Professional Documents
Culture Documents
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8
Moonstone at Onyx
Modyul 1
Batayang Konsepto: Ang mga gawain o karanasan sa sariling pamilya ay kapupulutan ng aral at
may positibong impluwensya sa sarili.
KP1: Natutukoy ang mga gawain o karanasan sa sariling pamilya na kapupulutan ng aral o may
positibong impluwensya sa sarili.
I. Layunin: Sa modyul na ito, inaasahang maipamalas ng mga mag-aaral ang mga sumusunod na
kaalaman at kakayahan.
a. Naiisa-isa ang mga tungkulin ng pamilya na nakaiimpluwensya sa isang
indibidwal.
b. Nakapagbabahagi ng sariling mga tungkulin ng bawat miyembro ng pamilya ayon
sa sariling karanasan.
c. Nakabubuo ng isang ‘slogan’ na nagpapakita ng kahalagahan ng isang pamilya sa
buhay ng isang tao.
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagpansin sa kalinisan ng silid-aralan
3. Pagtatala ng liban sa klase
4. Pagbabalik Aral
Tatawag ang guro ng maglalahad ng pinag-usapan noong nakaraang
pagkikita.
5. Motibasyon
Aatasan ng guro na ilabas ng mag-aaral ang larawan ng kanilang
pamilya.
Tatawag ang guro ng piling mag-aaral upang ibahagi ang dinalang mga
larawan gamit ang mga sumusunod na katanungan:
a. Sino-sino ang mga nasa larawan?
b. Ano-ano ang kanilang mga pangunahing
ginagampanan sa loob ng tahanan?
c. Paano mo ilalarawan ang iyong pamilya?
d. Ano ang kahulugan o kabuluhan ng pamilya
para sa iyo?
B. Gawain
Guguhit ang bawat mag-aaral sa kanilang kwaderno ng isang
bahay na nagpapakita ng mahahalagang bahagi nito.
Gagamitin ang istruktura ng bahay o ang ilang kagamitan na
naririto upang ilarawan ang bawat kasapi ng kanilang pamilya at
ang kanilang mahahalagang kontribusyon. Bibigyan ng 10 minuto
ang mag-aaral.
Halimbawa:
Pamantayan sa Pagmamarka
Kaangkupan ng nilalaman sa tema 5 PUNTOS
Disenyo 5 PUNTOS
Kaayusan at Kalinisan 5 PUNTOS
KABUUAN 15 PUNTOS
Ipinasa ni:
Ipinasa Kay:
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagpansin sa kalinisan ng silid-aralan
3. Pagtatala ng liban sa klase
4. Pagbabalik Aral
Tatawag ang guro ng maglalahad ng pinag-usapan noong nakaraang
pagkikita.
5. Motibasyon
Sasagutin ng mga mag-aaral ang tanong na:
Ano ang mga karanasang hindi mo malilimutan kasama ang iyong
pamilya?
Mga gabay na tanong:
a. Naging madali ba sayo ang pag-iisip ng mga sariling
karanasan kasama ang iyong pamilya? Bakit?
B. Gawain
Pangkatang Gawain: Ang klase ay hahatiin sa limang grupo.
Iisa-isahin ng mag-aaral ang mga sariling karanasan sa pamilya na
nakapulutan ng aral o nagkaroon ng positibong impluwensya sa
kanilang sarili. Pipili ang bawat grupo ng mag-uulat sa klase.
Mga Gabay na Tanong:
a. Ano ang iyong naging damdamin sa pagsasagawa ng
gawaing ito?
b. Ano ang mahalagang reyalisasyon na iyong nakuha mula
sa gawaing ito?
c. Bakit mahalagang maglaan ng panahon upang suriin ang
iyong ugnayan sa iyong pamilya? Ipaliwanag.
d. Ano ang ibinibigay ng pamilya na tunay na nakatutulong
sa isang indibidwal upang mapaunlad ang kaniyang sarili
tungo sa pakikipagkapwa?
C. Paglalapat
D. Takdang-Aralin
Gumupit o gumuhit ng larawan na nagpapakita ng pagtutulungan at
pagmamahalan sa loob ng pamilya. Ipaliwanag
Ilagay sa kwaderno.
