You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa ESP 8

I. Layunin

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang naisasagawa ang mga sumusunod:

1. Natutukoy ang kahulugan ng pagmamahalan at pagtutulungan;


2. Naisasagawa ang mga angkop na kilos tungo sa pagpapatatag ng
pagmamahalan at pagtutulungan sa sariling pamilya;
3. Nakapagbibigay ng sariling saloobin ukol sa kahalagahan pagmamahalan at pagtutulungan.

II. Nilalaman

Paksa: Pagmamahalan at Pagtutulungan sa Pamilya: Palaganapin


Sanggunian: Unang Markahan – Modyul 4: Pagmamahalan at Pagtutulungan sa Pamilya:
Palaganapin
Kagamitan: Google meet link at PPT presentation
Pagpapahalaga: Nagpapakita ng kahalagahan ng pagkakaroon ng pagmamahalan at
pagtutulungan
sa pamilya at sa kapwa

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain
 Panalangin
 Pagbati
 Pagbibigay ng alituntunin sa online class

B. Paglinang ng Gawain

1. Pagganyak (Motivation)
 Bago natin pormal na simulan ang talakayan sa araw na ito, nais kong inyong sagutan
ang panimulang gawain

Panuto: Tukuyan kung ang mga sumusunod na parirala ay nagpapakita ng pagmamahalan o


pagtutulungan sa pamilya tungo sa makabuluhang pakikipagkapuwa.

1. Pagbibigayan ng magkakapatid

2. Paggalang sa nakakatanda

3. Pagpapasalamat sa sakripisyo ng magulang

4. Pagsasakripisyo ng magulang.

5. Pagkakaisa sa kapuwa.

6. Pagsunod sa batas.

7. Pag-aaruga sa magulang.
2. Pagtalakay

 Ngayon ay tumungo na tayo sa ating talakayan tungkol sa pagmamahalan at pagtutulungan.

Ang pamilya ay natural na institusyon ng pagmamahalan at pagtutulungan na nakatutulong din sa


pagpapaunlad ng sarili sa bawat kasapi dahil sa kanilang piling nahubog ang ating mga pagpapahalaga na
atin ding ipinamalas sa kapuwa.

 Paano nga ba maipadarama ang pagamamahal at pagtutulungan sa sariling pamilya?

Ang pagmamahal ay isang damdamin na hindi lamang naipakita sa pagbibigay ng mga materyal na bagay
kung hindi maging sa pagpapahalaga.

Hindi lamang mararamdaman at makikita ang pagmamahal sa loob ng tahanan maaari ring maramdaman
ito sa Panginoon at kapuwa.

 Ano-ano ang mga kilos na nagpapakita nag pagmamahal?

1. Pagbibigayan sa pamamagitan ng paglalaan ng oras at panahong makapiling ang pamilya


2. Pagpapakumbaba sa tuwing nakagagawa ng kamalian at matotong humingi ng kapatawaran
3. Pagpapakita ng respeto sa mga magulang at nakatatandang kapatid
4. Pagpapahalaga sa mabubuting nagawa ng pamilya tulad ng;
o ipinagmamalaki kita.
o mahusay ang iyong ginawa atbp.

Kaakibat ng pagmamahal ay pagpapakita ng suporta sa pamamagitan ng pagtulong sa kapuwa na hindi


naghihintay ng anumang kapalit. Ito ang nagiging dahilan sa pagpapatatag ng pagtutulungan sa pamilya.

1. Pagkakaisa sa mga gawaing bahay

2. Pagtulong sa kapatid na maunawaan ang aralin

3. Pagsasakripisyo ng pansariling kagustuhan para sa ikabubuti ng pamilya

4. Pagpapakita ng suporta sa mga anak na nag-aaral

5. Pagkamit sa mithiing magpapaunlad ng pamilya

6. Pagsunod sa mga utos at payo ng magulang

7. Pag-alalay sa kasapi ng pamilya na may kapansanan

8. Pagbabahagi ng mga biyaya sa pamilya

3. Paglalahat

 Ano ba ang kahalagahan ng pagmamahalan ang pagtutulungan sa pamilya?

Sinasabing ang pagmamahal ang pinakamahalagang elemento na nagdudugtong sa tao, ibig sabihin kung
may pagmamahal ay mararamdaman natin ang katiwasayan at pagtutulungan sa bawat isa. Ayon nga kay
St. Thomas Acquinas, ang pagmamahal ay naipadadama hindi lamang sa salita kung hindi sa gawa. Kung
gayon, bilang tao ay napakahalagang pairalin ang pagmamahal para magkaroon ng makabuluhang
pakikipagkapuwa.
4. Paglalapat (Applicaion)
o May natutunan na ba kayo sa aralin ngayon?
o Ngayon ay ating suriin ang iyong nalalaman.

Panuto: Suriin ang mga sitwasyon at isulat ang iyong mga sagot sa iyong modyul.
IV. PAGTATAYA

Panuto: Maglahad ng mga angkop na kilos na magpapatatag ng pagmamahalan at pagtutulungan sa


iyong pamilya. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel at, isulat ito sa inyong modules.

You might also like