Professional Documents
Culture Documents
Edukasyon sa Pagpapakatao 8
Ikaapat na Markahan – Ikalimang Linggo
MELC 1. Nakikilala ang mga uri, sanhi at epekto ng mga umiiral na karahasan
sa paaralan. EsP8IPIVc-14.1
URI NG PAMBUBULAS
1. Pasalitang Pambubulas. Ito ay pagsasalita
at pagsusulat ng masasamang salita laban
sa isang tao katulad ng pangangantiyaw,
pangungutya, panunukso, panlalait, pang-
aasar, paninigaw, pagmumura, pang-
iinsulto, pagpapahiya sa iyo sa harap ng
maraming tao, at iba pa. Ayon sa pag-aaral
ng PLAN Philippines, ang pangungutya at
panunukso ang pinakapangunahin sa
nararanasan ng mga mag-aaral sa paaralan na kahit sa maagang yugto ng
pag-aaral ng mga bata sa paaralan ay nararanasan na nila ang kutyain at
tuksuhin bunga ng iba’t ibang dahilan.
1
RO_MIMAROPA_WS_ESP8_Q4
2
RO_MIMAROPA_WS_ESP8_Q4
Ang Nambubulas
Ang dahilan ng pambubulas
ng isang tao ay maaaring mag-ugat
sa pamamaraan ng pagpapalaki ng
kanyang mga magulang, ayon kay
Karen E. Tusanki (2008). Sabi pa
niya, ang isang bata na nambubulas
ay:
Ang Binubulas
1. Kaibahang pisikal (physically different).
Ang pagkakaroon ng kapansanan sa
katawan, masyadong mataba o payat,
mahina o astigin, masyadong matangkad o
bansot, at iba pa.
2. Kakaibang Estilo ng pananamit (dress up
differently). Masyadong maigsi o bulgar
manamit o di kaya naman ay masyadong
mahaba at balot ang katawan o konserbatibong manamit ang isang babae.
Ang pagsusuot ng out of trend na kasuotan na hindi tumutugma sa
pangangatawan ng isang tao.
3. Oryentasyong seksuwal (sexual orientation). Ang isang tao ay nabubulas
kung kakikitaan siya ng pagiging mahina bilang lalaki o pagiging astig
bilang isang babae.
4. Madaling mapikon (short-tempered). Nakikita sa isang tao na kapag
tinutukso o kinukutya ay mabilis na nagagalit. Natutuwa sila na
nakikitang naapektuhan ang binubulas kaya paulit-ulit nila itong
gagawin.
5. Balisa at hindi panatag sa sarili (anxious and insecured). Ang kawalan ng
seguridad sa sarili ay isang palatandaan ng kahinaan na madaling
nakikita ng mga nambubulas.
3
RO_MIMAROPA_WS_ESP8_Q4
EPEKTO NG PAMBUBULAS
“Nakababahala ang palaki nang palaking
bilang ng mga nabibiktima ng pambubulas dahil
ang mga biktima nito ay mayroong posibilidad
na makalinang ng pagiging mailap at ng takot
na makaaapekto sa pamamaraan ng kanilang
pakikipag-ugnayan sa kanilang kapwa,
makahahadlang sa kanilang pakikilahok sa
paaralan at makapagpapababa ng kanilang
marka sa pag-aaral.” – Michael Diamond,
Direktor ng Plan Philippines.
Narito ang ilan pa sa mga pangunahing
epekto ng pambubulas:
1. Labis na pagkabalisa, kalungkutan, suliranin sa pagtulog (sleep
difficulties), mababang tiwala sa sarili, maging sakit sa ulo at tiyan at
pangkalahatang tensiyon na nagdudulot ng stress sa mga biktima na
nagdudulot ng mahinang pangangatawan laban sa sakit at impeksiyon
kung kaya nagiging sakitin ang mga ito.
2. Madalas na kakaunti ang kaibigan o maaaring walang kaibigan.
Masyadong mahirap para sa kanila ang humanap at magkaroon ng
kaibigan dahil sa kanilang labis na pagkabalisa at mababang pagtingin sa
sarili. Minsan ay nagdudulot ito ng pag-iisa at pagiging malayo sa
nakararami at nagkakaroon sila ng paniniwala na hindi sila karapat-dapat
na magkaroon ng kaibigan. Bukod pa rito, ang iba ay ayaw na silang
maging kaibigan sa takot na baka sila ay maging biktima rin ng
pambubulas o maaaring hindi sila magustuhan kapag nakipagkaibigan o
nakikihalubilo sa mga binubulas.
3. May posibilidad na maging marahas. Maaaring makagawa sila ng mas
marahas na bagay lalo pa at higit na naging mas malabis ang sakit na
kanilang naranasan mula sa mga nambubulas kaya sila ay napipilitang
gumanti at gawin ang bagay na ginawa sa kanya dati ng ibang tao.
4
RO_MIMAROPA_WS_ESP8_Q4
Panuto: Kilalanin ang mga uri, sanhi at epekto ng mga umiiral na karahasan sa
paaralan. Itala sa Concept Map ang ang mga impormasyong hinihingi . Isulat
ito sa sagutang papel.
5
RO_MIMAROPA_WS_ESP8_Q4
PAMBUBULAS O BULLYING
URI NG
PAMBUBULAS
Nambubulas Binubulas
SANHI NG
PAMBUBULAS
EPEKTO NG
PAMBUBULAS
6
RO_MIMAROPA_WS_ESP8_Q4
Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na tanong. Isulat ito sa sagutang papel.
Nilalaman 10
Pagiging Malinis 5
Kapayakan 5
KABUOAN 20
GABAY NA TANONG
7
8
;pp. 367 - 396
Edukasyon sa Pagpapakatao 8, Modyul para sa Mag-aaral. Unang Edisyon 2013
Aklat:
Sanggunian
Gawain 1:
PAMBUBULAS O BULLYING
Prejudicial Emosyonal Pasalita
URI NG PAMBUBULAS
Seksuwal Cyberbullying Pisikal
Binubulas Nambubulas
- Kaibahang pisikal
- Kulang sa aruga ng magulang SANHI NG
- Kakaibang estilo ng pananamit
- Oryentasyong seksuwal - Hindi nakaramdam ng PAMBUBULAS
- Madaling mapikon pagmamahal mula sa pamilya
- Mababa ang tingin sa sarili - Mababaw na komunikasyon at
- Tahimik at lumalayo sa ugnayan sa loob ng pamilya
nakararami - Nakikita ang karahasan ng mga
- Walang kakayahang ipagtanggol magulang
ang sarili
- Labis na pagkabalisa, - Maaring masangkot sa iba’t
EPEKTO NG
kalungkutan at suliranin sa ibang uri ng krimen
PAMBUBULAS
pagtulog - Masaktan at makapanakit sa
- Nahihirapang pakikipag-away
makipagkaibigan - Lumiban sa klase o tumigil sa
- Takot magtiwala sa iba pag-aaral
- May posibilidad na maging - Gumamit ng alak at droga
marahas
Gabay na Tanong:
Ang mga sagot ay maaring magkaiba – iba at nakasalalay sa guro ang pagwawasto.
Gawain 2:
Nakasalalay sa guro ang pagwawasto gamit ang Rubrics.
Susi sa Pagwawasto
RO_MIMAROPA_WS_ESP8_Q4
RO_MIMAROPA_WS_ESP8_Q4
Internet:
https://www.jonnyshannon.com/blog/what-is-bullying-a-21st-century-looking-into-the-
different-types-of-and-how-we-can-help
https://www.verywellfamily.com/types-of-bullying-parents-should-know-about-4153882
https://www.smartparenting.com.ph/parenting/big-kids/causes-of-bullying-a1862-
20200209
https://www.scholarchip.com/causes-of-bullying/
https://www.educationworld.com/a_issues/issues/issues103.shtml
Mga Larawan
https://media.istockphoto.com/vectors/sad-overweight-boy-wearing-glasses-going-
through-school-school-boys-vector
id1096958532?k=6&m=1096958532&s=612x612&w=0&h=k_HENNhJDAV52F7fDU9E-
8zS2SUyC7d8PjIkJTFY5HI=
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.dreamstime.com%2Fillustr
ation%2Fverbal-abuse.html&psig=AOvVaw3hT5qsVB1z5I_XOiOoQ-
Cg&ust=1617664546981000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCJCMpZrc5e8
CFQAAAAAdAAAAABAD
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fmomonthemap.com%2Fthe-
effects-of-bullying-on-childrens-health-and-academic-achievement-guest-post-by-amanda-
warren%2F&psig=AOvVaw39GU7ZC_dNBIJgeXzWDDdl&ust=1617665294237000&source=
images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCMC5joTf5e8CFQAAAAAdAAAAABAY
Inihanda ni:
Jean M. Balita
Sinuri ni:
Pinky J. Cuello