You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8

Petsa: Oct. 30- Nov. 10, 2019 Oras: Kwarter: 3 Modyul No.: 9 DLP No.:
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng magaaral ang pag-unawa sa mga konsepto tungkol sa pasasalamat.
Pamantayan sa Pagganap: Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na kilos sa isang pangkatang gawain ng pasasalamat.
Pamantayan sa Pagkatuto
I. Layunin (Objectives)
Pangkaalaman (Knowledge) Natutukoy ang mga biyayang natatanggap mula sa kabutihang-loob ng kapwa at mga
paraan ng pagpapakita ng pasasalamat.( EsP8PBIIIa-9.1)
Nasusuri ang mga halimbawa o sitwasyon na nagpapakita ng pasasalamat o kawalan nito.
(EsP8PBIIIa-9.2)
Pangkasanayan (Skills) Naisasagawa ang mga angkop na kilos ng pasasalamat.
(EsP8PBIIIb-9.4)
Pag-unawa (Attitude) Napatutunayan na ang pagiginig mapagpasalamat ay ang pagkilala na ang maraming
bagay na napapasaiyo at malaking bahagi ng iyong pagkatao ay nagmula sa kapwa, na sa
kahuli-hulihan ay biyaya ng Diyos. Kabaligtaran ito ng Entitlement Mentality, isang
paniniwala o pag-iisip na anomang inaasam mo ay karapatan mo na dapat bigyan ng
dagliang pansin. Hindi naglalayong bayaran o palitan ang kabutihan ng kapwa kundi gawin
sa iba ang kabutihang ginawa sa iyo. (EsP8PBIIIb-9.3)
II. Paksa/Pagpapahalaga
Sanggunian ESP 8 K to 12 LM, TG and CG
Kagamitan Modyul, Computer, Manila paper/bond paper, Pentel pen, atbp.
Pagpapahalaga Sa pagsasabuhay ng mga pagpapahalagang moral at birtud, naisusulong ang matatag na
pakikipagkapwa.
III. Pamamaraan
Pag-unawa Balik Aral
Balik-aralan-----Tanong para sa estudyante:
 Ano ang pinakamagandang bagay na natanggap mo mula sa iyong kapwa?
 Ano ang iyong ginawa?

Pagninilay Sa pamamagitan ng pangkatang gawain, ang mga mag-aaral sa loob ng klase ay pagpapangkat-
pangkatin ng guro sa lima at pasasagutan ang mga sumusunod na sitwasyon:

Panuto: Basahin ang iba’t ibang sitwasyon na nasa loob ng sobre. Tukuyin ang biyayang natanggap
mula sa kabutihang-loob at isulat ang paraan ng pagpapakita ng pasasalamat. Isulat lamang ang
iyong sagot sa papel na kalakip sa loob ng sobre.

Pangkat I
1. Binigyan ka ng inspirational book ng kaklase mong tumalo sa iyo sa isang patimpalak.
Biyayang natanggap :____________
Paraan ng Pasasalamat : __________

Pangkat II
2. Guminhawa ang inyong kalooban nang paggising mo isang umaga ay nalanghap mo ang
sariwang hangin at binate ka ng masayang huni ng ibon.
Biyayang natanggap :____________
Paraan ng Pasasalamat : __________
Pagsanguni Pagkatapos sa pagbabahagi ng mga mag-aaral , tatawag ng isa o dalawang estudyante ang guro
para magbigay opinyon sa mga sumusunod na katanungan :
1.Ano ano ang iyong natuklasan tungkol sa pasasalamat?
2.Ano ano ang paraan ng pagpapakita ng pasasalamat?
3.Bakit mahalaga ang magpasalamat? Ano ang nagagawa nito sa atin at sa ating kapwa?
4.Ano pa kaya ang iyong gagawin upang lalo mong maisabuhay ang pasasalamat?
5. Ano ang kabaliktaran ng kawalan ng pasasalamat?

Pagpapasya Himay-himayin ng guro ang mga kahulugan ng pasasalamat at ang mga paraan ng pasasalamat.

Ang pasasalamat ay isang gawi ng isang taong mapagpasalamat ; ang pagiging handa sa
pagpapamalas ng pagpapahalaga sa taong gumawa sa kaniya ng kabutiang-loob. Ito rin ay ang
pagkakataon ng masigla at magiliw na pakiramdam tungo sa taong gumawa ng kabutihan.

Ang pagpapakita ng pasasalamat ay hindi lamang sa taong pinagkakautangan ng loob ,


maaaring ituon ang pasasalamat sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mabuting puso at paggawa
ng mabuti sa ibang tao.

Mga Ilang Paraan ng Pagpapakita ng Pasasalamat


1. Magkaroon ng ritwal na pasasalamat.
2. Magpadala ng liham-pasasalamat sa mga taong nagpakita ng kabutihan o higit na
nangangailangan ng iyong pasasalamat.
3. Bigyan ng simpleng yakap o tapik sa balikat kung kinakailangan.
4. Magpasalamat sa bawat araw.
5. Ang pangongolekta ng mga quotations ay magpapabuti sa iyong pakiramdam.
6. Gumawa ng kabutihang-loob sa kapwa nang hindi naghihintay ng kapalit.
7. Magbigay ng muti o simpleng reagalo.

Palalawakin ng guro ang talakayan hanggang sa makapabigay ng mga halimbawa ang mga mag-
aaral.

Maari ring masagutan ang mga sumusunod na mga katanungan:


Alin sa mga paraang ito ang nagawa mo nasa taong gumawa sa iyo ng kabutihan? Ano ano ang
iyong reyalisasyon sa mga pagkakataong ito?

( Mga katanungan ng mga mag-aaral ay dapat masagutan ng guro , bago paman ang pagtataya. )
Pagkilos Panuto : Bawat pangkat ay magsasagawa ng survey tungkol sa pasasalamat sa limang mag-aaral sa
loob ng silid- aralan. Ipatala ang pangalan ng mag-aaral at lagda. Bibigyan lamang ng 20 minuto ang
bawat pangkat upang isagawa ang gawain sa loob ng silid- aralan. Itala ang mga sagot sa
kuwaderno at ilipat ito sa manila paper para sa pag-uulat.

Mga gabay na tanong sa survey:


1.Sino-sino ang pinasasalamatan mo sa buhay?
2.Bakit mo sila pinasasalamatan?
3.Paano mo naipakita o napatutunayan ang iyong pasasalamat sa bawat atong pinasasalamatan?
4.Ano ang kabutihang naidudulot ng pagpapakita mo ng pasasalamat sa bawat taong
pinasasalamatan?

Para sa pag-uulat.

Tsart ng mga sagot sa survey


Mga mag- Sino ang Bakit mo sila Paano mo Ang
aaral na pinasalamatan? pinasasalamatan? ipinakita ang kabutihang
sumasagot iyong naidudulot
sa survey pasasalamat? ng
pagpapakita
mo ng
pasasalamat
1
2
3
4
5

Pagkatapos sa survey babalik ang mga mag-aaral para itala ang kanilang mga nakalap na datos.
IV. Pagtataya

Tayahin ang iyong pag-unawa.

1. Ano, para sa iyo, ang pasasalamat?


2. Bakit mahalaga na maisabuhay ang birtud na pasasalamat?
3. Paano naipakita ang kawalan ng pasasalamat?
4. Ano ang entitlement mentatility? Magbigay ng mga halimbawa.
5. Ano-ano ang magagandang dulot ng pasasalamat sa ating kalusugan? Sa ating buhay?
V. Takdang Aralin

Inihandi ni: Remark/s:

You might also like