You are on page 1of 2

Edukasyon sa Pagpapakatao 8

Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa layunin at


kahalagahan ng pamilya at pakikipagkapwa upang maging
mapanagutan sa pakikipag-ugnayan sa iba tungo sa makabuluhang
buhay sa lipunan.
Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang angkop na kilos upang mapaunlad ang
pakikipagkaibigan.

Kompetensi Natutukoy ang mga taong itinuturing niyang kaibigan at ang mga
natutunan niya mula sa mga ito.

I. LAYUNIN:
Apektiv Napapahalagahan ang mga natutunan at karanasang nabuo sa
pakikipagkaibigan.
Saykomotor Nakagagawa ng scrapbook na nagpapakita ng mga larawan ng kanilang
mga kaibigan, mga karanasan at natutunan nila sa isa’t-isa
Kaalaman Natutukoy ang Kahulugan ng kaibigan at mga uri nito.
Natutukoy ang mga taong itinuring nilang mga kaibigan
II. PAKSANG ARALIN
A. Paksa Modyul 5: Ang Pakikipagkapwa
“Profile ng mga Kaibigan”

B. Sanggunian Bognot, R., et. al.,2014.Edukasyon sa Pagpapakatao. Pasig City. FEP


Printing Corporation,ph. 117-119 Bognot, R., et. al.,2014.Edukasyon
sa Pagpapakatao. Pasig City. FEP Printing Corporation,ph. 142-144
Kagawaran ng Edukasyon, Kurikulum ng Edukasyong Sekondarya ng
2010, Gabay sa Pagtuturo – Edukasyon sa Pagpapahalaga II ph. 63-65

C. Kagamitang Aklat, Mga larawan ng mga kaibigan, gamit pang-disenyo


Pampagtuturo
III. PAMAMARAAN
A. Paghahanda “ Kayo ba ay mayroong mga kaibigan?”
Pangmotibeysyunal “Naniniwala ba kayo na mahalaga ang mga ito?” “Bakit?”
na Tanong “Ano ba ang kahulugan ng pakikipagkaibigan para sa iyo?”
Aktiviti/Gawain Show and Tell
Ipapakita ang mga dalang larawan ng kanilang mga kaibigan at ipakilala
ang mga ito sa harap ng klase. Banggitin ang mga natutunan at mga
karanasan nila bilang magkakaibigan.

Pagsusuri/Analysis 1. Ayon sa pagpapakilala ninyo sa inyong mga kaibigan, anong mga


konsepto ng pakikipagkaibigan ang inyong natutunan?
2. Ano ang mga naidudulot ng pakikipagkaibigan sa iyong
pagkatao?
3. Ano ang halaga ng iyong kaibigan sa iyo bilang tao? Ipaliwanag.
B. Paglalahad Batay sa naging pagbabahagi tungkol sa kanilang mga kaibigan,
Abstraksyon magbigay ng pagbubuod sa kanilang mga sagot.
(Pamamaraan ng - Kahulugan ng pakikipagkaibigan
Pagtalakay) - Mga katangian ng pakikipagkaibigan
- Mga uri ng pakikipagkaibigan
C. Pagsasanay Papanoorin ang isang video na magpapakita ng pagkakaibigan.
(Mga Paglilinang na Ipaliwanag o mag bigay ng isang reyalisasyon sa napanood.
Gawain)

D. Paglalapat Sa natutuhan na concepto sagutin ang mga taong sa quizziz.


(Aplikasyon)
E. PAGLALAHAT Mahalaga ba ang karanasang nabuo sa pakikipagkaibigan? Bakit?
(Generalisasyon)
IV. PAGTATAYA Sagutin ang tanong.
Ano ang kahulugan ng kaibigan para sa iyo? Ilarawan ito sa
pamamagitan ng mga katangiang mayroon ang iyong mga kaibigan at
ang mga dahilan ng inyong pagkagiliw sa isa’t-isa.
V. KARAGDAGANG GAWAIN
Pagbubuo ng scrapbook na may sumusunod na nilalaman:
- Pangalan at larawan ng inyong mga kaibigan
- Pag-iisa-isa ng kaniyang mga katangian
- Mahalagang nangyayari tungkol sa inyong pagkakakilala
- Mga bagay na inyong natutunanmula sa kaniya
- Pangkalahatang naidulot niya sa iyo

Inihanda: Roma Mae D. Toledo


Teacher I

You might also like