You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8

(Ikalawang Araw)

Bb. Jenny Rose S. Basa

I. Yunit III Mga Pagpapahalagang Birtud sa Pakikipagkapwa


Paksa Pasasalamat sa Ginawang Kabutihan ng Kapwa
Sanggunian Bognot, R. M., et al. (2013). Edukasyon sa Pagpapakatao
(Ikalawang Baitang). Pasig City: Vibal Publishing, Inc.
Kagamitan Makukulay na papel, kartolina

II. Mga Layunin


A. Mga Kasanayang Pampagkatuto
KP1. Natutukoy ang mga biyayang natatanggap mula sa kabutihang-loob ng
kapwa at mga paraan ng pagpapakita ng pasasalamat.
KP2. Nasusuri ang mga halimbawa o sitwasyon na nagpapakita ng pasasalamat
o kawalan nito.
KP3. Napatutunayan na ang pagiging mapagpasalamat ay ang pagkilala na ang
maraming bagay na napapasaiyo at malaking bahagi ng iyong pagkatao ay
nagmula sa kapwa, na sa kahuli-hulihan ay biyaya ng Diyos. Hindi ito
naglalayong bayaran o palitan ang kabutihan kundi gawin sa iba ang
kabutihang natatanggap mula sa kapwa. Ito ay kabaligtaran ng entitlement
mentality, isang paniniwala o pag-iisip na anumang inaasam mo ay
karapatan mo na dapat bigyan ng dagliang pansin.
KP4. Naisasagawa ang mga angkop na kilos na nagpapakita ng pasasalamat.

B. Mga Layunin sa Pagtuturo at Pampagkatuto


1. Naitatalakay nang may katalinuhan ang paksang pasasalamat sa ginawang
kabutihan ng kapwa.
2. Nakasusulat ng isang talumpati na naglalaman ng mga taong nais pasalamatan at
mga paraan kung paano mapapasalamatan ang kapwa.
III. Mga Gawain sa Pagtuturo at Pampagkatuto
A. Pagpapalalim
Tatalakayin ng guro ang paksang “Pasasalamat sa Ginawang Kabutihan ng
Kapwa”.

Magpadala ng
liham sa taong nais Magbigay ng yakap
pasalamatan at tapik.

Mga Paraan ng Magpasalamat sa


Magbigay ng munti
Pagpapakita ng bawat araw
o simpleng regalo
Pasasalamat

Gumawa ng mabuti na Magkaroon ng ritwal


walang hinihintay na kapalit na pasasalamat

Tandaan Natin!
Ang kawalan ng pasasalamat ay nasasalamainsa entitlement
mentality. Ang entitlement mentality, isang paniniwala o pag-iisip na
anumang inaasam mo ay karapatan mo na dapat bigyan ng dagliang
pansin.

B. Pagsasabuhay ng mga Pagkatuto


Panuto: Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na magbigay ng isang
talumpati ng pasasalamat, sino-sino kaya ang gusto mong pasalamatan? Sa isang
papel, bumuo ng isang talumpati na naglalaman ng mga taong gusto mong
pasalamatan. Isulat din kung paano sila naging parte ng buhay at nakatulong
upang ikaw ay mabuhay nang maayos.
Maghanda para sa talumpati sa harapan ng klase.
IV. Pagtataya
Panuto: Sa isang buong papel, sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
1. Para sa iyo, ano kaya ang implikasyon ng entitlement mentality sa sarili at sa
pamahalaan?
2. Paano nalalabag ng entitlement mentality ang birtud ng pasasalamat?
V. Takdang Aralin
Panuto: Gumawa ng tatlong liham para sa iba’t ibang tao sa iyong paligid na
nais mong pasalamatan. Isulat ito sa stationary at ibigay sa kanila. Sumulat ng
repleksyon patungkol sa liham na ginawa.

You might also like