You are on page 1of 5

LEARNING ACTIVITY SHEET

Baitang 8 – Edukasyon sa Pagpapakatao


_______________________________________________________________________________
Pangalan:________________________ Petsa:__________ Marka:_____________

LAS # 4 - KARAHASAN SA PAARALAN


Gawain 1: Pagbasa ng Balita
Panuto: Basahing mabuti ang nilalaman ng balita.

DepEd maglalabas ng dagdag na polisiya kontra cyberbullying


Ulat ni Vivienne Gulla, ABS-CBN News

Sa online na lang ngayon nakikita at nakakausap ng Grade 7 student na si "Kyle" ang mga kaklase mula
nang ipatupad ang distance learning sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Pero ang usapan umano nilang magkakaklase sa group chat ay nauuwi minsan sa masasakit na salita.

Ayon kay "Kyle," hindi niya ito naranasan noong face-to-face pa ang klase.

"Naririnig ng teacher. Mapapa-guidance pa po kami... binabawian ko din sila ng asar din," ani "Kyle."

Dahil sa mga ganoong insidente, mas nakabantay ngayon ang guardian ni "Kyle" sa kaniya.

"Pagkatapos ng online class nila, iche-check 'yong social media accounts niya," ani "Jenny," guardian ni
"Kyle."

Ayon sa Department of Education (DepEd) at Child Protection Network (CPN), posibleng umakyat ang
mga insidente ng cyberbullying ngayong online na ang klase ng maraming mag-aaral.

"There may be difficulty sa pag-differentiate between personal time and learning time, so baka mag-spill
over ‘yong bullying doon sa online learning," anang abogadong si Gil Aquino, child rights senior office sa
DepEd.

"Environment niya nag-shift pero ang taong involved, same lang. ‘Yong risk factor sa buhay niya is the
same, whether it is online or school setting," ani CPN Executive Director Bernadette Madrid.

Naniniwala ang clinical psychologist na si Cely Magpantay na posibleng mas malaki ang epekto sa bata
ng cyberbullying kumpara sa pambu-bully nang harapan.

"Because the platform is accessible to all compared to when the child or student is in the face-to-face
setup in their classroom, only few can witness. The magnitude and the exposure can add up to the
psychological damage of the form of bullying," ani Magpantay.

Ayon sa DepEd Child Protection Policy, ano mang aksiyon ng mag-aaral online o sa text na dahilan para
ma-harass, matakot o mapahiya ang isa pang mag-aaral ay maituturing na cyberbullying.

Iminandato ng DepEd noong 2012 ang pagbuo ng child protection committee sa bawat paaralan para
tumanggap at agad tugunan ang mga reklamo ng cyberbullying at iba pang karahasan sa mga
estudyante.

Pero inihahanda na ng ahensiya ang dagdag na polisiya para maprotektahan ang mga bata kontra
cyberbullying at iba pang karahasan ngayong home-based ang learning.

Ika-apat Markahan Linggo: 6


Target na Kasanayan: Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na kilos upang maiwasan at
matugunan ang mga karahasan sa paaralan
(Pag-aari ng Gobyerno. Hindi Ipinagbibili)
[1]
(This is a Government Property. Not For Sale.)
LEARNING ACTIVITY SHEET
Baitang 8 – Edukasyon sa Pagpapakatao
_______________________________________________________________________________

Ayon sa DepEd, mas malaki ang role ng mga magulang at guardian sa pagre-report ng mga insidente
ng cyberbullying ngayon.

Kasama na rin sa dagdag na polisiya ang mga paraan kung paano matutulungan ang mga batang
sangkot sa bullying at mga biktima sa pamamagitan ng interventions kahit may community quarantine
restrictions.

Halimbawa ay ang paglapit sa Barangay Council For The Protection Of Children.

Inaasahang mailalabas ang dagdag na polisiya bago matapos ang Nobyembre.