Pamantayan sa Pagmamarka
Kaangkupan ng larawan15
saPUNTOS
Paksa 5 PUNTOS
Eksplanasyon 5 PUNTOS
Kaayusan at Kalinisan 5 PUNTOS
KABUUAN 15 PUNTOS
Ipinasa ni:
Ipinasa Kay:
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagpansin sa kalinisan ng silid-aralan
3. Pagtatala ng liban sa klase
4. Pagbabalik Aral
Tatawag ang guro ng maglalahad ng pinag-usapan noong nakaraang
pagkikita.
5. Motibasyon
Aayusin ng mga mag-aaral ang mga salita upang mabuo ang
kahulugan ng Pamilya.
“Ang YILMAPA ang pangunahing SINONYTUITS sa lipunan na nabuo sa
pamamagitan ng PLAPAGKASAAP ng isang lalaki at babae dahil sa kanilang
walang GAP-TOMIBI, RUPO at MANGROKOTIG pagmamahal.”
Pamantayan sa Pagmamarka
Nilalaman 5 PUNTOS
Pakikiisa ng mga kasapi 5 PUNTOS
Pagkamalikhain 5 PUNTOS
KABUUAN 15 PUNTOS
C. Pagtataya
Suriin kung TAMA o MALI. Kung wasto ang pangungusap ilagay
ang salitang TAMA kung hindi naman ilagay ang salitang MALI.
1. Ang pamilya ay pamayanan ng mga tao na kung saan ang maayos na paraan ng pag-iral at
pamumuhay ay nakabatay sa ugnayan.- TAMA
2. Ang pamliya ang pinakamalaking yunit ng lipunan. - MALI
3. Ayon kay Santiago, ang pamilya ang pangunahing institusyon sa lipunan na nabuo sa
pamamagitan ng pagpapakasal ng isang lalaki at babae- MALI
4. Ang miyembro ng pamilya ay maaaring palitan kung hindi man niya magampanan nang
maayos ang kaniyang pananagutan- MALI
5. Nilikha ang pamilya para sa kapakanan ng mga miyembro lamang- MALI
Batayang Konsepto: Mahalaga na maisagawa ang mga angkop na kilos tungo sa pagpapaunlad
ng pagmamahalan at pagtutulungan sa sariling pamilya.
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagpansin sa kalinisan ng silid-aralan
3. Pagtatala ng liban sa klase
4. Pagbabalik Aral
Tatawag ang guro ng maglalahad ng pinag-usapan noong nakaraang
pagkikita.
5. Motibasyon
Isasalaysay ng guro ang isang kuwento.
Isang araw napansin ni Emma na masama ang pakiramdam ng kanyang Ina.
Makikitang pagod ang Nanay niya at madalas maupo upang magpahinga.Siya ay
tumulong sa kaniyang ina sa simpleng pagliligpit ng laruan ng kanyang
nakababatang kapatid, pagsasaing para sa kanilang hapunan at paghuhugas ng
pinggan. Nginitian ng Nanay si Emma at niyakap nang mahigpit. “Salamat sa iyong
napakalaking tulong sa araw na ito,” ang pabulong na sabi ng Nanay kay Emma.
Mga Gabay na tanong:
a. Paano ipinakita ni Emma ang pagmamahal sa kanyang Nanay?
b. Ano sa palagay ninyo ang naramdaman ni Emma pagkatapos
niyang tulungan ang kanyang nanay?
c. Ano sa palagay ninyo ang naramdaman ng kanyang nanay?
d. Kung kayo ang nasa sitwasyon ni Emma gagawin niyo rin ba ang
ginawa ni Emma? Ipaliwanag.
B. Gawain
C. Takdang Aralin
1. Gumawa ng family log na magsisilbing talaan ng mga karanasan sa
pamilya sa pagsasabuhay ng mga hakbang sa pagpapaunlad at pagmamahalan at
pagtutulungan sa sariling pamilya.
2. Gamit ang mahabang bond paper, isulat ang mga mahalagang
repleksyon na nakuha mula sa aralin. Gamitin ang format na nasa ibaba
Ipinasa ni:
Ipinasa Kay: