You are on page 1of 39

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VI-Western Visayas
SCHOOLS DIVISION OF ILOILO
BAROTAC VIEJO NATIONAL HIG SCHOOL
Barotac Viejo, Iloilo

𝓔𝓭𝓾𝓴𝓪𝓼𝔂𝓸𝓷 𝓼𝓪 𝓟𝓪𝓰𝓹𝓪𝓹𝓪𝓴𝓪𝓽𝓪𝓸
𝓓𝓮𝓹𝓪𝓻𝓽𝓶𝓮𝓷𝓽

Alleen Joy B. Solivio


𝒯𝑒𝒶𝒸𝒽𝑒𝓇 𝟣
𝕰𝖉𝖚𝖐𝖆𝖘𝖞𝖔𝖓 𝖘𝖆 𝕻𝖆𝖌𝖕𝖆𝖕𝖆𝖐𝖆𝖙𝖆𝖔 7

Pasasalamat sa Kapwa
Kwarter 3 Week 4
I. LAYUNIN
1.Napagninilayan ng mga mag-aaral na
napakaraming dapat ipagpasalamat dahil
sa biyayang natanggap.
Nauunawaan ng mag-aaral na ang
2.
pagpapakatao ay isa sa mga paraan ng
pagpapakita ng pasasalamat sa mga biyayang
natanggap.
I. LAYUNIN

3.Naisasagawa ang mga angkop na kilos


na nagpapakita ng pasasalamat.
A. PAMANTAYANG
PANGNILALAMAN
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-
unawa sa mga konsepto tungkol sa
pasasalamat
B. PAMANTAYAN SA PAGGANAP
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga
angkop na kilos sa isang pangkatang
gawain ng pasasalamat
C. MGA KASANAYAN PAMPAGKATUTO
1. Natutukoy ang mga biyayang natatanggap mula sa
kabutihang-loob ng kapwa at mga paraan ng
pagpapakita ng pasasalamat. (EsP8PBIIIa-9.1)

2. Nasusuri ang mga halimbawa o sitwasyon na


nagpapakita ng pasasalamat o kawalan nito.
(EsP8PBIIIa-9.2)
II. NILALAMAN

AM AT
A SAL
PA S
SA
P W A
KA
A. SANGGUNIAN Edukasyon sa Pagpapakatao 8
Kwarter 3 Week 4 : Pangarap at
Mithiin, Most Essential Learning
Competencies (MELCS) pahina 106
1. Mga Pahina mula sa modyul ng Pahina 227-252
mag-aaral

2. Mga karagdagang kagamitan sa Mga larawan mula sa internet


pagtuturo
B. IBA PANG KAGAMITANG Edukasyon sa Pagpapakatao 8,
PAGTUTURO Student Learning Material
PANUTO:
• Para sa mga sumusunod na Gawain, maaring sumagot sa papel ang mga
mag-aaral. Ngunit kung sila ay may access sa internet ay maaring isumiti
ang kanilang Gawain online maaring buksan ang link
https://www.facebook.com/messenger_file/?
attachment_id=325957872787858&message_id=mid. Sa google classroom
naman https
://classroom.google.com/c/NTA1NTcwMDY2ODQw?cjc=mu6lbue
III. PAMAMARAAN
A. Pagganyak
Gawain: Picture Presentation
Pagpapakita ng larawan at sagutin ang
mga sumusunod na mga gabay tanong
a. pagganyak
Gabay na tanong:

1. Ano ang mga isinasaad ng larawan sa itaas?


2. Bakit mahalaga ang salitang salamat?
3. Ngayong panahon ng pandemya, sa paanong paraan mo
maipapakita ang pasasalamat sa mga taong naglaan ng
kanilang oras sa pagtulong upang magapi ang pagkalat
ng virus na Covid-19?
4. Ano ang pakiramdam mo nung naipakita mo ang
iyong pagpapasalamat sa ating mga frontliners na
patuloy na lumalaban para malampasan ang
pandemyang nararanasan natin ngayon?

5. Ikaw, ano ang kuwentong personal mo sa salitang


pasasalamat?
B. Gawain
“Puso ng Pasasalamat”
Panuto: Sa loob ng iba’t-ibang hugis mababasa at
makikita ang mga kabutihan at kagandahang-
loob na ipinakita ng kapwa. Ibigay ang mga
biyayang iyong natanggap at ang iyong mga
paraan ng pagpapakita ng pasasalamat kaugnay
dito.
Biyayang natanggap:________________________________________
Paraan ng pagpapakita ng pasasalamat:_________________________
C. PAGSUSURI
• Mga gabay tanong:

1. Ano ang natutunan mo sa iyong sarili matapos mong


magawa ang mga gawain?

2. Ano ang naidudulot ng pasasalamat sa pakikipagkapwa?

3. Ano ang positibong nagagawa ng pagiging


mapagpasalamat sa lahat ng pagkakataon?
D. PAGTALAKAY NG ARALIN
ANO ANG PASASALAMAT?

