You are on page 1of 4

DEPARTMENT OF EDUCATION

Division of Davao City


STA. ANA NATIONAL HIGH SCHOOL
D. SUAZO ST. DAVAO CITY

BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8


Modyul 14
February________2019

Pamantayang Nilalaman:

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga karahasan sa paaralan.

Pamantayan sa Pagganap:

Naisasagawa ng mga mag-aaral ang mga angkop na kilos upang maiwasan at


matugunan ang mga karahasan sa kanyang paaralan

Mga Kasanayang Pampagkatuto:

 Nasusuri ang mga aspekto ng pagmamahal sa kapwa na kailangan upang


maiwasan at tugunan ang karahasan sa paaralan

 Nakikilala ang mga uri, sanhi at epekto ng mga umiiral na karahasan sa paaralan

I. Layunin

Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Natutukoy ang uri ng pambulas at profile ng mga karakter sa pambubulas;


b. Naisasagawa ang pagsusuri sa epekto ng pambubulas;
c. Nakapagbigay kahalagahan sa angkop na kilos upang maiwasan at matugunan
ang mga karahasan sa paaralan.

II. Paksang Aralin


Paksa: Karahasan sa Paaralan.
Sangunian: Edukasyon sa Pagpapakatao (Ikawalong Baitang),Pasig
City, Vibal Publishing, Inc. Pahina 367-396
Kagamitan: pictures, Manila paper, crayons

III. Pamamaraan
Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagsuri ng pagdalo
3. Pagbabalik-Aral
 Sa nakaraang talakayan, ating napag-aralan ang Seksuwalidad ng
Tao. Para sa iyo, bakit kailangan ang kalinisang puri sa
pakikipagkapwa tao o sa isang relasyon?
 Bakit ang pagmamahal ay bokasyon ng tao bilang tao?

A. Gawain (Activity)

Picture Puzzle
Panuto: Ang mga mag-aaral ay ipapangkat sa apat na pangkat. Bibigyan sila ng
picture puzzle na kanilang buuin at idikit nila ito sa pisara. Ang unang nakabuo sa
puzzle ay bibigyan ng limang puntos bilang premyo. Pagkatapos ng mga pangkat sa
pagbuo ng larawan, ang guro ay tatawag ng representanti sa bawat pangkat na sasagot
sa mga katanungan.

B. Pagsusuri (Analysis):

Tanong:
 Ano ang ipinakita sa mga larawan?
 Nangyayari ba ito sa inyong paaralan?
 Naranasan mo na ba ang mga ganitong pangyayari? Bakit?
 May mga batas o alintuntunin bang ginawa ang paaralan upang
hindi ito mangyayari ulit?

C. PAGHAHALAW (ABSTRACTION)

Pagpapahayag sa Paksa: Ang Karahasan sa Paaralan


- Uri ng Pambulas
- Profile ng mga karakter sa Pambubulas
- Epekto ng Pambubulas
Gawain: “Show and tell”
Panuto:
1. Ang guro ay magpapakita ng kard na may nakasulat na uri ng pambubulas. At
tatawag ng studyante na magpapaliwanag kung ano ito.
Gawain:”Think-pair-share”
Panuto: Ang bawat pares ay magkaroon ng talakayan sa mga sumusunod na
katanungan:
 Ano kaya ang karanasan ng mga nangbubulas?
 Ano ang katangian ng mga binubulas?
 Ano ang epekto ng pambubulas?

Halimbawa:

Pasalitang Pambubulas
Profile ng mga Karakter sa Pambubulas
Ang Nambulas:
Laging pinagsasabihan ng masasakit na
salita ng kanyang magulang
Ang Binubulas:
Walang kakayahang ipagtanggol ang sarili
Epekto sa binulas:
May labis na kalungkutan
Mga Tanong:
 Ikaw ba ay nambubulas o nabubulas?
 Anong uri ng pambubulas ang madalas mong naranasan?
 Ano ang epekto nito sa iyo?
 Bakit masama ang pambubulas?
 May gana pa kayang pumasok sa paaralan ang biktima ng
pambubulas?
 Kung ikaw ay nagging biktima na nang pambubulas, paano mo ito
nalampasan.

D. PAGLALAPAT (APPLICATION)

Gawain: Collaborative strategy – “Stop Bullying Tips Making”


Panuto: Ang pangkat ay bubunot ng partikular na uri ng pamabubulas na bibigyan
ng tips. Ang bawat pangkat ay magbahahi ng kahit limang pamamaraan upang
mapigilan ang paglala ng pambubulas sa paaralan. Isulat nila ito sa manila paper.
Upang makapagplano sila ng mga pamamaraan sa pagpigil sa pambubulas
mahalagang isaalang-alang nila ang mga sumusunod na katanungan:
 Ano ang gagawin ko kung ako ay binubulas?
 Ano ang gagawain ko kung may nakita akong binubulas?
 Ano ang gagawin ko upang hindi makapambulas?
Halimbawa:

Kung ako ay binubulas, ang gagawin ko ay:


1. Ipapakita ko na hindi ako apektado.
2. Iiwas sa mga batang nambubulas.
IV. PAGTATAYA (EVALUATION)

Gawain:

Panuto: Indibidwal na gawain Isulat sa kalahating papel. Sagutin ang tanong.

1. Bakit mahalaga ang pag-iwas sa anumang uri ng karahasan sa paaralan at ang


aktibong pakikisangkot upang masupil ito?

V. TAKDANG ARALIN

Panuto: Isulat sa kwaderno.


Gunitain ang mga panahon na ikaw ay nabulas o nambubulas. Isalaysay
ang pangyayari: ang epekto sa buhay mo o ano ang napupulot mong aral sa iyong
karanasan.

Inihanda ni : Sr. Carmela G. Cagas, fma


Intern

Ipinasa Kay: Sir. Neil Angelo E. Licmoan


Cooperating Teacher

You might also like