan ng hindi pagsagot sa kanyang mga katanungan.
 Pagbibigay ng salitang may dalawang ibig sabihin o kahulugan
(EQUIVOCATION) Ito ay ang pagsasabi ng totoo ngunit ang katotohanan ay
maaaring mayroong dalawang kahulugan o interpretasyon.
 Pagtitimping pandiwa (MENTAL RESERVATION) Ito ay ang paglalagay ng
limitasyon sa tunay na esensiya ng impormasyon

III.Pagsasabuhay ng mga Pagkatuto


a) Pagganap b) Pagninilay
- Tayain ang pag-unawa tungkol sa - Pagnilayan ang konseptong katapatan sa gawa
katapatan sa salita at sa gawa sa at sa salita upang makabuo ng sariling
pamamagitan ng pagsagot sa pananaw tungkol sa kahulugan ng sumusunod
sumusunod na tanong: (pahina 323) na sipi.
c) Pagsasabuhay
- Pagkatapos ng pagninilay, pimili ng isa sa sumusunod na mga paraan upang ipahayag
ang iyong pag-unawa tungkol sa araling katapatan sa salita at sa gawa. (pahina 327)

You might also like