May mga webinar din ang ilang non-government organization para mas ma-educate ang mga
magulang, guro at mag-aaral ukol sa bullying.

https://news.abs-cbn.com/news/10/28/20/deped-maglalabas-ng-dagdag-na-polisiya-kontra-cyberbullying

Sagutin ang bawat katanungan:


1. Ano ang cyberbullying?
____________________________________________________________
____________________________________________________________

2. Ano sa tingin mo ang pangunahing layunin kung bakit inilunsad ang DepEd
Child Protection Policy?
______________________________________________________________
______________________________________________________________

3. Bakit mahalagang ma-educate ang mga magulang, guro at mag-aaral ukol


polisiyang ito?
______________________________________________________________
______________________________________________________________

Ika-apat Markahan Linggo: 6


Target na Kasanayan: Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na kilos upang maiwasan at
matugunan ang mga karahasan sa paaralan
(Pag-aari ng Gobyerno. Hindi Ipinagbibili)
[2]
(This is a Government Property. Not For Sale.)
LEARNING ACTIVITY SHEET
Baitang 8 – Edukasyon sa Pagpapakatao
_______________________________________________________________________________

Gawain 2: Comic Strip Analysis


Panuto: Basahin at unawain ang comic strip sa ibaba.

Gumawa
tayo ng mga
Magandang hakbang
umaga! Sumali Ano bang upang Huwag
Humingi ng
ka naman sa gagawin? masupil ang lumahok sa
tulong o
aming gawain. karahasan mga gang,
saklolo sa
sa paaralan. fraternity at
awtoridad.
mga gawain
nila.

Sige,
sang-ayon
ako diyan!
Humingi ng
tulong o
Sali
saklolo sa
ninyo
awtoridad.
rin ako!

Karahasan Sa Paaralan Storyboard by 19b34757 (storyboardthat.com)

Sagutan natin:
1. Kung ikaw ay may pagkakataon na mamili, sino ka sa mga tauhan sa itaas?
(ikaw ba ang nanguna o ang sumang-ayon lamang na tauhan), Bakit?
Ipaliwanag. ___________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

2. Sumasang-ayon ka ba sa kanilang naisip? Bakit? Ipaliwanag.


____________________________________________________________
____________________________________________________________

Ika-apat Markahan Linggo: 6


Target na Kasanayan: Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na kilos upang maiwasan at
matugunan ang mga karahasan sa paaralan
(Pag-aari ng Gobyerno. Hindi Ipinagbibili)
[3]
(This is a Government Property. Not For Sale.)
LEARNING ACTIVITY SHEET
Baitang 8 – Edukasyon sa Pagpapakatao
_______________________________________________________________________________

Mula sa mga ideyang nakuha mo sa comic strips, magsulat ng limang


pamamaraan kung paano ka makakaiwas at makatutugon sa karahasan sa
paaralan. Isulat mo ito sa flowchart na makikita sa ibaba.

1.

2. 3.

4. 5.

1. Nahirapan ka bang gawin ito? Ipaliwanag sa isang pangungusap.


______________________________________________________________
______________________________________________________________

2. Sa iyong sariling pananaw, bakit mahalaga ang aktibong pakikilahok sa


pagsupil ng karahasan sa paaralan? ________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
Ika-apat Markahan Linggo: 6
Target na Kasanayan: Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na kilos upang maiwasan at
matugunan ang mga karahasan sa paaralan
(Pag-aari ng Gobyerno. Hindi Ipinagbibili)
[4]
(This is a Government Property. Not For Sale.)
LEARNING ACTIVITY SHEET
Baitang 8 – Edukasyon sa Pagpapakatao
_______________________________________________________________________________

3. Ang mga sumusunod ay mga uri ng karahasan na posibleng umiral sa


paaralan, pumili ng iyong naranasan o nasaksihan at sumulat ng isang
maikling sanaysay na maglalahad ng iyong sariling opinyon upang maiwasan
at matugunan ang karahasan sa paaralan na iyong napili.

a. Pambubulas
b. Bandalismo
c. Paglahok sa Fraternity/Gang
d. Pagdadala ng ipinagbabawal na gamot

________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________

Ika-apat Markahan Linggo: 6


Target na Kasanayan: Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na kilos upang maiwasan at
matugunan ang mga karahasan sa paaralan
(Pag-aari ng Gobyerno. Hindi Ipinagbibili)
[5]
(This is a Government Property. Not For Sale.)

You might also like