You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV-A CALABARZON
Sangay ng Lungsod ng Batangas
PAARALANG INTEGRADO NG PAHARANG
Paharang, Lungsod ng Batangas

Petsa: Pebrero____, 2019 ______________


G8 – Humility 7:00 – 8:00 n.u.

I. LAYUNIN
1. Nakikilala ang iba’t ibang uri ng karahasan na nagaganap sa paaralan.
2. Natutukoy ang sanhi at bunga ng mga isyung ito kaugnay ng karahasan.
3. Nailalahad ang sariling opinyon o pananaw sa isyu ng karahasan.
4. Nahihinuha ang konsepto ng paksang tinalakay.
II. PAKSA
Yunit IV: Mga Isyu ng Pakikipagkapwa
Modyul 14: Karahasan sa Paaralan
Kagamitan: TV, Laptop, Powerpoint Presentation, Video Clip
Sanggunian: Modyul para sa Mag-aaral, pp. 367-400
Gabay para sa Guro, pp. 179-188

III. PROSESO NG PAGKATUTO


A. GAWAING RUTINARI
1. Panalangin at Pagbati
2. Pagtatala ng Liban
3. Pagbabalik-aral
 Ano ang kahalagahan ng kamalayan sa sekswalidad ng tao?
 Ano ang pagmamahal bilang isang birtud?

B. AKTIBITI
1. Motibasyon
a. It’s More Fun in High School. Panoorin ang lyric video clip ng awiting
High School Life ni Sharon Cuneta?

 Gabay na Tanong
 Ano ang mensahe sa awiting napakinggan?
 Masasalamin mo ba ito sa kasalukuyan mong buhay bilang isang mag-
aaral sa high school?

b. Complete the Puzzle. ng bawat pangkat ay bibigyan ng mga piraso ng


puzzle upang mabuo ang isang larawan.

 Gabay na Tanong
 Ano ang sinisimbolo ng mga larawang iyong nabuo sa puzzle? Tukuyin
ito isa-isa.
 Anong mga sitwasyon sa pang-araw-araw na buhay sa paaralan ang
iyong naalala nang makita mo ang mga larawan? Ibahagi.

2. Presentasyon ng Aralin
Yunit IV: Mga Isyu ng Pakikipagkapwa
Modyul 14: Karahasan sa Paaralan

3. Panimulang Pagtataya
Tiyakin ang dating kaalaman ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng
pagsagot sa panimulang pagtataya na nasa pahina 368-371 ng modyul.

Ikaapat na Markahan | Modyul 14


4. Pangkatang Gawain
a. TELEMENTARYO. Panoorin ang mga video clip kaugnay ng isyu sa
pakikipagkapwang karahasan. Pagkatapos, isagawa ang sumusunod
na gawain.

Pangkat I, II, at III: Punan ang cause and effect chart.

Sanhi ng pagkakaroon ng karahasan sa Epekto ng pagkakaroon


paaralan ng karahasan sa paaralan

Pangkat IV, V, at VI : Punan ang talahanayan ng mga mahahalagang


pangyayari sa video clip na napanood.

Sanhi ng paglahok sa Mga maling paniniwala na


Epekto ng paglahok sa gang
gang nakita mula sa palabas

 Batayan sa Pagmamarka

NILALAMAN (kaangkupan at organisasyon) 10


PRESENTASYON (istilo at pagkamalikhain) 15
KOOPERASYON (kaisahan at kaayusan) 5
KABUUAN 30

 Presentasyon ng Bawat Pangkat


 Pagbibigay ng Iskor at Feedback

C. ANALISIS
Mula sa naunang gawain, sagutin ang sumusunod na mga tanong:
1. Sa iyong palagay, bakit may mga nambubulas at may binubulas?
2. Bakit lumalganap ang ganiton uri ng karahasan hindi lamang sa paaralan
kundi maging sa buong bansa?
3. Batay sa iyong sariling pananaw, ano ang tinatawag na gang? Paano mo
ito mailalarawan?
4. May mabuti bang naidudulot ang pagsali sa isang gang? Kung wala, ano
ang masamang epekto nito?

D. ABSTRASYON
IDEYA SA LARAWAN. Suriin ang mga larawan. Mula rito ay magbigay ng hinuha
sa konsepto ng paksa.

Ikaapat na Markahan | Modyul 14


Ang pambu-bully o pambubulas ay isang isyu ng pakikipagkapwa na
dapat pagtuunan ng pansin sapagkat ito ay nagdudulot ng masama sa
nambubulas at binubulas.

E. APLIKASYON
Feeling Mo! Show Mo!. Ilahad ang iyong damdamin o saloobin tungkol sa
inilalahad ng isang balitang may kaugnayan sa karahasan sa paaralan.

IV. KASUNDUAN
 Basahin ang kuwento na nasa pahina 374-377 ng modyul para sa mag-aaral.

Inihanda ni:

Bb. SANNYLYN F. MIÑON


Guro sa ESP 8

Ikaapat na Markahan | Modyul 14

You might also like