• Ito ay gawi ng isang taong mapagpasalamat. Ang pagiging


handa sa pagmalas ng pagpapahalaga sa taong gumagawa
sa kaniya ng kabutihang-loob. Ang pasasalamat sa salitang
ingles ay gratitude, na nagmula sa salitang Latin na gratus
(nakalulugod), gratia (pagtatangi o kabutihan) at gratis
(libre o walang bayad).
May tatlong uri ng pagpapasalamat ayon kay Sto. Tomas
de Aquino:

a. Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa

b. Pagpapasalamat sa kabutihan na ginawa ng kapwa

c. Pagbabayad sa kabutihan na ginawa ng kapwa sa


abot ng makakaya.
Mga ilang Paraan ng Pagpapakita ng Pasasalamat
1. Magkaroon ng ritwal na pasasalamat. Isang magandang
halimbawa nito ay kapag ipinapapasalamat mo ang mga bagay
at tao sa iyong pagdarasal.

2. Magpadala ng liham-pasasalamat sa taong nagpakita ng


kabutihan o higit na nangangailangan ng iyong pasasalamat.
Ang pagsasabi ng salitang “Thank you!”, “Salamat”, o
“Thanks” ay maaaring simple ngunit maaari itong
magparamdan ng malalim na pagpapasalamat sa taong dapat
mong pasalamatan. Maipapakikita rin ito kahit sa pagsususlat
ng liham-pasasalamat, chat o eMail.
• 3. Bigyan ng simpleng yakap o tapik sa balikat kung
kinakailangan. Mahalagang maipadama mo ang iyong lubos
na pasasalamat sa pamamagitan ng simpleng yakap o tapik
sa balikat. Wala man itong kasamang salita, ito rin ay
magpaparamdan ng lubos mong pasasalamat.

• 4. Magpasalamat sa bawat araw. Dapat tayong mabuhay sa


isang positibong pananaw. Ang araw-araw nating paggising
ay isang biyaya na kailangang ipagpasalamat.
• 5. Ang pangongolekta ng mga quotations ay magpapabuti
sa iyong pakiramdam. Ito na marahil ang ating
nakasanayang gawin lalo na kung tayo ay gumagamit ng
Facebook o messenger upang magpahiwatig ng
pasasalamat sa ating mga kaibigan o kamag-anak. Ang
mga qoutations galing internet ay isang magandang
alternatibo kung tayo ay may gustong pasalamatan.
Mangyari lamang na hindi natin dapat angkinin ang mga
quotations na ito, bigyan natin ng kredit ang may-ari.
• 6. Gumawa ng kabutihang-loob sa kapuwa nang hindi
naghihintay ng kapalit. Lagi nating tandaan na ang
kabutihang loob ay hindi naghihintay ng kapalit. Ito ay
kusang loob at dapat ding ipagpasalamat.

• 7. Magbigay ng munti o simpleng regalo. Isang simpleng


regalo ngunit ng pag-alaala sa taong gumawa sa iyo ng
kabutihan ay tunay na nagbibigay kasiyahan. Ang
mahalaga lamang ay bukal ito sa iyong loob.
Ang Kawalan ng Pasasalamat

• Ang kabaligtaran ng pagiging mapagpasalamat ay


masasalamin sa entitlement mentality. Ito ay isang
paniniwala o pag-iisip na anumang inaasan ng isang tao ay
Karapatan niya na dapat bigyan ng daliang pansin. Iniisip
niya na kailangang ibigay ang kanyang mga Karapatan kahit
walang katumbas na tungkulin o gampanin.
Halimbawa:

• Ang hindi pagbibigay-salamat ng mga anak sa kanilang


magulang sa kabila ng sakripisyong ginawa nila para
mabigyan ang mga ito ng magandang kinabukasan.
Katuwirn nila na sila naman ay mga anak at nararapat
bigyan ng edukasyon.

• Mahalagang maunawaan ng mga anak na may karapatan


silang mag-aral ngunit kailangan nilang mag-aral ng
mabuti bilang pasasalamat o pagtanaw ng utang-na-loob
nila sa kanilang mga magulang.
• Isa pang halimbawa nito ay ang pagiging agresibo ng
mga kabataang tulad mo na makuha ang gusto sa oras
na gustuhin nila. Inaasahan nila na ang magulang nila
na ibigay ang kagustuhang ito dahil ang nasa isip nila
ay nararapat silang magkaroon ng pinakamodernong
gadget tulad ng cellphone, tablet, o laptop.
Ano nga ba ang nagagawa ng pagiging mapagpasalamat?

• Ayon kay Sonja Lyubommirsky, isang kilalang sikologo


may pitong dahilan kung bakit nagdudulot ng kaligayahan
sa tao ang pasasalamat: Ang paglalaan ng 15 minuto
bawat araw na magtuon sa mga bagay na pinasasalamatan
ay nakapagdaragdag ng likas na antibodies na responsable
sa pagsugpo sa mga bacteria sa katawan.

• Ang mga likas naa mapagpasalamat na tao ay may pokus


ang kaisipan at may mababang pagkakataon na
magkaroon ng sakit.
• 2. Ang pagiging mapagpasalamat ay naghihikayat upang
maging maayos ang Sistema ng katawan sa pamamagitan
ng pagkakaroon ng mas malusog na presyon ng dugo at
pulse rate.

• 3. Nagiging mas malusog ang pangngtawan at mas


mahusay sa mga gawain ang mga mapagpasalamat na tao
kaysa sa hindi.

• 4. Ang mga benepaktor ng donation organ na may


saloobing pasasalamat ay mas mabilis gumaling
Bukod sa mga benepisyong naidudulot ng pasasalamat sa
kalusugan, nagbibigay din ito ng kaligayahan sa ating buhay:
1. Nagpapataas ng halaga sa sarili

2. Nakatutulong upang malampasan ang paghihirap at masamang


karanasan

3. Nagpapatibay ng moral na pagkatao

4. Tumutulong sa pagbuo ng samahan ng kapuwa, pinapalakas ang


mga kasalukuyang ugnayan at hinuhubog ang mga bagong ugnayan
sa kapuwa
5. Pumipigil sa tao na maging maiingitin sa iba.

6. Hindi sumasang-ayon sa negatibong emosyon.

7. Tumutulong upang hindi masanay sa pagkahilig sa mga


materyal na bagay o kasiyahan.
E.PAGLALAHAT
• Ang pasalamat ay isa sa mga pagpapahalaga ng mga Pilipino.
Naipakikita ito sa pagiging bukas loob. Nangyayari ito sa
panahong ginawan ka ng kabutihan ng iyong kapuwa.

• Ang pagiging mapagpasalamat ay tanda ng isang taong puno


ng biyaya, isang pusong marunong magpahalaga sa mga
magagandang biyayang natanggap mula sa kapuwa. Isang
malaking bahagi ng pasasalamat ay ang pagpapakumbaba dahil
kinikilala mo na hindi lahat ng mga magagandang nangyari sa
buhay mo ay dahil lamang sa sarili mong kakayahan o
pagsisikap.
E.PAGLALAHAT

• Kinikilala ng mga mapagpapasalamat ang tulong at suporta


na ibinigay ng kanilang magulang, guro, kamag-aral at
lalong lalo na ang Diyos na nagbigay ng pagpapala at
tagumpay na ating nakamit.
IV. PAGTATAYA NG ARALIN
• Panuto: Gumawa ng isang reflection paper mula sa iyong mga
natutuhan sa araw na ito. Gamitin ang mga sumusunod na
katanungan sa paggawa ng lalamanin ng iyong reflection
paper.

• Sino-sino ang binigyan mo ng pagpapahalaga sa iyong buhay?


• Naipakikita mo ba ang iyong pasasalamat sa mga taong
malalapit sa’yo? Sa papaanong paraan?
• Mahalaga ba para sa iyo ang maging mapagpasalamat? Bakit?
V. KARAGDAGANG GAWAIN
• Papipiliin ang mga mag-aaral sa sumusunod na Gawain kung saan
irerepresenta nila ang ibat ibang uri ng pasasalamat sa
pamamagitan ng mga sumusunod:

1.Paggawa ng ilustrasyon
2.Pagsulat ng isang tula
3.Comic strip
• Kung walang kagamitan na maaring magamit sa pagsasagawa ng
karagdagang gawain, maaring maghanap ng larawan sa lumang
libro o magasi na kung saan puwedeng magamit sa alin mang
pagpipiliang available resources.
KRAYTERYA 5 4 3 2
  Ang Gawain ay Ang Gawain ay Ang Gawain ay kulang Ang Gawain ay
DETALYE nahihigitan pa ang kumpleto sa sa isang hanggang sa walang detalye.
hinihinging detalye. dalawang
detalye. kailangan/mahalagang
detalye

  Ang impormasyon Ang impormasyon Ang presentasyon ay Hinde malinaw


PRESENTASYON ay naipresenta ng ay naipresenta ng hinde maayos ang
napakaganda maganda/kasiya- presentasyon.
siya.

  Ang sitwasyon ay Ang sitwasyon ay Ang presentasyon ay Hindi


PAGLALARAWAN nailalarawan ng nailalarawan ng hinde maayos nailarawan ang
mabuti at kaaya- maayos presentasyon
aya
  Ang output ng Ang output ng Ang sitwasyon ay Hindi maganda
PAGKAMALIKHAIN gawain ay gawain ay maganda nailarawan ngunit ang output ng
napakaganda at hindi maayos gawain.
kaaya-aya
MARAMING
SALAMAT PO

You might also like