You are on page 1of 5

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

4 A`s MAIKLING BANGHAY ARALIN


Baitang 8; MGA KARAHASAN SA PAARALAN

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN (Content Standard)


 Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga karahasan sa paaralan.
PAMANTAYAN SA PAGGANAP (Performance Standard)
 Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na kilos upang maiiwasan at
matugunan ang mga karahasan sa kanyang paaralan.
PAMANTAYAN SA PAGKATUTO (Learning Competencies)
 Nakikilala ang mga uri, sanhi, at epekto ng mga umiiral na karahasan sa paaralan.
ESP8IP-IVC-14.1
 Nasusuri ang mga epekto ng pagmamahal sa sarili at kapwa na kailangan upang
maiwasan at matugunan ang karahasan sa paaralan.EsP8IP-IVC-14.2
 Naipaliliwanag na:
A. Ang pag-iwas sa anumang uri ng karahasan sa paaralan ( tulad ng
pagsali sa fraternity at gang at pambubulas ) at ang aktibong
pakikisangkot upang masupil ito ay patunay ng pagmamahal sa sarili at
sa kapwa at paggalang sa buhay. Ang pagmamahal na ito sa kapwa ay
may kaakibat na katarungan- ang pagbibigay sa kapwa ng nararapat sa
kanya ( ang kanyang dignidad bilang tao).
B .May tungkulin ang tao kauganay sa buhay ang ingatan ang kanyang
sarili at umiwas sa kamatayan o sitwasyong maglalagay sa kanya sa
panganib. Kung mina mahal niya ang kanyang kapwa tulad ng sarili,
iingatan din niya ang buhay nito. EsP81-14.3
 Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang maiwasan at masupil ang mga
karahasan sa kanyang paaralan. EsP81P - 1Vd – 14.4

I. MGA LAYUNIN
Sa loob ng 50 minuto 95% mula sa 50 na mga mag – aaral sa Baitang 8 – Rizal ay
inaasahang:
 Makapagpaliwanag ng maaring sanhi at bunga ng mga karahasan sa paaralan.
 Makapagsagawa ng tatlong minutong dula patungkol sa mga negatibong
pangyayari sa loob ng paaralan.
 Makapagbigay ng personal na reaksiyon at maaring solusyon sa karahasang
nangyayari sa paaralan.

II. PAKSANG ARALIN


Paksa: Mga Karahasan sa Paaralan
Sanggunian: Modyul 14: KARAHASAN SA PAARALAN

Kagamitan: Laptop, projector, visual aids, pandikit, pentil – pen

III. PANIMULANG GAWAIN


Pamamaraan
1. Paghanay ng mga upuan
2. Panalangin
3. Pagtala ng lumiban
4. Pagbibigay ng energizer
5. Pagbabalik – Aral

IV. PLANO NG PAGKATUTO


A. Pangganyak Estratehiya
(Activity – 10 minutes)
1. Ang klase ay sisimulan ng paunang Contextualization
tanong patungkol sa iba’t - ibang Metacognitive Analysis
karanasan (negatibon o positibo) sa
paaralan at iuugnay sa talakayan
hinggil sa mga karahasan sa paaralan.

1.1 Kamusta ang inyong mga araw


ngayon?
1.2 Maaari ba kayong magbahagi ng
mapait na mga karanasan sa paaralan
na hindi ninyo malilimutan?

B. Paglalahad
(Analysis -20 minutes)

1. Upang mas lubusang maunawaan Interactive Discussion with whole class


ang aktibidad na ginawa, may processing
ilang katanungang ibibigay sa mga
mag- aaral. At ito ay ang mga
sumusunod:
1.1 Batay sa nagging aktibidad o
karanasang iyong ibinahagi,
ano ang kalimitang rason ng
mga nagaganap na karahasan
sa paaralan?

2. Ang talakayan at ang mga


kasagutan na mula sa mga mag -
aaral ay bigyan pa ng husay sa
pamamagitan ng isang talahanayan
kung saan nakapaloob ang iba’t -
ibang uri ng pambubulas.
2.1 Gamit ang nasabing
talahanayan at mga uri ng
pambubulas, ang mga mag-
aaral ay inaatasang idikit sa
pisara at tukuyin kung sa
anong uri ito nabibilang.
2.1.1 Ano ang nagging
batayan mo sa
pagtukoy sa mga uri ng
pambubulas?
2.1.2 Batay sa larawan ano
ang maaaring epekto
nito sa mga biktima ng
pambubulas?
2.1.3 Ano ang dahilan kung
bakit umiiral ang
karahasan sa paaralan?

C. Paglalahat
(Abstraction- 10 minutes)

1. Pagkatapos makuha ang mga


punto ng mga mag- aaral, ang guro Whole class interactive discussion
ay magbibigay ng maikling
pamprosesong talakayan. At ang
mga mag- aaral ay tatanungin ng
mga sumusunod:
1.1 Bakit mahalagang malaman
ang mga epekto ng
pambubulas?
1.2 Bakit mahalagang umiwas sa
anumang uri nga karahasan sa
paaralan?

PAKA – TANDAAN:
(Bawat kasagutan ng mga mag- aaral ay
kailangan isulat ng guro sa pisara.)
(Ang mga sagot ng mga mag- aaral ay
bibigyang proseso at buod ng guro.)

D. Paglalahat
(Application – 10 minutes)

1. Hahatiin sa limang pangkat ang


buong klase. Bawat pangkat ay
gagawa ng graphic organizer at Designing graphic organizer(table) are group
slogan na sharing
nagpapakita/nagpapahiwatig ng
pag – sugpo ng mga karahasan sa
paaralan.
Ang pag - iwas sa anumang
uri ng karahasan sa paaralan
Na may kaakibat na
Ay patunay ng
___________________.

Ang aktibong pakikisangkot


sa pagsusupil nito

V. TAKDANG ARALIN
Panuto: Gumuhit ng isang larawan ng paaralan na ligtas sa anumang uri ng karahasan at
ipaliwanag sa likod ng ginuhitang papel.

You might also like